Kabanata Sampo

1030 Words
" Ahhhrrrrggg!!" Hiyaw din Ng aswang. Ngunit nanlaki Ang kanyang mga mata nang sumugod rin ulit Ang Isang Kasama nito gamit sa Isang matulis at Mahabang dila nitong sumalubong at tumusok sa kanyang tiyan! " Ahhh!!! t- tulong .." Sambit ni Argus. " Kwaaak!!! kwaaak!!! kwaakkk!!!" Huni ng aswang na halatang desidido na siyang patayin! " Katapusan mo na binatang Antingero!! hehehehe!!!!" Wika Ng aswang na babae na sumunggab sa kanya sa mahabang dila nito at Ang mga buhaghag na mga buhok nito ay tumatayo at unti- unting gumapos sa leeg Ng binata! " Huwaggg!!! huwag niyong patayin si Argus!!" Sigaw Ng isang tinig Ng babae. At dahil sa sobrang liwanag Ng buwan ay kitang kita Ang pagdating Bigla Ng Isang magandang babae at mukhang Diwata Ang porma at Ganda nito! Gulat Ang tatlong aswang na nakalaban Ng binata nang Makita ang magandang babaeng biglang dumating. " Isa siyang mortal na kalaban!!" Magkasabay na sambit Ng dalawang aswang nang matitigan Ang magandang babae. " Tama ka, Naaamoy ko Ang kanyang dugo! galing Siya sa lahi Ng ating mga mortal na kalaban!" Sabi rin Ng aswang na lalaki. At Natakot Ang mga ito at isa- isang naglahong bigla dahil sa kanyang pagdating. Nagtataka si Emang kung bakit iyon Ang sinabi Ng mga ito na siya'y Isa sa mga mortal na mga kalaban nito. Nang Marinig niya Kasi ang sigaw Ng binata kanina ay maingat siyang lumabas upang tulongan Ang binata kahit Hindi niya alam kung paano niya ito matutulongan. At nang Makita niya Ang nakAhandusay na binata ay Wala siyang takot na lumapit at ganoon nalang ang pagtataka niya kung bakit natakot Ang mga aswang nang siya'y Makita Ng mga ito. Ipinagpaliban Muna niya Ang kanyang mga katanungan sa kanyang isipan. At tinulongan si Argus sa kalagayan nito. " Argus! okay ka lang ba? Argus.." Tanong niya sa binata na halos maiiyak. Pilit namang iminulat ni Argus Ang kanyang mga mata upang tingnan kung sino Ang dumating at tumulong sa kanya. Namangha pa Ang binata nang masilayan Ang magandang Mukha Ng babaeng humakos sa kanya . Kitang -kita niya Ang buong itsura nito sa tulong Ng liwanag na buwan sa kalangitan! " S- sino ka? H- Hindi kita Kilala, ngayon lang kita n- nakita!" Gulat na sambit ni Argus. "H-haa??? Ahh, a- ako nga pala si Shahara." Sagot naman ni Emang. Magsalita pa sana si Argus habang nakatitig sa magandang mukha ng dalagang mukhang Diwata sa ganda. Ngunit Hindi na lang Siya nagsasalita nang inalalayan agad Siya Ng Magandang babae at iginiya siya nito sa May iilang Puno ng kahoy na distansiya na sa mga pamayanan. Hindi na siya makakatulong pa sa kanyang tatay at kapatid sa pakikipaglaban Ng mga ito sa ibang aswang dahil sa sugat niya ngayon dahil sa kanyang nakalabanng mga aswang. Mabuti nalang at biglang dumating Ang babaeng ito. Alam na ni Argus na Hindi niya katulad Ang babaeng tumulong sa kanya at alam niya na iba Ang babaeng ito. Dahil sa tulong Ng kanyang Anting-anting ay nalalaman niyang Hindi masama Ang magandang babae. Pinasandal Siya nito sa may malaking puno Ng kahoy habang pigil- pigil Naman niya Ang kanyang sugat. " S- salamat magandang binibini. K- kung Hindi ka dumating ay baka Wala na Ako." Wika ni Argus rito na halatang nagtitiis sa sugat nito sa katawan. Hindi napigilan ni Shahara na haplusin ang sugat Ng binata sa tiyan. Nag-alala lang Kasi Siya sa binata. Ngunit nang mahaplos niya Ang giliran Ng sugat nito sa tiyan ay nabigla pa Siya nang may tila isang lakas ang biglang lumabas sa kanyang katawan at Naramdaman Naman ni Argus ang biglang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang tiyan dala Ng paghaplos na iyon sa kanyang sugat ng magandang babae at Ang agarang pagkawala ng hapdi nito at sakit! Mabilis na kinapa ng binata ang kanyang sugat at labis siyang nagulat nang Wala na Ang sugat sa kanyang tiyan! " H- Hindi nga Ako nagkamali sa aKing hinala Hindi ka Isang tulad ko.. Nagawa mong pagalingin ang sugat ko sa tiyan!" Gulat na sambit ni Argus. Pati si Emang o Shahara ay nagulat sa sinabi ni Argus sa kanya. Kaya di na rin niya maiwasang magduda na rin Ng tuloyan sa kanyang tunay na pagkatao. " Ha?? Wala akong alam kung Ano Ang mga sinasabi mo Argus.. kung gumaling Ang sugat mo sa tiyan ay mas mabuting hahaplusin ko nalang din Ang ibang sugat mo kung meron pa." Wika pa ni Shahara dito. " Sa likod ko Magandang binibini, haplosin mo agad.. at pagkatapos ay pakihaplos na rin sa dibdib ko upang malaman mo ang lakas Ng t***k nito.." Sabi pa ni Argus. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagawa pa niyang magbiro at parang umiiral ang kanyang hilig sa mga magagandang babae. Wala siyang pakialam kung Engkanto o kung saan nanggaling Ang magandang dalaga. Ang nasisiguro lang niya ay isa itong mabuting nilalang na hindi dapat katakutan. Napansin Naman ni Argus na ito'y natigilan sa kanyang sinabi. " Biro lang sa akin.. huwag kang magalit." Sabi pa ni Argus rito. " Sige, okay lang po. Sandali at gagamutin ko rin Ang iyong likod.." Aniya rito. Hinaplos nga ni Shahara ang likod ni Argus. At tulad din sa sugat sa tiyan ay agarang gumaling din iyon. " Salamat Magandang binibini.. Isa kang hulog ng langit para sa akin.." Buong pasalamat na Sabi ni Argus rito. " Walang Ano man po.. Argus." Sagot Naman ni Shahara o Emang. Kitang kita Naman ni Emang bilang si shahara Ang mga malalagkit na titig sa kanya Ng binatang Antingero sa kanilang lugar. Subalit di Siya dapat magpadala sa kanyang nararamdaman rito. Iisipin niyang itinatwa na Siya nito sa Mismong harap pa ni Sofia. Kahit sinaktan siya nito ay hindi Naman niya kayang Hindi ito tutulongan. Pero Hanggang doon nalang muna iyon, tinulongan niya lang ito at dapat ay di na Siya umaasa muli. Oo Bigla nga siyang gumaganda ngayon, at alam niyang madaling mahalin ni Argus Ang Ganda niya ngayon pero di pa niya alam kung sino ba talaga Siya kaya Hindi Muna pweding iibig Siya bilang si Shahara. Mahirap na kapag muling aasa dahil wala pang kasagutan kung sino ba talaga Siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD