.
" Pero hinahanap na Siya sa ngayon, paano kung malalaman Ng mga kalaban na siya si Emang?" Wika ng Dama, Ang alalay Ng Rayna.
" Bago Ang lahat, ay kailangang gagawin Ng anak namin Ang Isang mission. Sa pinaka malaking bundok Ng Lugar ng mga tao, sa Lugar na kinalalagyan niya ngayon ay matatagpuan doon Ang unang kaharian sa unang henerasyon na itinatag noong unang kapanahonan sa aming mga ninuno. Sa gitna ng bundok na iyon ay may mahiwagang tubig ng ilog na siyang lagusan patungo sa nakaraang kaharian na inaabandona Ng mga Engkanto. Sa Lumang kaharian ng mga Engkanto ay matatagpuan Ang malakas na Mutya na pag- aari ng mga ninuno namin dati at kailangang makuha iyon, walang pweding gagawa at makakita ng Mutyang iyon kundi ang Princesa lamang ng ikatlong henerasyon at si Shahara Ang may kakayahan lamang makukuha Ng Mutyang iyon dahil nasa kanya Ang singsing Ng mga diwata!" Sabi ng Rayna.
"Paano kung makukuha na niya ang sinasabi niyo mahal na Rayna, Kukunin niyo na ba Ang mahika sa buong katawan ni Shahara upang mamuhay na siya Ng normal?".Tanong ni Dama Ellara.
" Wala na akong kakayahang ibalik Siya ng lubosan sa dating anyo. Ang mahiwagang tubig ng ilog sa lagusan ng unang kaharian sa unang henerasyon ay siyang magpapakuha ng itim na mahikang ibinuhos ko sa aKing anak Dama Ellara. Upang babalik ng lubos Ang kanyang tunay na anyo, pero gaya ng sinabi ko, dapat na di muna Siya makilala Ng mga kalaban at kailangan muna niya Gawin Ang mission na sinasabi ko. At kapag mangyari iyon ay Malaya na tayong lahat na mga Engkanto na papasyal na hindi nagtatago dahil Ang malakas na Mutyang iyon ay siyang tutumbas sa Malakas na Orasyon Ng Pinuno Ng mga tribung aswang .." Mahabang Dagdag ng rayna.
"Kawawa Naman Ang princesa, dadaan muna siya sa matinding pagsubok bago mangyari Ang lahat." Sabi ni Dama Ellara.
Tanghaling tapat nang nagising ulit si Emang. Madaling Araw na Kasi siyang nakatulog at Nagising Siya kaninang mga alas syete Ng Umaga. Kaninang Umaga siya inuusisa ng kanyang tatay Andoy at nanay Lucia ang tungkol sa kanyang pagkawala nalang kagabi at siya'y madaling araw nang umuwi. Iyon ang ikinagalit ng kanyang tatay Andoy na pati si Argus ay tinawag nito kanina upang tanungin.
Ang Hindi alam ni Argus na totoong Sila Ang nagsama kagabi sa katauhan niyang si Shahara.
Napainat Siya at Saka tuloyan Ng bumangon at matamlay Ang katawang lumabas Ng kanyang munting silid. Nasalubong Naman niya Ang mabangong luto ng Masasarap na tinapay Ng kanyang nanay Lucia. Nagluto Pala ito Ng kanilang maimeryenda mamayang hapon. Nadatnan Naman niya Ang kanyang tatay Andoy at Nanay Lucia sa kusina at Ang mga Kapatid niyang sina Reyah at Kuya Ben. Kumain na nga Ang mga ito ng nailutong tinapay Ng kanilang nanay Lucia habang nagtimpla Ng malamig na juice Ang mga ito.
" Oh Emang, halika maupo ka at mag- uusap tayo dahil nandito kaming lahat." Ang Sabi ng kanyang tatay Andoy .
" Pakainin mo Muna Ang anak mo Andoy." Sabi Naman Ng kanyang nanay Lucia.
Humingal Siya Muna Ng malalim, handa na siyang Sabihin sa mga ito ang kanyang nalaman tungkol sa kanyang pagkatao. Lumapit Siya at naupo paharap sa mga ito at sa harap ng mesang gawa lamang sa kawayan kung saan nakahain Ang mga niluto Ng kanilang nanay Lucia at Ang Isang pitsel Ng malamig na juice.
" Nay, Tay, Kuya Ben, sana po kung Ano mang sadabihin ko ngayon ay huwag niyo po sana akong ipagtabuyan at huwag po sana ninyo Akong katakutan." Paninimula ni Emang.
Natigil Ang kanyang nanay Lucia sa ginagawa at Nakinig Kay Emang. Ang kanyang tatay Andoy Naman at Kuya Ben ay mataman siyang tinitigan.
" Totoo po Ang hinala po ninyo na magkasama kami ni Argus kagabi Tay.. nay." Umiiyak na Sabi ni Emang.
Napaangat Ang dalawang kikay ni Mang Andoy at nanlaki ang mga mata na agad nagalit sa sinabi ni Emang. Pati Ang nanay Lucia at Ang Kapatid na si Ben ay parang nagalit agad ang Mukha Ng mga ito.
" Ano!!? Hindi kaba nag- iisip ha!? Kahit kailan ay di ka magugustuhan ni Argus! Ano bang nakakain mo't nagpapadala ka sa nararamdaman mo!? alam mo Naman Emang kung Ano Ang sitwasyon mo!" Galit na galit na Singhal ni Mang Andoy.
"Diba dati na kitang pinagsabihan Emang? na Wala kang mapapala sa pagkakagusto mo Kay Argus?? Pero bakit ginawa mo parin, nagsama pa kayo kagabi." Sabi pa ng kanyang Kuya Ben.
" Walang hiyang Argus na yun, sinabi pa sa atin na di mangyayaring nagsama kayo kagabi."Galit nasabi Naman ni Aling Lucia.
Tuloyan nang umiyak si Emang.
" Sandali lang po Tay, nay, Kuya.. Hindi pa po Ako tapos." Sabi Naman niya sa mga ito.
Natahimik Ang mga ito at nanatiling nakatingin sa kanya.
" Tay, nay, Hindi ko Naman sinasadyang makasama si Argus kagabi. At Hindi niya po alam na Ako Ang Kasama niya." Sabi niya sa mga ito.
Nagkatinginan Ang mga ito at halatang nalilitong tiningnan Siya sa mga ito.
" Ayusin mo nga Emang.. para maintindihan namin. nagugulohan kami Sa'yo." Sabi Ng kanyang tatay Andoy.
" Sana matatanggap niyo parin po Ako kung malalaman niyo kung Ano o sino po Ako at kung saan Ako galing.. Yung totoo Kong pagkatao Ang ibig Kong Sabihin.. sana tanggap niyo po Ako kung sabihin ko po sainyo ngayon Ang aKing natuklasan sa pagkatao ko ." Humagulhol na nasabi ni Emang.
" Bakit anak? Ano bang natuklasan mo?" Kinakabahang tanong Pa ni Aling Lucia.
" Tay.. Nay .. Isa po akong immortal. . hindi po ako tao. hindi po Ako katulad ninyo.." Pagtatapat niya sa mga ito.
" Ano bang mga pinagsasabi mo ha Emang? huwag mo nga kaming pinagloloko?" Hindi naniniwalang Sabi ni Mang Andoy.
At Si Aling Lucia at Ang kanyang Kuya Ben ay Hindi nakapagsalita at nabigla Ang mga ito sa kanyang sinabi.
" Totoo po Tay! Hindi po Ako nagsisinungaling! Hindi po Ako normal na tao! Nanggaling po Ako sa ibang Mundo.. sa Mundo Ng mga Engkanto.." Nanghihinang wika ni Emang at patuloy na umiiyak.
Kapwa nanlaki Ang mga mata Ng kanyang mga kinilalang magulang at mga Kapatid habang nakatingin sa kanya.
" Hindi ko po alam kung Anong nangyari sa akin, Kung bakit Ako nandito sa Mundo po ninyo.. Wala pang Ibinigay na tamang Paliwanag Ang nakakausap Kong Engkanto kung bakit nangyari ito sa akin. Ang tanging alam ko lang po ay Hindi ito Ang tunay Kong Mukha at pagkatao.. at Ang pinaka kinatatakutan ko po Nay ,Tay .. ay may mga masasamang nilalang na naghahanap sa akin.. dahil papatayin nila Ako." Patuloy na kuwento ni Emang.
" Itong Mutyang nakadikit sa aKing singsing nay, ito Ang kusang nagpapabalik Ng aKing hitsura sa tuwing bilog Ang buwan.." Dagdag ni Emang.
Ngunit biglang nanlumo ang kanyang inang si Lucia at nawalan ito Ng Malay.
" Nayy!!!" Sabay pang sambit Nina Emang, Kuya Ben niya at Ang bunsong si Reyah.
" Lucia! Tulongan mo Ako Ben! ipasandal natin Ang nanay niyo! at kumuha ka Ng Paypay Reyah bilis!" Utos ni Mang Andoy.
" Nay!! sorry po!! nay!!" Umiiyak na sigaw ni Emang.
____
Lutang si Emang na naglalakad sa papuntang baybayin. Mabuti nalang at okay na Ang kanyang Ina. Tahimik Ang kanyang buong pamilya na Hindi nagsasalita na parang walang maapuhap na sasabihin Ang mga ito. At dahil sa sakit Ng kanyang nararamdaman ay nagpasya Muna siyang aliwin Ang sarili at pumunta sa may baybayin. Kung saan niya nakikita kagabi Ang Isang magandang PARAISO na Lugar. na alam niyang Lugar iyon Ng mga Engkanto.
Malamig Ang hangin sa baybayin at medyo Malaki rin ang tubig Ng dagat. Sa may di kalayuan ay tanaw Naman niya Ang malaking punong kahoy kung saan siya sumusuot kagabi na dinundan Siya ni Argus. at Doon rin Niya nakita Ang magandang Lugar na Puno Ng mga bulaklak sa paligid. Sa maliit na mga bato sa ilalim Ng punong kahoy-dagat ay napaupo Siya roon at tulalang nag- iisip. Siguro'y nasa 12:30 pm ng tanghali iyon. Kaya malamig Ang hangin at medyo Malaki rin ang tubig Ng dagat.
Patuloy siyang umiiyak. Matatanggap pa kaya Siya Ng kanyang kinilalang magulang at mga Kapatid ngayong alam na Ng mga ito kung Anong klaseng nilalang Siya?
" Bakit?? Bakit sa akin pa ito nangyari? kung sino man Ang mga magulang ko, bakit hinayaan niyo po akong nakaranas Ng ganito? bakit niyo po Ako itinapon dito sa lupa? na puro naman Sakit Ng damdamin Ang naranasan ko dito? Magpakita po kayo! kakausapin niyo po Ako.. " Di parin maligilan ni Emang Ang patuloy na paglabas ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
Tahimik lang Ang paligid at tanging ihip Ng hangin lamang naririnig at Ang mga huni ng maliliit na ibon at sinabayan pa iyon Ng Mahinang iyak ni Emang habang siya'y nakapatong sa ibabaw Ng malilit na mga bato sa ilalim Ng punong kahoy-dagat.
Ngunit di nagtagal ay Isang Mataba at puting Hayop Ang biglang lumitaw sa kanyang tabi. Makapal Ang mga balahibo nito at laylay Ang mahabang Tenga Ng hayop na ito na mukhang kambing. Gulat na gulat pa Siya nang malingunan niya ito sa kanyang tabi. Ngunit mukhang Mabait Ang hayop at maamo itong lumapit sa kanya sa mismong harapan niya.