Kabanata Labin-isa.

1130 Words
Uunahin Muna niyang tuklasin Ang tunay niyang pagkatao ngayon. " Kilala mo pala ako magandang binibini.. Saan mo Ako nakilala at paano mo nalalaman Ang pangalan ko?" Tanong Ng binata. Bigla siyang kinabahan at napatayo agad. " Kailangan ko nang umalis. Sige Argus!" Paalam niya at nais na sana niyang tumakbo ngunit mabilis na tumayo si Argus malakas na Kasi ito dahil sa paghihilom na ng sugat nito. " Sandali, huwag ka munang umalis. Gusto kitang maging kaibigan.. gusto Kong malaman kung saan ka nakatira ? Ano nga Muna ulit Ang pangalan mo?" Tanong ni Argus rito. " S- Shahara yung pangalan ko. Tama nang tinulongan kita at Wala ka nang karapatan na pipilitin mo akong sagutin ka sa mga katanungan mo.. Paalam.." Sabi niya rito at tuloyan na niya itong tinalikuran. " Shahara!" Di napigilang tawag ni Argus. Kaya mas lalong nag- iingay ang mga aso sa narinig na tawag na iyon ni Argus sa magandang babaeng tumulong sa kanya. Nagmamadali Naman siyang sumunod sa pagtakbo Ng babae baka sakaling makikita pa niya kung saan ito nagtungo. Mabilis namang nakatago si Emang o Shahara kaya dina ito Makita ni Argus. " Shahara, pakiusap Naman! magpakita ka ulit. Gusto ko lang namang nalaman kung saan ka nakatira?" Sabi pa Ng binata. Ngunit natigil nalang si Argus nang muling nagkakagulo sa unahan at narinig niya Ang sigaw Ng kanyang Tatay. Nagmamadali Naman siyang Sumugod roon upang tulongan Ang mga ito sa mga aswang na nanghahasik. Kinabukasan ay nagbalik ang dating Mukha ni Emang. At nagtaka Siya na Hindi na rin masikip ang kanyang suot na singsing. Naisip niyang baka tuwing kabilogan lang Siya Ng buwan gaganda. Ang ama ni Sofia Ang namatay at Ang Kapatid nitong lalaki. Marami Kasing umaatakeng aswang kagabi at dahil sa nangyari sa ama ni Sofia ay nagkaisa Ang lahat na Sasalakayin Ang tribu Ng mga aswang sa Araw. Ang tatay Naman ni Argus na si Mang Juano ay may mga sugat din ito at ang Kapatid niyang si Emanuel. Pero di Naman talaga nal purohan Ang mga ito. Di tulad sa kanya kagabi na Malaki Ang kanyang mga sugat st malalim. Mabuti nalang at tinulongan siya Ng Isang Diwata na nagngangalang si Shahara. Hinding - Hindi niya makakalimutan Ang Mukha nito. Sobrang Napakaganda Ng babae. At dahil nagluluksa Ang buong pamilya ni Sofia ay nagpunta Naman doon Ang pamilya nina Argus. Kung Hindi Sila dumating kagabi sa pamilya ni Sofia ay tiyak na mabiktima Ang buong pamilya ni Sofia. Nasa bente ka aswang ang umatake sa pamilya ni Sofia. Paano Kasi ay sa sabi- sabi na may Isang dalagang Mula sa tribu daw Ang sumubok na kumuha ng tubig sa balon Nina Sofia at ito'y pinagtabuyan at nilalait ni Sofia kaya nagalit ang mga aswang. At sa kabilogan Ng buwan kagabi ay dalawang pamilya Pala Ang tirada Ng mga ito , Ang pamilya Nina Argus at pamilya ni Sofia. Pati Ang buong pamilya ni Emang at nagpunta kina Sofia. Sumama na rin si Emang sa kanyang mga kinilalang magulang na makiramay sa nangyari sa pamilya ni Sofia. Sumalubong sa kanila Ang mga iyakan Ng buong pamilya ni Sofia at pagdating nila ay nasalubong agad Ng mga mata ni Emang si Sofia at Argus. Nakasandal ito sa dibdib Ng binata habang umiiyak. Napadako naman ang tingin ni Argus sa pamilya ni Emang at pati na Kay Emang. Parang nagalit Bigla ang mukha ni Sofia nang Makita si Emang. Lalo na't alam nitong may gusto si Emang Kay Argus. Ngunit Hindi Naman pweding ipagtabuyan ni Sofia si Emang dahil naroon Ang buong pamilya ni Emang at nakikiramay sa nangyari sa kanila. Gusto sanang lapitan ni Emang si Argus upang hihingi Ng tawad at pasensya dahil sa kanyang pagkagusto rito. Ngunit di man lang Siya pinansin Ng binata. Timing din na naunang umuwi si Emang ay Saka Naman umuwi si Argus. Nauna ito sa kanya at siya ay nakasunod rito. " Argus! sandali lang! pasensya kana at patawad sa nakakadiring pagkakagusto ko Sayo." Sabi ni Emang sa binata na tumakbo upang maabutan ito. " Ano ba Emang! Hindi ka na sana lumapit pa sa akin. pwedi ka namang Hindi nalang humingi ng tawad ah. kainis naman. Kung gusto mong maging kaibigan Ako, huwag kanang magkagusto pa sa akin." Inis na wika ni Argus. Biglang namula Ang mga mata ni Emang dahil sa nagbabantang luha na lalabas Mula roon. " S- sorry Argus.. sa susunod, hinding- hindi na talaga kita lalapitan . patawad talaga..huhuhu." Iyak ni Emang. At Mabilis na umunang naglakad-takbo si Emang sa binata. Sa tribu naman ng mga Aswang ay nagpupulong Ang mga ito dahil sa Isa sa mga aswang Ang nagsumbong sa kanilang pinuno na may nakita Silang magandang dalaga na Ang Amoy Ng dugo nito ay tulad sa dugo Ng mga immortal nilang kalaban. " Kailangang makita natin siyang muli! Siya Ang matagal na nating hinahanap! baka nagtago Siya sa ibang KATAUHAN! tuso rin ang ating mga kalaban dahil alam nating malaking Buhay Ang kanilang Princesa! at ito'y itinago lamang nila sa mahabang panahon! matutupad na Ang ating paghihigante sa mga immortal dahil sa kanilang pagpaslang sa aking kaisa- isang anak na lalaki. Buhay din Ng kanilang anak na princesa Ang ibabayad sa Buhay Ng aKing anak na nakatakda sanang Papalit sa aking puwesto! " Mahabang Sabi Ng Mahal na pinuno Ng mga aswang sa tribu. Ang Pinunong ito ay siyang pinakamalakas na Antingerong Aswang. At dinaig nito dati Ang kaharian Ng mga Engkanto. Pinutol dati ng mga Aswang na Antingero Ang pinaka Malaki at matandang kahoy sa gubat dahilan kung bakit Galit na Galit Ang Hari Ng mga Engkanto at Pinatay Ang anak Ng Pinuno Ng tribung aswang. At dahil doon ay nagkaroon noon Ng mainit na labanan sa mga Engkanto at mga tribung aswang. Ngunit walang nagawa Ang mga Engkanto dahil sa lakas Ng Orasyong hawak Ng mga Aswang na ANTINGERO. Natalo ang mga Engkanto kaya Lumipat ang mga ito ng kaharian sa tabi ng baybayin. Subalit noon pa ay hinahanap na ng pinuno Ng mga aswang Ang princesang anak Ng mga Engkanto upang patayin rin ito tulad sa ginawa Ng mga Engkanto sa kanyang nag- iisang anak na babae ngunit lumipat nalang Ang tribung aswang noon na Hindi talaga nakita Ng mga ito ang princesa Ng mga Engkanto. " Sigurado kami pinuno na Isang immortal Ang magandang dalaga na Aming nakikita kagabi!" Sigaw Ng Isa sa mga aswang. " Hahahaha!! Hindi habang buhay na maitatago nila Ang kanilang anak! alam Kong di din Sila madaling kalabanin. Ngunit Ang gusto ko ay Ang mapaslang ko talaga Ang kanilang anak na princesa upang maramdaman nila kung gaano kasakit Ang nararamdaman ko noon nang nawala Ang aKing anak!" Mahabang sagot Ng pinuno Ng tribung aswang na si Pinunong ABwak, Ang malakas na wakwak sa tribu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD