Chapter 13

2135 Words
CAMILLE Hawak nya ung kamay ko nang buksan nya ung pinto ng driver seat at kinausap ung lalaki kanina. Ano ba pangalan nito?! "Tol! Backseat ka na. Ikaw naman unang ihahatid." Sabi nya. "Oo na. Eto na." Sabi nya at lumabas ng kotse at lumipat sa likod. After nun hawak pa din ni Keith ung kamay kong hinila ako papuntang front seat. Pagkabukas ng pinto, inalalayan na lang nya ko pumasok habang nakakarinig pa ko ng pagtawa dun sa lalaki. Nang makapasok na ko, sya nagsara ng pinto at hindi ako makakilos ng maayos dahil unang beses na may kasama kami ni Keith sa loob ng kotse. "I won't do anything. Relax." Sabi nung lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang sya sakin. wait! Kung magkasama sila at pumunta sya sa bahay? Ibig sabihin kasama nya to si Kuyang Gwapo? "Keith." Tawag ko sa kanya ng makapasok sya. Nagtataka naman syang lumingon sakin tapos bumalik ulit sa pag aayos ng seatbelt nya. "Bakit?" Tanong nya lang. "Diba nagpunta ka sa bahay? Edi kasama mo tong si Kuyang Gwapo?" Tanong ko. Bigla naman akong nakarinig ng malakas na tawa kaya tinignan ko si Kuyang Gwapo. Tapos binalik ko ung tingin ko kay Keith na masama ang tingin dun sa natawa. "Ano ulit tawag mo sa kanya?" Tanong nya ng seryoso. Kinabahan naman ako. "Kuyang Gwapo?" Patanong dahil hindi ko alam kung dapat ko bang ulitin. "Hindi ko alam pangalan nya ih. Kaya ayun na lang." "Miggy pangalan nyan." Sabi nya tapos tumungin ulit dun sa Miggy. "Tawang tawa ka ah. Babawi ako sayo." Sabi nya lang dun at nagumpisa ng magdrive. "Sorry dude! Hindi ko naman ginusto na un ang itawag sakin ni Camille. Gwapo lang talaga ako." Sabi nya. "Sana lang ganyan din tawag sakin nung babaeng un." Sabi nya tapos sumandal sa likod. "Thank you for the compliment, by the way." Nakangiting sabi nya. Napangiti na lang din ako. Mabait naman pala sya. Akala ko puro kalokohan lang ang alam. "Si Miggy. Kaibigan ko, boss ko din." Pakilala ni Keith. Ah! Sabi nga ni Miggy, boss sya ni Keith. Ibig sabihin... Totoo ba?! "Wait! Ibig sabihin?! Sya ung.... Weh? Di nga?" Di makapaniwalang sabi ko at tumingin kay Miggy. Natatawa lang si Keith sa reaksyon ko, si miggy naman nagtataka.. "Bakit? Anong meron sakin? Wag mong sabihing siniraan ako nito?!" Sabi nya sakin pero umiling lang ako. "Ikaw po si Miguel Monticlaro?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. Natawa naman sya ng unti at umiling. "That's my Dad. I'm Miggy. Just Miggy." Nakangiting sabi nya kaya tumango ako. Taray! Nakasama ko ang anak ng CEO ng pinakamalaking kompanya dito sa pilipinas. "Yayamanin naman ng kaibigan mo." Sabi ko kay Keith na natatawa lang. Di sya sumagot sa sinabi ko. Ako naman tumingin pa din sa bintana at dun ninamnam ang nangyayari. Mag uusap pa kami ni Keith. Habang nasa byahe para ihatid si Miggy. Tahimik lang kami at hindi nagsasalita. Pero mukhang maboring ata si Miggy. Kaya nagpatugtog bigla saktong ang kanta ay ung tugtog ng Adhika. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakapikit sya at parang narerelax sya sa kanta. Well maganda naman kasi. Meron kasing mga released song ang Adhika na exclusive sa mga taga AHC. Katulad na lang nung kanta nila nung Festival dahil sila ang nanalo. At un ung pinapakinggan ni Miggy ngayon. Naghahum pa sya. "Wag kang tumingin masyado. Baka masapak ko yan." Rinig kong sabi ni Keith kaya nakarinig din ako ng mahinang tawa galing naman kay Miggy. "Sira!" Sabi ko lang at tumingin ulit sa bintana. Pero talagang nababalik ung tingin ko kay Miggy lalo na nung parang nakita kong ngumiti sya nung boses na ni Ferrer ung kumakanta. "Hay!" Napaiktad pa ko ng bigla syang sumigaw. "G*go! Miggy. Umayos ka nga." Sita sa kanya ni Keith. Ngumiti lang naman sya. Tapos bumalik ulit sa pagkakapikit. Ako naman sa pagkakatingin sa bintana. "Thank you. Bukas na lang ulit." Sabi nya at pababa na. "Nice meeting you again, Camille. Sana hindi kita na takot. See you next time. Ingat kayo." Paalam nya sakin tapos tuluyan ng lumabas. Malaki ung bahay nila pero parang amg lungkot. Sya lang kaya mag isa nakatira dyan? Kawawa naman sya. "Sya lang mag isa ngayon ang nandyan. Ung parents nya nasa LA. Kung saan ako galing." Inig kong sabi ni Keith kaya napatingin ako sa kanya at tumango tango. "Kawawa naman sya. Ang laki ng bahay nya tapos sya lang mag isa." Sabi ko at tumingin ulit sa bahay. "Hindi kasi sya pwedeng umuwi sa condo nya dahil andun ung obsessed nyang so called girlfriend." Sabi nya tapos nagdrive na ulit. Nagtaka naman ako at gusto kong magtanong pero wag na lang masyado na kong chismosa. Pero kasi, kung may girlfriend pala sya bakit parang kung magsalita sya wala na. May pasabi sabi pa sya na 'how i wish my love will also do that.' bakit hindi ba sya no yayakap nung jowa nya. "Mahabang kwento kaya wag mo ng isipin. Pero isa lang ang masasabi ko. May iba syang mahal pero hindi un ung girlfriend nya ngayon. Basta ganun." Sabi nya tapos ngumiti. Tumango tango na lang ako at hindi na nga inisip un. Tuon ang atensyon ko sa kamay na namin ni Keoth na magkahawak. Hinawakan nya ih. Habang nasa byahe kami tahimik lang kami at hindi nag uusap. Magkahawak ang kamay, pero naiinip ako kaya naman nagtanong na ko. "San ka galing? Bakit antagal mong nawala?" Tanong ko tumingin muna sya sakin saglit bago nagsalita. "Galing akong LA. May inasikaso kami ni Miggy. Since I'm his assistant, kailangan kasama nya ko sa lahat. Kakalipat lang kasi sa kanya kaya marami pang inaasikaso. Pero sya umuwi dito 2 weeks ago. May nangyari kasi sa main company kaya ako ang naiwan dun." Kalmadong sabi nya. Tumango lang naman ako. "Anong kinuwento ni Papa sayo?" Tanong ko ulit. "Lahat." Maikling sagit nya. "Mula nung araw na nalaman mong buntis ang Ate mo hanggang sa nagkasagutan kayo. Pati umg pag uusap nyo kinukwento nya rin." Dagdag nya pa. Tumango lang ako at tumingin sa labas. "Natatakot pa din ako." Sabi ko. "Pero hindi sa pakikipagrelasyon kundi baka balikan kami ng karma sa ginawa ni Ate. Pero kaya kong sumugal lalo na kung ikaw naman ang mapapanalunan ko." Sabi ko at tumingin sa kanya at ngumiti. "Hindi ako marunong mag sugal pero pag aaralan ko para sayo. Ikaw ang unang subok ko sa pag ibig, Keith at sana ikaw na din ang huli. I'm really sorry sa mga nasabi ko." Sabi ko at naramdan ko naman na hininto nya ung kotse at tumingin sakin. "Di ko ipinapangako pero sisikapin kong maging huli para sayo, Camille. Hindi man ikaw ang unang babae sa buhay ko pero sisikapin ko talagang ikaw na ang huli." Sabi nya at natawa pa ng mahina. "Hindi ko talaga alam kong paano ko nainlove sayo. Pero sigurado ako sa nararamdaman kong mahal kita." Sabi nya at makangiti kaya napangiti din ako. "Mahal din kita, Keith." Nakangiting sabi ko. Ngumiti lang sya ng malawak at hinalikan ung kamay ko. "So... Pwede na ba kitang maging girlfriend?" Tanong nya sakin pagkatapos nyang ilayo ung kamay ko sa bibig nya. Nakatingin lang sya sakin at hoping na oo ang sagot ko. Well... "Ay! Ngayon pa lang ba? Akala ko kanina pa!" Natatawang sabi ko, natawa din naman sya at umiling iling pa. "Ngayon pa lang kasi kakatanong ko pa lang." Sabi nya tapos ngumiti ng kitang kita ang ngipin. "Edi oo na ang sagot ko." Sabi ko. "I love you." Habol ko. Napapikit naman sya at parang nagwagi sa lotto. Napasigaw pa ang loko! "Yes!" Sigaw nya sabay harap sakin. "I love you, Camille." Habol nya tapos tinanggal ung seatbelts namin tapos hinila ako para mayakap at niyakap ko din sya. "Ako na ata ang isa sa pinakamasayang tao ngayon." Nakayakap na sabi nya. "Ang OA mo, Keith!" Natatawang sabi ko. "Totoo un. Sobrang saya ko." Sabi nya at nilayo ako ng unti tapos hinalikan sa noo. Nagngitian lamg kaming dalawa at walang magsasalita. "Uwi na kita sa inyo. Baka mauwi pa kita samin." Sabi nya at kinabit na ung seatbelt ko. "Loko! Ska na ko magpapakilala sa inyo. Set natin yan." Sabi ko at tumango naman sya. "Yeah. Busy pa din si Mama dahil sa mga pinapasa nyang papers sakin." Sabi nya Ah... Oo nga pala! Assistant ng dating CEO ung Mama nya at sya naman Assistant ng ngayong CEO. Umandar na ulit kami habang ung isa nakangiting hawak ung kamay ko. Hinayaan ko lang dahil namiss ko to. Nang makarating kami ng bahay. Hindi na sya bumaba dahil galing naman na daw sya kanina dito. Bukas na lang daw sya magpapakilala bilang boyfriend ko. "Bye. Ingat ka pauwi. I love you." Sabi ko at mabilis na hinalikan sya sa pisngi. Ganun naman un diba? "I love you too... Sige na. Baba na." Nakangiti paalam nya sakin kaya naman ginawa ko un at naglakad na papasok. I just wave my hand for the last time tapos pumasok na ng bahay. Naabutan ko si Papa na gising pa pati si Mama. Mukhang nag uusap silang dalawa. Naramdaman naman ako ni Mama kaya lumingon sya sa direksyon ko at ngumiti. "Andyan ka na pala. Nagkita kayo ni Keith?" Tanong nya. Tumango lang ako at lumapit sa kanila. "Pumunta un dito kanina." Habol nya. "Nasabi nya nga po. Nag usap daw po sila ni Papa." Sabi ko umupo sa tabi nila. "Gabi na po. Bakit gising pa kayo?" Tanong ko sa kanila. "Hindi lang kami makatulog. Nag aalala din kami sa Ate mo." Sabi ni Papa kay napatingin ako sa kanya. Kahit talaga anong nagawa ng anak, andyan pa din ang magulang at hamdang alalayan. "Bakit po? Ano pong meron kay Ate?" Tanong ko. "Hindi namin makausap. Hindi rin sya nalabas ng kwarto." Sabi ni Mama. Isa pa to si Mama kahit galit sya lay Ate alam kong nag aalala sya. "Ganun po ba? Sige po. Kakausapin ko na lang sya bukas. Ako na po bahala. May pinagdadaanan din po talaga si Ate. Kahit naman po galit ako sa kanya, alam kong mahirap din po ung nangyayari sa kanya." Pag papagaan ko ng loob nila. "Salamat, Camille." Sabi ni Mama. "Kumusta kayo ni Keith? Nakapag usap na ba kayo?" Tanong nya sakin. "Opo... Ahm... Ma, Pa... Alam ko pong kakagaling lang natin sa mahirap na sitwasyon katulad ng kay Ate pero... Magagalit po ba kayo kung sasabihin kong boyfriend ko na si Keith?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri. Naging tahimik at hindi agad sila nakasagot kaya kinabahan naman ako baka magalit sila. "Malaki ka na, Camille. Alam mo na ang tama at mali. May sarili ka na ding desisyon. Okay lang naman sakin pero gusto ko sana makapagtapos ka muna ng pag aaral bago ako magkaapo." Sabi ni Mama. "At hindi dahil nangyari sa Ate mo, ay mangyayari na din sayo. Kaya mag ingat ka, magsabi ka at wag maglilihim." Sabi pa nya kaya parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib dun. "Ma... Boyfriend palang naman. Wala pa kong balak mag asawa. Ska! Kasal muna bago kineme. Ganun po ang prinsipyo ko." Sabi ko at ngumiti. Bahagya namang tumikim si Papa kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. "Walang problema sakin kung mag kakaanak kayo bago ikasal pero sana tapos ka ng pag aaral mo." Sabi ni Papa. Wait! Ang advance! "Pa. Advance masyado pero opo... Diploma po muna ang uunahin ko." Sabi ko sabay yakap kay Papa. "Kunwari pa kayo! Boto naman kayo kay Keith." Natatawang sabi ko at humiwalay "Mabait naman si Keith, responsableng bata kaya gusto ko sya. Si Lloyd din naman gusto ko para sa Ate mo noon pero nung nakikita ko na parang bad influence na sya sa Ate mo. Nagdadalawang isip na ko." Sabi ni Papa at tinignan si Mama. "Yan din naman Mama mo, botong boto kay Lloyd may pa mare mare pa sila ng Nanay ni Lloyd, kaya ganun ang galit nyan dahil dun." Sabi uli ni Papa kaya napatingin ako kay Mama. "Hindi naman talaga ako galit na may ginawa sila. At kinakagalit ko ung ginawa nilang pagpapalaglag dun sa bata. Kaya hayaan nyo na ko, mawawala din to." Sabi nya at tumayo. "Magpapahinga na ko. Kayo ng bahala dyan." Sabi nya at umakyat na sa taas. "Umiiwas lang sa usapan un." Sabi naman ni Papa habang umiiling. "Akyat na din ako at baka sarhan ako ng pinto. Pero teka? Boyfriend mo naman na si Keith diba?" Tanong nya, nagsalubong naman ung kilay ko dahil sa tanong nya. "Opo." Sagot ko lang sa kanya. Kaya tumango tango sya. "Mag iingat ka." Paalala nya sakin tapos nag paalam na. Nagstay lang ako saglit dun bago napagpasyahan din na pumunta na sa kwarto namin ni Ate. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD