bc

MUTYA NG KAGANDAHAN

book_age18+
266
FOLLOW
2.9K
READ
HE
gxg
mythology
rejected
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa Pagkasira ng kaharian ng mga Engkanto at natalo ang mga ito ng mga kalabang ANTINGERONG aswang ay sinadyang itapon ng kanyang inang Engkantada si Princesa Shahara sa mundo ng mga tao upang siya'y itago mula sa mga kaaway. At itinago ng inang Rayna ang totoong mukha ni Princesa Shahara at pinalitan ng isang pangit na mukha ang princesa upang di ito makikilala ng mga antingerong mga ASWANG na kaaway. Sa takot na baka patayin ng mga ito ang Princesa.Na ampon Ang Princesa sa mga taga lupa at siya'y pinangalanang si Emang na ubod ng pangit. Nagkaroon si Emang ng mabait na kaibigang lalaki, Siya si Argus. Isa itong makisig at guwapong binatang hangaway at antingerong mangangaso. At akala niya ay nagkagusto ito sa kanya, ngunit nang malaman ng kaibigang si Argus na may gusto Siya rito ay itinatwa siya nito at nilayuan na labis namang ikinalulungkot ni Emang.Ngunit Sa tuwing bilog Ang buwan ay Kumikinang Ang isang maitim na Mutyang nakadikit sa singsing ni Emang, ayun ng kanyang mga magulang na umampon sa kanya ay nasa leeg niya ito na sadyang ikinuwentas upang di mawala nang siya'y makita ng mga ito sa gubat. At ang sekreto ng mutyang ito ay siyang ipinagtataka ni Emang at tanging siya lang ang nakakaalam sa sekreto nito-sa tuwing bilog ang buwan ay biglang magbabago ang kanyang ka-anyuan bilang isang magandang babae! Labis namang nagkagusto at nagmamahal si Argus sa isang magandang babae na nagpapakita lang sa kanya sa tuwing bilog ang buwan.

chap-preview
Free preview
Kabanata Isa
Isang dalagang bente dos anyos ang nakatira sa bukiran ng Lugar ng Marapara Kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na lalaki at babae. Siya si Emang, matangkad na babae, maputi ngunit ang napakamalas naman ay ipinanganak siyang walang itsura. . Sapagkat nang umulan ang kalangitan ng kapangitan ay sinalo na yata niya ang lahat. Kutis lang ang maganda sa kanya. Subalit ang kanyang itsura naman ay hindi ito maipinta sa kapangitan. Meron siyang dalawang kilong labi, matabang mukha na parang kinagat iyon ng bubuyog, may malaking butas ng ilong at may buhaghag na mga buhok. idagdag pa ang mga tagihawat sa kanyang buong mukha. Kapansin-pansin ang kanyang medyo kulobot na noo na hindi niya alam kung bakit nagkaroon na siya ng ganoon sa edad na lampas bente. Napuno na siya ng pambubully ng mga bata noon pa man, dahilan kung bakit di na siya nakapag-aral pa. Masasabing maganda Ang kanilang lugar dahil sa harapan ng kinatirikan nilang bahay ay may Isang malawak na baybayin iyon ng karagatan. At sa bandang likuran naman ng Bahay nila ay malawak din iyong Kabundukan. Kaya pangingisda at pagsasaka ang hanap- buhay ng mga tao roon. Maraming pamayamanan sa kanilang baryo at semi-siyudad na iyon kung titingnan dahil sementado ang mga daan at may mga foot walk pa Ang bawat mga bahay. May mga mayayaman Silang Kapit bahay ngunit kadalasan ay mga mahihirap din ang mga nakatira doon. Tanging kuryente lamang ang babayarin nila kada buwan dahil masagana naman sa tubig ang kanilang baryo, na ang supply ay nagmumula sa bundok. Gumawa lamang ng mga balon Ang mga tao roon at sa likod ng bundok naman ang balon Nina Emang at Ang uso ay bumili lang ng mga hoose ng tubig ang mga tao roon upang di na mahihirapan sa pag- iigib. Malamig at super natural ang tubig na nagmumula sa malaking balon sa bundok na iyon nina Emang. Isang hapon habang nagsisibak ng kahoy ang tatay Andoy nila at nagluto naman sa kusina ang kanilang inang si Lucia ay tinawag Siya ng kanyang Ina. kaya natigil naman Siya sa kanyang ginagawang paglilinis at pag- arrange ng mga damit sa kabinet nila at nilapitan ito. "Bakit po nay?" Tanong niya rito. "Magtimba Muna kayo sa balon ng tubig Wala pa Kasi ang kuya Ben niyo kaya kayo nalang doon ni Reyah. kunti nalang ang tubig natin. " Utos ng kanyang inang si Lucia. "Opo nay. Reyah! samahan mo na ako." Aniya sa Kapatid na babae. "Opo Ate." Sagot nito. Bitbit ni Emang ang kanilang sariling timba kasama ang kanyang kapatid na babae. Magtimba siya sa kanilang hoose doon sa balon. Hindi naman malayo ang balon nila nasa likod ito ng bundok naalapit lang sa kanilang bahay. Habang naglalakbay sila ng kanyang onse anyos na kapatid na si Reyah ay nakasalubong naman nila ang Magkapatid na lalaki sina Edong at Tata. Kinabahan naman si Emang dahil noon pa man ay lagi na siyang binubully ng magkapatid na ito. "Edong, si Emang na naman! " Natatawang wika ng isang Kapatid na si Tata. kapwa kaedad lamang Ang mga ito ni Emang. At sabay silang Lumaki ng magkapatid na ito. "At bakit? " Inis na tanong ni Emang kay Edong. "Emang, pabili ng labi.." Napangising wika ni Edong. "Nakakasuka naman tong mukha ni Emang, bakit di niya pinahilot yan?" Malawak ang ngising sabi din ni Tata. SA galit ni Emang ay pinulot niya ang may kalakihang kahoy sa dinaanan at hinampas niya iyon sa magkapatid. Hindi naman magpapautang sana ang magkapatid at akmang susuntukin sana si Emang. "Huwag niyong awayin si ate!! bad kayo mga bad!" Umiiyak na sigaw ni Reyah. "Sige suntukin niyo si Emang! kapwa kayo makakatikim sa akin! " Sigaw ni Argus na biglang dumating sa kanilang Likuran. Nagdala din ito ng timba upang magtimba din ito sa hoose sa may balon. Kapit bahay lang Kasi Sila ng binata kaya iisang balon lang ang pinagkukunan nila ng tubig. Napaurong naman ang magkapatid na sina Edong at Tata. Malaking lalaki si Argus at may makisig na pangangatawan at matanda din ito ng apat na taon sa kanila ni Emang. Isa itong mangangasong binata sa kanilang lugar. Malapit lang din Kasi ang kagubatan sa kanilang tinitirhan. "A- Argus, ito kasing si Emang, hampasin ba naman kami ng kahoy!" Galit na sagot ni Edong. " Kayo ang nanguna kay Ate!" Nakatulis ang ngusong wika ng bunsong kapatid ni Emang. "Alis na Kayo! puro kayo panlalait Kay Emang!" Galit na pagtataboy ni Argus. Tahimik Naman Ang magkapatid na umalis at nag-iwan pa ito kay Emang ng masamang mga tingin. Nakadama naman ng kilig si Emang nang tumingin sa binatang makisig at guwapong mangangaso. Ang totoo'y crush niya ito dahil bukod sa guwapo ay napakabait pa nitong tao at ni hindi siya nakarinig na nilalait Siya nito. Kaya lang ay hanggang doon lang iyon dahil imposibleng magkagusto si Argus sa kanya . Nang makalayo na ang magkapatid ay binalingan agad Sila ng binata. "Magtimba din ba kayo sa balon ng tubig? Sabay na tayo doon." Sabi ni Argus na nakatingin sa kanya. "Salamat Argus ha. Sige sabay na tayo " Tugon niya rito. "Ang bait niyo po kuya Argus ! at matapang pa at guwapo din! ." Sabi pa ng batang si Reyah. "Ikaw talagang bata ka." Natawang wika ng binata. Sanay itong magsuot ng Sandong fit sa katawan kaya kitang kita ang mga malalaking muscle nito sa katawan. Sanay Kasi itong pumasan ng mga malalaking hayop na talunon na nakukuha nito sa tuwing ito'y mangangaso sa gubat. Pagdating nila sa may balon sa likod ng bundok ay Natigilan sila nang makitang may mga nag- iigib sa balon. Mabilis na hinablot ni Argus si Emang at Ang batang si Reyah upang makapagtago agad sa mga nakaharang na mayayabong na mga dahon ng halamang damo sa daraanan. kapwa naman nagulat sina Emang at Ang kanyang Kapatid. "Bakit Argus?" Mahinang tanong ni Emang at sabay muling sinilip Ang mga nag- iigib ng tubig "Ssshhhh.." Senyas ni Argus. "Bakit po kuya?" Mahina ring tanong ng Bata. Nakita naman ni Emang na ang mga nag- iigib ay Hindi nila mga Kilala ito. at ngayon lang nila nakita Ang mga mukha ng mga ito. Sa porma at Mukha ng mga taong ito ay parang mga amazona ito. Kapwa may mga suot na kuwentas lahat na ang pendant ay mga malilit na bungo ng tao. Puro maitim ang kulay ng balat at Parang hindi nakakapagpaligo sa dungis tingnan Ng mga taong ito. Isang Lalaki iyon at apat na babae na may kasamang maliliit na mga bata. "Emang, sino ba ang mga taong iyan? ngayon lang natin Sila nakita, taga saan ba Sila?" Nagtataka at pabulong na tanong ni Argus habang patuloy na nakasilip sa mga nag- iigib. "E- Ewan, kung taga saan kaya Sila." Parang takot na tugon niya sa binata . "Kuya Argus.. Ate Emang, uuwi na lang tayo, huwag na tayong tutuloy. huhuhu."Mahinang wika ng Batang si Reyah na parang iiyak. "May mga nakatingin sa atin!" Narinig nilang wika ng lalaking may matatapang na mga mata na siyang nagtimba sa balon. Nagulat naman kapwa sina Emang nang marinig ang sinasabi ng lalaki. Nakita nilang napalibot Ang mga mata ng mga ito sa paligid. "Meron nga ! " Sabi naman ng Isang babaeng may hawak na balde na nakatitig sa kanilang babdang kinaroroonan dahil sa mahinang paggalaw ng mga dahon. At dahil napansin Sila nito ay agad na lumabas si Argus at nagpakita sa mga ito. "Magandang hapon po! pasensya na nagtago kami. Nagtaka lang kasi kami kung sino kayo." Biglang lumabas at sabay Sabi ni Argus sa mga ito. Sumunod naman sina Emang at Ang batang si Reyah sa paglabas. Nasa likod Sila ng binata. Kapwa Naman natigilan ang mga itong nakatingin sa kanila. "Dati kaming taga rito at ilang taon kaming nanirahan sa ibang Lugar. Nasorpresa nalang kami na sa aming pagbabalik dito ay nag- improve na Ang Lugar na ito. marami nang pamayanan. Samantalang noon ay Puro kakahuyan ang bahaging ito. Isa kaming tribu na dating nakatira sa Lugar na ito. At Bata palang kami nang kami umalis rito noon at ngayon palang kami ulit nakabalik." Mahabang tugon ng lalaki. Habang nagsasalita ito ay matapang at mariin itong nakatitig sa kanila. Pati na Ang apat na babaeng kasama nito. "G- ganoon ho ba, Ma- magandang hapon po sainyong lahat.." Sabad ni Emang na kahit natatakot. "Pasensya na po kayo kung Natakot kami. Magandang hapon po sainyong lahat Mamà at mga ali.." Sabi Naman ni Argus. "Salamat Neneng.. At Nonoy. Kaninang Umaga lang dumating Ang buong tribu namin. Nasa unahan lang ang Aming tribu." Sagot ng lalaki. Ngunit Ang mga babae ay tahimik lamang ang mga ito at ang mga batang kasama. Nakatitig lang ang mga ito sa kanila. "Maganda Ang mga timba niyong dala, pwedi ba naming hiramin muna Ang mga iyan? para mapadali ang pag- iigib namin. Para matulongan Ako ng aKing mga asawa. Maliit lang Kasi itong timba namin." Sabi ng Lalaki. Nagkatinginan sina Emang at Argus. Habang ang kapatid ni Emang na si Reyah ay nakahawak kanang sa braso ni Emang. Mga Asawa Pala ng lalaki Ang Kasama nito. "Ahh .. s- sige po." Tugon at payag ni Argus. Nag- atubili sana si Emang na pahiramin ng timba Ang mga ito dahil sa dungis ng mga ito at mukhang amoy lansa Ang baho ng mga taong ito ngunit napilitan nalang Siya sa pagpapahiram din sa kanilang timba. Matapos ang mga itong kumuha ng tubig ay tumalikod na Ang mga ito. "Argus! nandidri na Ako sa timba at sa balon na ito. Uuwi nalang tayo, hapon na at papagabi na!" Wika ni Emang sa binata. "Oh Sige." Tugon ni Argus. Paalis na sana Sila nang biglang mapasigaw si Emang sa biglang pagharang ng malaki at maitim na aso sa kanilang harapan! "Ate!!" Sigaw din ng bata sa gulat at napayakap Ang Bata kay Argus. Lalo na nang makitang may mapupulang mga mata ang maitim na asong nakaharang sa kanila!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook