Chapter 4

2190 Words
CAMILLE Malapit na ang pasko kaya naman, maraming tao dito sa cafe. Dahil may mga friends na naggeget together. Medyo kampante na din ako dahil after I talk to my sister and her boyfriend. I hope they fulfill their promise basta isa lang ang sinabi ko sa kanya. Wag na wag nilang gagawin sa bahay ulit un dahil hindi lang sarili nila ang hindi nila nirerespeto kundi ang parents namin. Wala na din naman kasi akong magagawa. Nangyari na sa kanila, kahit anong pigil ko, hindi na nila mapipigilan un. Unless mag hiwalay silang dalawa. Sinabihan ko din si Ate na uminom ng pills para naman hindi sya mabuntis. Hindi sa ayoko sa bata. Hindi pa kasi panahon. Natapos ang shift ko sa cafe at nag abang na ko ng masasakyan. Medyo rush hour ngayon dahil may mga malls na bukas hanggang hating gabi kaya hirap ako makasakay. Habang magiisip ng ipang reregalo sa pamilya ko, may biglang nagsalita. "Okay ka lang? Lalim ng iniisip mo,” sabi nun kaya napatingin ako sa kanya agad. Si Sir Keith pala! Lagi tong nasa cafe tas kinakausap ako. Mukhang totoo nga ung sinabi nya na type nya ko pero hindi ko pa din makuhang magsaya. Kasi iniiwas ko ung sarili ko sa relasyon ngayon. Paano kung magaya ako kay Ate? Or mas malala pa. "Ah. Sorry po. Nag iisip lang ng ipangreregalo." Sabi ko at ngumiti. "Hm... Pauwi ka na tama? Hatid na kita. Mamaya ka pa makakaalis pag nag antay ka ng jeep." Sabi nya kaya tinignan ko ulit sya. Nakangiti at parang umaasa na papayag ako. Pero tama naman sya kasi madami talagang tao at mahihirapan akong sumakay. "Okay lang ba? Nakakahiya naman." Sabi ko pero tumawa lang sya. "Okay lang. Ikaw naman eh. I already told you. I like you. So... Tara?" Sabi nya at inilahad pa ung kamay nya sakin. Na hypnotize ata ako sa ngiti nya kaya tumango ako at kinuha ung kamay nya kaya hinila nya ko papuntang kotse nya. Pinagbuksan ng pinto, kaya pumasok ako. Nung nakita nya na okay na ko. Ska sya lumipat sa kabila para magdrive. Kinabit ko na lang ung seatbelt at inantay sya dun. Pagkapasok nya, sinulyapan nya ata kung nakabit ko na, nung nakita nyang okay na. Nagseatbelt na din sya. Tapos umandar na. Sinabi ko lang kung san ako nakatira. Medyo trapik kaya naman matagal kami sa kalsada. Tahimik, pero binasag nya din. "Nitong mga nakaraan, it's seems you avoiding me. May problema ka ba? Did I scare you when I said you are my type?" Tanong nya kaya nilingon ko sya. Nakatingin pa din naman sya sa daan. "Ahm. Hindi naman. May pinagdadaanan lang din kasi ako kaya ayoko muna sanang mag entertain ng mga katulad mo. I mean ung mga nagpapahaging." Nakayukong sabi ko. "Ow... Break up? Kung un man. Kaya kong mag antay. Pero kung problema man yan sa pamilya. Wag mong sarilinin. I'm here to listen. I know I'm a bit strange to you pero mas okay daw un. I won't judge you or your story." Sabi nya kaya namang umangat ung tingin ko sa kanya. At tinitigan lang sya, naramdaman ata nya un kaya sinulyapan ako ng nakangiti. "Salamat. Hindi ka naman na gaanong stranger sakin. Mukha naman totoo ung mga pinapakita mo. Hindi lang din ako sanay." Sagot ko lang na ikinatawa nya. "Totoo naman un. Pati ung pag sasabi ko na gusto kita. Seryoso ako dun." Sabi nya sakin. "Ang bilis naman ata?" Tanong ko sa kanya. Ayun din naman kasi ung gusto ko talagang malaman. Bakit ang bilis? "Hindi un, mabilis. Last year pa kita nakikita dyan sa cafe nyo. Hindi ka nga lang nagtatawag ng coffee. Nasa loob ka lang. Ngayon ka lang naman lumabas eh." Sabi nya kaya nagulat ako. Last year? Oo lagi akong nasa kitchen nun kasi nahihiya pa ko sa labas. "Talaga? Ibig sabihin regular customer ka talaga namin?" Tanong ko sa kanya. Natatawang tumango naman sya. "Yes. Hindi lang ako. Pati ung mga kaibigan ko." Sabi nya pa. Ah! Sila Sir Henry. Yayamanin! "Mayaman ka siguro no? Yayamanin ung mga kaibigan mo e..." sabi ko, mukhang hindi kami talo! Mayaman sya, dukha lang kami. "Hindi. Sila lang. Naging kaibigan ko lang sila kasi ung mother ko, assistant/secretary ng father nung isang kaibigan ko." Kwento nya. Nagkwento na sya. So hindi pala sila mayaman but he has a car! Ganda nitong kotse nya. "At etong kotse na to. Regalo lang sakin ng mga kaibigan ko din." Sabi nya bago lumiko pa punta sa street namin. "Ah. So... Sila ang mayaman. Pero ilang taon ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "25. Working na ko. Sa Monticlaro Enterprise." Derederetsong sagot nya kaya napatango tango ako. "Taray! Anong work mo dun?" Tanong ko sa kanya. "Hm... Assistant ng anak ng may ari ng kompanya. Kay-" pinutol ko ung sasabibin nya.. "Ah! Kaya Mr. Assistant! Kasi assistant ka!" Napapalakpak kong sabi kaya natawa sya sa reaksyon ko. "Yes. Ang cute mo naman." Sabi nya at inihinto na ung kotse nya. "Dito na tayo. San banda bahay nyo?" Tanong nya kaya napabaling na lang din ung tingin ko sa labas. "Ah! Doon." Turo ko dun sa hindi gaano kalakihan na bahay namin. "Oww... Okay. See you tomorrow. Pwede ko naman sigurong gawin to araw araw nuh? Ang ihatid ka. If you don't mind." Sabi nya at tumingin sakin. "Hm... Sige na nga. Wala ka naman sigurong gagawing masama sakin diba?" Paninigurado ko. "Wala. Promise. Ska na pag mahal mo na ko. Sige na, baba na." Sabi nya pero nakatingin lang ako sa kanya. "Baba na, Camille," sabi nya ulit kaya natauhan ako at bumaba na. "Salamat ulit, Sir Keith. Ingat ka po sa byahe." Nakangiting paalam ko. "Salamat. Keith na lang. Alisin mo na ung sir. Bye, Camille." Nakangiti din sya nagwave na ko ulit bago naglakad papuntang bahay. Nakakapagtaka kasi maingay bago ako pumasok kumaway na lang ako ulit dun sa kotse tapos pumasok na. Kinakabahan pa ko kasi maingay buti naman at wala naman palang away. Nag uusap lang kung anong ihahanda sa pasko. Tss... Hindi naman ako dapat kabahan diba? Sabi naman ni Ate pipilitin nilang iwasan at mag iingat sila. Lumipas ang araw at katulad ng sinabi ni Keith. Inihahatid nya ko sa bahay after ng shift ko. Wala naman kaming pasok sa school kaya nakafull time ako sa work ko. Sya din naman pala, fulltime. Nalaman ko na Marketing Department ung hinahandle nila ng boss nya. December 24 na ngayon at maaga kaming mag sasara. Sinabi ko na din kila mama na maaga ako uuwi, nakabili na din ako ng pangregalo at satisfied ako dun. May binili nga din ako para kay Keith ih. Hindi ko alam. Trip ko syang bigyan, nung nakita ko kasi un parang bagay sa kanya. Sana magustuhan nya. Lumabas na ko ng cafe at nakita ko sya agad. Well! Kakalabas lang din naman nya halos. Nagkape na naman sya. Lumapit na ako sa kanya ng nakangiti. "Ang cute naman ng smile mo. Merry Christmas. Tara na?" Bati nya sakin. Lagi nyang sinasabi na cute ako. "Salamat. Merry Christmas din. Tara na. Para makauwi ka din sa inyo ng maaga." Sabi ko. Sumakay na kami ng kotse nya at sya naman nagdrive. Bago kami makarating ng bahay dumaan muna kami ng cakeshop may bibilhin lang daw sya. Hindi na ko bumaba at inintay na lang sya sa kotse nya. Pabalik nya may dalawa syang box ng cake na hawak. Inilagay nya lang un sa likod ng kotse tapos nagdrive na ulit para ihatid ako. Pagdating namin ng medyo malapit sa bahay, hininto na nya. Ganun naman kami lagi. Ayoko kasing makita sya nila mama, I mean for now. "Merry Christmas, Camille." Nakangiting sabi nya. "Merry Christmas din, Keith. Thank you!" Balik ko sa kanya pero may naalala ako. Kaya binuksan ko ung bag ko pero hindi ko nadala ung regalo ko sa kanya. Hala! "Ahm! Nagmamadali ka ba? Wait lang! May kukunin lang ako, wag kang aalis hangga't hindi ako nakakabalik. Okay? Wait lang talaga." Sabi ko tapos binuksan na ung pinto pero ung seatbelt sagabal! "Relax. Hindi naman ako aalis agad. Antayin kita. Like I always do." Sabi nya tapos sya na mismo nagtanggal ng seatbelt. Ngumiti lang ako tapos bumaba na. "Antayin mo ko ah." Sabi ko at tumakbo na nga papuntang bahay para kunin ung regalo ko. Pagdating ko. Bigla naman akong kinabahan kasi nakita ko ung family ni Lloyd at si Lloyd na nandito. Binati ko na lang sila tapos umakyat na sa taas. Mamaya ko na tatanungin kung anong ginagawa nila dito. Babalikan ko muna si Keith. Pagkuha ko nung regalo ko sa kanya, bumaba na ko. "San ka pupunta? Kakauwi mo lang ah." Tanong ni Mama. "Sa labas lang po. May ibibigay lang. Babalik din ako agad." Sabi ko at magderederetso na. Mabilis akong naglakad papuntang kotse ni Keith at pumasok. Huminga muna ko bago ako magsalita. Kapagod kayang maglakad ng mabilis. "Here. Merry Christmas! Hindi yan kasing mahal ng mga regalo o bigay sayo ng mga kaibigan mo pero sana magustuhan mo. Thank you for being my sundo. Wag ka sana magsawa." Sabi ko sabay abot sa kanya ng regalo ko. It's just a gray polo shirt. I know it will suits to him. Since maganda ung katawan nya at medyo maputi sya. Polo shirt ung binili ko kasi medyo mapormal sya mag suot. Okay na ung polo shirt, semi formal. Ganurn! And there's a letter on it. "Sakin talaga to? Salamat. Ikaw nga lang sapat ng regalo tapos may bonus pa. Walang wala to sa regalo na binigay sakin nung mga yun. Kasi bigay mo to. And I will never get tired of picking you up. Thank you din for allowing me to know you more, Camille." Nakangiting sabi nya at ang gwapo talaga nya. "Ang gwapo mo. Sige na. Salamat ulit! Merry Christmas to your family!" Sabi ko at akmang baba ma pero pinigilan nya ko. "Ahm. Wait lang. May tatanong sana ko. Okay lang kung wag mo muna sagutin at pag isipan muna... And oh?! By the way. Para sa family mo." Sabi nya sabay abot ng cake na binili nya kanina. Ah! Samin pala un isa. "Salamat ulit. Ano pala tatanong mo?" Sabi ko habang kinukuha ung cake. "Ahm..." Papigil nyang sabi at huminga ng malalim. "Pwede bang manligaw? For real." Ayun ung sabi nya kaya napanganga ako. Hindi pa ba sya nanliligaw? "Ah! Akala ko nanliligaw ka na? Hindi pa pala ligaw un." Natatawang sabi ko. Sya naman nagkamot lang sa batok nya habang nakangiti. "Hindi naman ako nagpaalam sayo ih. Pero kung iniisip mo ng ligaw un. Edi nanliligaw na ko." Sabi nya at umayos ng upo. "So official ng nanliligaw ka?" Tanong ko sa kanya. "Yes. Gusto ko man pumunta sa bahay nyo ngayon para magsabi sa parents mo pero mukhang may mga bisita kayo kaya next time na ko." Sabi nya at tinuro ung Ate ko at si Josh na nasa labas at nakatingin dito sa kotse ni Keith. "Ah. Ung parents ng jowa ni Ate andyan kasi. Sige. Next time ka na nga. Paano? Merry Christmas ulit. Thank you ulit dito." Sabi ko at baba na. Pero pinigilan na naman nya ko. "Ano ulit un?" Natatawang tanong ko. "Can I hug you?" Tanong nya, ibinaba ko naman ung cake na binigay nya tapos tumango kaya naman agad nya kong niyakap tapos may naramdaman akong malamig sa leeg ko. "That's suit you, Camille. Merry Christmas and Thank you again." Sabi nya bago sya bumitaw na nakangiti. Tinignan ko naman ung necklace na bigay nya it's silver necklace with a coffee bean pendant. Ang cute! "Ang cute! Salamat Keith." Sabi ko at ngumiti. Nagpaalam na lang kami ulit sa isat isa tapos bumaba na ko dala ung cake. Nakita kong nakatingin sila Ate at Josh sakin habang naglalakad palapit ng bahay. "Sino un?" Tanong ni Ate ng makalapit na ko. "Kaibigan ko." Maikling sagot ko. Pero napahinto ako ng bigla syang magsalita na parang may ginawa akong mali. "Kaibigan mo o baka naman jowa mo? Sarap mag aral sa AHC nuh? Mayayaman ang nakukuhang jowa. Maaahon ka agad sa hirap pag nadisgrasya ka." Sabi nya kaya hinarap ako sa kanya. Sakin pa daw ipasa ung ginagawa nyang kalokohan. "Ayos ah. Ipasa daw sakin ang ginagawa nyang kalokohan. Sating dalawa dito. Ikaw ang may itinatago at hindi ako." Sabi ko at naglakad na papasok ng bahay. Inilapag ko lang ung cake sa lamesa tapos umakyat na ulit para magpalit ng damit. Hay! Paskong pasko! Mawawala ako sa mood. Tinignan ko na lang ung kwintas na binigay ni Keith. Coffee bean... Cute! Nakakatuwa. Seryoso talaga sya sa panliligaw sakin ah. Sabagay... I won't deny na nagkakaroon na rin ng lugar sa puso ko si Keith.. pero kailangan pa natin mag aral. "Ate Cami..." Tawag sakin ni Cheska kaya napatingin ako sa kanya. "Hm? Bakit?" Tanong ko naman. "Tara na daw po sa baba... Ate! Sinong magbigay ng cake? Masarap!" Nakangiting sabi nya kaya ngumiti na din ako. "Kaibigan ko lang. Tara na!" Sabi ko tapos inakbayan sya. ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD