Kabanata Walo

1507 Words
"Ano 'kamo nay? singsing?" Ulit na tanong niya sa kanyang nanay Lucia. " Oo anak. May singsing ka na sadyang ikinuwentas sa'yo sa leeg upang di mawala. Itinago ko lang iyon dahil nakita namin Ng tatay mo na ito'y mamahalin. Balak namin Ng tatay Andoy mo na ibebenta natin Ang singsing kapag Alam mo na Ang totoo.. at gusto namin na Ikaw MISMO ang mag desisyon kung ibenta ba natin ito upang makaahon Tayo sa kahirapan o Hindi. At ito na Ang hinintay na pagkakataon namin Ng tatay mo anak." Sabi Ng nanay Lucia. " Ano? akin na nay? gusto ko Makita ang singsing Baka iyan ang daan kung paano ko makilala at matatagpuan ang tunay Kong mga magulang." Sabi pa niya sa Ina. " Hindi pa ba sapat Ang pagmamahal na Ibinigay namin Sa'yo anak? kung gusto mo pang hanapin Sila? sakabila nang pag balewala nila sa'yo..?" Tanong ni aling Lucia. " Hindi Naman sa ganoon nay, syempre, kahit Anong mangyari nasa sainyo na ang loob ko. Gusto ko lang Kasi itanong sa kanila kung bakit nagkaganito Ako. At gusto ko ring Makita kung anong hitsura nila, kung Ako ay nagmana ba sa kanila." Sagot ni Emang. " Sandali. Kukunin ko Muna Ang singsing anak." Paalam Ng kanyang nanay Lucia. Nang maiwan Sila Ng kanyang bunsong kapatid na si Reyah ay niyakap Niya ito upang tumahan na ito sa pag- iiyak. " Huwag kanang umiyak Reyah, tingnan mo, Hindi na umiiyak si ate." Sabi ni Emang rito. " Okay po ate. Naawa lang po Kasi Ako Sayo ate Emang.." Sabi Naman nito. Pagbalik Ng kanyang Ina ay agad nitong Ibinigay at ini- abot sa kanya Ang singsing na may nakadikit na Mutyang itim at namangha si Emang dahil sa kumikinang nga talaga Ang ganda nito! " Yan anak, kasya na yan sa'yo dahil malaki kana Emang." Sabi Ng kanyang nanay Lucia. " Wow nay! Mutyang itim na nakadikit sa ibabaw Ng singsing. Napakaganda at talagang mamahalin ito nay! halatang-halata! mabuti nalang po nay at itinago niyo ito at di niyo isinuot baka Kasi nakawin ito." Sabi ni Emang sa Ina. " Eh, Kasi Emang, Hindi ko alam kung bakit, Ang totoo Kasi ay Sinubukan Kong isuot Yan sa daliri ko. Pero nagtaka Ako kung bakit may mga gumagambala sa akin sa panaginip. Hinabol daw ako Ng malaking ibon dahil isinoot ko Ang singsing na yan. may mga nagpapakita sa akin sa panaginip na Hindi ko daw isusuot ang singsing at itatago ko daw iyan habang di mo pa magagamit. " Sabi ni aling Lucia. " Ano?? pero bakit kaya nay??" Nagtatakang Tanong ni Emang. " At Hindi lang iyon Emang, Meron ding nagpaparamdam sa akin kahit sa Araw. Kaya sa takot ko, hinubad ko nalang iyan at muling itinago." Mahabang Dagdag na Sabi ni aling Lucia. " Naku nay, baka gagambalain din po Ako tulad niyo kung isusuot ko ito, Ano bang Meron sa singsing na to? at Saan Ako galing nay? at Lalo na itong singsing?" Muli kong tanong Kay nanay. " Ewan ko anak. Pero Isa lang Ang sigurado ko na Sa'yo talaga ipapasuot ang singsing na 'yan." Sabi ni Aling Lucia. Tinitigan muna ni Emang ang Napakagandang singsing at Ang itim na Mutya sa ibabaw nito. Pagkatapos ay dahan- dahan niyang isinuot Ang singsing. " Wow! Napakaganda Ng singsing nay! Ang nagmamay- ari lang ang pangit." Sabi pa ni Emang. At Paulit- ulit niyang sinipat- sipat ang singsing na nasa kanyang daliri. Maliit lang ito at tamang-tama lang sa kanyang daliri. Ang Mutyang itim na nakadikit lamang ang Malaki dahilan upang malaki ring tingnan ang singsing na iyon. Kumalma Ang pakiramdam ni Emang. Para bang nang isinuot niya Ang singsing na iyon ay pinakalma din Ang sakit na naramdaman Ng kanyang kalooban. Parang naging gamot tuloy sa kanya Ang singsing . Kahit alam na niya Ang kanyang pagkatao ay Madali Naman niyang natanggap iyon. Atleast, nasagot din Ang ibang katanungan sa kanyang isipan kung bakit Hindi Siya nagmana sa kanyang mga magulang at Hindi tulad Ang kanyang itsura sa kanyang Kuya Ben at sa bunsong kapatid na si Reyah. Isang mga mabuting tao Ang nakasagip sa kanya dahil kahit ganoon Ang kanyang itsura ay Hindi Siya minaltrato Ng mga ito at iniisip siyang tunay na anak Ng mga ito pati na ang kanyang mga kinilalang Kapatid. Ang tanging hindi Siya katanggap- tanggap ay ang mga halos lahat ng kanilang mga kapit-bahay lang lalo na Ang mga parehong kaedad niya. Lumaki siyang walang kaibigan at napuno sa mga panlalait Mula sa kanyang mga kaedad. " Emang anak. alam mo na Ang totoo. kaya sana huwag mo itong ipagkakalat at huwag mong ipaalam sa tatay Andoy mo at Kuya Ben mo na sinabi ko na Sa'yo Ang totoo. Alam ko Kasing magalit Ang tatay mo. Ayaw ka niyang masaktan anak, ganoon ka kamahal Ng tatay Andoy mo. Tanging tayong tatlo lang ni Reyah Ang nakakaalam na sinabi ko na Sa'yo Ang totoo. At binabalaan ko na si Reyah . Napagkasunduan Kasi namin Ng tatay mo na forever ay Hindi namin Sayo sasabihin Ang totoo. Pero dahil sa mga katanungan mo sa akin ay Hindi ko napigilang Sabihin nalang Sa'yo Ang totoo kahit mas masasaktan ka pa anak." Mahabang wika ni aling Lucia. " Mas mabuti ngang nalaman ko rin nay Ang totoo eh. Oh Sige nay . . pero baka Makita ni Tatay itong singsing na suot ko?" tanong niya sa Ina. " Huwag mo lang ilantad Ang kamay mo kapag nandiyan Siya.. at Hindi na rin niya iyan mapapansin . At sana anak, huwag mo nang gagawin ulit Ang muntik na ginawa mong pagpapakamatay.. Lumaban ka kung Ano mang mga pagsubok sa Buhay mo. mahalin mo Ang sarili mo anak at laging magdasal sa panginoon." Sabi muli ng kanyang nanay Lucia . "S- sorry po nay. nakakahiya. Nang dahil lamang Kay Argus ay nagkaganoon Ako. Wala na rin akong mukhang maihaharap Kay Argus nay. nahihiya Ako sa kanya dahil sa pag- amin ko at pag- iiyak sa kanyang harapan." Sagot niya sa Ina. " Okay lang yan anak. Ang importante ay huwag kanang umasa ulit sa kanya na mahalin ka niya okay? upang di ka masaktan." Sabi Ng kanyang Ina. Tanging tango lang Ang isinagot niya sa Ina kasabay Ng pagtulo muli Ng kanyang luha sa mga mata. " Tama na. Ang mabuti pa.. punta na kayo ni Reyah sa baybayin at magbantay sa pagdating Ng Tatay niyo at Kuya Ben niyo. Hapon na kasi, mamaya ay nandiyo na Sila. Kukuha agad kayo Ng kunting maluluto natin habang nagseseparar pa Sila sa mga maliliit at malalaking mga isdang nahuli nila.. para pag makatapos Sila ay nakaluto na rin Ako Ng hapunan natin.. bukas nalang Ako Ng madaling Araw magluto Ng tinapay para may mababaon din Sila sa pagpapalaot nilang muli." Wika at utos ng nanay Lucia nila. " O- opo nay, halika reyah.. samahan mo si ate." Sabi Naman niya sa bunsong kapatid. " Opo ate Emang!" Masiglang Sagot ni Reyah sa kanya. Pumunta nga sila sa baybayin. At nang sila'y nasa daan na ay natigilan si Emang nang makitang si Argus Ang makakasalubong nila ni Reyah. " Kuya Argus! Hello Kuya!!" Tawag pa ni Reyah at bati Kay Argus na nasa unahan pa. Maging Ang binata ay natigilan din nang Makita Sila nito. Kumaway si Argus sa batang si Reyah at ngumiti ngunit lumiko ito sa ibang daan upang di nila nito makakasalubong. Sobrang nasaktan si Emang sa ginawa Ng binata. Iniiwasan Siya ni Argus at parang may nakakahawa siyang sakit dahil sa ginawa nito. " Oh bakit lumiko Ng ibang daan si Kuya Argus? " Nagtaka pang tanong ni Reyah. Parang sasabog na Ang dibdib ni Emang dahil sa sakit na naramdaman. Sinaktan Siya Ng paulit-ulit ni Argus. Iniiwasan na Siya nito ngayon. Para siyang sinampal Ng mag- asawang sampal dahil sa pag- iwas Ng binata sa kanya. Sobrang nahihiya Siya. Hindi niya napigilang tumulo na Naman Ang kanyang mga luha kahit Anong pigil niya ay talagang kusang lumalabas iyon sa kanyang mga mata. " Ate Emang?? umiiyak ka na Naman ba?" Malungkot na tanong ni Reyah nang makitang nabasa Ng luha Ang kanyang pisngi. Dali- Dali naman niyang pinahid iyon. " Wala Reyah! Hindi Ako umiiyak.. huwag kanang Maraming Tanong." Sabi niya sa bunsong kapatid. Ngunit Nakita Naman niya Ang biglang paglungkot sa mga mata ni Reyah na nakatingin sa kanya. Para sa kanya, ay Hindi man Siya nilalait ni Argus ngunit sobra pa sa panlalait ngayon Ang ginawa nitong pag-iwas sa kanya. Hindi Naman niya ipipilit Ang kanyang sarili kaya bakit kailangan pang iiwasan Siya nito? Napakasakit talaga para Kay Emang Ang ginawa Ng binata. Paglipas Ng mga araw, ay nakalagay na Naman sa kalendaryo Ang papalapit Na kabilogan Ng buwan kaya naging alerto na Naman Ang buong bayan Nina Emang dahil tiyak na gagambala na Naman Ang mga masasamang nilalang. Ang mga aswang na Mula sa tribu. At dahil Isang tinaguriang malakas na ANTINGERO Ang ama ni Argus ay nalalaman nito Ang Galit Ng mga ASWANG sa pamilya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD