Mabilis na hinablot ng binata si Emang at kapwa itinago niya sa kanyang likuran ito at ang bunsong kapatid nitong si Reyah. Ngayon pa nakakita ng ganitong aso si Argus mula sa kanyang pagkabata. At tingin niya'y Hindi ito Isang pangkaraniwang asong itim. Nabigla din ang binata nang bigla siyang inangilan ng malaki at itim na aso na parang nais na siya nitong kagatin.
Nasa mga Apat na steps lang niya Ang layo ng Asong itim na ito mula sa kanilang kinaroroonan.
" Gggrrrrrrrrr!!!" Angil ng matapang na asong itim na sabay tumatayo ang mga balahibo nito sa Likud.
" Argus, Anong gagawin natin!?" Gulat na wika ni Emang habang nakakubli ito at ang kapatid na di Reyah sa Likud Ng binata.
" Oo nga, huhuhu. ate.. mamamatay na tayo.." Iyak pa ng batang si Reyah.
" Manatili lang kayo sa likod ko at huwag kayong lumayo! Lalabanan ko siya! alam kung isa siyang masamang nilalang na magpapanggap lang na aso!" Matapang na Sabi ni Argus sa kanila.
" Greeerrrrrrrr!!!" Muling angil ng asong itim na parang nakakaunawa sa kanyang mga sinasabi.
Hinanda ni Argus Ang sarili dahil nakita niyang mas pumula pa Ang mga mata ng aso. Kinalma niya Ang sarili upang di Siya matataranta na labanan Ang asong itim na ito. Lihim niyang tinapik ang kanyang lihim na panlaban sa kanyang baywang . Iyon ay mga nakasulat na oracion sa Isang libreta na sinilid sa Isang maliit na bag at itinali sa kanyang baywang.
Nagulat Silang lahat nang biglang lumukso Ang malaking aso puntirya Kay Argus.
" Argus!!" Sigaw ni Emang.
" Kuya!!" Sigaw Naman Ng batang si Reyah.
Mabilis din Ang mga kilos ni Argus at sinalubong Ang paglukso Ng asong itim puntirya sa kanya! Deretsong nahawakan niya ito sa leeg at sa pamamagitan ng kanyang Hindi ordinaryong lakas ay mahigpit niyang sinakal ang asong itim gamit Ang kanyang kanang kamay!
Nagpupumiglas naman Ang aso upang makawala mula sa pagpiga ni Argus sa leeg nito.
" Panginoon ko! mag- iingat ka Argus!" Sigaw pa ni Emang na niyakap si Reyah. At walang naisip na paraan kung paano niya matutulongan ang binata.
Kahit anong pagpipiglas ng aso ay Hindi ito makawala mula sa mga kamay Ng binata dahil tinodo pa nitong ipalabas ang lakas nito upang di Siya daigin sa lakas Ng asong itim. Kung sakaling makawala ito sa kanyang mga kamay at mabitawan niya ito ay tiyak na makagat Sila Ng asong ito.
Hangga't sa bigla nalang lumabas Ang matalim na dila Ng asong itim at biglang Humaba nalang iyon papunta sa kanyang mukha! Buti nalang at nakailag pa Ang Mukha ng binata dahil kung hindi
ay tiyak na natusok na siya sa matalim na at matulis nitong dila!
" Emang, Hindi talaga Siya ordinaryong aso!! Aswang Ang asong ito! aswang siya!!" Nanlaki Ang mga matang wika Ng binata na mas lalong ikinatakot Nina Emang at Ng Kapatid nitong si Reyah.
"Grgggrrrrrrr!!!!" Tinig Ng aso sabay muling lumabas Ang matulis nitong dilang naglalaway.
At sa takot Ng binata na baka matamaan Siya sa dila nito ay malakas na naihagis niya sa malayo Ang malaking asong itim!
napanganga naman si Emang at ang Bata nang makita ang ginawa ni Argus. Hindi Sila makapaniwala na may ganoong lakas ang binata. sa laki at sa taba ba naman ng aso ay nakayanan nito iyong ihagis sa malayo.
" Bilisan niyo Emang, takbo na tayo pauwi! habang di pa nakabalik ang asong iyon!" Wika ni Argus.
At sabay nilang hinawakan ang Bata sa dalawang kamay nito. Nasa kanang kamay si Emang at nasa kaliwang kamay Naman si Argus nakahawak sa Bata.
Nagtataka pa Ang mga magulang ni Emang kung bakit walang tubig sa hoose na umagos. At mag- alala Ang mga ito nang dumating Silang humihingal at namumutla sa takot.
" Emang!? bakit , Anong nangyar?" Tanong Ng tatay ni Emang nacmang Andoy.
Nagmamadali namang lumabas mula sa kusina ang Ina nilang si Lucia nang marinig ang pagdating nina Emang. Ang kasamang binata nilabg si Argus ay dumeretsong umuwi na rin ito sa nahay ng mga ito.
" Emang, Anong nangyari? bakit natagalan kayo? at bakit ba walang umaagos na tubig mula sa hoose?" Tanong naman ng ina nilang si Lucia.
" Tay, nay.." Iyak ni Reyah.
" diosko, anong nangyari?" Muling nag- aalalang tanong ng ina nilang si aling Lucia.
" Pahingahin nyo muna kami tay, nay.." Sabi Naman ni Emang na mas lalong bumukakad ang ilong nito dahil sa kaba habang ito'y nagsasalita.
Nang makabawi na at nakahinga na ng maluwag si Emang ay Saka niya ikinuwento ang buong pangyayari. At ang tungkol sa mga mukhang amazonang nag-iigib ng tubig sa balon. Sinabi niya ring mga dating nakatira ang mga ito sa lugar nila at ngayon pa muling nakabalik ang mga ito sa paglipas ng ilang taon.
" Naku, kung ganoon nasa panganib ang buong bayan natin dahil sa balitang iyan anak!" Sabi ni Mang Andoy.
At nakita Naman ni Emang ang biglang pamumutla Ng Mukha Ng kanilang inang si Lucia.
" B- bakit ho nasa panganib po tay? Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong naman ni Emang.
" Ang asong itim anak, ay hindi pangkaraniwang aso iyon, kundi aswang ito na nag-aanyong aso lamang. At ang tribung kararating lang ay hindi lang sila kunti anak. kundi marami sila! tama ang sinabi nilang taga rito sila noon at lumipat lamang ng tirahan. Pero anak Emang, sa maniwala ka o hindi.. ay mga masasamang nilalang ang tribung iyan. Kaya dapat ay ingat tayong lahat. Huwag tayong magpagabi." Sabi ni Mang Andoy.
"Maria birhen, bakit ba Sila bumalik sa lugar na to? Tatlong taon ka palang Emang noon nang sila'y umalis at ngayon ay bumalik na naman sila rito." Sabi vaman Ng nanay Lucia nila.
" Naku po.. nakakatakot naman nay, tay.." Tugon Naman niya sa mga magulang.
Pagdating naman ng kuya Ben nila ay ito na ang kumuha ng tubig sa kabilang balon. Sinamahan nalang ito ng kanilang tatay Andoy para di ito mag- isang kukuha ng tubig.
Kinabukasan ay madaling lumaganap ang balita tungkol sa bagong lipat na tribu. Ngunit di Naman natatakot Ang mga tao sapagkat marami Naman Ang pamayanan sa kanilang lugar kumpara sa nag- iisang tribu sa may gubat.
Mula nang naging hero nina Emang Ang binatang si Argus sa may balon ay naging malapit na Ang mga ito sa isa't- isa. Sobrang bait Ng binata Kay Emang at para namang kinikilig ng lihim si Emang sa binata.
Isang Araw ay seryosong nag- uusap sina Emang at Argus tungkol sa bagong lipat na tribu. Doon din nalalaman ni Emang na pati ang mga magulang pala ni Argus ay kilala ang mga bagong tribung dating nakatira sa Lugar nila na ngayon ay muling nagbalik. Kilala Ang tribung ito ng mga residenteng nakatira saugar nila mula pa noon. At Ang Yung mga baguhan lamang na pamilya sa Lugar nila Ang Hindi nakakilala.
" Argus, Sabi ni Tatay Andoy .. Hindi lang daw aswang Ang mga Yan. kundi may mga Anting- anting din ang mga aswang na yan." Sabi Naman ni Emang rito.
Saglit na natigilan si Argus. Isa din ang pamilya Kasi ng binata ang may Anting- anting na hinawakan mula pa sa kanilang kanunuan pero Hindi Naman Sila mga ASWANG.
" Ganoon ba Emang. Mag- ingat nalang talaga Tayo sa kanila." Sabi Naman ng binata.
" Tama ka Argus, nakakatakot Sila. " Tugon naman ni Emang sa binata.
At Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng isang dalagang paparating na si Sofia. Ang dalagang ito ay naging halos crush ng buong bayan ng mga kabinataan dahil sa angking Ganda nito. At anak pa ito ng may kayang pamilya sa kanilang lugar.
" Anong Sabi mo Emang? nakakatakot Ang bagong dumating na tribu ?? Eh, mas nakakatakot yang pagmumukha mo eh!" Biglang Sabad ni Sofia sa Usapan.
Sabay namang napatingin at napalingon sina Emang at Argus sa dalagang bagong dumating sa kanilang kinaroroonan.
" Oh, Ano? hindi ka nakaimik Ano? " Nang- uuyam Ang mga ngiting wika ni Sofia kay Emang.
" Sobra ka namang manlait ng kapwa mo Sofia. porke't maganda kang babae , Ang sakit mo nang magsalita sa mga tulad ko ." Halos maiyak namang tugon ni Emang.
" Tama si Emang Sofia." Sagot din ng binata.
" Naku, Iba Pala talaga ang panlasa mo sa babae Argus. imbis na magka interes at makipagkaibigan ka sa akin ay Kay Emang ka lumalapit! Hindi kaba nandidiri sa mukha ng babaeng yan? baka gayumahin ka nalang bigla ni Emang at magtaka ka nalang kung bakit gusto mo nang Makita lagi ang nakakasuka niyang Mukha.." Napairap na wika ni Sofia.
Hindi Naman napigilan ni Emang Ang mapahikbi sa mga sinasabi ni Sofia.
" Sofia, magkaibigan lang kami ni Emang at isa pa Hindi Ako nakipagkaibigan sa mga Mapanlait na katulad mo. Kung gusto mong mapalapit ako Sayo ay baguhin mo muna yang pag- uugali mo." Galit na wika ni Argus.
Pero Ang totoo ay isa din Naman si Argus na nagka crush sa dalagang si Sofia kaya lang nakakadiscourage pala Ang ugaling Meron ito.
Natigil Naman si Argus nang makitang biglang tumakbo si Emang palayo sa kanila. Sa isip ni Argus ay kawawa Naman ito ngunit sa totoo lang ay nakakasuka nga Ang Mukha ni Emang pero Hindi rin Naman dapat na pagsasalitaan nalang ito ng masakit dahil nga'y ganoon ito ka pangit.