Kabanata Siyam

1525 Words
" Argus, malapit na Ang kabilogan Ng buwan at naramdaman ko Ang paghahanda Ng mga aswang mula sa tribu na sila'y gaganti sa atin .. kaya dapat tayong mag- ingat." Sabi Ng tatay ni Argus. Kinabahan Naman Ang binata dahil sa sinabi Ng kanyang tatay. " Ga-ganoon po ba tay?? gusto nilang maghiganti sa atin?" Tanong pa ni Argus. " Oo anak.. naramdaman ko Ang galit nila kaya dapat tayong mag-iingat dahil Tayo Ang tirada Ng mga aswang sa tribu ngayong pararating kabilogan." SAgot Ng tatay ni Argus. Mabilis nga lumipas Ang mga araw at dumating na nga Ang kinatatakutan Ng buong bayan, Ang muling pagsapit Ng kabilogan Ng buwan! Kaya mga alas singko palang ay handa na sina Emang. Hindi Naman pumalaot Ang tatay Andoy nila at Ang Kuya Ben dahil pinaghandaan nila Ang kabilogan Ng buwan. Doble- dobleng kandado Ang ginawa nila sa pinto Ng Bahay nila at sa mga bintana. Nasa kuwarto na Siya ngayon at Ang kanyang mga magulang at Ang bunsong kapatid Naman ay nasa kuwarto na rin nila ang mga ito. At Ang Kuya Ben din nila ay nasa sariling kuwarto na rin ito. Magkatabi lang Ang kanilang mga kuwarto kaya naririnig Naman kaagad nila kung may mangyari. Alam nilang handa na rin Ang mga Kapit bahay sa muling paglabas ng bilog na buwan at muling panghahasik Ng mga masasamang nilalang sa kanilang bayan. Kinabahan pa si Emang at nagmamatyag lamang Siya sa loob Ng kanyang kuwarto. Tantiya niya'y kunti nalang at mag alas sais na ng gabi at baka lumabas na Ang mapulang buwan sa labas. Sinilip niya Ang maliit na butas upang tingnan sa labas. Nagulat pa Siya nang pagsilip niya ay Nakita niyang pasisibol na Ang Malaki, mapula at bilog na buwan sa kalangitan. Hangga't sa biglang nag- iingay Ang mga aso sa labas! " Full moon na!" Sigaw Ng isipan ni Emang at nanindig ang kanyang balahibo. Ngunit laking gaulat niya nang biglang may malamig na hangin Ang lumukob sa kanyang katawan kasabay Ng pagliwanag Ng Mutyang itim na nakadikit sa singsing sa kanyang daliri! Nanlaki Ang kanyang mga mata nang mapansin at makitang nagbago Bigla Ang kanyang kasuotan! Laking pagtatakang kinapa ni Emang ang kanyang sarili. Pati buhok niya ay nagbago at naging kulay ginto iyon. Hinaplos niya Ang kanyang mukha, at nadama niyang nagbago din iyon. Parang naging normal at manipis na Ang kanyang mga labi at Ang kanyang shape sa Mukha ay parang Hindi na iyon matambok. Pati na Ang kanyang kutis ay napapansin din niyang nagbago, mas Lalo itong pumuti at naging makinis! Muli niyang sinipat Ang kanyang suot at Hindi talaga siya dinaya Ng kanyang mga mata, Isang simple at magandang style na mukhang Filipinianang dress ang kanyang suot na parang style iyon sa makalumang panahon. " P- paano nangyari to??" Di makapaniwalang sambit na tanong niya sa kanyang sarili at sinipat ng mabuti ang buong kasuotan Malakas Ang kaba Ng kanyang dibdib na patakbong kinuha Ang kanyang maliit na salamin sa kanyang karton. Itinago niya Kasi iyon sa kanyang karton dahil naiinis siya sa tuwing masilip niya Ang kanyang itsura sa salamin kaya minabuti niyang itago iyon para di Siya mas lalong maaawa sa kanyang sarili pag laging makikita Ang kanyang pangit na Mukha. Nang nasa kanyang kamay na Ang kanyang Salamin ay natatakot pa siyang unti- unting titingnan Ang kanyang sarili. Baka kung ano Ang nangyari sa kanya ngayon at baka kinulam Siya Ng mga Engkanto. Nakita Kasi niya Ang biglang pagliwanag Ng Mutyang itim na nasa kanyang singsing kanina. At nang nagsalamin na Siya ay di niya maiwasang napasigaw siya Ng malakas sa gulat sa kanyang nakita, kasabay na rin sa pag- alulong ng maraming aso sa labas at pag- iingay. Gulat na gulat Siya sa kanyang nakita sa salamin, Isang Tila Diwata sa ganda Ang nakita niyang repleksyong sa kanyang hinahawakang salamin! nanginginig Ang kanyang mga kamay na nabitawan Niya Ang munting salamin kaya naglikha rin iyon Ng ingay. At dahil sa kanyang pagsisigaw at pagkahulog Ng salamin na kanyang hinawakan ay mabilis siyang kinatok Ng kanyang tatay Andoy sa kanyang kuwarto. " Emang! Anong nangyari Sayo anak!? " Sunod- sunod na katok Ng kanyang tatay sa kanyang kuwarto. Hindi niya alam Ang gagawin . Tiyak na magugulat Ang kanyang mga magulang at mga Kapatid kung makikita siya Ng mga ito. Maging Siya Kasi ay Hindi rin alam kung Anong nangyari ngayon sa kanya at kung bakit biglang nagbago ang kanyang itsura! " Emang!! Ano ba!?" Patuloy na pagkakatok Ng kanyang tatay na halatang nag- alala na sa kanya. " W- Wala po Tay! o- okay lang po Ako Tay! Akala ko Kasi kung Ano na, daga lang pala Ang nasa Likud ko!" Pagsisinungaling na Sagot niya. " Ano?? sigurado kaba??" Sabi pa Ng kanyang tatay sa labas. " O-opo Tay! pasensya na po kayo!" Sagot Naman niya. " Oh Sige. Huwag kanang lumabas sa kuwarto mo. Maging kami rin, lumabas lang Ako at kinatok kita dahil sa narinig namin.." Tugon ng tatay niya sa labas. " Oh s- sige po tay. o- okay lang po ako dito." Muling wika niya at pilit na pinakalma Ang kanyang panginginig Ng kanyang boses. " Oh, sige.. Sige." Tugon nito at umalis na sa kanyang pintuan. Nakahinga Siya hg maluwag. At di mapakaling tiningnan muli Ang sarili sa salamin. Muli pa siyang namangha nang matitigan Ng mabuti ang kanyang itsura. Kung gaano Siya kapangit ay ganoon Naman kaganda ngayon Ang kanyang nakikita sa salamin! " P- pero teka, Ano ba ito? anong nangyari sa akin? bakit bigla Akong nagkaganito ? May kinalaman ba Ang mga Engkanto nito at sa singsing na suot ko?" Tanong niya sa kanyang sarili. Sinubukan niyang huklasin Ang kanyang singsing subalit nagtaka Siya na di iyon makuha sav kanyang daliri at naninikip iyon doon. " A- arayy, Ano ba?? bakit sumisikip ito? Hindi Naman ito ganito ah? Jusko, Ano bang nangyari sa akin?? Totoo ba Ang lahat Ng ito? Hindi ba Ako nilinlang? " Muli niyang sunod- sunod na tanong sa kanyang sarili. Hindi talaga Siya mapakali kaya muli niyang sinilip Ang Mukha sa salamin. " A- Ako ba talaga ito?? totoo ba to?? naawa ba sa akin Ang mga Engkanto? pero Teka, Ang singsing Kong ito ay talagng akin daw ito Sabi ni nanay. N- naku, s- sino ba talaga Ako?? saan Ako galing?" Nanindig muli Ang kanyang mga balahibo sa mga katanungan niyang iyon. At mas Lalo pa siyang nagulat nang may malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat. Kasabay Ng pagsasalita Ng Isang malamig na boses na Hindi Naman niya nakikita. " Shahara.. Shahara.. mag- iingat ka.. mag- iingat ka.." Sabi ng Isang malamig na boses. " Juskooo, sino ka? bakit Hindi kita Makikita? sino si Shahara?? Ako ba si Shahara na ibig mong sabihin?.." Aniyang napayakap sa kanyang sarili. Ngunit iyon lang at di na nauulit pang magsalita Ang malamig na boses na iyon. Kaagad na umagaw ng kanyang pansin Ang mga sigawan Ng mga tao sa kanilang lugar at Ang mga nagkakagulo na namang mga aso sa paligid nila! Narinig niya Ang mga labanang naganap sa unahan. Naisip niya Ang pamilya Nina Argus . baka Ang mga ito na Naman Ang nakikipagsagupaan ngayon sa mga aswang! Hindi nga nagkamali si Emang. Nakipaglaban nga sina Argus sa mga aswang. Sa pagkakataong iyon ay gamit ni Argus Ang mahabang sword nito at pana naman Ang gamit Ng kanyang Kapatid at Ang kanyang ama ay Isang Campilan Ang gamit nito. Subalit pinaghandaan rin ng mga aswang mula sa tribu Ang pakikipaglaban nila sa pamilyang Antingero. Isang babaeng aswang Ang Bigla nalang naging kalabaw at walang pagdadalawang isip na Sinunggaban nito si Argus sa mahabang mga sungay nito habang nag- aapoy Ang mga mata ng malaking kalabaw na ito! Distansiya Naman Sila Argus at Ang Kapatid at tatay niya. Nasa unahan rin Ang mga ito at nakikipaglaban roon dahil nagmamadaling tumakbo roon ang mga ito nang marinig ang mga sigawan ng mga tao sa unahan dahil sa paggambala at panghahasik na Naman Ng mga aswang doon! At Siya Naman ngayon ay nakikipaglaban sa Isang malaking kalabaw at may may tatlong Aswang pang nakalutang sa hangin habang humagihik Ang Isa sa mga ito nang makitang nahihirapan Siya sa pakikipaglaban sa malaking kalabaw na iyon! Maliksing kumilos Ang kalabaw na ito at di niya natatamaan sa ilang beses niyang paghampas Ng pagtataga ng kanyang Sandata rito! At dahil sa kanyang anting-anting ay walang kahirap-hirap sa kanya Ang lumukso ng matayog paibabaw, upang maiwasan ang mga matatalim na sungay ng malaking kalabaw! deretso siyang pumatong sa malapad at malaking likod ng kalabaw At agad niyang tinaga ng kanyang dalang sandata Ang likuran ng kalabaw kaya napa ekis- ekis itong gumalaw dahil sa sakit na dulot Ng kanyang pagtaga rito at dahilan din ng pagkahulog niya Mula sa Likud Ng aswang na kalabaw! Napatayo siyang bumagsak sa lupa habang naka angat parin Ang kanyang sandatang gamit. Subalit laking gulat ni Argus at napahiyaw Siya sa sobrang sakit nang biglang tumusok sa kanyang likuran Ang matatalas na mga kuko Ng Isang aswang na biglang sumugod na Naman sa kanya Mula sa likod niya. " Agggghhh!!!" Sambit Ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD