Kabanata Labin Walo

1224 Words
Mulagat Ang mga mata naman ng babaeng aswang nang marinig sa may di kalayuan ng Bahay Nina Emang na parang may narinig itong binigkas na tinig ng Bata na salitang 'Engkanto' gigil Ang aswang na nakakubli sa unahan sa may mga halaman sa paligid nina Emang dahil di nito napakinggan ng maayos kung anong pinag-uusapan ng mga ito tungkol sa mga Engkanto. Ngunit dahan- dahan nang gumapang palayo Ang babaeng taga tribu at dumaan sa mga kakahuyan. Kahit di nito narinig ng maayos pero halatang may kaugnayan ang pamilyang iyon sa mga Engkanto. At ireport na niya iyon sa kanilang pinuno para maaksyunan agad ngayong gabi Ang pagdukot sa dalawang persona na miyembro sa pamilyang iyon. Kumaripas pa ng takbo ang iilang batang napadaan at nakakita sa babaeng gumapang patungong kakahuyan. " Aswang!!!! may aswang!!!" Sigawan pa ng mga bata sabay turo sa babaeng nagmamadaling gumapang papuntang kakahuyan. At kitang-kita ng mga ito ang malalagkit na hitsura ng babae at Ang buhaghag na mga buhok nito ba siyang dahilan kung bakit nagulat ang mga bata nang makita nila ito. Kapwa naman natigilan sina Emang sa sigawan ng mga batang taga roon sa kanilang lugar kaya nagmamadali din Silang lumabas at tiningnan Ang itinurinng mga batang taga roon. Subalit Wala na silang naabutan at ito'y nakapasok na sa mga lakahuyang iyon. " May nakita po kaming aswang na babae, sa hitsura pa lang niya ay haleyang aswang siya!! Mukha po siyang taga tribu!" Sabi pa ng isa sa mga Bata. Kinabahan Naman sina Emang at nagkatinginan Sila sa sinabi ng mga Bata at nakita. Baka kung ano na naman ang masamang gagawin ng taga tribu. Talagang nakakatakot at di na safety ang paligid ng kanilang lugar kahit Araw. Pagsapit ng gabi ay hinintay nina Emang at Ang buong pamilya Ang pag-usbong ng bilog na buwan. Mamayang lampas alas otso na siguro magpapakita Ang buwan kaya ngayong alas otso din siya magbabagong anyo. Dumating nga ang nasabing Oras kaya ganoon nalang pagkagulat ang kanyang kinilalang pamilya nang makita ng mga ito ang pagbabagong anyo niya bilang si Shahara! " E-emang, anak! i-ikaw yan?" Manghang sabay tanong nina Mang Andoy at aling Lucia sa babaeng kay ganda-ganda na nasa kanilang harapan. Nasa loob Sila ng kuwarto Ng mga sandaling iyon upang walang makakita ng kanyang actual na pagbabagong anyo. Pati ang kuya Ben niya at si Reyah ay mulagat Ang mga mata ng mga ito sa Nakitang pagbabagong anyo niya. Ilang minuto din ang mga itong hindi nakapagsalita ulit at namilog lang ang mga mata Ng lahat na nakatingin sa kanya. " Oo nay , tay.. Ako po ito, si Emang o Shahara." Sabi niya at di na Naman napigilan ang maging Emosyonal. " Santisima! Isa ka ngang immortal anak. Jusko." Wika ng Ina habang nanlaki parin Ang mga matang nakatingin sa kanya. " Kailangang huwag niyo itong ipagkakalat , Ben at Lalo kana Reyah." Sabi ng kanyang tatay Andoy nang makabawi sa pagkagulat. " Hinding- hindi po tay.." Tugon naman ni Ben na nakatingin parin sa Kapatid na si Emang. " Opo Tay." Sagot din ni Reyah sabay lapit kay Emang o Shahara. " Ate Emang! Ito na yung sinasabi ko, naging totoo po yung mga imagination ko na balang araw ganito po kayo kaganda!" Natutuwang wika ni Reyah. Ginantihan din ng yakap ni Shahara ang bunsong Kapatid. " Kailangan kung umalis ngayon nay tay, dahil may importante kaming pinag- usapan ng Ina Kong Engkanto tungkol sa sinasabi niyang mission, kung Ano kaya iyon, Hindi niya natapos Ang kanyang sinasabi sa akin." Sabi ni Shahara o Emang. Pinayagan naman ng mga magulang si Emang na makaalis. Kaya nagmamadali siyang nagtakbo sa baybayin kung saan alam niyang doon banda nakatira ang kanyang mga kalahi. Nag-iba Siya Ng daan dahil baka muli siyang makita ni Argus doon Sabi pa naman nitong babalik ito sa baybayin ngayong gabi. Nasa malaking puno na Siya ng gabing iyon at agad na tinawag Ang kanyang inang nakausap kanina. "Ina ko. Nandito ako." Mahinang Sambit pa niya at alam niyang maririnig agad Siya nito. Nagulat nalang Siya nang biglang lumitaw sa harap niya ang kanyang inang Engkanto. Talagang magkamukha Sila nito sa ganda. Muli Naman siyang niyakap ng Ina niya. " Napakaganda talaga ng aking princesa.. " Nakangiting Sabi ni Rayna Dianna. " Pero sana darating ang araw na ganito na talaga ako habang buhay Ina." Sabi pa niya sa Ina. " Iyan Ang pag- uusapan natin ngayon na kailangang malutas Ang problema natin at nakasalalay Sayo ang lahat anak.." Sabi ng Ina niyang Rayna. " Iyan nga ang pinunta ko dito Ina." Tugon niya rito. " Anak, Puntahan mo Ang sinasabi kong bundok at doon mo makikita Ang sinasabi kong mahiwagang ilog.. Sisirin mo ito sa ilalim upang makita mo ang lagusan roon papunta sa lumang kaharian ng ating mga ninuno. At sa loob ng abandonadong kaharian ay makikita mo sa loob ang malakas na Mutyang sinasabi ko. Madedetect ito sa pamamagitan ng singsing na nasa saiyo ngayon anak At ang tubig ng ilog sa loob ng kahariang iyon ay siyang magpapabalik ng iyong totoong mukha at magpapakuha ng mahikang itim na nasa iyong katawan. At pag magawa mo iyon ay matatalo na natin ang lakas ng pinuno ng tribung aswang." Mahabang wika ng kanyang Ina. " K- kaya ko kaya? Kailangan pa akong dadaan sa malawak na gubat, Buti sana kung lagi Akong ganito dahil magagamit ko lang ang aKing mahika, pero kung magiging si Emang Ako, mahihirapan talaga Ako Ina." Sabi niya sa Ina. " Kaya mo anak.. kailangang kakayanin mo." Sagot ng Inang Rayna. Matapos silang mag-usap ng kanyang Inang enagkantada ay nagmamadali na siyang umuwi sa kanila. At Nagtataka Naman Siya sa kanyang naabutan na nag- iiyakan. Ang kanyang nanay Lucia ang umiiyak at si Kuya Ben naman niya ay Malungkot na nasa tabi ng kanilang nanay Lucia . Napansin din niyang nagkakat Ang mga kagamitan sa loob ng kanilang bahay! " Nay, Kuya bakit? Anong nangyari?" Tanong niya sa mga ito. " Anak, Emang! Dinukot ng mga tribung aswang Ang tatay Andoy niyo at pati na si Reyah! kaalis lang nila!" Umiiyak na Sagot ng kanyang nanay Lucia. " Oo Shahara, Emang.. dinukot Sila tatay.." Di rin napigilang mapaiyak Ang kanyang Kuya Ben. " Hindi!! " Sigaw niya. At nang marinig niyang may mga Kapit bahay na pararating sa kanilang bahay ay nagmamadaling umalis si Shahara at dahil sa nangyari ay balisa siyang tumakbo papuntang baybayin kung saan alam niyang naroon si Argus. " Argus!!" Sigaw at tawag niya sa binata habang ito'y nakaupo sa malaking bato at nakatingala sa maliwanag na buwan. " Shahara!!? salamat at Nakita kitang muli at nandito ka!" Tuwang Sabi nito at mabilis na sumalubong sa kanya. "Kung gusto mong lagi mo Akong Makita ay tutulongan mo si Emang!" Deretsong Sabi ni Shahara. " Ha?? Kilala mo si Emang? paano mo Siya nakilala?" Nagtatakang Tanong ni Argus. " Oo Kilala ko Siya, at kaya kailangan mo siyang tulongan at samahan! Dinukot ng mga tribung aswang Ang kanyang tatay at kapatid na babae kaya kailangan mo siyang samahan agad bukas upang puntahan Ang pinakamalaking bundok dahil siya'y may mission roon, iyon ay Ang pagkuha Ng malakas na Mutya sa gitna ng bundok! magagamit niya Ang Mutya upang may laban Siya sa pinuno ng mga aswang!" Nababahalang wika ni Shahara sa harap ni Argus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD