Chapter 3

2116 Words
CAMILLE Nakaupo kami ni Bea dito sa grounds at nakatingin sa inaayos na stage. Bongga nga dito dahil ang sabi may pamini concern daw dito sa festival. May 3 hrs vacant kami kaya naisipan naming tumambay dito. Nag iisip isip na din. Kasi may kakaiba akong napapansin kay Ate. Nagiging mailap sya samin lalo na sakin tapos bukod dun lagi nyang kasama ung jowa nya. Pagtinatanong ko naman sya sabi nya busy sa school. "Huy! Malalim ang iniisip mo? May nangyari ba sayo?" Tanong ni Bea. "Wala. Medyo hindi lang ako mapalagay sa inaasta ng Ate ko. Pero baka kasi busy lang sa school. Yaan mo na." Sabi ko at tinignan ulit ung stage. Natapos ang araw namin sa school pero ako may panibagong dapat gawin un ay magtrabaho. Nagpalit na lang ako at nag ayos ng gamit ko para makalabas na. Pag labas ko may need agad na iserve. "Table 7" sabi ni Leah. "Kopya!" Sigaw ko at binasa ung order nila. Ska pinuntahan ung table 7. Paglapit ko nakita ko si Mr. Assistant at siguro mga kaibigan nya. "Good Afternoon, Sir. Here's your order...." Bati ko then isa isang ibinaba ung order nila pero nahinto ako ng tawagin ako. "Ah! Sabi ko na kilala ko ung boses eh! Ms. delos Santo! Working Student ka pala." Parang na mamanghang sabi ni Sir Henry. Ah! Kaibigan nya pala tong si Mr. Assistant. "You know her?" Tanong ni Mr. Assistant "Yeah. She's one of my student pero nasa kabilang block sya. Hindi ko sya advisory." Sabi ni Sir. "Dito ka nagwowork? Ngayon lang kita nakita." Dagdag nya pa. "Opo Sir. Kailangan po ih. Baka po natataon na nasa kitchen po ako." Sabi ko habang binababa ulit ung pagkain nila. "Ow... Good job then, kung makacomment ka sa estudyante kong madaming ginagawa, ikaw din naman pala. Nice!" Komento nya sakin. Ih! Mas madami namang ginagawa un si Nicole kesa sakin. "Salamat po. Dito na po ako Sir Henry. Enjoy your food po." Paalam ko at nagbow pa. "Thank you Cami." Sabi ni Sir Henry kaya ngumiti lang ako. Minsan ganun talaga ang tawag ni Sir samin. Parang tropa tropa nga lang ih. Pero magaling si Sir magturo. "Ay oh! Chumika pa dun sa table ng mga pogi!" Sabi ni Leo. "G*go! Prof ko ung isa dun." Sabi ko na lang at tinuloy ung pagseserve. Napansin ko naman na paalis na sila Sir. Pero nagulat ako ng kumaway sakin si Sir Henry. Ah! Close na kami. "Bye Cami. Ingat sa pag uwi. Mag review ka may quiz ako bukas." Sabi nya kaya nahiya ako bigla. Ganto pala to si Sir pag naging close mo. Kailangan siguro sabayan mo din sya sa trip nya. "Salamat po Sir Henry. Ingat din po." Paalam ko na lang. Ska sila umalis. Napansin ko naman na nakakunot ung noo ni Mr. Assistant. Pero wala ako pakels. Hiya pa din ako sa sinabi ko nuh! Hahahaha Natapos ang oras ko at pauwi na ko ng bahay. Malapit na ko ng makita ko si Ate at Kuya Lloyd, na naghahalikan. Seriously? Medyo madilim naman ung pwesto nila pero kung itatanong nyo bakit nakilala ko dahil alam ko ang features ng ate ko. At alam kong sila un. Naglakad na lang ako ng derederetso pero napansin kong ung kamay ni Kuya Lloyd napupunta na sa hindi dapat puntahan. Dapat bang sabihan ko si ate? Pero baka mahiya sya sakin. Pero paano kung mapaano sya? Magkamali? Alam ko ng hindi tama pero hindi ko pinansin... Sa sobrang pag iisip ko, nakarating ako ng bahay ng lutang. "Ate Cami! Kain na tayo!" Bati sakin ni Ika. Nginitian ko lang sya dahil hindi ko pa din maiwasan isipin si Ate. "Sige lang. Kain na kayo. Maya na ko." Sabi ko at umakyat na. Nagbihis at nahiga na lang muna ko. Mamaya na ko magrereview ulit. Ipinikit ko lang ung mata ko dahil napapagod ako mag isip, hindi naman nagtagal pumasok na si Ate sa kwarto, akala nya ata tulog na ko kaya naghubad sya sa harap ko at kitang kita ko ung mga pula pulang marka sa dibdib nya. Kitang kita ko kung paano nya hagurin ng palad nya ung mga marka na un. Hindi ako umimik at hinayaan lang sya. Nakabihis na sya at akmang lalabas ng tumunog ung phone nya. Sinagot naman nya un at hindi ko nagustuhan ung usapan nila. "Babe... Yeah, wala pa naman sila Mama... Oo... Nagustuhan ko din naman... Opo... Iinumin ko un para iwas disgrasya... Ikaw, gumamit ka din minsan ng condom para naman mas safe tayo... Opo. Sige na. Bye. I love you..." Tapos na putol ang tawag. "Hmp! Di man lang nag 'I love you too.'" Rinig kong sabi nya at tuluyan na ngang lumabas. Habang nag uusap sila. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi dahil nagagalit ako kasi ginawa nya yun kundi natatakot ako para sa kanya. Paano kung mabuntis sya at hindi panagutan... Kawawa naman sila Papa! Ung pag aaral nya! Sa sobrang iyak ko di ko na namalayan na nakatulog na ko at nagising sa alarm ko. Bumaba ako para maligo at nakita ko sila Mama na nagtitimpla ng kape. "Camille, anak. Hindi ka na naghapunan kagabi. May kasakit ba sayo?" Tanong ni mama. "Wala, ma. Pagod lang po ako. Ligo na ko." Naligo na ko at nag ayos papuntang school. Bago ako lumabas ng kwarto nakita ko si ate na umiinum ng pills nya. Sinulyapan ko lang sya. Nahalata naman nya un kaya ngumiti sya at sinabing vitamins nya lang daw. Pilit na lang akong ngumiti tapos lumabas na. Kumuha lang ako ng pandesal at umalis na. Wala akong ganang kumilos at kumain dahil sa nalaman ko kay ate. Di ko akalain na magagawa nya un dahil parehas kaming nangako na tutulong kila mama pag nakatapos. LUMIPAS ang isang linggo, tapos na ang midterm namin kaya eto at nakafocus kami sa booth na nakalaan samin. Kasama namin ang Block A to E. Nakaleave din ako sa trabaho ng dalawang linggo dahil sabi ko marami akong gagawin buti at pinayagan ako. "Oh! Dito yan materials na yan ah. Tapos dun sa kabila itong mga to! Kenny! Isusumbong kita kay Nicole! Sasabihin ko pang gulo ka lang!" Sigaw ni Sandra ata un. Basta ung VP ng block D. Wala kasi si Nicole dahil may iba silang inaasikaso. "Grabe! Eto na nga! Bubuhatin na gusto mo ikaw pa buhatin ko eh!" Sabi nung Kenny kaya naman natawa kami sa sinabi nya. "Nakakahiya ka, Kenny!" Sabi ni Sandra. Napuno lang kami ng tawanan dahil naman din sa kanila at minsan nakikigulo din ung mga blockmates ko. "Hi! How's the booth? Sorry, can't help. May mga ginagawa din ako. Bumisita lang." Bati samin ni Nicole ng bisitahin nya kami. "Okay lang. Pameryenda ka naman Nics! Pagod ako." Sabi nung Bryan ata un. "Wala akong datong, Bry! Kung meron lang pinag aral pa kita." Sagot nya dun kaya natawa kami. "Ay! May iba palang tao. Sorry. " Natatawang bawi nya bigla. Nagreact naman pabulong ung mga lalaki pero agad din itinigil kasi ung block D boys, masasama ang tingin. Mukhang ayaw palapitan ang mga girls nila. Nagstay sya saglit dun at kausap ung mga kaibigan nya. Pero umalis din. Gusto ko syang maging kaibigan kaso busy sya. LUMIPAS ang araw at andito na kami sa grounds para manood ng concert. Ang galing lang dahil halatang pinaghandaan ung concert na to... Nakakaexcite tuloy! "Dito tayo pwesto para kita natin!" Sabi ni Bea sa mga blockmates ko. Katabi namin un Block D. "Sige. Dito tayo." Sabi ko at nakigulo sa kanila. Tumatawa lang ako pero may iniinda din akong nararamdaman. May napapansin kasi akong kakaiba kay ate nitong mga nakaraan. Masyado na syang mailap at hindi na din kadalasan umuuwi ng bahay. Laging may group activity na ginagawa. Nababahala ako. Paano kung mabuntis sya. Paano sila papa... Pinag aaral sya. Paano kung hindi sya panagutan ni Kuya Lloyd?! Kawawa na naman sila Papa. Natigil ang pag iisip ko ng namatay na ung ilaw at tumunig ang girata... Napanganga ako dahil si Nicole ung naggigitara! "Wow! Hindi lang maganda! Talented pa! T*ngina!" Sigaw ni Mico Natawa ung iba namin blockmates pero ung Block D naririnig naming sumisigaw at tumingin kay Mico nung sinigaw nya un. Nagtuloy tuloy lang ung concert at talaga namang ang saya! Noong dun na sa part ng Adhika which is andun din si Nicole. Nagtatatalon na kami kasi ang saya pero napahinto ako ng may nagsalita sa gilid ko. "Nakita din kita." Pamilyar ung boses kaya nilingon ko pagtingin ko si Mr. Assistant! "Mr. Assistant! Bakit kayo andito?" Tanong ko dahil alam ko exclusive to sa mga student at Alumni ng AHC. "Alumni ako dito. Kanina pa kita hinahanap eh. Ang tagal mong wala sa cafe kaya dito kita hinanahap. Atska! Keith. Keith na lang tawag mo sakin." Sabi nya at ngumiti kaya naman nakarinig ako ng tili sa gilid ko at alam kong si Bea un. Tss! Ang harot. "Ah. Talaga po? Anong course nyo?" Tanong ko para humaba naman ung usapan namin. "BM." Maikling sagot nya at yumungin na sa harap. "Ang ganda nung babae nila nuh, ang ganda pa nung kanta." Pag iiba nya ng topic. "Opo. Student po yan ni Sir Henry. Pwede nya kayong ipakilala dyan. Kung gusto nyo." Sabi ko at parang matagal na kaming magkakilala kung paano ko sya kausapin. "I don't want to. Hindi sya ang type ko." Sabi nya at ngumiti ulit. Ngiti ng ngiti to! Akala nya gwapo sya. Gwapo naman sya e. "Ah. Hindi nyo pa type ang ganyan kaganda? Grabe!" Napapantastikuhan sa kanya. Natawa lang sya tapos tumingin sakin. "Maganda ka din naman ha. In a different way," Nakangiting sabi nya. "Sige. Dito na ko, Camille. Punta na ko sa mga kaibigan ko." Paalam nya sabay tapik sa balikat ko. Pero bumalik sya at may binulong. "The one hearing this is my type not the girl in the stage." I froze for a second, pero nung nakabawi. Paglingon ko wala na sya sa likod ko at hindi ko na alam kung saan sya nagpunta. Takte! Ung puso ko lalabas sa dibdib ko! Kinikilig ako na ewan... Bakit?! Gwapo naman si Keith. Crush ko nga sya eh! Pero wait! Ako lang naman ung nakarinig diba? Hala ka! Baka assuming na naman ako! Baka may mga sinabihan na sya na ibang babae nun. Ano ba yan! Kinikilig ka na Camille eh! Natapos ang mini concert at tuwang tuwa lahat ng mga Block D dahil nanalo sila Nicole kami din naman pero di ko magawang magsaya dahil dun sa sinabi ni Keith sakin. Paano kasi kung hindi lang ako ung sinabihan diba... Umuwi ako ng bahay na halos mag hahating gabi na kaya panigurado tulog na sila mama at papa dahil sabi ko late na ko uuwi dahil may concert nga akong pupuntahan. Kaya naman pagdating ko tahimik kong tinahak ang hagdan papuntang kwarto. Bubuksan ko na sana pero nakarinig ako ng ungol sa loob. Nanlalaki ung mata kong gulat dahil sa narinig ko bigla namang lumabas si mama sa kwarto nila kaya nagpanggap akong natapilok sa hagdan. "Ahh.." sabi ko at sana mapaniwala ko si Mama. "Camille. Ikaw pala yan. Anong nangyari sayo at umuungol ka dyan?" Tanong ni Mama na mas nagpakaba sakin. "Ah. Natapilok ako, ma. Dito sa hagdan kaya napasigaw ako. Sorry. Tulog ka na ulit." Sabi ko at sana talaga maniwala sya kasi kung hindi, wala na kong dahilan. "Ah. Okay. Sige. Matulog ka na." Sabi na lang nya at pumasok na ulit. Huminga muna ko ng malalim bago ko buksan ung pinto namin. Pagbukas ko nakita kong nakatapis si Ate ng kumot nya at si Lloyd naman nakapants lang. Nakakahiya! Walang respeto! Tinignan ko lang naman sila ng walang emosyon tapos naglakad papasok ng cr namin ni ate. "Umalis na ang dapat umalis habang kaya ko pa kayong pagtakpan. Nakakahiya kayo! Sana manlang nirespeto nyo si Papa at Mama. Huling beses ko na kayong pagtatakpan, sana magtanda na kayo. Kung gusto nyo gumawa ng milagro, wag dito! Mahiya kayo!" Bulong na sabi ko sa kanila na may halong inis tapos lumakad na tuluyan papasok ng cr. Napaupo na lang ako at napahilamos sa mukha ng makapasok ako ng cr. Nakakainis! Walang respeto kila Mama! Nagtagal lang ako ng ilang minuto dun dahil ayokong makita sila. Paglabas ko mabuti at wala na si Lloyd. Si Ate naman mukhamg inaantay ako. "Cami... Please... Wag mong sasabihin kila Mama." Sabi nya, tinignan ko lang naman sya. "Mahiya ka, Ate. Pinag aaral ka nila Mama tapos ganyan ang gagawin mo. Hindi kita isusumbong pero mag ingat ka." Sabi ko at humiga sabay natulog ng masama ang loob. ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD