CAMILLE
MATAPOS ang nakakahiyang moment ko! Pumasok ako sa loob at tinignan kung may maitutulong ba ako, buti na lang at meron kaya dito na ko magstay.
Nakakahiya ang pagiging assuming ko! G*go kasi! Feeling close din ako.
"Hoy! Tara break na tayo," kalabit sakin ni Bren at Thesa.
Oo nga pala hindi pa ko nagbebreak. Tsk!
"Tara na," sabi ko at lumabas. Sakto paglabas namin ng order ulit si Mr. Assistant ng coffee at cake may kasama na ding pasta.
Napatingin naman sya samin at ngumisi sakin. Tss... Ayoko na sayo. Turn off!
"Alam nyo sabi nila lagi daw yan nabili ng coffee– lalo na pag umaga, kaya pala hindi natin nakikita," sabi ni Bren.
Sabi ko na bago sakin ang pangalan eh. Si Fhea ata ung sinasabi nya kinaadikan nya. Assuming ka talaga, Camille!
"Ah talaga. Tara na," sabi ko lamang at dumeretso sa staff room. Nagsuot lang ako ng t-shirt at kinuha ang wallet ko at lumabas na.
Sa labas ko na lang iintayin ung dalawa dahil magpapalit raw sila. Magmemeryenda lang naman kami dahil sa bahay na ako kakain. Ewan ko lang sa kanila.
Naglalakad na ko papuntang labas nang may mabangga akong babae at natapon ung hawak nyang kape sa damit ko. Ay shete! Wala akong dalang extra.
"What the f*ck! Are you blind?! Didn't you see that I'm f*cking coming to your way?!" sigaw nya sakin
Aba! Ako pa dapat? Sya itong hindi tumitingin at doon dapat sya sa kabila dadaan pag papuntang counter. Tanga ba ‘to?!
"I'm sorry, ma’am pero doon po ang daanan pagpapuntang counter at dito naman po sa way na to pagpalabas," sabi ko at pinilit na hindi magtunog iritable.
"I don't care. Kahit anong sabihin mo mali ka dahil nabangga mo ko! At look what you did to my dress?! It's so messy! Kaya mo bang bayaran ang dress na to?! Of course, hindi!" pagyayabang nya.
Tsk! Napakayabang! Nakakabwisit! Sasagot na sana ko ng may magsalita sa likod ko.
"Sof, enough. Nakakahiya na, may mga nakatingin na sa ginagawa mo. It's just a dress, nothing much. Beside, she already said sorry. Okay na siguro yun," sabi ni Mr. Assistant. "Atska mali ka naman talaga. There's a signage na doon ang daan sa kabila pagpapuntang counter,” dagdag nya pa.
Tumirik naman ang mata nya halos sa sinabi ni Sir. Tsk! Asan ba sila Bren at Thesa?!
Onque naman na pag isip ko sa kanila ay lumapit sakin. At tinignan ung damit ko na may coffee stain. May mga dala din silang mop at basahan.
"Thank you po, sir and I'm really sorry for this ma’am," sabi ko at yumuko.
Kailangan yun dahil customer service. Though, may mali sya pero customer pa din namin sya.
"Next time, wag kang tanga!" singhal nun at umalis sa harap ko.
Huminga ako ng malalim dahil?! Ano daw?! Tanga?! Sya nga tong tanga e. Humarap ako dun kay Sir at magpapasalamat ako ulit.
"Salamat po ulit l, Sir. Pasensya na po sa nangyari dun sa coffee ng friend nyo. Papalitan ko na lang po," sabi ko at yumuko ulit.
"No need. Coffee lang naman un," sabi nya at tumalikod na.
Nang makabalik na sya sa pwesto nila. Tinulungan ko na lang din sila Bren at Thesa. Letche! Imbis na nakain na kami e.
Pagkatapos namin, pinahiram na lang ako ni Bren ng damit at nagpalit. Tapos nagdere-deretso na kami sa labas. Hindi na ako tumingin sa iba pang customer pero nagsorry naman ako kanina.
"Grabe no?! Mga mayayabang akala mo magaganda! Hindi naman!" sabi ni Thesa habang kumakain kami ng birger dito sa isang kainan.
Mapang lait!
"Hayaan nyo na. Sana pagbalik natin wala na sila," sabi ko na lang.
Pagkatapos namin kumain, bumalik din kami agad. Mabuti na lang din at wala na ung grupo ni Mr. Assistant.
Bakit kaya un ung nilalagay nya? Curious tuloy ako.
Nagfocus na lang ako ulit sa trabaho ko at medyo malagkit ung pakiramdam ko dahil sa natapunan ung uniform ko kanina pero buti medyo nawala dahil binasa ko un. Kinusot kusot ba. Hahahaha
Medyo madaming tao ngayon kaya hindi din kami gaano nakapagpahinga, serve dito serve doon. Pagkailangan sa loob, papasok para tumulong, pag kailangan ng tulong sa drinks pupunta dun para tumulong. Ganun ung naging cycle namin hanggang sa makaout ako.
"Hay! Kapagod!" sabi ko ng makalabas na ko ng Cafe.
Nagpunta na ko sa sakayan ng jeep at umuwi nakakapagod tong araw na to pero atleast madaming tao. Pagkasi madaming tao at malaki ang sales namin, bininigyan kami ng incentive ng boss namin.
Naabitan kong gising pa si Mama at Papa. Gabi na ah. Magte-10 na din bakit hindi pa sila tulog. Imposible naman na inaantay nila ako.
"Ma, pa. Bat hindi pa po kayo tulog? Gabi na po," sabi ko
"Wala pa ang Ate Caith mo, Camille. Paano kami matutulog kung wala pa sya," sabi ni Mama.
Sabi na ih. Si Ate na naman. Hays!
"Baka po kasama ni Ate Caith si Kuya Lloyd," sabi ko at magderetso na sa kusina para kumain.
"Hindi nga din sumasagot si Lloyd. Ring lang nang ring," sabi ni Papa.
Kaya naman kinuha ko ung phone ko at ako mismo ang tumawag sa number ni ate at Lloyd– pero ganun din hindi rin sumasagot.
"Hayaan mo na, kumain ka na dyan tapos magpahinga," sabi ni Papa. Kaya naman un na nga ung ginawa ko.
Umakyat na ko agad at nagbihis, naghalf bath lang din ako tapos humiga na. Madali naman akong nakatulog dahil sa pagod.
Paggising ko, tinignan ko agad ang higaan ni Ate. Hindi sya umuwi– alam ko yun dahil hindi magulo ang kama nya. Ako kasi ung mag aayos nyan kaya alam ko.
Lumabas na ko ng kwarto at hinahanap sila Mama. Nag-aalala ako kasi baka hindi sila natulog dahil nga hindi umuwi si Ate.
Tama nga ako. Andito sila Mama sa sala at mukhang hindi pa natutulog. Nilapitan ko to at hinawakan sa likod.
"Ma? Natulog na ba kayo ni Papa?" Tanong ko sa kanya. Bahagya namam syang tumingin sakin at ngumiti
"Hindi pa anak. Pero ayos lang inaantay pa din namin ang ate mo. Kumain ka na dun at may pasok ka pa," sabi nya at hinawakan ang pisngi ko.
"Sige po. Kayo ni Papa kumain na?" Tanong ko sa kanya ulit pero tumayo na ko.
"Mamaya na kami. Sabayan mo na ung mga kapatid mo dun," sabi nya kaya tumango na lang ako.
Asan kaya un si Ate? Bakit hindi umuwi? Ngayon lang un hindi umuwi. Ano kayang nangyari dun. Baka naman nakitulog sa mga kaklase nya dahil may ginawang group activity. Baka nga. Mamaya andito na un.
"Ate Cami, kain ka na po,” yaya sakin ni Chester nang makarating ako sa kusina.
"Oo, salamat," sabi ko at ngumiti.
Kumain lang kami at ako naggayak na papasok. Wala naman akong quiz pero ayokong malate.
Bago ako umalis ng bahay. Sinabi ko kila mama ung naisip ko. Pwede naman kasi nagagawa na yun ni Ate pero nagpapaalam naman sya kaya hindi nag-aalala sila Mama. Pero ngayon kasi walang paalam.
Hanggang makapasok ako ng school, si Ate pa din ang nasa isip ko. Pero nawala un ng tumawag sya sakin habang naglalakad ako sa hallway ng classroom namin.
"Ate!" Bungad ko sa kanya
[Cami! Nasa school na ko, pasabi kila mama na nakitulog ako kila Yna kagabi, may activity kasi kaming tinapos. Nakalimutan kong magtext kay mama o sayo. Sorry.] paliwanag nya sakin.
Sabi ko na e! Nakitulog lang to sa mga classmate nya.
"Sige, ate. Wag mo na ulitin ha! Hindi natkatulog sila mama kakaantay sayo. Tawagan ko na lang. Bye," sabi ko at pinatay na amg tawag.
Hindi ko na sya inantay na makasagot kasi nag aalala ako kila Mama. Kawawa naman. Tinawagan ko na lang din sila at sinabi ung sinabi ni Ate. Nakahinga naman silang maluwag dahil dun. Atleast alam nilang safe si Ate. Ako din naman. Hehehe
Nagtuloy tuloy ang klase ko. At magmeeting din kami para dun sa booth na nakaasign saming course. Malapit na din ang midterm pala! Kailangan ko ng magfocus sa pagrereview.
After ng morning class, naglunch lang kami tapos balik para sa afternoon class namin, dahil si Sir Henry ulit ang prof namin. Ung mga blockmates ko mga nakamake up na. Tss! Pagpasok ni Sir. Tinignan nya kami isa isa tapos tumawa. Cool kaya si Sir na prof! Mabait pa.
"Girls, please. Wag nyo masyadong kapalan ang make up. Baka mapagkamalan kayong coloring book," sabi nya na ikinatawa naman namin.
"Sir! Nagpapaganda lang ih.. para sayo kaya to sir!" sabi nung isa namin blockmate.
"Kalma kayo. I don't want to be fired. Anyway. May announcement ako. Baka kasi mamaya may dumating na naman na asungot ih. " Sabi nya at tama ng may kumatok. "Oh diba? Sabi ko na ih. Malapit na kasi ang festival. Come in." Dagdag nya pa.
Bumukas ung pinto at nakita ko na naman ung magandang babae. Sya lang mag isa.
"Hi Sir! " Bati nya kay Sir Henry.
"Ikaw na naman?! Bakit? Manghihiram ka na naman ng estudyante ko?" Tanong ni Sir kay Nicole.
"Hindi po. Mag aannounce lang. Grabe ka Sir!" sabi nya at ngumiti.
"Maya ka na mag announce ako muna," sabi ni Sir at ngumiti na parang inaasar ung Nicole.
"Ako muna Sir! May quiz ako kay Ms. Minchin. " Sabi nya at tumawa naman si Sir dahil dun.
"Susmbong kita kay Ms. Cruz! Kaya mo naman un. Kunwari ka pa. Sige na," sabi ni Sir at tumingin samin. "Guys. Pakinggan nyo muna ung sasabihin nya. Mamaya na ko," sabi ni Sir.
Parang close na close talaga sila ni Sir Henry. Dahil siguro lagi silang magkasama. Ang galing!
"Hi, guys! It's me again. Sorry sa istorbo. So, sa Festival, magkakaroon tayo ng Mr. and Ms. Aim High. KC and SC require all the courses to participate. Ang Marketing Management Department ay magkakaroon bukas ng elimination and selection kung sino ang lalaban para sa Department natin. All blocks required na magpasali at magsubmit mamaya ng application for tomorrow, sa pambato nyo– just prepare your saying or beliefs, talent, gown and intro. Sorry if rush, need natin gawin bukas kasi by next week lahat tayo busy dahil sa reviewing ng midterm. Sana makapagbigay kayo. Here's the appilication form. Thank you!" Mahabang paliwanag nya sabay abot ng form.
Tsss! Dapat ang isali sa ganto sila Cassedey at Lyris.
"Are you done, Nics?" Tanong ni Sir Henry.
"Opo, Sir. If my question kayo about dyan sa application. Feel free to go sa room ng Block D. Nandoon lang naman ako. Ayun lang. Thank you, Sir! Bye sa inyo," sabi nya at umalis na din. Parang sobrang busy nya.
Pagkaalis ni Nicole. Di na napigilan ni Bea magtanong kay Sir. Nasa harap kasi kami kaya naririnig namin ung usapan nila kanina.
"Sir! Bakit parang lagi syang busy at sya ung nandito?" Tanong ni Bea.
Natawa ng bahagya si Sir dahil dun.
"Busy talaga ang batang un. Maraming Academics at Extracurricular Activities na ginagawa. PIO din kasi sya ng department natin kaya isa sya sa nag iikot," sagot ni Sir samin na nakangiti.
Gulat naman kami pareho. Seryoso! Ang dami nyang ginagawa!
"Kaya nya un Sir?" Tanong nung isa kong blockmate.
"Hm. Nakakaya naman nya. Hindi naman nya napapabayaan ang pag-aaral nya. Actually siya din ang block president ng hawak kong block at siya din ang top student dun. So wala naman problema." Nagkibit balikat na sabi Sir.
Wow! Ang galing! Sana all!
"Okay! Mamaya nyo na pag usapan kung sinong ilalaban nyo. Pero if I were suggest, laban nyo to si delos Santos. May pag asa," sabi ni Sir Henry kaya napatanga ako! Ano daw? Bakit ako?! "Anyway! So maaga pa man sasabihin ko na sa inyo na hindi ako magbibigay ng Finals. Pero may ipapagawa ako sa inyo. Sa hawak kong block ginagawa na nila to. Dahil wala silang Midterm and Finals sakin pero medyo mahirap ang pinagawa ko sa kanila." Paliwanag ni Sir.
"Are we going to do what they're doing?" Maarteng tanong ni Cassedey.
"Nope. Sa inyo naman, you will group into 5 and choose one of the company na kilala dito sa Manila. Madali lang un sa inyo, since some of you are son or daughter of a business man. So please... Choose your groupmate. Piliin nyo na din kung sino ang leader nyo," sabi ni Sir kaya naman ung mga blockmate ko ay magkanya kanya na.
Syempre kami ni Bea at hahanap na lang kami.
"May group na kayo, Cami? Tayo na lang. " Sabi ni Daisy
Tumango na lang kami tapos naghanap pa ng iba. Nung nakumpleto na nagtabi tabi kami at inantay si Sir na magsalita ulit.
"Okay na ba ang lahat? Para mapaliwanag ko na ung gagawin nyo," sabi ni Sir nang mapansin na nakaupo na kami. Sumagot na lang kami laya nagpatuloy sya.
"Okay! So katulad ng sabi ko you will choose one of company here in Manila. You and your group will search their most effective strategy and their not so effective one. Irereport nyo dito sa harap at ipapaliwanag nyo kung saan sila nagkulang sa strategy nila dun sa not so effective at kung anong nakikita nyo bakit naging effective ung most nila." Paliwanag ni Sir.
Tumango tango na lang kami dahil sa sinabi nya. Medyo mahirap lalo na isa lang ang laptop sa bahay.
"Kahit gawin nyo na un after ng festival. Tutal may midterm pa. Magbibigay ako ng Midterm pero 30 items lang. 10 items, enumeration, 5 explanation, 15 is identification. Kung ano lang ung napag aralan natin un lang ung ilalagay ko sa midterm. So review review na. Bye. See you next meeting. Gamitin nyo ung oras ko para makapag usap about dyan," sabi nya at lumabas na.
Katulad ng sabi nya ginawa naman namin un. We just discuss some of are we gonna do. Kung anong Company ung kukuhaan namin at kung sino ung nakaatas na gagawa ng research at kung sino naman ung magrereport.
Nilagay ako sa magrereport. Tapos si Bea na ung sasagot sa tanong.
Natapos na ang klase namin at wala akong pasok sa work dahil RD ko. Uuwi na ko deretso sana nasa bahay na si Ate para magamit ko ung laptop. Kahit kasi reporting lang ang nakaasign sakin, mas maganda na may maambag din ako.
Nakauwi na ko ng bahay at salamat dahil andun na din si Ate. Kaya naman nahiram ko ung laptop kasi hindi naman nya ginagamit.
May napapansin lang ako bakit parang ang tamlay at pagod nya ngayon. Kadalasan naman kasi itong si Ate nasa baba to at nakikipagkwentuhan o nakikipagkulitan samin.
Nagkibitbalikat na lang ako dahil baka nga napuyat at napagod sya sa ginawa nila.
Ginawa ko na lang ung mga dapat kong gawin, nagreview na din ako unti unti para kahit paano may pumasok na sa isip ko kahit next next week pa ung midterm.
--------------