Kabanata Apat

1557 Words
Nauwing may mga bukol sa mga ulo sina Tata, Edong at Sofia pati na Ang mga kaibigan ng mga ito. Nagalit naman ng husto ang mga magulang nina Emang dahil sa nalamang pambu- bully ng magkapatid na si Edong at Tata. Mula pa daw pagka Bata ay binully na ng mga ito si Emang at hanggang ngayon ay ganoon parin ang mga ito. Nabalitaan naman ni Argus ang nangyari kaya naawa ang binata kay Emang at dinalaw nito ang dalagang pangit sa bahay ng mga ito. " Mabuti naman at walang masamang nangyari sa'yo Emang. Totoo ba ang kumalat na balitang narinig namin na may mga bumato kina Edong mula sa ibabaw ng malaking puno sa tabi ng baybayin?" Nagkainteres namang tanong ni Argus sa dalaga. " Oo Argus totoo yan. Pati nga ako'y nagtaka rin. at Sina nanay at tatay ay parang ayaw pang maniwala.. pero nang makita nila ang mga bukol ng magkapatid na salbahi at ang sugat sa ulo ni Sofia ay halatang nagulat ang mga magulang ko. imposible kasing tao ang may gawa non, saan naman siya kukuha ng maraming bato sa ibabaw ng puno? Aakyat lang ba siya roon sa pinakaibabaw at magdala roon ng maraming bato?" Mahabang wika ni Emang kay Argus. " Tama ka Emang, isang kababalaghan nga ang nangyari. Mabuti naman at hindi kayo napahamak ni Reyah." Sabi naman ng binata. Sobrang naawa lang talaga si Argus kay Emang ngunit di iyon ibig sabihin na nagkagusto siya sa dalaga dahil malabong mangyari na magkagusto siya sa tulad ni Emang. Kaibigan lang talaga ang Turing ni Argus kay Emang at wala nang malisya iyon. Subalit ang hindi alam ng binata na kinikilig na ng lihim si Emang sa nakitang pag- alala ng binata sa kanya. " Salamat sa'yo Argus ha. iba ka talaga sa kanila. Hindi mo ako binully at kinakampihan mo pa ako at nag- alala ka pa sa akin.." Matamis ang ngiting wika ni Emang. Ngunit ang matamis na ngiting iyon ni Emang ay mas lalong nagpapapangit sa kanyang itsura. Kaya para tuloy nailang si Argus nang makitang mas nakakadiri pa ang pagmumukha ni Emang nang ito'y ngumiti sa kanya. Pakiramdam tuloy ng binata ay tumatayo ang kanyang mga balahibo sa ngiting iyon ni Emang at hindi iyon sinasadya ni Argus na iyon ang kanyang maramdaman. " Sige Emang ha, aalis muna ako dahil mangaso pa ako sa gubat." Paalam ng binata. " Oh Sige Argus.. ingat ka doon." Sabi naman ni Emang sa binata. " Salamat Emang. Sige bye!" Paalam ng binata at tuloyang umalis na. Hindi mawaglit- waglit ang mga ngiti ni Emang na pinagmamasdan ang papalayong binata. " Hoy, Emang!" Sita sa kanya ng kanyang Kuya Ben sabay yugyog sa kanyang balikat. " Ay! kuya Ben, bakit po?" Gulat pang tanong at lingon ni Emang sa kanyang Kuya. " Nagkagusto ka ba kay Argus?" Salubong ang kilay na tanong ng kanyang Kuya Ben. " H- ho?? h-hindi naman po kuya!" Kaila naman niya rito. " Huwag mo akong lokohin Emang. nakita ko sa'yong mga tingin kay Argus at sa nakakahilo mong mga ngiti .." Galit na wika ng kuya niya. " Anong nakakahilo?" Tanong pa niya sa kanyang Kuya. " Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko Emang, kapatid kita at ayokong masaktan ka lang. Isang Guwapong lalaki si Argus at narinig ko'y halos siya yung crush ng mga kadalagahan dito sa buong bayan natin. kaya ikaw, huwag ka nalang mangarap sa kanya, parang awa mo na sa sarili mo Emang, naintindihan mo ba ako? Hinding -hindi magkakagusto si Argus sa'yo kaya kung ano man ang sumibol na feelings mo sa kanya ay patayin mo na agad yan, naiintindihan mo ba ako Emang?" Mahabang Sabi sa kanya ng kanyang Kuya Ben. Hindi napigilan ni Emang ang sariling umiyak sa mga sinabi ng kanyang Kuya Ben. Tumakbo Siya papasok sa kanyang kuwarto dahil sa sikip ng kanyang dibdib dahil sa mga sinabi sa kanya ng kanyang Kuya. " Anong nangyari sa kapatid mo Ben? bakit umiyak yun?" Narinig pa ni Emang na tanong ng kanyang Inang si Lucia sa kanyang Kuya. At Hindi na niya pinakinggan pa ang kasunod na mga pag- uusap ng mga ito nang isinara na niya ang kanyang pinto Ng kuwarto. Umiyak siya ng umiyak sa loob ng kanyang kuwarto . Hindi naman siya galit sa kanyang Kuya , kundi nasasaktan lang siya sa katotohanan na hanggang pangarap na lamang niya ang lalaking kanyang mahal. At hinding-hindi mangyayaring magkakagusto ito sa kanya. Napahiga siya sa kanyang katre at hangga't siyay nakatulog roon. At siya'y nanaginip naman ng isang magandang panaginip.. " Kung mahal mo ako, huwag kang padadala sa mga negative advise ng Kuya mo Emang, Kaya naman kitang mahalin. Hindi ako mag-alala sa'yo kung hindi ka mahalaga sa akin Emang. Promise, kaya kitang mahalin Emang sa kabila ng iyong itsura.." Ang sabi naman ni Argus na hinawakan ang kanyang isang kamay at hinalikan iyon. " Totoo ba ang narinig ko mula sa'yo Argus?" Mangiyak- ngiyak niyang wika rito. " Yes Emang.." Sagot nitong niyakap siya ng mahigpit ng binata. Hindi naman sinadyang nagising si Emang sa gitna ng magandang panaginip niyang iyon. " Napakasayang! nagising pa ako, Akala ko totoo na!" Masiglang wika niya at napayakap sa malambot niyang unan. " Tama si Argus sa aking panaginip, Hindi ko iisipin ang mga negative na advise ng aking Kuya Ben at ang mga taong nasa paligid." Aniyang nagkaroon ng munting pag-asa dahil sa kanyang napanaginipan. At dahil sa kanyang napanaginipan ay naging magaan at maganda ang mood ni Emang hanggang sa maghapon. " Reyah Anak, tulongan mo ang ate Emang mo na ipasok yung mga binilad na kahoy sa labas dahil hapon na." Narinig ni Emang na utos ng Ina nilang si Lucia. " Opo nay!" Sagot ni Reyah. Habang siya ay nagligpit nga ng mga kahoy-panggatong nila. Padidilim na ang paligid. Muntik pa nilang makalimutang iligpit ang kahoy na sinibak kanina ng kanilang Kuya Ben at baka uulan mamayang gabi ay mabasa talaga ito. Wala ang kanilang tatay Andoy at kuya Ben dahil pumalaot na naman ang mga ito. hapon na kasi mangisda ang mga ito dahil nakadepende Kasi sa dagat ang pagpangisda ng tatay at Kuya nila. Katatapos lang nilang magligpit ng mga kahoy ay saka naman narinig nila ang sigawan ng mga kapit- bahay nila sa unahan. " Ano ngayon nay??" Gulat na tanong ni Emang sa Ina. " Ewan ko, kung bakit nagkakagulo ang ating mga kapit- bahay anak." Nanlaki rin ang mga matang sagot ng kanyang Ina. Napahawak naman si Reyah sa braso ng kanilang Ina. " Ang pintuan, na - lock mo ba ng mabuti Emang?" Tanong ni Aling Lucia. " Naku, hindi pa po nay!" Sabi niya. " Bilisan mo, isarado mo ng mabuti! " Utos ng ina. Patuloy na nagkakagulo at nagsisigawan ang kanilang mga kapit- bahay kaya nagmamadali namang ni lock ng maigi ni Emang ang pinto nila. Saglit munang sumilip si Emang sa maliit na butas sa pintuan nila at nagulat pa siya nang makita ang mapulang buwan na kalalabas palang . At agad nilang narinig ang pagkakagulo ng mga aso. Ungol, alulong, at pagtatahol ang kanilang narinig sa kanilang dalawang aso sa labas. Napatakbo si Emang pabalik sa kinaroroonan ng Ina at kapatid na si Reyah. " Nay! kabilogan pala ng buwan ngayon!" Pagbabalita ni Emang. " Pero hindi naman ganito kapag bilog ang buwan anak. bakit ngayon ay ganito na kaingay ang paligid natin? at ano kayang nangyari sa mga Kapit bahay natin sa unahan? bakit nagsisigawan at nagkakagulo Sila?" Nagtatakang nai tanong ni aling Lucia. " Nay, baka nakalimutan niyo po, Diba may mga bagong dating sa Lugar natin? ang tribu sa bundok na sabi niyo'y mga masamang nilalang na may mga kakaibang anting- anting! at sila'y mga dating taga rito." Paalala ni Emang sa ina. Nanlaki ang mga mata ni Aling Lucia. " Tama ka anak! ang tribu pala! siguradong sila ang naghahasik ng lagim ngayon! Jusko." Anitong sabay napa sign krus. Kapwa sila kinabahan at patuloy na nakikinig sa mga ingay sa paligid. At namilog ang kanilang mga mata nang may marinig silang mga yabag sa dumating sa labas ng kanilang bahay kung kaya't mas lalong nagkakagulo ang kanilang mga aso. Hangga't kapwa sila napasigaw nang may mga biglang sumipa sa kanilang pintuan at dahilan upang nabuksan iyon agad dahil pinagtutulongan itong sipain ng mga masasamang nilalang sa labas! " Naku nay!!!" Sabay sigaw nina Emang at ni Reyah nang bumungad sa kanila ang tatlong lalaki at dalawang babae na normal namang tao tingnan ang mga ito subalit ang mga mata ng mga ito ay kapwa mapupula tulad ng mga mata sa mga aso kapag matatanglawan ng liwanag. " H- huwag kayong lumapit! sino ba kayo!? bakit kayo nanggugulo ngayong gabi sa buong bayang ito!? bakit nang- aakyat kayo ng bahay!?" Namumutlang tanong ng kanilang inang si Lucia. " Hehehehhe!! Minsan lang naman kami mauuhaw at magugutomng ganito katindi.. at kapag bilog ang buwan ay di namin kayang pigilan ang aming mga kilos upang maghahanap ng aming makakain upang magamot ang aming naramdaman ngayon! kaya isa kayo sa aming biktimahin ngayong gabi!" Sabi ng isang lalaki. At muli silang nagsigawan nang makitang lumabas ang matatalas na mga ngipin ng mga ito sa bibig at kapwa humakbang na patungo sa kanilang kinalalagyan! " Tulong!!!" Sabay sigawan nina Emang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD