Chapter 14

2478 Words
CAMILLE Pagpasok mo ng kwarto nakita ko si Ate na nakaupo sa ibaba ng kama nya. Tinitignan ko lang ng biglang mag angat ng sya ng ulo kaya maglasalubong ung mga mata namin. "Cami." Tawag nya sakin, di ako simagot o nagsalita. Nakatayo at nakatitig lang ako. "Cami... Hindi ko na kaya." Dagdag nya Kasabay nun ang mga luhang lumalabas sa mga mata nya. Naawa ako kay Ate, peste kasi tong Lloyd na to ih! Lumapit ako sa kanya at lumuhod para magpantay kami. Inayos ko ung mahulong buhok nya at pinunasan ung mga mata nya. "Anong nangyari sayo, Ate?" Tanong ko habang pinupunasan ung luha nya. "Hindi ka ganto. Mukha kang miserable ngayon." "Cami... Wala na atang patutunguhan ung buhay ko." Sabi nya at may luha na naman lumabas. Inilingan ko lang sya dahil ayokong un ung isipin nya. "Hindi totoo yan." Pagpapagaan ko sa loob nya. "Oo nagkasala ka pero hindi ibig sabihin nun hanggang dun ka na lang. Wag mong patunayan sa lalaking nanakit sayo na hanggang dito ka lang. Magpatuloy ka, ung nangyari sa inyo ni Lloyd, maging aral sayo." Sabi ko at naupo ng maayos. Binaba ko ung bag ko sa gilid. "Pinatay ko ung anak ko." Mahinang sabi nya pero sapat para marinig ko. Di ako nakapagsalita agad dun. Iniisip kung anong sasabihin ng hindi sya nasasaktan. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Oo pero hindi ibig sabihin nun na gagawin mo ng miserable ung buhay mo. Hindi kita kinukunsinti sa nangyari pero ayoko na maging ganyan ka. Tingin mo ba gusto ng anak mo na ganyan ang nangyari sa nanay nya?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin at parang nagtatanong sa isip nya. Napatingin kami sa bag ko ng mag ring ung phone ko. Saglit ko syang tinignan bago kinuha un. "Keith." Bati ko sa kabilang linya. [Nakauwi na ko. Okay ka lang?] Tanong nya halatang nag aalala. "Yeah. Okay lang ako. Ahm... Tawag ka ulit mamaya, mag uusap lang kami ni Ate." Sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Ate. [Oww... Okay. Text mo ko pagkatapos nyo. I love you.] Paalam nya sakin. "Opo. I love you too." Paalam ko din at pinatay na ung tawag. Tinignan ko ulit si Ate na nakatitig sakin. "Kayo na ni Keith?" Tanong nya saken. Alangan man pero tumango ako. "Kanina lang." Sagot ko. Tumango tango lang sya bago mag salita. "Wag mo kong gagayahin... Please..." Sabi nya at umiyak ulit. "Wag ka ng umiyak ng sobra, Ate. Nakakapagod umiyak." Sabi ko at niyakap sya. "Wala na tayong magagawa sa nangyari kaya kailangan nating mag move on. Kailangan mong umusad. Hindi kita gagayahin dahil may sarili akong pag iisip. Gagayahin kita kung paano mag mahal pero hindi ang mga nangyari. Babawi tayo sa anak mo." Sabi ko habang yakap sya. "Salamat, Camille." Sabi nya at maramdaman kong yumakap na din sya sakin. "Kausapin mo lang ako pag gusto mo ng kausap o nalulungkot ka. Andito lang ako." Sabi ko at hinimas ung likod nya. Matapos ng madamdaming usap namin ni Ate, nahiga na sya sa kama nya ako naman nagpalit ng damit at humiga. Nagtext na din ako kay Keith na tapos na kaming mag usap ni Ate pero hindi naman na sya nagreply mukhang pagod o kaya may ginagawa. Lumipas ang ilang bwan, dumaan ang pasko at bagong taon, at ilang linggo na lang matatapos na ang 3rd year ko. Nagresign na din ako sa cafe dahil kailangan ko magfocus sa OJT ko. Iaannounce ngayong araw kung nakasama ka sa mga pinagpilian ng ME. Sabi sa mga scholars lang daw un nangyayari para hindi mahirapan. Kaya naman ganun nga ang nangyari, may iba pang company and gumawa nun pero syempre sa kanila mapupunta ung mga pinagpilian ng ME. Sa bahay naman, medyo naging okay na si Ate sa bahay. Kahit paano pinapansin na sya ni Mama pero casual at hindi na katulad ng dati. Naging masigla na din sya ulit. Pero pinabantayan namin dahil minsan syang nakita ni Fatima na may hawak na blade at nakatutok sa pulso nya. Kaya nga kahit papaano kinakausap na sya ni Mama. Okay na un kesa hindi sya pinapansin. Nagpakilala na din si Keith sa bahay bilang boyfriend ko. Ako naman, nakilala ko na ung mga kaibigan nya at ska Mama nya, ung papa nya wala na daw. "Ma. Punta lang po muna kami ni Keith sa bahay nila. Balik din po ako agad." Paalam ko kay mama dahil wala pa si papa at may binili daw. It's Christmas kaya napagpasyahan namin na ngayon ako magpakilala sa bahay nila. "Ah. Oo nga pala. Nabanggit un ni Keith kahapon. Sige at ingat kayo." Paalala ni Mama. Tumango na lang ako tapos nagpaalam na kila Ate na nasa sala at nanunuod kasama si Keith. Kinakausap din sya ni Ate paminsan. "Let's go." Yaya ko kay Keith at tumango lang sya. Pag labas namin, sumakay na kami ng kotse nya. "Ahm. Andun din pala sila Miggy sa bahay. Nalaman nila kay Mama na ngayon kita dadalhin dun kaya nagsipuntahan." Sabi nya at habang nasa byahe kami. "Okay lang naman. Kilala ko naman na si Miggy, ung iba na lang." Sabi ko tapos bumuga ng hangin sabay tingin sa labas. Narinig ko naman na tumawa si Keith kaya tinignan ko sya ng masama na naramdaman nya un. "Hey! Babe! Wag mo kong tignan ng ganyan. Kasi naman, relax ka nga. Babait naman ung mga un kahit mga tarantado." Natatawang sabi nya. Ayan! Pag may kasalanan babe ang tawag sakin! Tsk! "Kinakabahan ako ih! Tapos baka hindi ako magustuhan ng Mama mo. Kawawa ka naman! Inlove na inlove ka pa naman sakin. " Asar ko sa kanya. "Hindi ka pa nakikita ni Mama pero kilala ka na nya. Trust me! Gusto ka nun kaya hindi ako kawawa." Sabi nya at kinuha ung kamay ko. Napangiti na lang ako at tumingin sa labas. Nang makarating kami sa bahay nila. Hindi ganun kalakihan pero masasabi mong may kaya. I mean ung samin kasi masasabi mong kahit papaano kumikita pero sila mukhang may kaya. "Tara." Yaya nya sabay hawak sa kamay ko. Nagpahila na lang ako sa kanya papasok ng bahay. Sa labas kasi sya nakapark at may mga nakapark din na ibang kotse. Pagpasok namin ng gate nila rinig ko na agad ung malakas na tawanan na siguro mga kaibigan nya. Kinabahan naman ako pero keri naman siguro. Napunta samin ung atensyon ng makaapak kami sa bukana ng pinto. Nakita ko naman ung mga ngisi ng mga kaibigan nya.. "Hi Camille. Nice to see you again." Bati sakin ni Miggy. Ah. Simula kasi nung araw na naging okay kami ni Keith. Hindi naman na ulit kami nagkita nitong si Kuyang Gwapo. "Hi po." Bati ko sa kanya at medyo umurong sa tabi ni Keith. "Sh*t! Si delos Santos pala to!" Rinig kong mura ng kung sino pag tingin ko si Sir Henry! Shocks! Bakit ba nakakalimutan kong kaibigan nga pala sya ni Keith. Ngayon nya lang ako nakita dahil medyo natatakpan ako ni Keith kanina. "Hi Sir Henry." Bati ko na nakangiti pero more on ngiwi. Hinila na ko ni Keith palapit sa kanila. At umupo kami sa mahabang upuan katabi ko sya tas katabi nya si Miggy. "Bakit kilala nyo sya?" Tanong nung lalaking mukhang malandi? Kasi mukhang playboy! Ganurn! "She's my student." Sabi ni Sir Henry na nakangiti. "I just know her." Sabi naman ni Miggy at nagkibit balikat. "Ah... Wala ka na bang ibang estudyante, Papi Hens? Baka naman pwede mo kong ireto." Sabi nung lalaki. "Ung nag iisang babae na lang nung banda na nanalo! Pakil-" bago nya pa matapos ung sasabihin nya bigla na lang may lumipad na unan sa mukha nya. At nakarinig ako ng tawanan sa kanila. Dahil sa nangyari dun sa lalaki. Cute nila! Pero si Ferrer ung tinutukoy nila diba? "Wag mong subukang ituloy yan sinasabi mo, Theo." Sabi ni Miggy dun sa Theo pero umirap lang naman ung lalaki sa kanya at bumulong bulong. "Ska na ko magpapakilala ng estudyante ko pag graduate na sila. Sa ngayon bahala ka muna sa buhay mong hayop ka." Natatawa lang na sabi ni Sir Henry. "Pakilala mo na samin yan kasama mo, Jan Keith!" Sabi na lang ung lalaki. Kaya tumingin ako kay Keith na nakatingin na sakin. Ngumiti lang naman ako sa kanya. "Si Camille, girlfriend ko." Nakangiting pakilala nya sakin tapos tumuro sa mga kaibigan nya. "Si Theo, Harold, Trevor, Henry at Miggy. Mga kaibigan ko, may iba pa pero nasa ibang bansa." Sabi nya kaya ngumiti dun sa mga kaibigan nyang nakangiti din. "Hi po sa inyo." Sabi ko at nahihiyang ngumiti. "Hi Camille. Mababait kami. Promise." Sabi namam nung isang Trevor ata ang pangalan. "Wag ka maniwala, Cami. Hindi mababait yang mga yan." Sabi ni Sir Henry kaya natawa ako. Cami pa din tawag sakin. Pero mas matawa ako dahil tinignan sya nung mga kasama namin ng nagtataka. "Cami? Bakit may pa nickname ka?!" Inis na sabi ni Keith. Seloso! "Ay! Sorry. May iba akong gusto. Atska yun ang tawag sa kanya sa klase kaya yun ang tawag ko sa kanya lalo na pag recit diba?" Sabi ni Sir kaya napatango naman ako sa sinabi nya. "Ah. Advisory mo sya, Papi Hens?" Tanong ni Theo. "Hindi. Subject Prof lang." Nakangiting sabi ni Sir at bago pa ulit makapagsalita ung nasa paligid namin. May lumabas ng kusina na isang may edad na pero magandang babae. May kasama syang isang lalaking feeling ko bata sakin ng limang tanon. "Ang ingay nyo." Sabi nya habang nakatingin samin. "Oh. JK! Andyan ka na pala. Asan si Camille? Akala ko isasama mo. Nagluto pa naman ako ng specialty ko." Napanguso nyang sabi napangiti naman ako dahil dun pero nagulat din dahil kilala nya nga ung pangalan ko. "Okay lang yan, Tita. Kami na lang po kakain." Sabi ni Miggy. Hala! Ang bait! . "Lagi nyo namang kinakain to pag andito kayo." Sagot nya kila Miggy. Kaya natawa sila. Hinawakan ni Keith ung kamay ko at tumayo kaya dun ako napansin ng Mama nya. Na kung kanina nakanguso ngayon naman malapad ang ngiti. "Ma. Si Camille po, girlfriend ko." Pakilala nya sakin. "Babe. Si Mama, tapos si Karl, kapatid ko." Pakilala nya sa mama nya at sa kapatid nya. May kapatid pala sya. "Hello. Merry Christmas po." Nahihiya kong sabi pero nagulat ako ng nilapitan ako ng mama nya at niyakap. "So nice to meet you, Camille. Matagal na kitang gustong makita." Sabi nya at inilayo ako ng unti sa kanya kaya napangiti ako. "Call me Tita Joan. Okay?" Nakangiting sabi nya. Tumango na lang ako dahil sa sinabi nya. AFTER ng pagpapakilala na yun kumain lang kami kasama ang mga kaibigan nya. At sobrang close nila ah. Lalo na si Miggy, kasi siguro matagal na silang magkakilala ni Tita Joan. Kahit si Karl mabait din. Nakakatuwa lang dahil tanggap naman nila ako. "Scholars, eto na ung kasama sa mag oojt sa ME. Sa mga hindi ko matatawag na scholars, look your names on the bulletin board later." Sabi ni Ms. Cruz. Isa isa na nyang binanggit at di naman nagtagal nabanggit ung pangalan ko. Yehey! Actually! Epal kasi to si Keith. May idea na ko na kasama ako dito dahil nagpahaging na sya sakin nung nakaraan. Siguro kasi nakita nila kaya alam kong alam nya. Epal kasi... "So. Sa lahat ng nabanggit kong pangalan, here your recommendation paper together with your application form. Within this week dapat mapasa nyo yan sa HR ng Monticlaro Enterprise kasi kung hindi maiinvalid na yan. Sila ang magpapaliwanag sa inyo ng mga gagawin nyo sa company. That's all for today. Dismiss!" Paliwanag ni Ms. Cruz kaya lahat na kami nagligpit at nag ayos ng gamit. Magkasama kami ni Bea sa ME na mag oOJT kaya kahit paano naman may kilala ako sana lang hindi kami magkahiwalay ng department. Pumunta muna kami ng grounds kung saan may mga upuan para sagutan ung application form namin. May pasok ako ngayon sa cafe, huling isang linggo na lang tapos wala na. "Buti na lang at nakuha tayo sa ME nuh?! Hindi na tayo mahihirapang maghanap o tumingin sa iba. Sabi pa nila may allowance daw ang nag oojt dun." Sabi ni Bea. Totoo naman, meron daw. "Oo nga. Mahirap din mapunta sa ibang company. Maganda na dun tayo sa ME kasi dun din naman tayo magwowork. Ay wait! Dun ka ba mag aapply pagkagraduate mo? Ako kasi doon." Sabi ko dahil noon pa man dun ko na talaga balak. "Hindi. Baka sa iba. Vil Corp. Siguro kasi andun si Kuya. " Sabi nya kaya tinanguan ko na lang sya at pinagpatuloy ung pagsasagot. After nun napag usapan namin na sabay na kaming magpasa para may kilala nga kami. Pumunta na din ako agad sa trabaho ko at pagdating ko dun hindi naman gaano kadami ang tao kaya medyo petiks kami. Medyo magaan na nga ang trabaho namin dahil nga may mga trainee na bago kaya hindi kami magawa gaano. Madali lang din natapos ang duty ko, paglabas ko andun na si Keith sa labas at nag iintay. Hindi na pumasok. "Kakadating mo lang nuh?" Bungad ko ng makalapit ako sa kanya. Natawa pa sya ng unti dahil sa sinabi ko. "Halata ba? Dami ginawa sa office ih. Tara na." Yaya nya tapos humalik muna sa pisngi ko bago ako alalayan pumasok sa frontseat. Pagpasok ko. Bahagya pa kong nagulat ng makita ko si Miggy. Ay mali! Sir pala dapat kasi magiging boss ko sya pag nag OJT na ko dun sa ME. "Hi Camille. Pasabay ako ulit ah. Tinatamad na ko magdrive." Sabi nya kaya natawa ako. "Okay lang. " Sagot ko na lang tapos inayos ung seatbelt. "Tamad magdrive. May tinataguan kamu! " Sabi naman ni Keith ng makapasok na din sya. "Magpasalamat ka at nandito tong girlfriend mo. Kundi mumurahin kita ng tagos sa buto! Hayop ka." Natatawang sabi ni Sir Miggy. . Hindi ako sanay! Nasanay kasi ako na Miggy na lang ung itawag sa kanya since dun naman kami nagkakilala. Tinawanan din naman sya ni Keith at nagdrive na. "Miggy, ikaw muna hatid namin para naman makapagpahinga ka na. May meeting ka bukas ng umaga." Sabi ni Keith. At mag usap sila about sa trabaho ako naman tahimik na nakikinig lang. Mukha silang pagod pareho. "Ah. Camille, alam mo na bang sa ME ka mag oOJT?" Tanong ni Miggy sakin kaya napatingin ako ulit sa kanya. "Oo. Kakasabi lang po kanina. Magiging boss po kita." Sabi ko natawa lang naman sya pati si Keith. "Yeah. Pero pagnasa labas please... Miggy pa din ang itawag mo sakin. Wag na sir." Sabi nya kaya ngumiti ako at tumango. Sa totoo lang, hindi talaga sya halatang CEO minsan. Dahil sa mga kilos nya kasi pag kasama ko sila nila Theo, parang normal na tao lang sya. Pala ngiti pa at approachable. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD