KEITH
"Okay. I guess that's all. Meeting Dimiss." Sabi ni Miggy kaya naman nagsilabasan na ung mga kameeting namin. Nung naubos na at kami na lang ang matira. Huminga sya ng malalim at mukhang pagod na pagod.
"Coffee?" Tanong ko sa kanya.
"Tara." Sagot nya lang at tumayo. Nauna pang maglakad sakin. Sakto naman pagbukas namin ng pinto. Isang taong ayaw makita ni Miggy ang bumungad.
"Hi babe. Kanina pa ko mag aantay sayo sa office mo. So I get bored." Sabi ni Sofia sabay angkla ng braso kay Miggy.
Huminga lang naman ng malalim si Miggy at hindi na nagsalita. Kawawang Miggy dapat kasi pinakawalan na nya noon pa para hindi sya nahihirapan ngayon. Hindi nya tuloy malapitan ung babaeng gusto nya. And speaking of babaeng gusto, asan kaya si Camille? Coffee break nya ngayon alam ko ih.
Kinuha ko ung phone ko at tinext sya.
To: Babe
Coffee or Busy?
Tanong ko lang dahil minsan hindi un bumababa kaya pinapadalhan ko na lang ng coffee but sometimes nakakasabay ko sya. Halos magdadalawang bwan na rin sila dito. At unting araw na lang matatapos na ung OJT nya.
Naputol naman ang pag iisip ko ng narinig ko ung boses ni Miggy na naiirita.
"Please Sofia! You're being too clingy. Can you move a little?" Iritang sabi ni Miggy. Paano ba naman nasa daan kami halos idikit na ni Sofia ung dibdib nya kay Miggy.
Kung dati siguro baka gustong gusto nya yan pero ngayon. Tss... Wala na yan. Hindi ko pa nakikita ung babae kasi hindi nya naman pinapakita pero feeling ko kilala ni Henry.
"Babe naman. Diba you want this..." Malanding sabi ni Sofia. Halatang inaakit si Miggy.
"Tigilan mo ko. Lumayo ka na." Malamig na sabi ni Miggy at alam kong galit na sya ngayon.
"Sofia. This is not the proper place para ganyanin mo si Miggy. Please, respect him. Nasa kompanya ka." Sabi ko na lang para lumayo si Sofia. Nakita ko naman na nagdamog si Sofia at bumitaw sa braso ni Miggy.
Nag chimed naman ung phone ko kaya tinignan ko un at nakita ko ung pangalan ni Camille kaya napangiti ako.
From: Babe
Coffee. San ka?
Yes Makakasabay ko sya today mag coffee. Nagreply ako sa kanya at sinabing pababa kami. I just smile when she said pababa din sila.
"Ngiti mo, Jan Keith." Sabi ni Miggy kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Nakatingin din sakin si Sofia na nagtataka.
"Inggit ka lang." I mouthed ng hindi na nakatingin sakin si Sof. Tinaasan lang naman ako ng middle finger ni Miggy kaya napailing na lang ako.
Hayop talaga! Kung makikita sya ng mga empleyado dito, tatawanan sya. Mabait si Miggy sa mga employees dito sa ME parang sila Tito Miguel at Tita Klea kaya mahal ng mga empleyado ang mga Monticlaro dahil mababait.
Pumasok na kami ng elevator at pinindot ang ground floor dahil dun kami magkakape.
Nasa gitna ako ng dalawang tao kaya si Sofia nakasimangot, si Miggy naman normal look lang.
Biglang bumukas ung pinto ng elevator habang may nag uusap. At nakita ko ang maganda kong girlfriend na nakangiti at may kausap na dalawang lalaki. Mukhang hindi nila kami napansin dahil hindi naman sila tumingin samin.
Pinagmamasdan ko lang syang kausap ung dalawa at hindi lang naman sila marami pa. Ang cute talaga ng babaeng to. Sakto naman na nasa harap ko sya.
"Ang tawag sa samahan nila. Samahan ng Magagandang Lahi!" Sabi nung isang gay ata?
"Ay true friendship! Tas ang President nila syempre si Nicole! Ay pak talaga!" Sabi naman nung isa. Tas nagtawanan sila, naririnig ko naman nagtataray si Sofia sa gilid pero di rin nakalagpas sakin ung pagngiti nitong isa kong kasama.
"Mga baliw kayo! Wala nga si Ferrer dito ih. Siguro sa Vil Corp sila nag OJT." Sabi naman ng mahal ko.
"Ay baka! Friend nila si Danica Villanueva diba? Susyal!" Sabi nung isang gay. Nagtanguan lang sila at tumahimik bigla.
"San pala punta mo, Cami? Hindi ka sa cafeteria mag memeryenda?" Basag nung katabi nya.
"Sa baba ako." Sabi lang ni Camille.
"Ay! May boylet ka dun ‘no?" Sabi nung isa.
"Uhm... Oo, nandun ung boyfriend ko." Sabi nya kaya sa di ko malamang dahilan kahit wala akong iniinom na tubig nasamid ako.
Ang g*gong Miggy. Inilingan lang ako. Napatingin naman sila samin kaya laking gulat nila ng makita kami, ako nauubo pa din. Si Camille naman malaki ang mata at nakangiti.
"Good afternoon po, Sir Miggy and Sir Keith." Bati nila samin. Tumango lang si Miggy sa kanila at ngumiti.
"Okay lang po kayo?" Pang aasar na tanong ng dahilan kung bakit ako naubo. Tsk! Galing mang asar! Tinignan ko lang sya at tinanguan.
Lumabas naman na ung mga kasama ni Camille nung tumapat sa floor ng cafeteria. Sya nagstay lang dun.
"San kayo kakain?" Tanong ni Sofia. Nagkatinginan kami pareho ni Miggy ng makalimutan namin na andito pa pala to. G*go to si Miggy.
"Sa baba. Dun sa coffee shop. Uuwi ka na ba?" Malamig na tanong ni Miggy.
"Yeah. Mukhang ayaw mo naman akong kasama." Sabi nya at parang nagpapaawa pa.
Di muna nagsalita si Miggy at hinayaan lang ung sinabi ni Sofia. Hanggang sa tumunog ung elevator hudyat na andun na kami sa GF. Dun lang nagsalita si Miggy ulit.
"Okay. Ingat ka pauwi." Sabi lang ni Miggy at nauna pang lumabas. Tinapik pa ung balikat ko at sinenyasan na lumabas na.
Hinawakan ko na lang ung kamay ni Camille para makasabay sya samin. Nagulat pa nga. Pero agad din ngumiti ng maging komportable sya.
CAMILLE
"Hot chocolate na lang sakin. Okay na ko dun. Busog pa naman ako." Sabi ko ng tanungin ako ni Keith ng order ko.
"Okay. Sure ka ha..." Paninigurado nya kaya tumango na lang ako. Ngumiti muna sya bago tumalikod at pumunta ng counter.
Kaya naiwan kaming dalawa ni Sir Miggy na mukhang pagod na pagod.
"How's your staying here, Camille?" Biglang tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Okay lang po. Masaya! May mga pinagawa sila na napag-aralan namin. Akala ko nga madali lang, hindi pala. Mahirap na pag actual." Natatawang sabi ko bahagya din syang natawa dahil dun. Pero tumigil agad tapos tumingin sa paligid.
"Baka andyan ung mga kaibigan mo kanina, akalain ako ung boyfriend mo. . Keith will punch me if that happens." Sabi nya at umiling
"Hindi naman po un. Kasi alam ng mga tao sa company na girlfriend nyo ung kasama nyo kanina." Sabi ko kaya tumango tango sya. "Pero bakit parang hindi kayo magjowa?" Tanong ko dahil hindi na ko makatiis.
"Long story, pero... She cheated on me, madaming beses. Bukod dun, may mahal na kong iba. Un nga lang, ung babaeng mahal ko hindi naman alam na nageexist ako." Sabi nya kaya napatitig ako bigla sa kanya. Kawawa naman!
"Bakit hindi nyo po hiwalayan si Sofia?" Tanong ko. Chismosa ka, Camille!
"Ginawa ko na un kaso... . Next time ko na ikukwento baka magselos na satin ung boyfriend mong papatay sa titig." Sabi nya kaya napatingin ako kay Keith at nakatitig sya samin. Seloso talaga to!
Di na ko umangal dahil baka ayaw din nyang magkwento. Inantay na lang namin si Keith na makabalik at di naman un nagtagal.
"Nakakaselos pala ‘no?" Biglang sabi nya kaya si Miggy, natawa lang.
"Don't be. Kahit malayo at hindi ako kilala nung mahal ko, nahuhulog pa din ako." Sabi ni Miggy sabay inum sa kape.
"Ano pong pangalan nya?" Chismosa kong tanong dahil nakucurious na ko. Ngumiti lang si Miggy tas umiling.
"Can't tell her name. Baka kilala mo ibuko mo pa ko." Sabi nya at ngumiti. Saka tumayo. "Una na ko sa office. Nakakainggit kayo." Sabi nya at umalis. Para talaga syang hindi CEO pero nung nagsalita sya para iwelcome kaming mga mag oOJT. Ang galing!
"Crush mo si Miggy?" Sabi ni Keith pero ramdam ko ung inis. .
"Sira ulo! Nakakaawa lang sya atska parang hindi sya boss kung makipag usap minsan." Sabi ko at tumanday sa balikat nya.
"Akala ko type mo sya ih. Mag aaway talaga kaming dalawa." Sabi nya. "Medyo nakakaawa nga din yan. Buti nga ngayon nakakaalis na yan sa paningin ni Sofia, dati hindi. Ung pakikipag usap nya? Na parang kaibigan nya lang. Ganun kasi sila Tito Miguel at Tita Klea. Kaya ganyan sya, pero strikto yan pag trabaho trabaho. Pagmali, mali." Sabi nya kaya tumango na lang ako.
"Kilala mo ung babaeng sinasabi nya?" Tanong ko dahil curious dahil ang isang Miggy Monticlaro parang wala namang makakatanggi sa kanya.
"Hindi. Hindi nya din sinasabi." Sagot nya at uminom ng kape. Tumango na lang ako at uminom din ng kape.
Bumalik na din kami agad sa office dahil madami kami parehong gagawin. Marami akong ieencode ih.
Natatawa pa din ako pag naalala ko ung samid ni Keith kanina. Malay ko bang andun sya atska totoo naman na ang boyfriend ko nasa baba.
Natapos ang office hours at ganun din ang gawain namin kaya sabay sabay kaming bumaba nila Sian. Nagtext din naman si Keith na pababa na sila ni Miggy. Kaya nag antay ma lang ako sa lounge ng Company.
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong sakin ni Bea.
"Uuwi na. Inaantay ko lang ung sundo ko." Sabi ko at ngumiti.
"Sus! Jowa! Dito na ko. Ingat ka ah. Bye." Paalam nya sakin kaya kumaway na lang din ako. Bigla naman nag chimed ung phone ko kaya kinuha ko. Si Keith ung nagtext.
To: Babe
Dito na ko sa labas. San ka?
Di na ko nagreply kundi lumabas na ko. Andito daw sya sa labas ih. Nakita ko naman ung kotse nya kaya agad akong lumapit. Nakita ko pa sila Bea na nakatingin sakin kaya ngumiti ako. Bago pumasok sa kotse ni Keith buti nga at tinted to.
"Let's go?" Tanong nya kaya tumango ako.
"Mukhang sinipag magdrive ung boss mo ah." Sabi ko habang nabyahe na kami. Natawa lang sya.
"Medyo… Sabi ko epal sya sa moment natin ih." Sagot nya sakin kaya natawa naman ako.
"Medyo nga. Kahit nakakasama natin sya madalas, naiilang pa din ako ih. " sabi ko at tumingin sa bintana.
Nakarating kami ng bahay na tahimik pero magkahawak ang kamay. Minsan ganto lang kami lalo na pagparehong galing ng trabaho. Masarap din naman na tahimik at nakikinig lang ng music.
"Wag ka na pumasok. Uwi na din agad para makapagpahinga ka na. Ingat ka pauwi." Nakangiting sabi ko sa kanya dahil may balak syang bumaba, nagtanggal kasi sya ng seatbelt. Nagtanggal na din ako.
"Hm. Okay. Hi mo na lang ako kila Tito." Sabi nya at ngumiti.
"Opo. Bye. I love you, babe." Balik ko sa kanya tapos yumakap, tinugon naman nya ung yakap ko at humigpit pa.
"Bye. See you tomorrow. I love you too, babe." Sabi nya tapos unti unting humiwalay. Ngumiti at nagwave na lang ako sa kanya ska tumalikod pero natigil dahil tinawag nya ko. "Babe."
Nilingon ko naman sya ng nakangiti pero nagulat ako dahil isang halik ang bumungad sakin.
My First Kiss!
Magkadikit ung mga labi namin at ang lambot ng labi nya! Hala! Ganto pala ang first kiss! . Kiss lang naman diba? Wala namang masama sa kiss. Bumitaw naman sya agad at natingin sakin. Ako naman, nakatulala sa kanya. Tsk! Mukha ata akong ewan.
"I love you." Nakatitig habang may ngiting sabi nya. Napangiti na lang din ako.
"I love you too." Balik ko sa kanya. "Magnanakaw ng first kiss!" Biro ko pa. Natawa lang sya sabay pisil sa ilong ko.
"Nakakahiya kasi kung magpapaalam ako kaya nakawin ko na lang." Natatawang sabi nya at hinawakan ung kamay ko. "Mahal na mahal kita, Camille. Alam mo bang nagseselos ako sa inyo ni Miggy, ngayon lang may kinausap si Miggy na babae katulad ng pagkausap nya sayo."
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Bahagya syang yumuko at parang nahihiya.
"Kahit noon sa mga kaibigan ni Sofia, hindi sya gaano nakikipag usap. Pala ngiti sya at hindi snob pero hindi sya ang unang nakikipag usap. Unlike sayo na sya mismo ang nakikipag usap. Sya unang babati at ngingiti. Palagay ung loob nya sayo." Sabi nya at tumingin na may malungkot na ngiti. Hinawakan ko lang ung mukha nya.
"No need to be jealous, Keith. Ikaw ang mahal ko." Paninigurado ko sa kanya at ngumiti.
"I can't help it. Si Miggy un, matinik sa chiks un, walang nakakatanggi dun." Sabi nya at umiwas ng tingin. Tinawanan ko naman sya sa sinabi nya.
"Meron! Ako! Aba, wala akong paki sa karisma ng isang Miggy Monticlaro. Sa isang Jan Keith Ramos ako tinamaan." Sabi ko at kumindat sa kanya ng magtama ung paningin namin tapos ako na mismo ang lumapit sa kanya para maglapat ung mga labi namin. Ramdam kong nagulat sya kahit mabilis lang un.
"You kissed me?" Nagtatakang tanong nya. Tumango naman ako.
"I sealed my love for you with a kiss." Nakangiting sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla syang nagmura pero natawa din kasi halatang pinipigilan nyang ngumiti.
"T*ngina!" Sabi nya sabay kagat ng ibabang labi nya. Ang cute!
"Sira ka. Baba na ko. Ingat ka, babe. I love you." Sabi ko tapos hinalikan ulit sya tapos nagmdaling lumabas habang nakatulala sya dun. Bahala sya dyan.
-----------------