CAMILLE
After that touching moment of us. Nagpasya kaming umuwi na dahil baka daw hindi na kami payagan ulit ni Papa na lumabas.
"Hopefully i made you happy today." Sabi nya habang hawak nya ung kamay ko at magdadrive.
"Oo naman. Thank you." Masiglang sabi ko. Hindi nya lang ako pinasaya ngayon, pinakilig at pinuno nya ng pagmamahal!
"No. Thank you.." Sabi nya at hinalikan ung likod ng kamay ko.
Tumahimik kaming dalawa pero pareho ata kaming nakangiti at hindi un mapawi kahit na nakarating kami ng bahay. Nakangiti kami pareho.
"Hoy! Baka magtaka sila Papa pareho tayong nakangiti." Sabi ko sa kanya bago kami bumaba.
"Hindi ko mapigilan." Natatawang sabi nya kaya natawa na din ako. Sira ulo to! Huminga ako ng malalim at tinago ang saya ko.
"Tara na. Ay! Bababa ka pa ba o hindi na?" Tanong ko sa kanya.
"Hm. Hindi na siguro para naman hindi tayo gawan ng issue . Sabihin mo na lang, nag hi ako. Bukas na lang. " Natatawang sabi nya at oo nga naman magkikita kami ulit bukas.
"Sige sige. Bye. Ingat ka sa byahe." Paalam ko sa kanya. Nagpaalam na din sya at inantay akong makapasok ng bahay. Bumusina pa sya bago umalis, tuluyan na kong pumasok ng bahay.
Pagpasok ko parang gusto ko na lang ulit umalis. Gusto kong tawagan si Keith at magpagala gala ulit.
"Cami. Andyan ka na pala." Sabi ni Mama kaya ngumiti lang ako. Napatingin si Mama sa hawak kong bulaklak. "Kasama mo ba si Keith?" Tanong nya.
"Kanina po. Umuwi na din po kasi maaga sila ng boss nya bukas." Sagot ko at lumapit kay Mama. Dahil ayokong umupo sa upuan namin dahil may germs. "Kanina pa po andito yan?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.
"10 minuto bago ka dumating." Sabi nya at tumingin kila Ate at Lloyd na magkatabi at ayaw halos maghiwalay. "Bakit parang lahat kayo may problema kay Lloyd? May hindi ba kami alam?" Tanong nya mama.
"Ha? Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko dahil nagulahan ako bigla.
"Ang mga kapatid mo din. Pagdating ni Lloyd nag sipag akyatan sa mga kwarto nila at hindi na lumabas." Sabi ni Mama. "Kaya ang ate mo nagseselos sa inyo ni Keith kasi malapit si Keith sa mga kapatid mo. Hindi katulad nito ni Lloyd na parang ang layo ng loob sa kapatid mo." Paliwanag nya.
Napaisip tuloy ako. May alam kaya ung mga kapatid ko? Bumuntong hininga na lang ako tapos ngumiti kay Mama.
"Bago pa lang po kasi. Yaan nyo na po. Akyat na din po ako Ma." Sabi ko at naglakad na paakyat. Di naman nakaligtas sakin ung mata ni Lloyd na nakatingin.
Di ko nalang pinansin at nagtuloy na lang sa pag akyat. Naghalf bath lang ako at nagbihis, i also texted Keith na andito si Lloyd. Nabwisit lang din sya. Di naman nag tagal na katulog na ko. Hindi ko na muna iintindihin si Ate. Dahil alam kong kahit anong sabi ko sa kanya, hindi nya ko paniniwalaan at si Lloyd pa din ang kakampihan nya.
Sana lang hindi sya magsisi sa desisyong ginawa nya.
----------------------
Lumipas ang dalawang bwan at wala pa din nangyayaring kakaiba. Kami ni Keith, still on the same status. Nakakagulat nga na kaya nyang mag antay kahit sobrang tagal na. Ilang bwan na din syang nanliligaw. Kung isasama ko ung pag amin nya sakin nung concert, mag iisang taon na din.
Nagstart na din ang klase at dahil 3rd year na ko medyo critical daw to dahil pagmay na bagsak ka hindi ka makakagraduate ayun sa dapat na pagtatapos mo. Sa trabaho naman, medyo magaan na dahil nagdagdag sila ng tauhan pero hindi pa din ako tinatanggal.
Hindi rin pala kami masyadong nagkakasama na ngayon ni Keith. Dahil nung huli naming kwentuhan, pinalitan na ng boss nya ung tatay nito... So ibig sabihin Assistant/Secretary na sya ng CEO ng ME kaya mas maraming gawain. Okay lang naman sakin dahil nga busy din ako sa school.
Pero katulad ngayon pag wala kaming pasok pareho, lumalabas kami at nagdedate. . Ewan ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko ng maging girlfriend nya. . Ang panget naman kung sasabihin kong! 'Keith! Girlfriend mo na ko.' . Gusto ko magtanong sya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah!" Sabi nya at tumabi sakin. Andito kami sa isang mall at manunuod kami ng sine. At hati kami dun, nagtalo pa kami kasi gusto nya sya na ang magbabayad pero sabi ko ako na lang. Kasi lagi na lang sya ang nanlilibre. Bandang huli, nagpasya kami na ako bibili ng snack at sya sa ticket.
"Hindi naman." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Paano mo malalaman kung gusto ko na maging girlfriend mo ko?" Tanong ko out of nowhere. Tumaas naman bigla ung kilay nya.
"Bakit? Gusto mo na ba?" Balik na tanong nya sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Nagtatanong ng maayos ih. Bahala ka nga dyan." Inis na sabi ko tapos tumayo. "Cr lang ako para mamaya pag nasa loob na tayo, hindi ako lalabas." Paalam ko at lumakad na papuntang restroom.
Pagbalik ko, nakita ko syang nakatayo na at bitbit na ung pagkain namin. Ngumiti sya nung nakita nya ko.
"Let's go na." Nakangiting yaya nya sakin sabay nguso sa braso nya. Ibig sabibin nun... Humawak ako dun. . Kasi may bitbit sya sa kamay nya.
Ginawa ko naman habang naiiling na natatawa. Tapos sabay na kaming pumunta sa Cinema.
Mangiyak ngiyak na ko sa pinapanuod namin pero si Keith tinatawanan ako ng mahina. Kainis! Ang galing kasi ng KatNiel! Sorry naman... Ang gwapo pa ni Daniel!
"Mas gwapo ako dun. Atska ako nahahawakan mo sya hindi. Tss!" Inis na sabi ni Keith habang nasa byahe kami dahil sabi ko crush ko na si Daniel kasi ang gwapo!
"Parang sira to! Crush ko lang naman un..." Sabi ko. "Atska crush din naman kita." Bulong ko pero parang marinig nya.
"Crush lang? Hindi pa ba love?" Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya
"Gusto mo ba?" Tanong ko. Bahagya naman syang tumingin sakin tas bumalik din agad sa daan ang tingin.
"Gusto. Pero ayokong gusto ko lang. Dapat gusto mo din." Seryosong sabi nya. "Tama na nga usapan natin sa ganyan." Sabi nya at nagdrive na ulit.
Tahimik ulit kaming dalawa hanggang makarating ng bahay. Sabay ulit kaming bumaba at sana pala hindi na dahil nandito si Lloyd at wala pa sila Mama, wala din ung mga kapatid ko sa sala. Tanging si Ate at Lloyd lang.
"Asan sila Cheska?" Tanong nya. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman talaga alam kung asan ung mga un.
Nagderetso kami sa kusina kung saan dining na din namin para kumuha ng tubig. Dahil pareho ata kaming nauhaw bigla.
"Cami." Tawag sakin ni Ate ng makita ko syang dumungaw sa kusina kung saan na pagpasyahan namin ni Keith na magstay.
"Bakit, Ate?" Tanong ko.
"Pababain mo nga ung apat. Kanina pa nasa taas un. Pagdating ni Lloyd nagsiakyatan sila sa kwarto." Sabi nya lang.
"Hayaan mo na lang sila, Te. Baka may mga gagawin din un." Sabi ko na lang syempre ayoko namang sabihin na dahil un kay Lloyd.
"Hindi pa nagmemeryenda ung mga un. Atska sabado. Wala namang gagawin sa school." Sabi nya at tumalikod samin tapos naglakad na paalis.
Alam ko naman. Kaya nga kasama ko si Keith kasi sabado at walang gagawin.
"May iba sa Ate mo ngayon." Nabaling ung tingin ko kay Keith ng magsalita sya. Nakatingin sya sa pinaglabasan ni Ate habang nasa lamesa ung mga siko nya.
"Anong iba? Parang wala naman." Nagtataka kong sabi dahil wala naman akong napansin.
"Ewan. Yaan mo na baka guniguni ko lang." Sabi nya at ngumiti sakin. Kaya ngumiti na din ako. Habang nasa kasagsagan kami ng katahimikan, biglang nagring ung phone nya.
Tinignan mya un at kumunoot ung noo, bago sinagot.
"Miggy." Bati nya.
[Tol, can you get me here at sofia's condo. Kailangan ko ng alibi.] Sabi nung nasa kabilang linya. Nagtataka naman akong nakatingin, pinindot pala nya ung loudspeaker.
"Bakit kasi andyan ka?" Seryosong sabi nya.
[She called me at paghindi ako nagpunta. Alam mo ung panakot nya. I don't want dad to get any stress. Ngayon lang ako nakakuha ng bwelo dahil nasa bathroom sya.] Sabi nung nasa kabila na mukhang problemado. Bumuntong hininga muna si Keith bago tumingin sakin.
"Obsessed na masyado sayo yan. Sige. Puntahan kita dyan. Bye." Sabi nya at binaba na.
Pagbaba ng tawag tumingin sya sakin ako naman ngumiti lang.
"I need to go. That guy needs me." Sabi nya. Ngumiti lang naman ako. Gusto nya kasi na antayon sana sila Papa kaso nga lang may tumawag.
"Go na. Mukhang need ka nga nya. Next time na lang. Sabihin ko kila mama na nagpunta ka. Though alam naman nila na kasama kita." Natatawa kong sabi. Tumango na lang sya at ngumiti.
Hinatid ko na sya sa labas at nagpaalam pa sya kila Ate. Marespeto din to, kahit sobrang gigil na sya kay Lloyd nung nakaraan, andun pa din ung respeto.
"Ingat ka sa byahe. Tawagan mo na lang ako." Sabi ko sa kanya.
"Yeah. Salamat." Nakangiting sabi nya at humalik sa ulo ko tapos tumalikod pero humarap ulit. "You have question earlier, my answer is when you said you love me too and you are ready to commit." Sabi nya at pumasok na ng kotse nya. "Bye, Camille. I love you." Paalam nya habang ako nakatulala pa din at iniisip ung tanong ko.
Nakaalis na sya pero ako nakatulala pa din at iniisip ko pa din at bigla na lang sumagi sa isip ko ung usapan namin kanina at ung tanong ko......
'Paano mo malalaman kung gusto ko na maging girlfriend mo ko?'
So kung sasabihin kong mahal ko din sya... Girlfriend na nya ko... Bakit sa isip ko madali lang pero parang pagsinabi ko na ang hirap. . Loko to si Keith, pinahirapan ako.
Humugot na lang ako ng malalim na hinga at nagpasya na pumasok na ng bahay. Nakita ko agad si Lloyd at Ate na naghahalikan dun.
"Tigilan nyo nga yan. Andyan lang sa taas sila Fatima baka makita kayo." Tamad na sabi ko habang naglalakad.
Nakakawala ng saya ung ginagawa nila. Alam kong alam ni Ate na niloloko lang sya ni Lloyd. Tapos makikipaghalikan sya dyan. Ung saya ko kanina, nawawala dahil sa kanila.
Aaminin ko na nung mga nakaraang bwan, minsan parang ayoko ng umuwi, lalo na pag sobrang saya ko. Kasi pag uwi ko nalulusaw. Minsan ayoko na lang din maging masaya dahil pagkatapos nun eto na naman ang problema.
Papasok na ko sa kwarto ko ng biglang dumungaw si Fatima sa kwarto nila. Kaya tinignan ko sya.
"Ate Cami... May gagawin ka ba?" Tanong nya sakin. Umiling lang ako na nagtataka.
"Wala. Bakit?" Tanong ko sa kanya. Dahil naman sa sinabi ko tuluyan na syang lumabas ng kwarto nila.
"Sino po andyan sa ibaba? Andyan pa si Lloyd? Si Kuya Keith po?" Tanong nya. Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.
"Lloyd kay Lloyd? Pero Kuya kay Keith? Pareho silang matanda sayo. You should call them Kuya pareho." Sermon ko sa kanya pero yumuko lang sya.
"Paano ko sya tatawaging Kuya kung wala naman respeto yan." Sabi nya kaya napacross arm ako bigla sa harap nya.
"Fatima!" Tawag ko sa kanya kaya umangat ung ulo nya at nakita kong may luhang tumulo sa mata nya. "Bakit ka umiiyak?"
Hindi sya nagsalita pero tuloy pa din sa pagtulo ung luha nya habangay kinukuha na kung ano sa bulsa ng short nya. Nung nakuha na nya sobrang higpit ng hawak nya dun kaya kinabahan ako bigla.
"Ate... Pwede ba tayong pumasok sa kwarto nyo?" Tanong nya at pilit pinupunasan ung luha nya. Kinakabahanan, binuksan ko ung pinto namin at naunang pumasok at sumunod sya.
"Anong problema, Fat?! Bakit ganun ung sinabi mo about sa respeto kay Lloyd? At ano yang hawak mo?" Sunod sunod na tanong ko ng makapasok kami at hinarap sya.
Bigla nyang inilahad ung kamay nya at inabot sakin ung hawak nya. Nung nakuha ko un, hindi ako tanga at inosente para hindi malaman kung ano to?!
It's a pregnancy test!!!
-----------------