Chapter 5

1817 Words
CAMILLE Natapos ang pasko, sumunod ang bagong taon. At katulad ng napag usapan namin ni Keith, ipapakilala ko sya kila Mama kaya eto kami at nakaupo sa upuan naming kahoy habang kaharap sila Mama at Papa. Tapos nasa paligid naman ung mga kapatid ko, ung iba nag luluto para sa handaan mamaya. "Manliligaw ka ng anak namin?" Tanong ni Papa. Hindi naman nakakatakot si Papa pero dahil unang beses kong magpapakilala sa kanila ng manliligaw parang natatakot na ko. "Opo." Maikling sabi ni Keith na nasa gilid ko kaya napasalin ung tingin ko sa kanya. Mukha namang relax lang sya at hindi kinakabahan. "Baka naman teacher mo to, Cami?" Singit ni Ate na nakataas ang kilay, sasagot sana ko pero naunahan ako ni Keith. "Hindi nya ko professor. I'm one of their regular customers at a coffee shop and her admirer also." Sagot nya at tumingin sakin sabay ngiti. "Kung hindi mo mamasamain. Anong year mo na ba sa kolehiyo?" Tanong naman ni Mama. Tss! Ano ba?! Hindi naman kami magtatanan! "I'm actually working na po. Sa Monticlaro Enterprise." Sabi nya. Mukha namang nagulat sila Papa. "Ilan taon ka na ba, ijo?" Tanong ni Papa. "25 na sya, Pa." Sagot ko, tumango tango lang si Papa. "Wala namang problema sa panliligaw. Nakakagulat lang dahil ngayon lang nagdala itong si Cami ng manliligaw dito sa bahay, kaya medyo maraming tanong." Sabi ni Papa kay Keith na ngumiti lang naman. "Wala pong problema. And wag po kayo mag alala, Tito. My feelings for your daughter is pure and true." Nakangiting sabi nya. "Salamat. Wag mo sanang saktan ang anak ko dahil ikaw pa lang talaga ang pinapakilala nya samin." Nakangiti din sabi ni Papa. "Wag po kayong mag alala Tito. Hindi ko po gagawin yun. Hindi ko po pinapangako pero susubukan ko po." Sabi nya teka nga! "Pa! Manliligaw pa lang naman si Keith. Bakit kung sabihin nyo yang mga yan akala nyo kukuhain na ko nitong lalaking to." Histerekal na sabi ko. Natawa lang naman sila Papa kasama si Keith. Kaya tinignan ko sya ng masama, agad naman syang tumahimik dahil dun. Pero nagpipigil pa din ng tawa. "Sinasabi ko lang naman. Syempre iba ng magpaalala agad bago pa gawin. Atska malay mo etong si Sir Keith na ang para sayo." Biro ni Papa. "Pa!" Sigaw ko kaya tumawa na naman sila. Tsk! napagtripan na naman ako. "Kakain na." Mataray na sabi ni Ate at nauna pang maglakad. "Osya! Tara na at maghapunan. Sabayan mo na kami, Sir Keith." Yaya ni Papa. "Sige po pero Keith na lang po." Habol ni Keith. Sumang ayun naman si Papa ska tumayo at nagpunta sa hapag dahil handa na ung pagkain dun. Sinundan naman sya nila Mama na nakangiti. Pero si Ate, Alam kong hindi sya masaya. Tumingin naman sakin si Keith at kumindat. "Gwapo ko ‘no?" Bulong nya sakin natawa na lang ako dahil sa sinabi nya. "It's official. I'm courting you." "Oo na. Nagpaalam ka na kila Papa e." Sabi ko na lang sa kanya. "Tara! Kain tayo para makauwi ka din agad sa inyo at makasama mo sila sa pagsalubong ng New Year." Yaya ko sa kanya kaya sabay kaming tumayo at nagpunta ng lamesa. Kumuha ng pagkain at bumalik sa sala dahil maraming niluluto dito na lang kami kakain. Mukhang sanay naman sya sa bahay namin. Siguro dahil nga hindi naman daw sila ganoon kayaman. Habang kumakain, nagkwentuhan lang sila nila Filan, mukha namang nakuha nya ang loob ng mga kapatid ko unlike kay Lloyd na minsan hinahayaan lang nila dito sa sala kausap si Ate. After kumain nagstay lang muna sya saglit bago nagpaalam. Babalik na lang daw sya sa sususnod. "I like your family. They're nice and approachable. I actually want to spend more time with them kaso my mom's boss invited us to have a new year with them. I also want to invite you to come pero hindi na lang. Maybe next time, ikaw naman ang ipapakilala ko." Nakangiting sabi nya ng makarating kami sa kotse nya. Napangiti na din ako at tinanguan sya. "Next time mo na ko ipakilala pag sinagot na kita." Biro ko sa kanya na ikinatawa naman nya ng bahagya. "Bakit kinabahan ako bigla don feeling ko hindi mo ko sasagutin?" Natatawang sabi nya. "Sira! Tignan nating kung hanggang saan tatagal si Mr. Assistant! Sige na at mag ingat ka. Thank you ulit and Happy New Year." Sabi ko at pinatalikod na sya sabay tulak ng unti. Natatawa lang sya at nagpapabigat. Hayop to! "Tatagal ako kaya nga nagpaalam ako e." Sabi nya tapos humarap ulit sakin. "Thank you din. Happy New Year." Dagdag nya pa at humalik sa noo ko. Ngumiti lang ako tapos nag paalam na sa kanya, sya naman sumakay na sa kotse nya at umalis na. Nung umalis na sya dun bumalik na ko ng bahay pero hindi pa ko nakakapasok, nakita ko si Ate na nasa labas at nagsalita. "Seriously? Papatol ka sa matanda sayo? Siguro buntis ka kaya biglang nagpakilala sya tapos sunod magpapakasal na kayo?" Sabi nya kaya biglang nagbago ang mood ko. "Anong problema mo kay Keith? Pinakialaman ba kita nung naging kayo ni Lloyd at may ginawa kayong kung ano? Atska wag mo kong ilagay kung nasaan ka, Ate. Baka ikaw ang buntis dahil ikaw ang may ginagawang iba." Pagtataray na sabi ko at mukha namang natigilan sya dahil sa sinabi ko. "Ate mo pa din ako! Kung makapagsalita ka sakin, walang respeto!" Sabi nya at tumataas na ung boses. "Nirerespeto pa rin kita, Ate. Dahil kung hindi baka alam na nila mama ang ginagawa nyo ni Lloyd." Sabi ko at tumingin sa kanya ng tamad. "Uulitin ko, wag mo kong ilagay sa sapatos kung saan andun ang paa mo." Dagdag ko pa. After kong sabihin un nagderederetso na ko sa loob. Tutulong na lang ako kila Mama mag handa ng para mamaya. Nakakapanghinayang lang na sobrang close namin ni Ate noon pero dahil sa ginawa nya nagkaroon ng lamat at hindi ko alam kung matatapalan pa. Hindi ko pa gaano matanggap ung ginawa nya at alam kong pinagpapatuloy pa din nila un ni Lloyd. Lumipas ang araw at may pasok na naman kami. May pasok pa din ako sa cafe. Si Keith naman, patuloy pa din sa panliligaw nya at sa ginagawa nya mukha ngang seryoso sya. Lagi nya kong sinusundo at minsan nasa bahay. Minsan na din silang nagkita ni Lloyd. Syempre insecure na naman ung Lloyd na un. Minsan lang ako magyabamg pero worth it naman! "Cami! Break na tayo." Sigaw ni Bren sakin nasa loob kasi ako at tumutulong dun dahil balik eskwela na madami ding tao dito. "Wait lang!" Sabi ko na lang habang tinatapos ung ginagawa ko. "Paserve." Sigaw ko at bumalik ulit. Ilang minuto pa, lumabas ako at sumabay kay Bren. Habang nakain kami biglang salita si Bren. "Cami. Ano mo si Mr. Assistant?" Tanong nya sakin. Kaya napaangat ung ulo ko sa kanya. "Bakit?" Balik kong tanong at hindi sumagot. "Nakikita ko kasi kayo tuwing out mo at parang sobrang close nyo na. Tapos lagi ka din nyang sinusundo. Kayo na ba?" Tanong nya ulit. Huminga muna ko ng malalim at pinunasan ung bibig ko. "The truth is, he's courting me." Sabi ko bahagya naman syang nagulat at dahan daham napatango. "Agad? Parang last year lang kayo nagkakilala ah. Pumayag ka?" Tanong nya na parang may hinanakit. "Hoy! Anong problema mo? Bakit para kang may hinanakit. Crush ko sya kaya pumayag ako. Actually... I'm falling for him." Pag amin ko sabay yuko. Marupok na nga ata ako dahil sa sandaling panahon pa lang kaming magkakilala ni Keith, nahuhulog na ko sa kanya. Pafall kasi ang loko na un! Sya pa lang din ang nag paramdam sakin ng paano magustuhan ng lalaki. I mean sya lang ung gumawa nag hakbang kahit after nyang mag confess at hindi ko pansinin. Kaya ganun kabilis nyang napasok ung puso ko. "Ang bilis. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon." Malamig na sabi nya at tumayo. Kaya sinundan ko sya ng tingin. "Una na ko." Sabi nya lang at naglakad. Anong problema nun? Nagkibit balikat na lang ako at tinapos ung pagkain ko. After kong kumain nagpahinga muna ko ng ilang minuto bago bumalik sa cafe. Pagpasok ko, nanibago ako dahil hindi ako pinapansin ni Bren. Si Bren ang unang kaibigan ko dito sa cafe dahil nung nagstart ako dito sya ang trainer ko. Sya ang laging taga saklolo ko pag nagkakaroon ng problema. Pero ngayon... Iba kasi hindi nya ko pinapansin. Natapos ang shift ko at pareho kaming pauwi na. Nauna syang lumabas, kaya nagmadali akong sundan sya. Dahil gusto ko syang kausapin, buti na lang din at wala si Keith ngayon dahil may importanteng lakad daw ung boss nya. "Bren! Wait lang!" Tawag ko sa kanya habang hinahabol pa din sya. Nakakapagod ah. "Bre! Saglit nga! Nakakapagod ah!" Inis na sabi ko. Huminto naman sya at tumingin sakin na nakataas ang kilay. "Ano ba un? Ayokong kausap ka Mille." Sabi nya at maglakad ulit. "Bren! Saglit lang kasi! Ano bang problema mo? Hindi mo ko pinapansin, nagwalk out ka kanina dun sa kinakainan natin, nag iba ung mood mo. Anong problema mo?" Derederetsong sabi ko. Natawa naman sya bahagya at tinignan ako na parang naamaze tapos umiling sabay tingin sa taas. "Ang manhid mo, Camille." Sabi nya at tinignan ako sa mata. "Sa tagal nating nagsama, wala ka man lang bang napansin o naramdaman? Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sakin?" Tanong nya habang naluluha. "Ano bang ibig mong sabihin?" Tanong ko na lang dahil hindi ko gusto tong idea na tumatakbo sa utak dahil pag nangyari pareho kaming lalayo sa isat isa. Lalo na ko. Tumitig muna sya sa mga mata ko bago nagsalita. "I love you. Hindi mo alam kung saan nag umpisa basta ang alam ko mahal kita." Pag amin nya sa nararamdaman nya. Umiling naman ako. "Biro mo lang to diba? .." natatawang magsabi ko kunwari lang akong nakangiti pero kinakabahan ako. "Sa itsura ko magbibiro pa ko, Camille." Seryosong sabi nya kaya sinipat ko ung mukha nya at ou nga! Hindi sya nagbibiro. "Mahal kita pero hindi ko manlang nagawang umamin sayo ng maaga dahil iniingatan ko ung pagkakaibigan natin. Pero ang sakit palang sabihin mo sakin ng harapan na may iba ka ng nagugustuhan. Akala ko kasi mag aaral ka pa at akala ko ayaw mo pa. Pero mali kasi naunahan ako ." Sabi nya at kitang kita ko na naglalandas ung luha nya. "Bren. I'm sorry talaga." Sabi ko na lang dahil tumalikod na sya. "I'm sorry for myself dahil nung may pagkakataon pa hindi mo kinuha ung opportunity na un para magconfess sayo." madamdaming sabi nya at lumakad ng paalis. Hindi ko na magawang magsalita pa dahil lumakad na sya agad. hindi ko na sya hinabol Bren like me? Manhid ako? Gusto nya ko? --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD