Kabanata Labin tatlo

1036 Words
At nang sa tingin niya'y hindi niya ito maabutan dahil sa lakas ng pagtakbo nito ay isang oracion Ang kanyang ginamit upang manghina ito at matigil sa kakatakbo palayo sa kanya. Nasa tabi na Sila ng baybayin dahil doon papuntang tumakbo ang magandang dalaga. Bigla namang sumuray si Shahara at nadapa sa buhangin na di niya alam kung bakit. Lingid sa kanyang kaalaman ay hinagisan pala siya ng oracion ni Argus upang siya'y matigil at manghina. " Arayy!!" Sambit ni Shahara o Emang nang siya'y madapa dahil Ang buong Akala niya ay masasaktan Siya subalit ay parang Wala lang iyon, ang tanging naramdaman niya ay nanghihina lamang siya at humihingal. " Patawad magandang binibini, pero kailangan Kong gawin sa'yo na hagisan ka ng aking oracion. Gusto kitang maging kaibigan kaya huwAg kang matakot sa akin." Sabi pa ni Argus. Sa narinig ni Emang ay nagalit Siya rito. Sa Anong dahilan na makikipagkaibigan ito sa kanya? dahil ba sa kanyang ganda? samantalang iniiwasan Siya nito bilang si Emang. Nag- angat siya ng tingin rito at dahan- dahang bumangon. Tumambad naman kay Argus ang sobrang ganda ni Shahara sa gabing iyon. "Hindi ako makikipagkaibigan sa'yo at kung maaari huwag mo na akong lapitan!" Galit na sabi niya sa binata. Sasagot agad sana si Argus nang may makitang biglang paparating sa kanilang kinaroroonan na limang maiitim na malaking ibon sa ibabaw! sa tulong Ng liwanag Ng buwan ay kitang -kita nila ito! " Hindi! mga masasamang nilalang sila! " Malakas na wika ni Argus. Nanlaki Ang mga mata ni Shahara o Emang at naisip na baka ito na Ang sinasabi ng Engkantong kausap niya kanina! "Hindi, mga masasamang nilalang nga ang mga paparating na yan! Wala akong sapat na lakas upang makatakbo dahil sa ginawa mo sa akin Argus!" Kinakabahang wika ni Shahara. Binunot ni Argus ang kanyang Sandatang dala sa kanyang giliran at hinanda ang kanyang sarili para sa pakikipaglaban sa mga paparating na masasamang nilalang. " Bakit mo ba ako hinahabol Argus? Dahil sa ginawa mo ay mapapahamak tayong dalawa! Kung Hindi mo Ako hinahabol ay hindi nila Ako Basta- bastang maabutan! at Hindi ka rin mapapalaban sana ngayon sa kanila!" Natatakot na Saad ni Shahara o Emang. " Bakit? May alam ka ba kung sino at kung ano Ang mga nilalang na iyan Magandang binibini?" Tanong ni Argus sa dalagang immortal. " Oo, alam ko.." Nanginginig na Sagot ni Shahara. " Kung Ako din ang iyong tatanungin, ay alam ko rin! mga aswang Sila!" Sabi ng binata. Nilingon ni Argus saglit Ang magandang dalaga at dahil sa liwanag ng buwan ay kitang kita din niya Ang natatakot na Hitsura nito. Patuloy na magsalita pa sana si Argus ngunit Ang bilis na nakarating sa kinaroroonan nila ni shahara ang limang maiitim at malaking ibon! " K W A K K ! ! ! K W A K K ! ! ! K W A K K ! ! ! " Ang huni ng mga masasamang nilalang na kararating lang. " Argus!! Ihanda mo ang sarili mo! isa nga silang malalakas na mga aswang! !" Napasigaw na wika ni Shahara. Namilog naman ang mga mata ni Argus nang masalubong nila ang mga tila nag-aapoy na mga mata ng mga masasamang limang aswang at nag-aanyong malalaking ibon! Sabay pa ang mga itong maglanding sa lupa sa kanilang harapan. at nagulat pa Sila nang biglang mag-iba na naman ang anyo ng mga ito. nagiging malalaking asong itim na Naman Ang mga ito at parang si Shahara Ang target ng mga masasamang nilalang! " Argus!! Ako Ang kailangan nila! tumakbo ka na upang di ka mapahamak!" Sigaw na utos ni Shahara. " Ggggggrrrrrreerrrkkkk!!!!" Angil ng mga ito sa kanila. At hindi na nagtatagal pa ay agad na sabay sumunggab sa kanila ang mga ito. Mabilis namang hinila ni Argus si Shahara pa atras upang maka distansya mula sa mga ito. Ngunit sabay din Silang niluksuhan ng mga asong aswang! Alertong sinalubong ni Argus ang mga ito sa pagtaga ng kanyang dalang matalim na sandata. At natamaan naman niya ang dalawa sa mga ito. Ngunit Kinagat naman Siya ng sabay sa kanyang balikat, braso at paa sa tatlong hindi natamaan. Nagtaka Sila kung bakit hindi ng mga ito Kinagat si Shahara. Ngunit sabay namang hinila ng dalawa at Kinagat ang laylayan ng Mahabang suot ni Shahara! " Bitawan niyo ako! bitawan niyo ako! " Nasisindak pang sigaw ni Shahara. Samantalang si Argus nq nagpipigil na naman sa Isa sa mga sugat nito habang patuloy na nakikipaglaban sa mga masasamang nilalang. Muling binundol at sinunggaban ito sa isa sa limang malalaking asong aswang kaya dahilan kung bakit bumagsak siya sa lupa sabay nabitawan Niya Ang sandatang hawak at napagulong sa buhanginan! Akmang kakagatin na Naman sana siya sa Isang ito subalit mabilis niyang tinadyakan ito gamit Ng kanyang lakas na anting- anting! Natapon sa malayo Ang aswang na ibig kumagat ulit sa binata sa kanyang pagtadyak na ginawa rito ngunit may umatake na namang dalawang aso at mabilis na Naman siyang sabay na niluksuhan ng dalawang ito! subalit bago ang lahat ay muling inabot at nakuha niya Ang kanyang sandata at sinalubong Ng malalakas na pagtaga sa Mukha Ang malaking asong itim ! " AaaarrrKkkkk!!!" Tinig pa ng asong aswang na nataga niya sa mukha. Si Shahara naman ay patuloy na nagpupumiglas mula sa dalawang umaatake rin nito. Pakiramdam niya ay gusto lang siyang dalhin ng mga ito dahil di naman Siya Kinagat o sinaktan ng mga aswang na ito! Ngunit sobrang delikado Ang Buhay niya kung siya'y madala ng mga ito baka doon sa poder ng mga masasamang nilalang ay doon Siya papaslangin ng mga aswang na kalaban! Habang patuloy na nakipagsagupaan ang binata sa tatlong aswang ay patuloy naman si Shaharang nagnanais na makawala mula sa dalawang malaking asong humila sa laylayan ng kanyang suot! Ngunit biglang nagbagong muli Ang anyo ng dalawang asong umatake sa kanya. Laking gulat niya nang masalubong Ang masasamang mukha ng mga ito at ang buhaghag na mga buhok na nilipad- lipad pa ng hangin sa baybaying iyon! Kasunod na ginawa ng dalawang babaeng aswang ay hinakos ng mga ito si Shahara upang pagtulongang dalhin at ilipad sa itaas! " Bitawan niyo Ako!!" Sigaw ni Shahara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD