Kabanata Pito

1136 Words
" Emang... Emang.. huwag na huwag mong kikitilin Ang Buhay mo. Nasa labas ka at Hindi ka namin kontrolado kaya maaring ikakamatay mo talaga ang iyong gagawin." Sabi ng malaking tinig na iyon na para bang tinig iyon ng higanti. At dahil sa kanyang takot sa narinig ay malakas siyang tumakbo palayo sa baybayin. Ni Hindi niya nakita Ang nagsasalita pero kanina ay talagang nakikita at nagpapakita sa kanya Ang Isang tila Diwatang babae sa ganda! Ngunit iba naman ang tinig na iyon na parang tinig Ng malaking lalaki at iba rin yung magandang babaeng mukhang Diwata kanina. Humihingal Siya nang nauwi sa kanilang bahay at basang basa. Nadatnan Naman niyang naroon na Ang kanyang Inang si Lucia at Ang kapatid na si Reyah. Kapwa nagtataka pa ang mga ito nang Makita Siya ng mga itong basang- basa. " Ate Emang , Ano pong nangyari sa'yo?" Tanong ni Reyah. " Emang, saan kaba galing bakit basang basa ka?" Nagtatakang tanong Ng kanyang Ina. At di Naman niya napigilan Ang sarili. Malakas siyang umiyak sa harap Ng kanyang Ina at bunsong kapatid. " Nay!!! patawad. Galing ako sa baybayin at balak ko sanang magpakamatay!!!" Umiiyak na sumbong niya sa Ina. Halata naman ang pagkagulat sa Mukha Ng kanyang nanay Lucia. " Bakit ate?? iiwan niyo po ba kami? bakit??" Umiiyak na sabi ng kanyang bunsong kapatid. " Nasisiraan kana ba ha!? bakit mo gagawin sana iyon?" Galit na galit na tanong Ng kanyang nanay Lucia. " Dahil ganito po Ako nay!! kaya gusto ko na sanang magpakamatay! kaya lang ay may nagpapakita sa akin na parang hindi katulad natin. At merong nagsasalita at kumakausap sa akin kaya Sabihin niyo po sa akin ang totoo nay! kung bakit Ako ganito, baka kung sakaling masagot man lang ang ibang katanungan sa Aking isipan! sawang-sawa na po Kasi Ako sa ganitong buhay ko nay! bakit ako ganito nay?? hindi po naman kayo ganito kapangit at pati na si tatay? at Sina kuya ben at Reyah naman ay may mga itsura Sila at nagmana sainyo ni Tatay, pero Ako, bakit Ako ganito nay!? Sabihin niyo po sa akin ang totoo, tao po ba talaga Ako?? Anak niyo po ba talaga Ako!?" Sunod-sunod na tanong ni Emang habang patuloy Ang pag-agos ng kanyang mga luha. Natigilan naman ang kanyang ina sa kanyang mga sunod-sunod na katanungan. " E- Emang anak." Anitong nagsimulang lumuha. " Bakit nay?? Sabihin niyo? Yung totoo nay! kung talaga bang anak niyo po Ako. parang Ang layo niyo Kasi sa akin nay eh.. Isang kasumpa- sumpa itong aKing itsura.. Para bang Wla na akong karapatang umibig at Wala na akong karapatang kaibiganin sa paligid dahil sa angkin Kong kapangitan! " Patuloy na humagulhol na Sabi niya sa Ina. Umiiyak na rin si Reyah at nakisabay sa kanila Ang kanyang bunsong kapatid. " Patawarin mo kami ng tatay Andoy mo anak. Mahal na mahal ka namin Emang.. kaya inaalagaan ka talaga namin .. dahil unang kita namin Sayo ay sobrang naawa kami sa iyo." Wika Ng kanyang Ina na kanyang ikinatigil . " A- Anong ibig niyong Sabihin nay?? " Tanong niya rito. " Anak, nakita ka lang namin Ng tatay Andoy mo sa gubat.. patawarin mo kami Emang, na inihim naminsa matagal na panahon Ang iyong pagkatao. Hindi namin alam kung sino ang iyong mga magulang anak. Nasa Isang taong gulang ka nang ika'y nakikita namin sa gubat Ng mga panahong iyon." Patuloy na kuwento Ng kanyang nanay Lucia. " Ano???" Muling humihikbing wika ni Emang at muling nagsilabasan ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa mapait na katotohanan. " Kaya pala, kaya pala Hindi Ako nagmamana sainyo ni Tatay nay. Alam ba ito ni Kuya Ben nay?" Garalgal Ang boses na tanong niya sa Ina. " Oo anak , alam ito Ng Kuya Ben mo pero lagi naming itinanim sa kanyang isipan at pinagsabihan na Ikaw ay itituring niyang tunay na kapatid . Mabuti nalang at masunuring bata ang iyong Kuya, mahal ka rin niya bilang tunay na kapatid tulad Ng pagmamahal namin Sa'yo." Muling Sagot ni aling Lucia Kay Emang. " Kung ganoon nay, hindi niyo pala talaga alam kung saan ako galing at kung sino ang aking mga tunay na magulang??" Muling Tanong niya na pinahid Ang mga luha at kinalma Ang sarili sa katotohanang nalalaman. " Hindi namin alam anak kung sino ang tunay mong mga magulang . Basta nakita kalang namin na nakagapang noon sa ilalim ng punong kahoy habang malakas na umiiyak. Flash back: " Andoy! iyak ngayon Ng Isang Bata!" gulat na wika ni Lucia . Nasa gubat Sila Ng mga sandaling iyon upang manguha Ng mga prutas dahil season iyon Ng prutas at ibebenta nila sa lungsod upang may maibibili Sila sa kanilang pang- Araw Araw na kakailanganin sa loob Ng bahay. " Tay, nay! Ayun po oh! Isang batang nakagapang sa may Puno sa ilalim !" Sabi naman Ng limang taong gulang na si Ben sabay turo nito sa batang umiiyak. Nang Makita nilang mag- Asawa ay mabilis Naman nila itong nilapitan. May sapin itong tela na kulay puti na may burdang gintong puso sa gitna at ganoon din ang bawat giliran ay may rebiting kulay ginto iyon. Subalit nagulat sila sa itsura ng Bata. sobrang napakapangit ng batang ito. Umiiyak ito habang nakatingala sa kanila na para bang gusto nitong kakargahin agad nila ito dahil nahihirapan na ito sa kalagayan nito. " Lucia, Ang pangit Ng Bata. kaya siguro itinapon Ng mga walang pusong mga magulang dahil sa itsura Ng anak nila, kawawa naman." Sabi naman ni Andoy. At sa sinabing iyon ng Asawa ni Lucia ay buong puso niyang kinuha at kinarga ang nag- iiyak na Bata at awang - awa Sila nang isiping itinapon ito Ng mga magulang dahil sa itsura nito. Patuloy Ang iyak ng Bata na parang ito ay nagugutom na. kinarga agad ito ni Lucia at kinakantahan habang simpleng niyugyog. Natuwa Naman Sila nang tumahan Ang batang nakikita. " Baby, palalakihin ka namin at ituturing na tunay na anak kahit itinakwil ka Ng iyong mga magulang dahil sa iyong itsura ay huwag kang mag- alala baby dahil nandito kami kaya ka naming ituring na tunay na anak ni Andoy.." Sabi ni Lucia sa Bata. " Teka Lucia, may kuwentas Ang Bata. ." Pansin ni Andoy. Kaya tiningnan naman nila Ang kuwentas Nito. Isang ordinaryong Tali lang ang kuwentas nito subalit namangha Naman Sila sa pendant nito! Isang mamahaling singsing iyon at may nakadikit na kulay itim na kumikinang sa ganda! " Jusko Andoy, Isang mamahaling singsing nga ito na sinadyang ikuwentas lamang sa Bata upang di mawala!" Sabi ni Lucia . End of flash back. " Ang singsing anak! may itinago akong singsing na sinadyang nilagay at kinuwentas sa'yo dati upang di mawala. " Sabi agad ni aling Lucia Kay Emang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD