Kabanata Tatlo

1527 Words
Nauwing umiyak si Emang dahil sa panlalait sa kanya ni Sofia. Ewan ba niya kung bakit nasasaktan parin siya at kung bakit di na Siya nasanay sa mga panlalait ng mga ito mula pa noon. Di parin niya talaga maiwasang masaktan. " Oh, anak? bakit anong problema?" Pansin sa kanya ng kanyang inang si Lucia. "Nasasaktan parin ako nay Hanggang ngayon kapag nilalait ako ng mga tao. Ni hindi parin ako nasanay." Sabi niya sa Ina. Bigla nalang nalungkot ang mukha ni aling Lucia. naroon na naman ang pagkaawa niya para sa anak. Pinahid ni Emang ang kanyang mga luha ay nakasulyap sa bundong kapatid na si Reyah na nakatingin din sa kanya at mukhang iiyak din itong naawa sa kanya. Ang labis lang na ipinagtaka ni Emang kung bakit maganda naman ang bunsong kapatid na si Reyah at guwapo din ang Kuya Ben niya at Ang mga magulang niya naman ay may mga itsura din ang mga ito. Tanging siya lamang ang naiiba. Wala ang kanyang tatay Andoy at Kuya Ben ng mga Oras na iyon dahil nasa laot ang mga ito. Pangingisda Kasi ang hanap-buhay ng kanyang tatay at Kuya Ben at hindi pa nauwi ang mga ito mula nangisda. Mayang mga alas Kuwatro ng hapon pa darating ang mga ito. " Nay, bakit ba ganito ako kapangit? Ano po bang nangyari sa akin nay? Hindi ko nga kayang tingnan ang Mukha ko sa salamin eh. Anak niyo po ba talaga ako nay?" Mangiyak- ngiyak na tanong ni Emang. Halatang natigilan si aling Lucia sa mga tanong na iyon ni Emang. " Aba'y oo naman anak! bakit, nagdududa ka ba?" Mabilis namang sagot ni Aling Lucia. " Pero bakit hindi po ako nagmana sainyo? Anong nangyari sa Mukha ko nay?" Tanong pa ni Emang. " Anak, Hindi ko po alam. Basta anak ka namin ng tatay Andoy mo. At mahal ka namin anak..huwag mo nang intindihin Yung mga taong nanlait sa'yo." Sabi naman ni aling Lucia sa anak. " Oo nga po ate, mahal ka naman namin eh, para sa' amin hindi ka po pangit." Sabad naman ng kanyang kapatid na bunsong babae. **** Kung pangingisda man ang hanap-buhay ng tatay Andoy at kuya nina Emang ay pagsasaka naman ang hanap-buhay ng tatay ni Argus at si Argus naman ay mahilig mangaso. kapag makakuha ito ng mga baboy- ramo o USA ay ibebenta iyon Ng binata dahil maraming bibili niyon sapagkat tinuturing na special karne ang mga iyon sa kanilang lugar. At tuwing araw naman ng Linggo ay namamalengke ang kanilang nanay Lucia habang nangunguha naman ng mga kahoy- panggatong sina Emang at ang kanyang kapatid na si Reyah. Sa tabi- tabi lang sila ng baybayin namumulot ng mga kahoy na pweding igatong. Pero kapag aalis sila ng bahay ay may mga bitbit na silang itak dahil sa biglang pagdating mga mga bagong tribu sa bundok na malapit lang sa balon na iniigiban nila. Mula nang makita nilang doon nag-iigib ng tubig ang mga taga tribu ay hindi na sila nag-iigib pa roon. At tinanggal na nila ang kanilang hoose na nag- uugnay sa balon na iyon. Pagkarating nina Emang sa baybayin ay sumalubong pa sa kanila ang paghampas ng preskang hangin mula sa baybayin. bitbit pa niya Ang Isang Sako na sidlan nila Ng kanilang mapupulot na kahoy- panggatong roon. " Ang lamig talaga ng hangin dito ate Emang! ang gandang pasyalan dito sa baybayin!" Sabi pa ng batang si Reyah. Bukod iasi sa malinis ang baybayin ng lugar nila ay may mga Punong kahoy din roon. Ang mga Punong iyon ay tulad ng Mangrove, talisay at kahoy na tinatawag na Balok. Kaya malamig ang hangin at feel na feel mo ang oxygen mula sa mga Punong kahoy ng baybaying iyon. " Tama ka Reyah. kaya nga mas gustohin ko pang mamalagi rito kaysa doon sa ating bahay. Paano, dito walang halos makakita sa akin at doon naman sa atin ay parang ramdam ko'y lagi nalang akong pinagtatawanan sa paligid dahil sa aking itsura." Wika naman ni Emang sa bunsong kapatid. "Sige lang po ate. Pray ko parin na gaganda ka sa huli." Sabi naman ng bata na ikinatawa ni Emang. " Paano ba ako gaganda? hindi na yan mangyari Reyah dahil mahirap lang tayo at walang pang retoki at isa pa magagalit ang panginoon kapag magparetoki Tayo. Dapat ay original talaga ang itsura natin kahit sabihing ubod tayo ng pangit." Wika naman ni Emang sa Bata. " Sige lang ate. okay lang yan. Ang importante, may kaibigan kana at iyon ay si Kuya Argus. Diba ang bait niya sa'yo?" Wika pa ng Bata. Bigla namang nangislap ang mga mata ni Emang nang maalala ang guwapong mukha ni Argus. Alam niyang himala na mapansin siya nito dahil sa kanyang itsura. Sa dami ba naman ng mga kadalagahan sa Lugar nilang iyon at mga magaganda pa ay himalang magkakagusto sa kanya si Argus. " Hayss.. ang buhay nga naman.." Naisalita nalang niya. At nagpatuloy sila sa pamumulot ng mga tuyong kahoy- panggatong at isinilid sa dalang sako. Hangga't sa bigla nalang may dumating na isang malaking baroto at ang sakay niyon ay sina Tata, Edong at may apat na kaibigan pa ang mga itong Kasama. Isang lalaki at tatlong babaeng dalaga. Anim lahat ang mga itong nakasakay sa baroto. Tatlong lalaki at tatlong babae. siguro ay mga nobya ng mga ito ang kasama. Sabay pang nagtatawanan ang mga dalagang tulad ni Emang ang edad nang makita siya ng mga ito. Natakot naman si Emang nang makita ang mga mapanlait na magkapatid. Mula naligo ang mga ito sa dagat dahil kapwa basa ang mga ito. Nagmamadali namang hinila ni Emang ang kanyang Kapatid na si Reyah upang aalis sila kaagad. Subalit mabilis na nakapanaog ang magkapatid na sina Edong at Tata at hinarangan si Emang. " Batuhin niyo Siya! halimaw ang babaeng yan!! halimaw! hahaha." Sabay pang sabi ng tatlong dalaga at pinagtawanan ng malakas si Emang. "Hi Emang! ganda ng mukha mo!" Nakangising wika ni Edong. " Kala mo, nakalimutan na namin ang ginawang pagsita ni Argus sa amin dahil sa'yo?" Sabi pa ni Edong. " Huwag po!! wala naman pong kasalanan si Ate Emang! " Umiiyak na sigaw ni Reyah dahil sa takot Ng Bata. " Wala naman akong kasalanan sainyo Edong at Tata, kayo lang naman ang nanguna sa akin eh! napakasama niyo!" Sabi pa ni Emang. " Go na kayo! patikimin niyo na ang mukhang halimaw na yan! " Sabi pa ng isang dalaga. At natigilan pa si Emang nang makilalang si Sofia pala ang isang iyon. Di niya agad nakilala dahil naka sun glass ito. Napaatras naman si Emang ngunit mabilis na lumapit si Tata sa kanya at malakas siyang tinadyakan nito. " Arayy ko." Impit na wika niya sabay natihaya sa buhanginan. " Huwag po!! huwag!!" Patuloy na iyak ni Reyah. Malakas na nagtatawanan ang mga binata at dalaga dahil natihaya si Emang at bumagsak sa buhangin. " Yan ang nababagay sa'yo pangit!! halimaw!! halimaw!!" Sigaw pa ni Sofia. " Sige na Sofia, segundahan mo na, tapos na ako! diba galit ka kay Emang??" Nakangising wika ni Tata. Malawak namang napangisi si Sofia at pumanaog agad sa baroto. Sumunod namang pumanaog roon ang ibang kasamang dalaga na kaibigan nito. " Go Sofia! go Sofia!" hiyawan naman ng mga naroroong kasama na sin Edong, tata at ang ibang Kasamang kaibigan ng mga ito. Mabilis naman lumapit si Sofia sa kinaroroonan ni Emang. " Huwag, Wala akong kasalanan sainyo Sofia! bakit niyo ito ginagawa sa akin?" Umiiyak na wika ni Emang habang hindi pa siya nakakatayo. Subalit hindi nakinig si Sofia at pagdating nito kay Emang ay agad nitong sinipa si Emang ng ikalawang beses. At Hindi pa ito nakontento at pinulot pa nito ang isang kahoy at ibig sanang ihampas nito iyon kay Emang subalit hindi iyon natuloy dahil biglang may isang kalakihang bato ang tumama sa ulo ni Sofia. " Ahhhraaaayyy!!!" Sigaw ni Sofia at tumulo agad ang likidong pula mula sa ulo nito. Nanlaki ang mga mata ni Sofia sa biglang pagtama na bato sa ulo nito. Namangha ang lahat kung sino ang bumato kay Sofia. Nakita ng mga ito na nagmumula ang batong iyon sa ibabaw ng punong kahoy. " Tulongan niyo si Sofia!" Sigawan ng ibang dalagang jasama nila. At Hindi lang iyon. Dalawang malaking bato naman ang bumato kina Tata at Edong at tinamaan ang mga ito sa paa at balikat. "Araayyy!! Edong, bilisan natin aalis tayo dito, may bumato sa atin!" Malakas na sigaw ni Tata. Mabilis namang tinulongan ng tatlong lalaking binata si Sofia. At muli silang namangha nang bigla nalang sinundan sila at pinaulanan ng mga maliliit na bato mula sa ibabaw ng malaking punong kahoy! At tanging sina Emang at ang batang si Reyah lamang ang hindi binato ng mga maliliit na bato. "Takboo!!!" Nakakandarapa ang mga itong nagtatakbuhan habang pinagtulongang alalayan ng mga ito si Sofia na may mga dugo sa ulo. Namangha si Emang nang masulyapan ang malaking puno sa unahan na parang niyugyog iyon ng malakas habang may mga malilit na batong nagmumula roon na bumato kina tata Edong at Sofia pati na ang mga kasamahan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD