" S- saan ka ba galing?" Parang napawi Ang sakit Na nararamdaman na tanong ni Emang sa Maputing hayop na may makakapal na balahibo.
" Shahara.." Isang malamig na tinig Ng babae na nagmumula sa kanyang likuran.
Nabigla Siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang Makita ang Isang Magandang babaeng Diwata na may munting korona sa ulo nito. mahaba Ang buhok nito Hanggang tuhod na kulay ginto at parang nakikita niya Ang kanyang hitsura bilang si Shahara sa babaeng kaharap niya ngayon!
Hindi Siya nakatinag sa kinalalagyan at di agad nakapagsalita habang nakipagtitigan sa Magandang babae. Lumapit rito Ang puting Hayop at kinarga agad Ng babae Ang hayop na iyon at niyakap. Kasama Pala ito sa babaeng magandang nagpakita ngayon sa kanya.
" Huwag kanang Malungkot anak. Malalampasan din natin Ang lahat.. dapat ay maging matapang ka." Sabi Ng babae.
Nagulat pa siyang muli nang tawagin Siya nitong anak. Hindi lang ba siya dinadaya Ng kanyang paningin sa tanghaling iyon?
" Ano pong ibig niyong Sabihin? Sino po ba kayo?" Sa WAKAS ay tanong ni Emang nang makabawi Siya sa kanyang pagkabigla.
" Ako Ang Rayna ng mga Engkanto. Ako Ang tunay mong Ina, Shahara , Ako si Rayna Dianna. Nandito Ako, nagpapakita Sayo upang Oras na na kakausapin ka anak." Sabi nito.
Ngunit bago Ang lahat ay Lumapit ito sa kanya at niyakap Siya nito. Isang mabangong Amoy Ng bulaklak Ang Amoy nito at malamig na katawan Ang Meron ito. Humikbi si Emang at muling umiiyak. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Unang pagkakataong nakita at nayakap niya Ang kanyang tunay na Ina. Para bang nasa panaginip lang Siya at di makapaniwala sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Pagkatapos Ng lahat ay natagpuan nalang niya Ang sariling nakinig sa mga Paliwanag nito kung bakit itinapon Siya nito sa Mundo ng mga tao. At itinago Ang tunay niyang pagkatao. Hindi rin Kasi pweding nasa mundo Siya Ng mga Engkanto kapag ganoon ang kanyang hitsura dahil Mapagkamalan din siyang kalaban Ng ibang mga kalahing Engkanto at tiyak na papatayin kung ganyan ang kanyang hitsura. Kaya kahit masakit sa kanyang mga magulang ay itinapon talaga siya ng mga ito sa Mundo Ng mga tao upang itago sa mga Aswang na tribu. Dahil gaganti Ang mga ito sa nangyari sa pagkamatay Ng nag- iisang anak rin ng mga ito.
" May mission ka anak. Na kailangan mong gagawin.. at Ikaw lang pweding gagawa nito dahil Ikaw Ang princesa sa kasalukuyang henerasyon.. At lahat kami ay Hindi makagawa Ng mission kundi Ikaw lang dahil nasa Sayo Ang Singsing Ng mga diwata." Sabi Ng inang Engkanto.
" Pero bakit Ako? pwedi ko namang Ibigay sainyo Ang singsing.." Sabi niya rito.
" Hindi gumagana Ang mahika Ng Mutya ng singsing na iyan sa aming lahat kundi Sayo lang ito nakikinig.. sapagkat Ikaw Ang princesa." Paliwanag ng Rayna.
" Anong mission po iyan Ina?" Tanong niya rito.
" Nakikita mo ba Ang pinaka malaking bundok sa harap Ng tinitirhan niyo? Sa gitna Ng bundok na iyan ay matatagpuan Ang mahiwagang ilog na kailngan mong puntahan. Diyan mo matatagpuan Ang Makapangyarihang Mutya na pagmamay- Ari ng Unang mga lahi natin." Sabi nito sa kanya.
Hindi natapos ang pag- uusap Ng mga ito nang maramdaman Ng Ina ni Shahara o Emang na may paparating na tao.
" Sandali anak, maiwan ka na namin ni Whiteny! may paparating." Sabi ng Ina.
At agad na kinarga nito ang maputing hayop at Bigla nalang naglaho.
" Ina, sandali lang po. Wala namang tao ah." Sabi pa ni Emang.
Ngunit natahimik Siya nang makitang paparating si Argus sa kanyang kinaroroonan.
Nagtaka pa ang binata nang makitang luhaan si Emang na nakaupo sa ilalim Ng punong kahoy-dagat. Nagkataon kasing pumunta roon si Argus dahil binalik-balikan niya Ang baybayin kung saan niya nakakasama si Shahara.
Nakadama pa ng pagkadismaya si Argus nang si Emang lang pala ang makikita niya roon. Imbis si Shahara Ang kanyang iniisip at tinatangi ng kanyang puso ngunit heto at si Emang na naman ang kanyang nakikita.
Pero naawa naman siyang nakita itong umiiyak kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay nilapitan niya ito.
" Anong ginagawa mo rito Emang? at bakit ka umiiyak?" Tanong pa ng binata kay Emang at naupo ito sa harap niya
Mabilis namang pinahid ni Emang Ang kanyang mga luha.
" Wala to Argus. Anong ginagawa mo dito?" Balik- tanong niya kay Argus.
" Wala akong ginawa ngayon kaya binalikan ko yung lugar kung saan ko nakikita si Shahara."Sabi ni Argus.
Saglit na nabigla si Emang, ngunit di niya ipinahalata iyon Kay Argus.
Di Naman niya napigilang mapahanga sa makisig na katawan ng guwapong binata. Kahit isang simpleng tao lang ito pero pang Hollywood actor Naman ang dating nito. At makikita sa hitsura nito ang katapangan. Napansin naman ng binata Ang mga paghagod ng tingin ni Emang sa kanya. Kaya di nito napigilang mainis.
" Emang naman, Kung gusto mong maging kaibigan talaga ako, huwag mo naman akong pantasyahan. " Masungit ang tonong wika ni Argus.
" Hindi naman kita pinantasyahan Argus. Hindi Ako ganoon, Kahit ganito lang ang hitsura ko. At isa pa, huwag kanang mangarap sa sinasabi mong Shahara, Hindi siya para sa'yo." Wikang Sagot ni Emang na di napigilang makadama ng galit sa binata dahil sa sinabi ni Argus sa kanya.
Napatingin si Argus sa mukha ni Emang. Nakita ng binata na nasasaktan ang ekpresyon ng pangit nitong Mukha.
" Pasensya kana sa nasabi ko Emang, Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong maibigay sa'yo. At paano mo nasabing hindi Siya para sa akin? Di mo nga siya nakikita diba? Mahal ko siya at sana sa ikatlong gabi ngayon ay muli ko siyang makita. " Sabi pa ng binata.
Pinigilan ni Emang na hindi iiyak dahil mas nakakaawa siyang tingnan sa harap nito kung siya'y iiyak pa. Minamahal lang Siya ni Argus bilang si Shahara dahil sa kanyang ganda. Ngunit bilang si Emang ay parang nasusuka ito sa kanya.
" Wala naman akong sinabi Argus na hanggang ngayon ay umaasa pa akong lilingunin mo. Huwag kang mag- alala, hindi na mangyaring mag- isip ako ng ganoon. At sana nga tatanggapin ang pag- ibig mo sa babaeng sinasabi mo." Sabi ni Emang rito.
" Salamat naman kung ganoon Emang." Sabi pa ni Argus at napatayong muli.
" Maiwan na kita. Mamayang gabi ay babalik Ako dito upang makita ko si Shahara." Paalam na Sabi nito.
Hindi na ito tinugon ni Emang at pinagmasdan lang niya ang pag- alis ng binata. Nakadama siya ng inis rito.
" Never kitang mamahalin Argus kung ang ganda ko lang ang habol mo. Mamahalin lang siguro kita kung makikita at mararamdaman kong pinahahalagahan mo ako bilang si Emang." Sabi ni Emang nang siya nalang at nakadistansiya na Ang binata sa kanya.
Sa Ikalawang dilim ngayon mula sa fullmoon ay pangatlong gabi nga pala talaga ngayon na magbabago na naman ang kanyang anyo. Kaya gaganda pa Siya ngayon. Ngunit Hanggang ikatlong dilim lang magbabago Ang kanyang anyo at sa susunod na mga gabi ay hindi na, sa susunod na kabilogan ng buwan naman Siya muling magbabagong anyo. Gusto niyang mapapatunayan niya sa kanyang mga kinilalang magulang na nagsasabi Siya ng totoo. At ipapakita niya ngayon sa mga ito ang tunay niyang anyo bilang Isang Engkanto. At sana ay matatanggap ng kanyang kinilalang magulang at mga kapatid Ang tunay niyang pagkatao.
Lingid sa kaalaman nina Emang at Argus na habang sila'y nag- uusap ay isang babaeng may malalagkit na Hitsura ang lihim na nakamasid sa kanila. Napangisi ito nang makitang may kausap si Argus na babaeng may masamang mukha. Sinundan Kasi nito ang binata upang malaman kung sino ang mga malalapit rito na walang anting- anting. Nahirapan Kasi Silang dukutin Ang mga pamilya bg binatang Antingero dahil halos lahat Ng mga ito ay may kakayahan sa Anting- anting. At ngayon, natuwa Ang aswang na babae nang may kausap Ang binatang sinundan. At uusisain pa nila kung sino pa ang kag- anak ng babaeng pangit para kukuha o dudukot lamang Sila ng dalawa para gawing pang-blackmail Sa binata at Sabihin nito kung saan nakatira ang magandang dalagang kasama nito.
Pag-uwi ni Emang ay Siya na Naman Ang lihim na sinundan ng masamang babaeng aswang na nagmumula sa tribu ni Pinunong ABwak upang manmanan kung sino ang mga pamilya ng pangit na dalaga.
Sinalubong agad si Emang ng yakap ng kanyang nanay Lucia. Naroon pa din Ang tatay Andoy niya at Ang nakakatandang kapatid dahil hindi ang mga ito nagpapalaot.
" Sorry anak, napag- usapan namin ng tatay mo na kahit sino kapa ay tatanggapin ka namin. Kung talagang ikaw ay Isang Engkanto at Isang immortal ay dapat mo itong ipatunay sa amin.." Sabi ng kanyang Nanay Lucia.
" Oo anak, gusto naming makita kung ano ang tunay mong mukha." Sabi naman ng kanyang tatay Andoy.
" Ate Emang, Ako din po. gusto Kong makita Yung Mukha mo bilang Isang Engkanto." Ang Sabi naman ni Reyah na medyo napalakas ang boses ng bata.
" Bibig mo Reyah, baka may makarinig sa'yo." Saway pa ni Kuya Ben sa Kapatid nito.
"Kung bilog pa ang buwan ngayon ay gaganda pa Ako tay, nay.." Sabi ni Emang sa mga ito.
" At salamat, na tanggap niyo ako kung sino ako." Sabi pa ni Emang.