CAMILLE
"Camille! Tara na at baka mahuli tayo sa misa." Tawag sakin ni Mama dahil usapan namin ngayong linggo na magsisimba kaming buong pamilya. Ahm... Maliban kay Ate.
"Eto na po." Bago ako lumabas tinignan ko muna so Ate na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa kama nya. Hindi naman nya ko sinipat ng tingin kaya lumabas na ko.
Aaminin kong naawa ako sa kalagayan nya dahil kahit sabihin na andun sya sa bahay at kasama kami. Para syang hangin sa mga mata ni Mama, si Papa naman kahit papaano pinapansin sya pero pagyayayain lang kumain after nun hindi na. Sila Fatima at Cheska na hindi din sya gaano pinapansin. Ako naman, casual lang. Pag may itatanung sya magsasalita ako pero pagwala, di ako magsasalita.
Alam kong nahihirapan din si Ate pero tinitiis nya dahil wala naman syang titirhan na iba. Hay. Nakakaawa din talaga minsan pero wala ih... Eto ung pinili nyang landas. Alam kong hindi lang galit sila Mama dahil nabuntis sya kundi ung pinaglaglag nilang bata.
Paglabas ko ng bahay, sakay na kami agad sa tricycle na pinara ni Mama. Dahil hindi kami kasya dalawang tricycle un. Kasama ko si Filan at Chester sa loob habang si Papa naman ang nasa labas. Tas ung dalawa, kasama ni Mama sa isang tricycle.
Pagdating ng simbahan, di pa naman nag uumpisa at may upuan pa sa loob. Nakinig lang kami at nagdasal bilang pamilya. Nakakamiss lang ung lahat kami ang magkakasama. Kumpleto. Siguro naman mababalik pa un, sa mga susunod na panahon. Kailangan lang na maghilom ng sugat nila Mama.
Natapos ang simba at kumain muna kami sa isang fast food chain. Libre namin nila Papa tutal kakasahod ko lang din naman.
"Pa. Ipagtake out na lang natin si Ate." Sabi ko ng malapit na kaming matapos. Kaya tumingin sakin si Mama tapos umiwas din agad. Napabuntong hininga naman si Papa.
"Sige. Ako na ang bibili." Sabi naman ni Papa atska tumayo. Di na ko nagsalita sa inasta ni Mama dahil ganyan naman sya.
Bumalik naman agad si Papa dala ung take out ni Ate. After namin kumain, hindi na ko sumabay sa kanila pauwi dahil may pasok ako, closing. Sila Mama at Papa. Nakaday off din kaya nga nakapagsimba kami ih.
Nagpaalam lang ako sa kanila at hinayaan ng makasakay sila sa tricycle. Ako naman pumunta na sa sakayan ng jeep.
Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil nakapagsimba ako. Lagi kasi akong opening tuwing linggo kaya hindi na ko nakakadaan dito. Ngayon lang ulit dahil nakipagpalit sakin si Cloe ng schedule.
Pagdating ko ng cafe, nagbihis ako at lumabas ng crew room ng nakangiti.
"Ay! Anong meron at nakangiti? Namiss ko yang ngiti na yan, beh!" Bati sakin ni Thesa.
"Wala. Ewan ang gaan lang ng pakiramdam ko. Galing kasi kaming simbahan nila Papa baka kaya magaan ang pakiramdam ko." Sabi ko at ngumiti.
"Ay! Kaya naman pala akala ko may gwapo na naman na nagpakita sayo." Sabi nya kaya naman tinawanan ko lang sya.
Simula kasi nung araw na kinausap ako nung lalaking gwapo. Ung boss ni Keith, lagi ko na sya nakikita dito. Tapos nakakailang pa kasi nakangiti sya sakin. Ewan ko! Pero hindi ako naaakit sa kanya ah! kahit na gwapo sya. Tanging kay Keith lang tong puso ko.
"Mabuti nga wala ih. " Sabi ko lang. "Tara ma nga at magtrabaho." Sabi ko at pumunta sa counter.
Dahil medyo tanghali na, wala na ulit masyadong tao. Kaya naman nag ayos lang ako ng mga bulaklak na nasa paligid pati mga frame at collectibles vintage cars, inayos ko na din. Nagpunas ng mga lamesa, inayos ung mga upuan. Pinagbreak na din namin ung mga opening para mamaya kami naman.
Nung napansin kong may mga pumapasok na. Pumunta na ko ulit ng counter para tignan kung may ipapaserve. Dalawa kami ni Thesa ngayon na nasa labas, mamaya apat kami dahil nga nagbreak ung dalawa.
Paunti unti ung tao pero nung pumatal ang 2pm dun na medyo dinagsa. Isang bagay kaya hindi kami pwedeng mag off ng sunday dahil ang mga tao walang pasok at nagkakaroon ng gala, kwentuhan, get together at iba pa.
"Camille, dun sa may Table 3 may lilinisin." Sabi ni Xafre ng madaanan nya kong naglilinis ng Table.
"Kopya." Sabi ko na lang at nagpunta dun.
"Break na kayo, Camille para mamaya tuloy tuloy na. Madami tao nito." Sabi ni manager sky samin kaya naman ginawa namin un pero bago kami umalis may mga babae pang tumawag samin at pinaarrange ung mahabang table kaya naman ginawa namin ska kami nagbreak ni Thesa.
Si Thesa ang kabuddy ko ngayon. Nung nalaman nyang closing ako nagpalipat agad sya. Para daw may kasama ako buti nga at pumayag si Manager Sky sinabi nya. Si Bren naman opening barista kaya hindi namin kasama. Kung nalaman nga lang daw nya sana daw ay nagpalipat na sya.
Kumain lang kaming dalawa ni Thesa ng meryenda dahil meryenda time pa lang naman talaga.
Pagbalik namin pareho. Saktong maraming tao kaya nagserve at nagcall agad kami ng mga orders.
Habang nagseserve ako hindi ako mapakali! Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sakin. Ung magaan na loob ko kanina, ngayon kinakabahan. Tsk! Mas okay pala ung may nakatingin sayong gwapo kesa ung hindi ko man lang alam kung may nakatingin nga ba sakin.
Napansin ata ni Thesa na hindi ako mapakali kaya tinawag nya ko.
"Camille! Dito ka na lang sa counter. Mag call ka na lang ng coffee. Mukha kang balisa." Sabi nya kaya tumango ako at magstay sa counter para mag call ng orders. Hanggang nag out na ung dalawa naming kasama andun pa din ako sa counter, paminsan minsan nagseserve na ko ulit pero mas madalas ako sa counter.
30 minutes before our closing. Nag uunti unti na kami magligpit pero ako andito pa din sa counter at nag aayos ng mga gamit.
Napatingin naman ako sa cashier ng may pamilyar na boses akong narinig.
"Pwede pa bang mag order?" Tanong nung lalaking laging andito! Oo sya un! Ung boss ni Keith! Minsan ang sarap isipin na type ako nito. Pero syempre, wala akong paki sa kanya. Kung si Keith sya baka niyakap ko pa sya ngahigpit.
"Yes Sir." Sabi naman ni Cha, namula pa ang pisngi nung ngumiti ung lalaki.
Katulad ng sinabi nya nag order ka sya. Madami ung inorder nya. Tapos ang ipinalagay nyang pangalan na naman ay Mr. Assistant! Nakakainis na un! Trademark ni Keith un tas ginagaya nya. Mukha namang napansin nyang nakatingin ako sa kanya habang nagbabayad sya kaya tinignan nya ko at ngumiti ulit, ngumiti na lang ako dahil sino naman ba ko para tanggihan ang ngiti ng lalaking gwapong to.
After ng order nya at nakapagbayad na sya. Umalis na din naman sya. Pumunta lang ako sa crew room saglit para ibalik ang sumbrero ko dahil mamaya maglilinis na kami. Pwede naman un, pagbalik ko. Take out ata lahat ng order ni Kuya Gwapo nasa ibang cup kasi ih.
Pumasok ako para tumulong iarrange ung mga order nya. After namin, ako na din nagtawag ng pangalan dahil nag uumpisa na sila mag linis sa loob.
"Take out for Mr. Assistant." Sigaw ko tapos hinanap si Kuyang Gwapo.
Pero iba ang nakita ko... Gosh! Bakit parang ang gwapo nya lalo! Ang hot ng lakad nya?! 2 months lang naman kaming hindi nagkita ah!
Nanginginig ung kamay ko at parang gusto kong tumakbo palapit sa kanya. I miss him. Ung original na Mr. Assistant andito na! Papunta sakin, andito na si Keith. Nakatitig lang ako buong paglalakad nya kasi parang nagslowmo...
"Hi. Mr. Assistant ba ung tinawag mo?" Tanong nya pero nakatingin lang ako sa kanya at hindi sumasagot. Nakangiti sya ng sobrang lawak. Gosh! Ang gwapo!
Nakarinig ako ng mahinang tawa sa likod nya kaya nabaling ung tingin ko dun. Nakita ko si Kuyang Gwapo na nakatingin samin at natawa. Epal to sa moment namin! Kainis!
"Camille, Mr. Assistant ung tinawag mo diba?" Tanong ni Kuyang Gwapo kaya tumango ako. "Kunin ko na ung order. Mukhang matagal pa kayo mag momoment dyan ih. " Natatawang sabi nya.
Nakarinig naman ako ng mura mula kay Keith. Pagbalik ko ng tingin sa kanya nakasimangot na at nakatingin ng masama kay Kuyang Gwapo.
"G*go! Panira ka." Sabi nya dun sa boss nya na tinawanan lang naman sya. Tinignan naman nya ako ulit nung tumalikod na ung lalaki. "Ahm... Okay lang bang antayin kita?" Tanong nya
"Yes... Please..." Sabi ko. Ngumiti naman sya at tumango.
"Labas na ko." Sabi nya lang tapos tumalikod. Hindi ko alam kung ano ngayon ung nasa isip nya basta alam ko lamg andito na sua at pwede na kong magpaliwanag.
Bumalik ako sa trabaho at parang nagkaroon ako ng sipag ulit! Kaya naman mabilis naming natalos ung mga linis. Nagpalit lang ako ng damit at inantay sila Mam dahil may evening report na ginagawa. Nung natapos ung hindi naman halata pero excited ako.
Paglabas namin, agad kong nakita si Keith at si Kuyang Gwapo na nakalean sa kotse ni Keith at may hawak sila pareho na kape.
"Una na po ako." Paalam ko sa kila Mam. Ngumiti naman sila ng nakakaloko tapos nagpaalam na din.
"Ingat ka, Camille." Paalam ni Thesa na tinanguan ko lang.
Nang ibalik ko ung tingin ko dun sa dalawang lalaki, nakatingin din sila sakin. At hindi na ko nagdalawang isip na takbuhin si Keith. Alam kong ako ang may kasalanan pero ayoko ng patagalin pa to. Mahal ko to ih.
Patakbo akong lumapit at yumakap sa kanya, sinalubong naman nya ko ng yakap din. Hindi ko din napigilan umiyak dahil sa mga nangyari... Isiniksik ko lang ung mukha ko sa dibdib nya.
"I miss you... I'm sorry..." umiiyak na sabi ko, naramdaman ko naman na hinahagod ng kamay nya ung likod ko.
"I miss you too..." Sabi nya lang at naramdaman ko ung halik nya sa ulo ko. Bago pa ko makapagsalita may nauna na.
"How I wish my love also do that to me." Sabi ng nasa gilid namin kaya napahiwalay ako kay Keith at tumingin sa kanya. "Ops. Sorry. Moment nyo pala yan. Go! Pasok na ko sa kotse." Dagdag nya pa.
Inilingan lang naman sya ni Keith tapos tumingin sakin.
"I miss you." Sabi nya at hinawakan ung mukha ko at pinunasan ung luha ko. "Kumusta ka? 2 months... Mas gumanda ka." Sabi nya at ngumiti kaya naman napangiti din ako at niyakap ulit sya.
"I miss you too..." Sabi ko at tumingin sa kanya na sinalubong nya din ng tingin. "I'm really sorry, Keith. I'm sorry if i push you away, I'm sorry if sumuko ako. Kinain ako ng takot at kaba. Nakalimutan kong iba kami ni Ate. Nakalimutan kong magkaiba kayo ni Lloyd. Nakalimutan kong mahal mo ko at iniintay ako. Sorry... I love you... Totoo un.. mahal kita." Derederetsong sabi ko.
Nakatingin lang sya sakin at habang nakangiti. Di ko alam tuloy kung naniniwala sya.
"Mas masarap palang pakinggan pagnasa personal." Sabi nya at kinulong ako ulit sa mga bisig nya. "Mahal na mahal kita. Na kahit nasaktan ako ng sobra, ikaw pa din ang hinahanap ko dahil ikaw lang ang makakapawi ng sakit na un." Sabi nya at humigpit ung yakap sabay dahan dahan akong inilayo at tinitigan.
"Sorry talaga..." Bulong ko dahil nahihiya na naman ako.
"Okay na un. No need to say sorry anymore... Naiintindihan ko. Nakwento na sakin ni Tito ung nangyari. Naiintindihan ko na." Sabi nya ako naman nagulat. Papaanong nakwento na ni Papa...
"Paano?" Tanong ko, natawa naman sya sa reaksyon ko.
"Cute mo! Nagpunta ko sa inyo bago ako magpunta dito. Bumisita katulad ng lagi kong ginagawa." Sabi nya kaya mas nagulat ako...
"Pumunta ka sa bahay? Kahit andito ako?" Tanong ko ulit. Nagtataka naman syang tumango.
"Oo. Masama bang pumunta ako dun ng wala ka?" Tanong nya sakin...
"Hindi naman pero... Nakakagulat lang lalo na ngayon pa lang tayo ulit nagkaayos.. i mean nagpansinan at nakapag usap." Sabi ko at yumuko.
"Ah. Ikaw lang naman ang umiwas pero ako in touch pa din kila Tito." Sabi nya kaya napaangat ung tingin ko. Pagsalubong nya ng tingin ko kinindatan pa ko. "Ramdam kong mahal mo na ko pero alam kong takot ka kaya nga di kita iniiwan o iniwan, i just give you space because that's what you need. Kailangan mong mag isip at alamin kung asan na ba talaga ko dyan sa puso mo. At hindi naman ako nagkamali! Mahal mo na nga ako!" Nakangiting sabi nya
Tong lalaking to! He already knew that im already in love with him but still he gave me a space to think. How caring he is at hindi lang un! Pati sila Papa pinapahalagahan nya. Kaya pala ganun ang sinasabi ni Papa. Now i know that he will love me so much, hindi lang ako pati ung pamilya ko.
"I love you, Keith." Nakangiting sabi ko.
"I love you too, Camille." Nakangiti din sabi nya at hinalikan ako sa noo tapos umalis na, mag sasalita sana sya kaso nagsalita na naman ung lalaking gwapo.
"Gusto ko pa panoorin ung moment nyo kaso gabi na at mahamog. Baka gusto nyo ng umalis sa lugar na to? Baka lang naman." Sabi nya kaya ang Keith biglang sumama ang mukha na tumingin sa kanya.
"Panira ka alam mo un. Pag ikaw nagkaroon ng girlfriend! Lagi kong sisirain ung moment nyo! Hayop ka!" Sabi nya pero biglang ngumiti ng nakakaloko. "Pero hindi pala mangyayari un kasi hindi magiging kayo." Dagdag nya pa, inirapan lang naman sya nun kausap nya.
"Ni hindi nga ako kilala ih. May epal pa." Sabi nya at bumuntong hininga. "Hatid mo muna ko, bago mo ihatid si Camille." Sabi nya at pumasok na ulit ng kotse.
"Buti nga sayo." Bulong ni Keith. Tapos tumingin sakin. "Hatid muna natin sya tapos hatid kita sa inyo. Im here, we can talk as long as we want. Tara." Sabi nya at kinuha ung kamay ko.
-----------