Kabanata Dalawamput-dalawa

1538 Words
Pagkatapos ng mga itong kumain ay ilang minuto munang nagrelax at siya naman ay tahimik lang na nanonood sa mga ibong nagpalipat-lipat ng sangang dinadapuan. Naisip ni Emang kung siya'y babalik na sa tunay niyang hitsura ay hindi niya matatanggap si Argus dahil hindi ito nababagay sa kanyang pagmamahal. Ang kanyang ganda lang bilang si Shahara ang iniibig nito. Subalit hindi talaga siya nito kayang bigyan kahit kunting pagmamahal bilang si Emang. " Emang??" Yugyog sa kanya ng binata nang mapansin nitong may malalim siyang iniisip habang nakatingala sa mga ibon sa ibabaw ng punong kahoy. Hindi niya pala narinig itong tinawag na siya sa mga ito upang aalis na at magsisimula na naman silang maglakbay. Para naman siyang natauhan nang niyugyog siya nito. " Bakit Argus?" Nabigla pa niyang tanong rito. " Sabi ko aalis na tayo.." Sabing muli ni Argus sa kanya. " Ay sorry Argus, di agad kita narinig." Sabi naman niya rito. " Bigla siyang nalungkot Argus sa mga sinasabi mo sa kanya kanina, so sad Emang." Sabi ni Sofia na naroon na naman ang pang-uuyam sa mga ngiti nito sa kanya. Hindi na niya pinansin pa ang sinabi sa kanya ni Sofia at tumayo na kaagad at kinuha ang kanyang bag na knapsack. " Sige, dito na tayo sa kaliwang daan dumaan, mas masukal ang daang sentro sa ating kinatatayuan. . kaya iiwasan natin ang daan na yan." Sabi pa ni Argus sa kanila ni Sofia. " Hay naku, hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi o hindi sa pagsama ko sainyo ni Emang Argus, ngayon ko lang bigla naisip na Wala akong dalang damit kahit isa nalang sana at baon wala din, ayoko pa namang mangamoy, nakakadiri kaya." Sabi pa ni Sofia. " Huli na Sofia, kahit magsisi kapa ay di kana pweding bumalik, malayo na tayo. May mga damit naman sigurong dala si Emang pwede kang manghiram sa kanya. " Sabi ni Argus habang tuloy- tuloy ang kanilang paghakbang. " What!?? Eyyy, nakakadiri Argus, baka mahawaan ako sa tagihawat ni Emang yuck, at baka pati mukha niya ay nakakahawa din. . paano nalang hindi mo na ako lingunin like Emang." Sabi pa ni Sofia. Parang biglang naubusan ng pasensya si Emang sa laging naririnig na mga panlalait ni Sofia sa kanya kaya tumigil siya at nilingon ito. " Isa kana lang Sofia, kung marinig pa kita ngayong lalaitin ulit ako, ihuhulog na kita sa bangin!" Galit nang sabi ni Emang. Kung hindi niya kasi ito papatulan ay parang lagi nalang siyang iinsultuhin nito. " Ang tapang mo ah! subukan mo!" Sabi pa ni Sofia. " Ano ba! pwedi bang huwag kayong mag-away!??" Galit na sabad ni Argus sa kanilang dalawa. " Iyang sweet corn mo ang pagsasabihan mo Argus! at huwag mo akong idamay sa galit mo!" Matapang na ring sagot ni Emang. Hindi porke't pangit siya ay magpakumbaba nalang siya lagi. " Anong wweet corn na sinasabi mo??" Salubong ang kilay na tanong ni Sofia kay Emang. " Maganda ka pero bobo ka Sofia! hindi mo makuha agad ang ibig kong sabihin! Sweet corn ay sweet pero Corny! at ikaw yun! na over ka sa pagka sweet kay Argus at naging corny na ang dating mo!" Sabi naman ni Emang dahil gigil na talaga siya rito. " Ay wow marunong ka rin pala Emang, bahala na kung corny basta hindi tulad sa'yo ang pagmumukha!" Sabi pa ni Sofia. " Talaga Sofia? para sa kaalaman mo, mas maganda pa ako sa'yo! wala kalang sa kalingkingan ng aking mga kamay!" Hindi na napigilang sabi niya kay Sofia. " Ano?? hahaha!! nagpapatawa kaba!? siraulo kana yata eh!! oh ano sa palagay mo Argus, tama pa ba ang pag-iisip ni Emang sa kanyang mga sinasabi-" Wika ni Sofia subalit natigil ito nang wala na si Argus sa kanilang giliran. Pati si Emang ay nagtaka rin kung bakit bigla nalang nawala si Argus. " H-hey! Argus! ?? nasaan ka ba!?" Kinakabahang tawag ni Sofia. " Iniwan na tayo ni Argus dahil sa'yo Sofia!" Sabi pa ni Emang rito. Imposibleng bigla nalang mawala ang binata sa kanilang giliran na di nila namamlayan. Subalit nang maalala niyang may anting-anting ito ay saka nasagot ang kanyang katanungan. " Oh paano na 'to Sofia? iniwan na tayo ni Argus eh.. kaya mas mabuti pang magkanya-kanya na tayo, bye Sofia!" Sabi din niya dito at nagmamadali nang umalis. " N-naku, sandali Emang!! wait!!" Namutlang wika ni Sofia. Ngunit di niya ito pinakinggan at tuloy-tuloy siya sa paghakbang. " Argus!!! Argus!!! where are you!?" Malakas na sigaw ni Sofia at nag-echo ang kanyang boses sa mga kakahuyang iyon. Walang Choice si Sofia at nagmamadaling sumunod kay Emang dahil sa takot nitong mapag-isa nalang. " Sandali Emang! huwag mo akong iiwan!" Tawag pa ni Sofia. At sumunod nga itong humihingal sa kanya hangga't sila'y nakarating sa unahan. At nakita nila doon si Argus na nakaupo habang naghihintay sa kanila. Kumalma naman ang takot ni Sofia. " Tinatakot mo ba kami Argus ha!?' Galit na tanong ni Sofia rito. " Sa susunod, tutuloyan ko na kayong iwan kapag Hindi tatahimik yang bunganga mo Sofia at kung hindi niyo ititigil yang pag-aaway niyo!" Galit na sabi ng binata. Tumahimik naman si Sofia at kinimkim nalang nito ang galit kay Emang at ang inis nito kay Argus. Hindi na rin si Emang nagsasalita pa at patuloy na sila sa paglalakbay hangga't muling nagsalita si Argus. " Malapit na tayo sa malaking ilog. At alam kong makakadaan lang tayo sa mga malalaking bato sa ilog dahil wala namang BAHA at tag-araw naman kaya makakadaan lang tayo na di mahihirapan." Sabi pa ng binata. " Naku, may malaking ilog pala dito. Ang hirap. " Sagot naman ni Sofia. At nang sila'y paparating na sa ilog ay ganoon nalang ang gulat nilang tatlo nang makitang may mga naliligo sa ilog, at ito'y mga taong nanggaling sa tribung aswang! Nanlaki kapwa ang kanilang mga mata at maging ang mga taong tribung aswang ay napatigil din ang mga ito nang sila'y makita. Nakita nilang parang nag picnic ang mga ito at naligo sa malaking ilog na iyon dahil may mga dalang baon ang mga ito. Tatlong lalaki at siyam na babae ang kanilang nakikita at may mga batang kasama ang mga ito. " Jusko Argus.." Sambit ni Emang na bumaling sa binata. " Paano na tayo Argus, baka anong gagawin nila sa atin." Natatakot na sabi ni Sofia. " Kumalma lang kayo.. dadaan lang tayo, at kapag gagalawin nila tayo ay mapililitan tayong lumaban sa kanila." Mahinang sabi ng binatang Antingero. "Ha?? paano? wala akong alam sa pakikipaglaban Argus, pahamak talaga ito. Ikaw talaga ang masisisi nitong lahat Emang dahil sa mission mong yan." Galit ngunit mahinang wika ni Sofia. " Argus, paano natin sila malusutan??" Tanong din ni Emang sa binata na hindi na pinapansin pa ang mga pasaring ni Sofia. Nakita nilang kapwa nakatingin sa kanilang lahat ang mga taga tribung aswang. At nakita nilang may mga matatalim na dalang sibat ang mga ito. Gaya ng sinabi ng binatang Antingero ay kinalma lang nito ang sarili at tumikhim muna bago nagsalita. " Ahh, dadaan lang kami at wala kaming masamang intensyon sa pagpunta rito... sa kinaliliguan niyo. Kami ay mangangaso lang sa unahan." Sabi niya sa mga ito. Subalit hindi sumagot ang mga ito at nanatiling matalim na nakatitig sa kanila. " Sige na Emang, Sofia, nakikiusap na tayong dumaan kaya hali na kayo!" Sabi ni Argus na sinadyang iparinig iyon sa mga taong taga tribung aswang. " O- okay.." Sabi pa ni Sofia na nanginginig. At si Emang ay sumunod nalang kay Argus na Hindi na nagsasalita. Subalit hinanda nalang din niya ang kanyang sarili baka kung sakaling bigla silang atakehin ng mga taong tribu. Si Sofia naman ay dumikit ng dumikit kay Argus dahil sa takot nito. At sabay nilang tinahak ang ilog at sa mga makikinis silang mga bato dumadaan. Nanatiling nakatingin lang sa kanilang tatlo ang mga ito at noon nila napansin na hindi lang pala nag picnic ang mga ito kundi nangangaso din pala ang mga ito. Nakita kasi nila ang dalawang nahuling baboy-ramo ng mga ito. Insaktong nakadaan na sila sa gitna ng ilog nang biglang kumilos ang tatlong lalaking taga tribung aswang at kapwa sabay binunot ang mga sibat ng mga ito. " Sugurin sila!!" Utos ng isang lalaki. "Aaajjhhhh!!!!" Nabiglang sigaw ni Sofia. " Takbo Emang Sofia! mauna kayong tumakbo! bilis!!" Utos din ni Argus kina Emang at Sofia. Mabilis namang tumakbo si Sofia at Emang at si Argus naman ay mabilis niyang binunot ang kanyang maitim na sandatang Campilan at hinarap ang tatlong lalaking paparating sa kanilang Kinaroroonan! " Tulongan na kita Argus!! hindi kita pweding pabayaan!" Sigaw ni Emang na bumalik. Ngunit si Sofia ay naka distansiya sa kanila habang nanginginig ang mga tuhod nito sa takot na nakamasid sa kanila. " Humanda ka Emang!! baka mapahamak ka!" Sigaw pa ni Argus. At pagdating ng taong lalaking taga tribung aswang ay walang sabi-sabing sinunggaban agad sila sa dala nitong mga sibat! Mabilis na nakaiwas ang binata at si Emang naman ay napatago sa Likud ni Argus habang may bitbit din siyang matalim na itak na sadyang hinanda talaga niya para sa mga mababangis na hayop sa gubat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD