" Huwag ka ngang kumilos, upang di ka niya matuklaw! sandali lang." Sabing muli ni Argus at sabay kinuha agad nito sa likod ang armas na panà nito at binalahan agad iyon at agarang itinutok sa malaking ahas sa likod ng dalagang masungit.
" Bilisan mo Argus.. Baka biglang tuklawin ako..huhu." Umiiyak na sabing muli ni Sofia.
" Sandali, kailangang siguraduhin kong matatamaan siya nitong panà ko dahil kung hindi, tiyak na makagat ka niya Sofia at di na makawala pa!" Sagot ng binata at Concentrate na itinutok ang panà sa malaking ahas na nasa likod ni Sofia.
Hangga't binitawan na ni Argus ang bala nito kaya agad itong lumipad puntirya sa ahas!
Natamaan ang malaking ahas sa mata nito at agad na napatalon ang ahas mula sa punong kahoy at napaliyad- liyad ito sa sobrang sakit ng natamaan ng bala sa panà at naka tusok sa mga mata nito. Kasabay naman sa pagsigaw ng malakas ni Sofia.
Tumakbo agad ito at mahigpit na yumakap sa binatang Antingero habang ito'y umiiyak sa sobrang takot.
" Oh thanks Argus! you're my hero!" Sabi ni Sofia na patuloy sa pag-iiyak.
Napilitan namang yakapin din ito ng binata upang I comfort sa takot nito. Napaiwas naman ng tingin si Emang sa mga ito. Matagal sa ganoong ayos ang dalawa kaya nainip naman si Emang sa paghihintay.
" Mauna na ako sainyo Argus dahil mahalaga sa akin ang bawat minuto." Sabi niya sa binata.
At tumalikod na kaagad.
" Maghintay ka Emang!! baka ikaw naman itong makakasalubong ng mga mababangis na hayop!" Galit pang sigaw ni Argus sa kanya.
Hindi na nakinig pa si Emang at tuloy- tuloy ang kanyang paglalakad. Napilitan namang sumunod agad si Argus at maging si Sofia. Inis na inis pa ang mukha ni Sofia na nakasunod kay Argus. Gusto pa kasi nito sa ganoong ayos sila ni Argus.
" Hoy Emang! hindi ka bagay magselos no! nakakatawa ka kaya tingnan at nakakasuka, kaloka!" Sigaw pa ni Sofia.
" Sofia kung maaari, tumahimik ka dahil hindi lang ang ahas ang makakasalubong natin, lalo na at malapit na tayo sa gubat. Pasalamat ka nga at niligtas kita sa ahas. Mas marami pang mga mababangis na hayop diyan sa loob ng gubat kaya mas maiging tumahimik ka, maaari ba?" Pagtitimpi ni Argus.
" Buset, okay!" Inis paring sagot ni Sofia.
At binilisan ni Argus ang paglalakad upang maabutan agad nila si Emang. Kaya napabilis rin ang paglalakad ni Sofia.
Sa isip ni ni Emang, kung kaya lang sana niyang siya lang mag-isa sa mission niya ay hindi na sana niya pinasama pa si Argus. Pero kailangan niya ang binata, dahil makakatulong ito sa kanya. Kailangang magtiis muna siya dahil iilang araw nalang- kung siya'y magtatagumpay na kunin ang Mutya ng kanilang mga ninuno at kung siya'y makakapaligo sa tubig sa loob ng lumang kaharian ay matatanggal na ang mahikang itim sa kanyang pagkatao at siya'y babalik na sa tunay na anyo bilang si Shahara at di na niya kailangan pang maghintay sa susunod na kabilogan ng buwan upang muli siyang gumanda.
At ang malakas na mutya sa loob ng kaharian ay madedetect na agad niya ito sa papamagitan ng suot niyang singsing sa mga Diwata. Hindi kasi ito nagwo-work kapag si Emang pa siya, pero kung siya'y maging si Shahara ay magamit niya talaga ito, tulad ng mabilisang pag gamot niya ng mga sugat at meron pang iba.
" Emang!! hintay!" Sigaw pa ni Argus sa kanya.
Malapit na ito sa kanyang likuran. Hinintay nalang niya ang mga ito lalo na't ilang metros nalang ay papasok na sila sa masukal na kagubatan.
Nang makarating na ang mga ito sa kanyang kinaroroonan ay nakikita niya ang pagkainis sa mukha ni Argus ngunit di nalang niya iyon pinapansin. At humihingal din si Sofia na nakasunod sa likuran ng binata.
"Ano ba Emang, kaya mo bang ikaw lang mag-isa kung bakit nang-iiwan ka?" Galit na tanong ng binata.
" Oo nga, napaka feeling maganda naman itong si Emang, kala niya siguro kaaya-ayang tingnan ang mukha niya kung siya'y magseselos..eyyy." Sabi pa ni Sofia.
" Sofia naman, puro ka nalang panlalait , alam ko naman Sofia na napakapangit ng hitsura ko kaya bakit ba kailangang paulit-ulit niyo akong laitin?? at isa pa, hindi ako nagseselos kung yan ang inaakala mo Sofia, tama ka na hindi ako nababagay magselos pero pakiusap huwag niyo naman akong paulit-ulit na lalaitin ." Matigas ang wikang sambit ni Emang.
At natatawa lang si Sofia na tila ba nang-uuyam ang mga tinging ibinigay kay Emang.
"Hindi ako kasali sa sinasabi mong yan Emang, kailan man ay hindi ako nanlalait sa'yo." Sagot naman ni Argus na nakatingin sa kanya.
" Oo, hindi ka naman talaga nanlalait sa akin Argus eh, pero nandidiri kalang, alam ko." Deretsong wika ni Emang rito.
Hindi naman napigilan ni Sofia ang muling matawa dahil sa narinig buhat kay Emang.
" Ang talino mo pala Emang, buti at alam mo at napansin mo.." Sabi naman ni Sofia.
" Huwag na tayong magdrama. At huwag na tayong magtatagal, papasok na tayo sa gubat Emang at ako ang mauna, susunod kayo sa likod ko." Sabi ni Argus at nagpatiuna na ito sa kanila sa paglalakad.
Tahimik nalang silang sumunod kay Argus. Ang totoo'y nagsisikip talaga ang saloobin niya, kung hindi lang niya kailangan si Argus sa mission niya at kung hindi lang sumama itong si Sofia ay di siya ngayon masasaktan. Napakahirap ng sitwasyon niya dahil kahit sa pagseselos ay di niya pweding ipakita, dahil una ay hindi naman siya mahal ni Argus at wala naman silang relasyon at higit sa lahat ay nakakatawang tingnan ang kanyang mukha kung siya'y magseselos. Katawa-tawa naman talaga siyang tingnan dahil lalo pa siyang nakakaawa.
Pagpasok nila sa masukal na kagubatan ay sumalubong kaagad sa kanilang paningin ang mga malalaking punong kahoy at ang medyo madilim na paligid. Patuloy sila sa paglalakbay habang panay libot naman ng kanilang mga paningin sa paligid. Makikita naman sa mga kilos at mga mata ng binatang Antingero ang pagmamatyag sa paligid. Halatang sanay ito at magaling ito sa ganoong paglalakbay. Ilang beses na rin kasi itong nangangaso sa gubat na iyon, ngunit di naman ito nakaabot sa pinakadulo ng kagubatan.
Mahigit isang Oras na ang kanilang pagtahak at paglalakbay sa loob ng kagubatang iyon at mabuti nalang at wala silang nasasalubong na mabangis na hayop . Pero baka pagdating nila sa gitna ay may mga mababangis na hayop na roon kaya dapat talaga silang mag-iingat.
Bigla namang napatigil si Argus at napalingon kay Emang at Sofia.
" Kumain muna tayo bago magpatuloy sa paglakbay." Sabi ni Argus.
" Dapat lang dahil nagugutom na rin ako, teka masarap ba yang baon niyo? baka di ko magustohan yang baon niyo ha. " Sagot agad ni Sofia.
" Idi magugutom ka sa kaartihan mo Sofia, bakit kasi nagpupumilit kang sumama idi tingnan mo tuloy wala kang baon ngayon. Pero sigurado akong magugustohan mo ang baon ko. May mga masasarap akong de latas na baon at may Barbecueng manok." Sabi naman ng binata.
At tuloyang sumalampak sa mga damuhan para kumain at kinuha agad nito ang baon sa malaking bag nito.
" Wow , I like it." Turan pa ni Sofia at sumunod na rin sa pag-upo ito a sa tabi ni Argus. Si Emang naman ay nanatiling nakatayo lang at nakatingin sa dalawa.
" Oh Emang? Sige na, kain na tayo! upang pagkatapos ay magpapatuloy na sa paglalakbay." Wika ng binata nang mapansing nakatayo lang siya at di gumagalaw sa kinatatayuan.
" Busog pa kasi ako, maaga akong nag-almusal kaya sa tanghali nalang ako kakain." Sabi pa niya sa binata.
" Idi maghintay ka nalang diyan." Irap pa ni Sofia.
" Sige Emang, sandali lang naman kaming kumain. At dapat kasi kumain ka na rin baka magugutom ka, kanina pa kasing umaga iyon at madali kayang magutom sa gitna ng paglalakbay " Ang sabi pa ng binata na saglit siyang muling tiningnan.
Para naman siyang natuwa sa sinabi ni Argus. Nahimigan niyang nag-alala ito sa kanya. At di naman nakaligtas sa paningin ng binata na siya'y medyo natuwa sa sinabi nito.
" Ang totoo, karapat-dapat lang talaga kitang sasamahan Emang dahil napaka delikado kung mag-iisa ka lang tulad nito ngayon, kung iisipin mong nag-iisa ka lang ngayon ay napakahirap nga, kaya hindi lang para kay Shahara kung bakit kita sinamahan ngayon kundi para na rin sa kaligtasan mo. Ngunit huwag mong bigyan ng malisya ang lahat dahil tanging kaibigan lamang ang kaya kong ibibigay sa'yo. " Sabi pa ni Argus upang ipaalala nito sa kanya na huwag siyang umasa kung papakitaan siya nito ng mabuti kaya natigilan naman siya at nawaglit ang kunting ngiti sa kanyang hitsura.
" Wow, hanip ang mahal kong magsalita!" Sabi pa ni Sofia na natatawa.
" Alam ko naman Argus eh, bakit ba pabalik-balik ang litanya mo noon pa?? alam ko! at wala na sa isipan ko ang tungkol sa'yo." Galit niyang sagot rito.
Bakit ba kasi bigla nalang itong nagsalita na naman ng ganoon sa kanya? hindi naman siya bobo upang di agad maintindihan na himala siyang mahalin nito. Talagang nanggigil na si Emang sa binata dahil sa sinabi nitong iyon.
" Emang, huwag ka namang magalit, ang saakin lang ay ayokong masaktan ka kung sakaling papakitaan na naman kita ng concern at baka aasa ka na naman. Yun lang naman ang point ko eh.. please.. huwag namang magalit.." Sabi pa ni Argus.
At di na siya umimik kaya patuloy na ang mga itong kumain.