Kabanata Dalawampo

1553 Words
" S- Sige, okay lang naman ako Argus, pagkatapos ng missiong ito ay huwag mo na akong lapitan at kausapin." Nainis naman niyang sagot rito. Ito naman ay natahimik sa kanyang sinabi at ipinagpatuloy na ang paghakbang nito na hindi umiimik. Nakasunod naman siya nito na hindi na nagsalita. Hangga't sa kapwa sila nabigla nang sumunod pala sa kanila si Sofia. " Argus!! Emang!! Anong kalokohan to!? Saan ba kayo pupunta at bakit may mga dalang bag kayo??" Taas kilay na tanong ni Sofia. Kapwa naman sila natigilan ni Argus. " May kukunin lang kami ni Emang Sofia, dahil iligtas namin ang tatay Andoy niya at si Reyah Mula sa tribung aswang." Sagot ni Argus rito. " What!?? Pwes, sasama ako!! hindi ako makakapayag Argus na mapupunta at magagayuma ka lang ni Emang!" Galit na sabi ni Sofia. " Sofia, hindi ka pweding sumama sa amin ni Argus delikado ang pupuntahan namin." Sabi ni Emang rito. " You're so yucckk Emang!!! ayaw mong sumama ako para tuloyan mong magayuma si Argus ganoon!!?" Galit na galit na wika nito sa kanya. " Pero Sofia, tama si Emang, delikado ang pupuntahan namin at malayo iyon." Sabi naman ni Argus. " No!!! sasama ako Argus!!" Matigas na wika ni Sofia. Nagkatinginan sina Argus at Emang. " S- sige Argus, pasasamahin mo nalang siya.. gusto niya yan eh." Sabi naman ni Emang sa binata. " Akala mo Emang ha, makaka tsamba kana." Irap pa ni Sofia. " Sige tingnan natin ang tapang mo Sofia." Sagot naman niya rito. At silang tatlo ang naglakbay papunta sa mission ni Emang. Samantalang sa tribung asawang naman ay ikinulong sina Mang Andoy at ang batang si Reyah sa isang kulongang de rehas na Bilog na kawayan. Panay ang iyak ng batang si Reyah dahil sa takot nito sa mga taga tribung aswang. Nagpupulong pa ang pinaka malakas na Pinuno sa tribung aswang sa kanyang mga miyembro sa loob ng loob ng tribu. "Sa pamamagitan ng ating mga bihag ay magsasalita ang binatang Antingero kung saan narin pweding makita at matunton ang magandang dalagang kanyang kasama. Dahil ayon sa mga report niyo sa akin ay malapit ang binata sa pamilya ng mga bihag nating ito!!" Malakas na salita ni Haring Abwak. " Pero Mahal na Pinunong Abwak, paano kung walang pakialam ang binatang Antingero?? ano ang susunod na gagawin natin?" Tanong ng isang lalaking miyembro na may kulot at mahabang buhok. Nakikinig lang din sina Mang Andoy at ang batang si Reyah na nasa loob ng kinulongan ng mga ito. " Sa loob ng Isang linggo, kapag walang effect ang ginagawa nating pagdukot sa mga bihag na iyan ay magdesisyon na akong paslangin ang mga iyan! At hindi lang yan ang mangyayari, maraming madadamay na mga tao sa bayan kapag ipagpapatuloy nilang itago ang magandang babae na pinaghihinalaan nating lahat na siyang princesa ng mga diwata!! Alam ko at nasisiguro kong may nakakaalam tungkol sa magandang babaeng nakikita niyo! At alam kong ito ay nagtatago lamang! At ang mensahe ko ngayon ay kailangang makakarating ito sa binatang Antingero, dahil nasisiguro ko na isa siya sa may alam kung nasaan ngayon ang magandang babae!! At kung maaari, ay dadalhin niyo din sa harap ko ang binatang Antingero upang makakalabas na buhay ang dalawang bihag na yan!" Mahabang wika ni Pinunong Abwak. " Pero pinuno, parang di namin makakaya ang Anting-anting ng binata! minsan ay may pagkakataong matalo namin siya ngunit kadalasan din ay kami ang kanyang tatalunin!" Sagot ng isa sa mga miyembro ng tribung aswang. At sa kaharian naman ng mga Engkanto ay nakikita na ng mga ito sa mahiwagang salamin sa palasyo na ang anak na si Emang at ang binatang Antingero ay naglalakbay na papuntang mission ng kanilang anak . At nagtataka nalang ang mga ito nang may isang babaeng Kasama din ng mga ito. " Sino Ang babaeng kasama ng ating anak at ang Isang binatang makisig??" Nagtatakang tanong ng Hari ng mga Engkanto na siyang ama ni Emang. " Baka Sila ay mga kaibigan ng ating anak mahal na Haring asawa." Sagot ni Rayna Dianna. " Hindi kaya sagabal lang sila sa lakad ng ating anak??" Tanong ng Hari. " Pero tingnan mo, mukhang matapang ang lalaki at may mga armas siyang dala tulad ng Campilan at ng panà. Mukhang makakatulong nga siya sa ating anak mahal na Hari." Wika ni Rayna Dianna. " Pero ang babaeng kasama nila, nakikita kong hindi siya makakatulong. Tingnan mo at pag- aaralan mo ang kanyang mga kilos dahil parang galit siya sa ating anak." Sabi ng Hari. " Sandali.." Sabad naman ni Dama Ellara at Mariing tinitigan si Sofia sa malaki at mahiwagang salamin. " Isa siya sa mga nambubully kay shahara , naalala ko ang kanyang mukha. Yung pinaulanan mo nga ng mga maliliit na bato mahal na Hari." Sabi pa ni Dama Ellara. " Ano!?" Sambit ng ama na Hari ni Shahara. Walang kaalam-alam sina Emang na pinagmamasdan lang pala ang kanilang pagsisimulang paglalakbay sa kaharian ng mga Engkanto. Tahimik lang si Argus habang naglalakbay sila. Nauna ang binata dahil alam nito ang mga liblib na daan dahil isa itong mangangaso. Nakasunod naman si Sofia sa likod nito at siya naman ay siyang nakasunod rin sa likod ni Sofia. Hindi naman kasi pweding magkasabay sila sa paghakbang sa Isang daan dahil maliit lang ang daaang unang tinatahak nila. " Sandali.. saan ba tsyo pupunta?? bakit dito na tayo dumaan sa liblib na daan ang ito? Mukhang papunta tayo as kagubatan ah!" Reklamo pa ni Sofia habang tumigil at nakapamaywang. Saglit ring napahinto si Argus at pati na rin si Emang ay napahinto na rin siya dahil din sa paghinto sa paglalakad ni Sofia. " Sofia, ito na yung sinasabi namin sa'yo ni Emang na malayo ang pupuntahan namin. Dadaan pa tayo sa malawak na kagubatan upang makarating sa Baryo Mandalangan." Sagot ni Argus. "What!!? Baryo Mandalangan!? Aba malayo pa yun! nasisiraan na ba kayo Ng bait!? Anong gagawin nito doon!?" Nanlaki ang mga matang wikang tanong ni Sofia. " Pwedi ka namang babalik nalang Sofia, dahil di pa naman tayo gaanong nakakalayo. Total nasa kabilang side lang naman nakatira ang tribung aswang at wala dito. Kaya bumalik ka nalang upang di ka madadamay." Sabi naman ni Emang rito. " Wow!! ang galing mo Emang! Akala mo ba ay kung kayo nalang dalawa ni Argus maglalakbay ay tuklawin ka ni Argus sa mukha mong yan!? matuklaw ka nalang ng ahas sa gubat ay di yan mangyayari!" Galit na sabi ni Sofia. " Yan naman pala Sofia, kaya dapat di ka takot na kami lang ni Argus ang maglakbay dahil malayong tuklawin ako ng mahal mo! yan dapat ang iniisip mo na himalang may mamagitan sa amin ni Argus dahil sa mukha kong ito." Inis na ring turan niya rito. " No, baka kung anong gagawin mo kay Argus! kaya bahala na kung malayo sasama talaga ako!" Galit na singhal nito sa kanya at matalim siyang inirapan ng ilang beses. " Idi tumahimik na kayo, patuloy na tayo sa paglakbay! walang kuwentang pag-uusap!" Inis na ring sabad ng binata dahil sa kanilang ingay lalo na sa ingay no Sofia. " Bakit na kasi Argus, anong gagawin niyo ni Emang sa Baryo Mandalangan!? aba't puro kabubdukan na abg baryong iyan ah." Muling tanong ni Sofia. " May mission si Emang doon sa pinakamalaking bundok ng mandalangan at mga tatlong araw ang paglalakbay natin Sofia, makakatulog pa tayo sa gubat ng taong gabi bago marating ang gitna ng bundok na iyan." Sabi ni Argus. " Oh my goodness!! anong mission mo doon Emang?? at bakit dinamay mo so Argus!?? at bakit sumama ka rin kay Emang Argus!? Sana hinayaan mo nalang Siya kung Anong mission niya, nakakaloka!" Maiingay paring wika ni Sofia. " Pwedi ba Sofia, tumahimik ka nalang?? dapat kasi hindi ka sumama sa amin eh, ang ingay mo! dapat bumalik ka nalang!" Nairitang wika ni Argus rito. " Pweding babalik ako basta kasama kita pauwi Argus! ginamitan ka lang ni Emang ng sekreto niyang orasyon upang sunod-sunoran ka sa kanya! tulad nito ngayon, sumama ka sa kanya kahit hindi bagay! ano ba kasi ang pakialam mo sa mission na sinasabi niya sa'yo? oh diba??" Hindi parin tumitigil na salita ni Sofia. Subalit nanlaki bigla ang mga mata ni Emang na nakatingin sa likod ni Sofia dahil may nakita siya roon. " B- bakit Emang??" Takang- tanong pa ni Sofia dahil sa nakitang reaksyon bigla ni Emang na nakatingin sa likuran ni Sofia. " A- Argus! j-jusko! nakita mo Ang nakikita ko saikod ni Sofia??" Tanong pa ni Emang na parang nanginginig. " Bakit?? anong nakikita mo?" Nagtakang tanong naman ng binata na lumapit sa kinatatayuan ni Emang at tiningnan agad ang nasa likod ni Sofia. Ito naman ang nagulat sa nakita sa likuran ng dalagang masungit. " Jusko Sofia!! huwag kang gumalaw!!" Gulat na sambit ni Argus. " H- ha?? B- bakit???" Nanginginig at biglang pinagpawisang tanong ni Sofia. " Ang laki ng ahas sa likod mo! nasa kahoy at nakatutok ito sa likod mo! kapag gumalaw ka tiyak na tutulawin ka niya!!" Ang sabi ni Argus at Pati ito'y napo- problema. " No!!! Tulongan niyo ako Argus , maawa kayo, iligtas niyo ako!!" Umiiyak na pakiusap ni Sofia habang nanginginig na ng mabuti ang buong katawan dahil sa sobrang pagkatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD