Kabanata Labin Siyam

1534 Words
Laking pagtataka ni Argus na kilala pala ni shahara si Emang at ang ipinagtataka niya ay kung bakit may mission si Emang? " Shahara, hindi kita maintindihan, saan mo nakita si Emang? at saan kayo nagkakilala? at anong mission niya na sinasabi mo?" Nagugulohang tanong ng binata. Kumalma si Shahara sa kanyang naramdaman at napaupo din siya sa isang bato kaharap sa inuupuan ni Argus. Dahil sa sobrang liwanag ng buwan ay malinaw na naaninag ng binata ang nakakabighaning ganda ni Shahara. " Ganito kasi yun Argus, Oo magkakilala rin kami ni Emang ng lihim at may mission siyang dapat niyang gawin dahil hindi ito para lang sa kanya at sa kanyang pamilya kundi para din sa aming mga Engkanto ito.. may kukunin lang siya sa gitna ng bundok, sa may ilog nito. Basta, alam na niya iyon. Kaya sana samahan mo siya bukas. Siguro nasa tatlong araw Ang lalakbayin niyo bago makarating sa bundok na iyun." Sabi ni Shahara sa binata. " Pero bakit sa dinami-rami na pwedi niyong biigyan ng mission ay si Emang pa?" Nagtatakang tanong ni Argus. " Anong magagawa ni Emang sa mga mababangis na hayop at masasamang nilalang sa gubat kung sakaling masalubong niya ito?" Dagdag na tanong ni Argus kay shahara. " Maiintindihan mo rin ang lahat Argus kaya huwag kanang marami pang tanong. Kaya nga dapat mo siyang samahan para di siya mapapahamak." Sabi ni Shahara. " Bakit, nakikiusap ba siya sa'yo na sasamahan ko siya?" Tanong ni Argus sabay salubong ng mga kilay nito. " Hindi naman Argus." Sagot ni shahara na para naman siyang nainis rito. Napapansin naman niya ang malalagkit na mga titig ng binatang ANTINGERO sa kanya. Kaya tumayo na siya upang lumayo na rito. " Magandang binibining shahara, bakit ka tumayo? aalis kana ba? hindi mo pa nga ako narinig na nag okay sa gusto mong mangyari na samahan ko bukas si Emang at ngayon aalis kana?" Sabi naman ng binata. " Argus please.. nakikiusap ako sa'yo, samahan mo siya bukas." Nakikiusap na Sabi niya ulit rito. " Bakit ba si Emang pa ang binigyan ng mission? pwedi namang ako lang shahara, at kapalit ang pag- ibig mo sa mission na sinasabi mo ngayon." Sabi ni Argus. "Si Emang lang karapat- dapat sa mission Argus, maiintindihan mo rin sa huli kung bakit." Sabi pa niya rito. At hindi na nag-atubiling lumapit ang binata sa kanya at sa mismong harap niya ay tumigil ito sa paghakbang at hinapplos-haplos nito ang mahaba at tila ginto niyang buhok. " A- anong ginagawa mo Argus?" Kinabahang tanong ni shahara. " Basta para sa'yo, gagawin ko lahat Shahara.. kapalit ang pagmamahal mo." Sabi nito sa kanya na patuloy nitong hinaplos-haplos ang hibla ng kanyang buhok. Nabigla naman siya sa sinabi nito. " Ha?? bakit may kapalit? hindi ako katulad mo. Isa akong immortal, ilang ulit ko bang sabihin iyan sa'yo Argus?" Sabi niya rito. " Pero mahal kita, at handa kong sasamahan si Emang at damayan basta mangako kang tugunin mo ang pagmamahal ko. Mangako ka na iibigin mo rin ako." Sabi nito sa kanya. " Pero hindi maaari Argus, hindi ko maipangako yan, d-dahil di mo pa alam kung sino ako. " Sabi niya rito. " Wala akong pakialam kung sino ka, basta minahal na agad kita ng labis sa una palang kitang nakita at nakilala." Matigas ang salitang sagot ni Argus. "Pero-" "Kung ayaw mo, hindi ko sasamahan si Emang." Tila galit na sabi nito. " Okay! Hindi mo na rin ako makikita. Sige, paalam." Galit niya ring sabi rito. At agad niya itong tinalikuran. " Sandali Shahara!" Pigil nito sa kanya. " Okay, samahan ko si Emang kahit walang kasiguraduhan na mahalin mo rin ako. Hindi pweding hindi na kita makikita shahara. Pasensya na, masyado akong naging disperadong sabihin iyon sa'yo." Nagpakumbabang sabi ni Argus. Natigil naman siya at parang nahabag sa sinabi nito subalit di siya dapat makaramdam ng ganoon at kailangan niyang pipigilan ang kanyang sarili. Iisipin niyang kinawawa siya nito bilang si Emang. kung meron mang kahabag-habag ang sitwasyon iyon ay walang iba kundi siya, sa KATAUHAN ni Emang. Binigyan naman niya ng Oras si Argus na samahan ito roon. Sa ilalim ng maliwanag na buwan ay nakipagkuwentuhan siya sa binata kahit pa sabihing sobrang nag- alala siya ng mga sandaling iyon sa kalagayan ng kanyang tatay Andoy at sa kapatid niyang si Reyah. Ayaw niyang isa sa mga ito ang mapapahamak at mawala sa kanya. Hindi niya iyon kayang tanggapin mahal na mahal niya ang kanyang kinilalang ama at ang bunsong kapatid na si Reyah. Kinabukasan. Hindi pa man nakabangon si Emang ay maaga nang nagpunta si Argus sa kanilang bahay. Alam na ng kanyang nanay Lucia at Kuya Ben ang tungkol sa kanyang mission. Sinabi niya sa mga ito kagabi at sinabi din niya rin na ang mutyang nasa gitna ng bundok sa mahiwagang ilog ay siyang pag-asang mailigtas niya ang tatay Andoy at si Reyah. At alam na rin ng ito na Kasama niya si Argus ngayon dahil Isa ito sa makatulong sa kanya upang di siya mapapahamak. Subalit magdamag na umiiyak si Aling Lucia dahil sa sobrang pag- alala nito sa tatay nila at sa bunsong Kapatid nilang si Reyah. Napabangon tuloy ng maaga si Emang nang ginising siya ng kanyang ina dahil nariyan na si Argus. Lumabas naman agad si Emang at kinausap si Argus. " Salamat Argus na pumayag kang samahan mo ako." Sabi naman niya rito. " Alam mo, hindi mo talaga sinabi sa akin Emang na magkakilala pala kayo ni Shahara, gustuhin ko mang umayaw pero wala akong magagawa, para sa babaeng mahal ko ay sasamahan nalang kita kahit di ko maintindihan kung bakit na dapat ay ikaw talaga ang gumawa sa mission na sinasabi ni Shahara." Mahabang wika ni Argus. " S- salamat Argus.. Oo, alam kong di mo talaga naiintindihan ang lahat pero malinawan ka rin pagkatapos sa lahat ng missiong ito." Sagot niya rito. At di na siya nagtatagal naghahanda na siya ng mga damit sa bag at mga baon na kanina pang madaling Araw na hinanda ng kanyang nanay Lucia. Alam ni Emang na hindi basta- basta ang gagawing mission dahil dadaan muna sila sa matarik na kagubatan at alam niyang mapanganib dahil bukod sa mga masasamang nilalang ang kanilang makasalubong ay may mga mababangis na hayop pa na pweding kakagat sa kanila sa kagubatan. " Emang, pwedi ba akong sumama??" Tanong ng kanyang Kuya Ben. " Kuya, huwag po, mapapahamak lang po kayo. Ang gagawin lang po ninyo ay mag- ingat tuwing gabi at huwag niyong pabayaan si nanay Lucia." Sabi niya rito. " Oh.. s- sige. Sana magtagumpay kayo Emang at Argus." Sabi ni Ben. " Nay, aalis na po kami." Paalam pa ni Emang sa kanyang Ina. Mas Lalo itong umiiyak. " Mag-iingat kayo anak.. Ipagdasal ko ang tagumpay na makuha ang malakas na Mutya. Argus, huwag mong pabayaan si Emang tutulongan mo siya sa abot ng iyong makakaya." Sabi ni Lucia sa kanilang dalawa ni Argus. Hindi nagsalita si Argus ngunit tumagu-tango naman ito bilang tugon sa sinabi ni Aling Lucia. Umalis na nga sila. At ang di nila napansin na nakatingin pala sa kanila ni Emang at Argus ang mga tao. Napalingon nalang Sila kapwa ni Argus nang narinig na may nagtawanan sa unahan. Nainis si Argus dahil alam niyang pinagtatawanan siya ng mga binata at dalaga sa kanilang lugar dahil magkasama sila ngayon ni Emang. Nakaramdam naman si Emang ng hiya dahil alam niyang nainis si Arugus at naaasar dahil sila ay pinagtawanan at binigyan ng malisya. " Kung hindi lang talaga dahil kay Shahara ay di nangyaring sasama ako Emang. Hindi naman sa masama ako Emang, pero nahihiya talaga ako pinagdududahan tayong may relasyon." Sabi ng binata. May dala din itong bag at mga gamit panlaban sa gubat. At nakahanda ito sa lahat ng Oras. " Sorry Argus, ang importante ay hindi naman totoo ang mga duda nila tungkol sa ating dalawa.. dahil imposibleng mangyari yun." Sagot niya rito na nakayuko habang patuloy na naglalakad kasabay nito. " Talagang imposible, si Shahara lang ang mahal ko, kahit isa siyang engkanto pero mahal na mahal ko siya. Kaya Kong tatalikuran ang mundo ng mga tao makadama ko lang siya habang buhay." Sabi ng binata. " Kung ganoon, dapat ipakita mo sa akin ngayon na dapat ka ngang mahalin ni Shahara Argus." Di niya napigilang sagot sa binata. Tumigil ito sa paghakbang at matalim siyang tiningnan. Natigil din siya nang hinawakan siya ito sa balikat at sinadyang patigilin. " Bakit Emang? anong mga sinasabi mo sa kanya? sinisiraan mo ba ako kay Shahara?? Ginamit mo ba siya para lang mapalapit ako sa'yo? Alam mo bang iyan ang pinaka ayaw ko sa lahat?" Galit na sabi ni Argus. Kinabahan naman siya at pilit na sinalubong ang matalim na mga tingin nito. " Argus, nagkamali ka. Hindi ako ganoon.. Sorry kung iba ang naisalita ng bibig ko, di ko yun sinadya." Halos mapahikbing wika niya dahil nagalit ito. " Sana nga Emang, dahil pag malalaman kong ginawa mong tulay ang magandang Engkantadang kaibigan natin upang mapalapit ako sa'yo ay kahit kaibigan man lang di ko na iyon ibigay pa sa'yo." Mariing wika nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD