Kabanata Labin-dalawa

1556 Words
Sa ikalawang gabi mula ng Full 🌕 moon ay malaki at bilog parin ang buwan. Mga 5:00 pm palang ng hapon ay bumalik ang buong pamilya ni Emang sa lamay ng bahay nina Sofia. At walang ibang pinag- uusapan doon kundi ang tungkol sa tribung aswang kung paano nila ito mapapaalis sa Lugar nila na halos silang lahat ay takot sa mga aswang sa tribu. Kapag pangalawang gabi na sa kabilogan ng buwan ay hindi na umaatake ang mga aswang sa buong bayan ngunit kung masasalubong mo Isa sa mga ito sa daan ay talagang bibiktima ang mga ito ng tao. Di naman masyadong distansiya ang bahay nina Emang kina Sofia. Pagdating nina Emang doon sa lamay ay naabutan pa nilang naglalaro ng 'Truth and order' Ang mga dalaga roon gamit ang isang bote ng Tanduay. At ang may mga edad na ay nagto- tong- it's din ang mga ito. Hindi parin nababawasan ang sakit na nararamdaman ng buong pamilya ni Sofia dahil sa nangyari sa kanilang ama at kapatid na lalaki. Bawat nagpunta sa lamay ay may kanya- kanyang dalang Armas. Tulad ng Kotselyo, baril at itak. dahil kahit sabihing pangalawang bilog Ang buwan sa darating na gabi ngayon ay di parin magbibigay kumpyansa ang mga tao. Lihim pang natawa ang mga binata at kadalagahan roon sa lamay nang makitang dumating sina Emang. Isa sa mga iyon sina Tata, Edong at ang mga pinsan ni Sofia. Si Sofia Naman at Argus ay Hindi sumali at nag- uusap lang Ang mga ito. Sa isip ni Emang ay baka nobya na talaga ng binata si Sofia. Sa pagtawa ng mga ito ay alam ni Emang na pinipintasan na naman Siya ng mga ito dahil sa kanya nakatingin ang mga mata ng lahat na binata at dalaga roon. Nahiya pa siya nang makitang sa kanya nakatingin si Argus at salubong pa ang mga kilay nito. Sari-sari lang ang narinig roon ni Emang. Iyak ng mga pamilya sa pinaslang ng mga aswang sa loob ng bahay at ang mahinang tawanan sa labas ng mga dalaga at binatang naglalaro ng truth and order. At ang maiingay na pag-uusap ng mga nagsusugal. At habang siya'y naupo kasama ang kanyang ina at mga kapatid sa labas ay ilang minuto lang ang itinagal at pumasok naman ang kanilang nanay Lucia at tatay Andoy sa loob ng bahay nina Sofia at ang kanyang Kuya Ben naman ay nasa dulo ng mga mesa roon at sumali sa tong- its. At siya naman at ang kanyang bunsong kapatid na si Reyah ay nanatiling nakaupo lamang sa kanilang kinalalagyan sa labas. " Truth or order?" Narinig ni Emang na tanong sa isa sa mga naglalaro roon na mga kadalagahan kasama ang mga binata nang tumuon sa Isang binata ang bote ng Tanduay. " Oder." Sagot naman ng isa. " Yess, lapitan mo si Emang at ligawan!" Pilyong utos ng Isang binata at si Edong pa ang na tsambahan na utosan nito. Mahinang nagtawanan ang mga dalaga at binata maliban kina Argus at Sofia. Napangisi namang tumayo si Edong at lumapit kay Emang. " Emang, kapag gaganda ka ay pati tuktok ng bundok ay aKing aakyatin at aabutin ko ang bituin sa kalangitan at ibibigay ko sa'yo.. ngunit kapag di ka gaganda ay isisiguro kong mamamatay ka nalang at di ka makakatikim ng aking armas at di ka makaramdam ng langit sa piling ko." Sabi pa ni Edong sa pamamagitan ng pagtula at ngising- ngisi. Di napigilan ang tawanan ng grupo ng mga kabinataan roon. " Bakit ba ako lagi ang nakikita niyo? Hanggang kailan ba ninyo maiisip na may damdamin din Ako na nasasaktan??" Umiiyak na Sagot ni Emang at Sa hiya niya ay parang Wala siya sa sariling tumayo at tumakbo paalis roon kahit madilim na ang paligid. Nagalit si Argus dahil di niya napigilan na maawa Kay Emang Kaya napatayo Siya at nilapitan at sinita si Edong. " Baka Ikaw itong maagang mapapa impyerno Edong! " Sabi ni Argus at kinuwelyuhan si Edong. " Teka lang Argus, biro lang naman iyon eh." Sabi pa ni Edong. " Bakit ka ba kumakampi Kay Emang?" Inis din na tanong ni Sofia. " Oo nga. Baka gusto niya si Emang." Natatawang Sabi ni tata. At sa galit ni Argus ay nilapitan niya ito at walang pag- alinlangan na binigyan ng Isang suntok si Tata. Nagkagulo ang lahat roon. at Galit na nilspitni Mang Juano ang anak sa ginawa nito Kay Tata. " Huwag kang mag- eskandalo rito Argus!" Saway ng kanyang Ama. Walang paalam na umalis si Argus sa lamay. " Argus!!" Narinig pa ni Argus na tawag ni Sofia. Samantalang si Emang ay nakasandal sa Puno ng Mangga na ilang metros lang din ang layo Mula sa lamay habang siya'y umiiyak . Di Siya nakadama ng takot kahit madilim na ang paligid dahil tanging sakit ng dibdib lamang ang kanyang naramdaman ngayon. At bigla niyang napansin ang pasisibol na buwan sa kalangitan! Tama, pangalawang gabi ngayon sa kabilogan ng buwan. Napapikit Siya habang patuloy na nakasandal sa Puno. Hangga't sa bigla nalang din na may malamig na hangin na muling lumukob sa kanyang buong katawan. Nagdilat agad siya ng mga mata at ganoon nalang ang gulat niya nang Makita na naman niya ang pagliwanag ng Mutyang itim na nakadikit at nakapatong sa kanyang singsing! At namangha Siya nang biglang muling nagbago ang kanyang kasuotan! at nahinuha na niyang muli siyang nagbago ng anyo! " J-jusko! Hindi kaya habang bilog pa ang buwan ay gaganda ako tuwing gabi?" Kinakabahang tanong ni Emang. " Shahara.. Shahara! tama ang hinala mo." Anang tinig na parang nagmumula iyon sa ibabaw ng kalawakan. " S- sino ka?? huwag niyo akong takutin! bakit Ako nagkaganito? Hindi ko maintindihan!" Sagot niya sa boses na nagmumula sa ibabaw " Shahara, ako'y isa saiyong mga kalahi. Isang importanteng bagay ngayon ang dapat mong paghandaan. Nanganganib ang iyong buhay ngayon dahil sa paparating na mga kalaban! at Ikaw Ang kanilang hinahanap! Hindi Sila titigil hangga't Hindi ka nila makikitang muli. At dahil sa iyong Ganda at itsura ngayon ay makikilala ka ng kalaban at Kukunin ka nila at papatayin!" Sabi ng malamig na boses na iyon. " Ano!? pero bakit? ito lang ba ang purpose ko? gaganda upang mapapahamak? ibalik niyo nalang Ako sa totoo Kong Mukha! bahala na't pangit Ako Basta huwag lang Akong mapahamak!" Sagot niya sa tinig. " Shahara, Wala kaming magagawa, dahil iyan ang tunay mong itsura at Isang malakas na kapangyarihan lamang ng mahika ang nagpapangit sa iyong mukha! Pagsinuot mo ang singsing ng Mutya sa mga diwata ay kusang babalik ka sa totoo mong anyo kung bilog pa ang buwan!" Sabi ng isang tinig. " A- Anong ibig mong sabihin? isa akong immortal na tulad niyo? ganoon ba?" Gimbal sa gulat na tanong ni Emang. " Oo Shahara, Isa ka sa mga tulad namin. Nandito Ako upang iparating Ang mensahe Sa'yo Mula sa iyong mga magulang! alam Kong di mo pa gaanong maiintindihan pero ito lang Ang masasabi ko, mag- iingat ka dahil may paparating na kalaban!" Wika ng isang tinig habang ito'y papalayo ng papalayo. " Sandali ! " Habol ni Emang o Shahara sa tinig na papalayo. " Hindi ko pa talaga maintindihan! " Umiiyak na tanong niya sa tinig. Samantalang si Argus ay sumunod kay Emang dahil nakita niya ito kaninang umiyak at naawa Siya rito. Tinuring niya itong kaibigan at Hanggang doon lang iyon para sa kanya. Naawa lang talaga Siya rito. " Emang !" Tawag pa ni Argus. At natigilan siya nang may mapansing babae sa unahan na may tinawag ito habang tumatakbong parang may hinahabol. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang matitigan niya ang pigura ng babae. Ito yung babaeng nakilala niya kagabi! Ang babaeng mukhang Diwata sa ganda. Narinig pa niyang tila umiiyak ito habang may hinahabol. " Sandali lang! kinakausap pa kita!" Tawag pa nito. Nagmamadali namang lumapit si Argus sa babaeng nagpakilala sa kanya kagabing si 'Shahara'. " Shahara?? Ikaw ba ito!? Yung babae kagabi?" Tanging ni Argus sabay lapit rito. Gulat Naman si Emang nang malingunan at makita si Argus. Para sa kanya ay isa ito sa mga nanlait sa kanyang pagkatao. Kaya hindi siya sumagot at nagmamadaling tumakbo ng mabilis palayo sa binata. Ayaw niyang dagdagan ngayon ang gulo ng kanyang isipan dahil sa presensya ng binata. Hindi ito makakatulong sa kanya. " Sandali lang! kausapin mo ako!" Habol sa kanya ng binata. Ngunit Wala na Siya sa sarili kung saan hahamtong ang kanyang pagtatakbo. Ayaw nito sa kanya bilang si Emang kaya dapat ay di rin niya kakaibiganin ito bilang si Shahara. " Shahara!! Saan ka pupunta!?" Habol parin ni Argus. At dahil maliwanag ang buwan ay hindi si Argus nahihirapan na habulin ang magandang dalaga kung Saan ito patungo. Habang tumatakbo naman si Emang o Shahara ay napansin niyang tila Hindi nakatapak sa lupa ang kanyang mga paa. Nanindig ang kanyang mga balahibo kung bakit ganoon Ang kanyang pagkatao. Isa siyang immortal! Hindi Siya isang tao! At nakita naman ng binata na parang nakalutang lang Ang magandang babaeng nagtatakbo palayo sa kanya. Alam Naman niya kagabi pa na ito'y Hindi normal na tao kundi Isa itong Engkanto o immortal. Ngunit dahil nakakausap niya ito kagabi at siya'y tinulongan nito ay nalalaman niyang hindi ito masamang nilalang kaya malaki ang pagnanais ng binata na ito'y maging kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD