Kabanata Lima

1492 Words
Ipinikit na lang ni Emang ang mga mata habang papalapit na ang mga masasamang nilalang sa kanila. At patuloy naman sa pagsisigaw ang inang si Lucia at ang bunsong kapatid na si Reyah. Nang sila'y sunggaban ng mga ito ay may biglang isa-isang pumanà sa mga ito kaya dahilan upang natigil at di ang mga ito natuloy sa pagsunggab sana sa kanila. " Arrrggghh!!! " Isa- isang hiyaw ng mga masasamang nilalang. "M-may pumanà sa atin!" Impit na sambit ng isa habang nakatusok at bumaon sa likud nito ang isang matulis na bala ng panà! " Hindi! S-sino ang may gawa nito?" Sabi naman ng isa na mas lalong bumalasik ang mukha nito dahil sa galit. " Nay.. may tumulong sa atin!" Sabi naman ni Emang sa ina habang nanatiling nakasiksik ito sa tabi habang yakap- yakap naman si Reyah nito. " Mabuti naman kung ganoon anak.." Nangangatal na tugon ng ina sa kanya dahil sa labis nitong pagkatakot at ganoon din Ang Kapatid na si Reyah. Nanginginig itong nakasiksik sa kanilang Ina. " Emang! si Argus to! bilisan niyo pumasok na kayo sa kuwarto niyo at isara niyo Ng mabuti!" Pagmamadaling wika ni Argus na bigla nalang lumitaw. Nasorpresa si Emang nang malamang si Argus pala ang tumulong sa kanila at pumanà sa mga masamang nilalang na pumasok sa kanilang bahay. At may isang Kasama pa ito na nakakabatang kapatid nito. Mabilis namang binalingan ng mga aswang ang bagong pumasok na sina Argus sa nais sanang bumiktima kina Emang. Bumalasik kapwa Ang mga anyo nito pagkatapos na binunot ng mga ito ang bala ng panà na bumaon sa katawan ng mga ito. " Mga pangkat na aswang! sa labas tayo kung gusto niyong makipag-away! Huwag kayong mang- aakyat ng mga bahay! at mamiktima Ng mga walang kalaban- laban!" Sigaw ni Argus sa mga ito. Pati mga kapatid ni Argus at ama ay nakipaglaban din sa mga ibang aswang na sumalakay sa kapit-bahay nina Emang. Habang sina Emang at ang kanyang Ina at kapatid na si Reyah ay nagkaroon ng pagkakataong Pumasok sa kanilang kuwarto at matibay na ni lock nila ang pintuan sa kanilang kuwarto. Galit na sumunod ang tatlong aswang na lalaki at dalawang babae kina Argus palabas ng bahay nina Emang dahil sa hamon ni Argus. Isa ang pamilya nina Argus ang bantog na mga ANTINGERO sa kanilang bayan. At nalaman din nila na ang pangkat ng tribung ito ay hindi lang mga ASWANG kundi may hinawakan din itong mga anting- anting. At Ayun sa mga haka- haka nilang narinig ay isa sa pinakamalaking kahoy sa gitna ng gubat dati na pinutol ng mga ito at ang malaking puno na iyon ay na well- known na sa karamihan noon na may mga emgkantong nakatira at ilang mga tao na Ang sumubok na puputol sa luning iyon subalit di nila iyon magawa dahil may mga nakatira sa punong iyo. At walang kahirap-hirap na pinutol lamang ng tribung ito noon ang nasambit na puno. At Hindi lang nila alam ang dahilan kung bakit pinutol ng mga ANTINGERONG aswang na tribu ang malaking punong iyon na ang pagkakaalam ng mga nakakatanda ay isang kaharian ng mga Engkanto Ang malaking punong iyon. Maraming mga kuwentong kababalaghan noon sa Lugar nilang ito. At tahimik na sana ito pero ngayon naman ay nagbalik ang nasabing mga ASWANG at ANTINGERONG tribu na muling naghahasik ng lagim sa buong bayang ito. Hinanda nina Argus ang kanilang mga sarili dahil sa mga ASWANG na nakasunod sa kanila palabas ng Bahay nina Emang. Galit agad silang sinunggaban ng kanyang kapatid sa limang aswang. Subalit hindi sila nahawakan ng mga ASWANG na ito dahil mabilis silang umilag sa pagsunggab sa kanila ng mga ito. Namangha sila nang biglang lumutang ang mga ito sa hangin at ang limang aswang ay biglang naging Sampong aswang! Bawat isa sa mga ito ay may kakayahang gumawa ng Kamukha ng mga ito upang linlangin ang mga kalaban! at ang taktika ng mga ito ay nagmula iyon sa hinahawakan ng mga itong Anting- anting. " Kuya Argus! mga malalakas din na mga ANTINGERO ang mga aswang na ito!" Sabi ni Emanuel na kapatid ni Argus. " Kaya mag- iingat tayo! kailangang maging alerto ang ating mga mata! hindi natin alam kung sino ang mga peke o original sa kanila dahil sa kanilang mga ginawa!" Sabi ni Argus sa kapatid. Habang panay ang Panà nila sa mga ito ay Alerto naman sila sa mga kalaban na hindi sila matamaan sa mga pagsunggab nito sa kanila. Samantalang sina Emang ay nakasilip sa maliit na butas sa labas upang makita ang laban nina Argus at ng mga aswang. Maliwanag ang buwan kaya kitang - kita nila ang labas kaya nanlaki pa ang kanilang mga mata nang makitang naging sampo na ang mga aswang na mukhang normal lang na tao at kapwa nakalutang ang mga ito sa hangin. Napa sign krus naman ulit ang ina nilang si Lucia dahil sa nakitang biglang naging sampo ang mga aswang na kalaban nina Argus. Ngunit si Argus ay naisipang gamitin nito ang may malakas na kakayahan sa Anting- anting. Binunot nito sa Likud ng kinalalagyan ng bala ng panà nito at hinipan nito iyon ng isang beses kasunod Ang pagsambit ng isang oracion at pagkatapos ay itinaas sa ere at agad na mabilis itinira sa kalaban. Ang matatamaan ng bala ng kanyang panà ay iyon ang tunay at hindi isang linlang na aswang! "Arrrggg!!!" Sigaw ng aswang na natamaan sa panà ni Argus. " Kuya!!" Sigaw ni Emanuel nang ito'y mahawakan ng isang aswang. Mabilis na kumuha ng isang bala ng panà si Argus at agad na tinira sa aswang na sumalakay sa Kapatid. " Aahhhggg!!" Sigaw din ng isang aswang. At dahil nalaman ng mga aswang na hindi umobra ang ginamit na anting-anting na panglilinlang nila at pagdoble ng hitsura nila ay ginamit nila ang kakayahan nila bilang mga aswang. Nanlaki ang mga mata nina Argus nang makitang sabay na naging itim na aso ang mga aswang na kinalaban. At ang mga asong iyon ay tulad sa kanilang nasalubong ni Emang sa may balon! Patuloy na nakipag tunggali sina Argus sa mga ASWANG ng gabing iyon at ganoon din ang kanyang ama at mga tiyuhin sa ibang mga bahay kung saan umakyat ang mga aswang. At nang matantiya ng mga masasamang nilalang na sila'y matatalo sa pamilyang ANTINGERO ay kusang lumayo ang mga ito. Kinabukasan ay agad lumaganap ang balitang nangyari sa buong bayan sa pag- atake bigla ng mga aswang sa kabilogan ng buwan at alam nilang galing sa bagong tribung dumating na dating taga roon sa kanilang lugar Ang mga masasamang nilalang kagabi. Nagluksa ang buong bayan sa pagkamatay ng isang ama ng pamilya dahil sa pakikipaglaban sa mga ASWANG na umaatake kagabi. Kinagat daw ito sa leeg ng isang malaking asong itim na bigla nalang lumukso rito at sinunggaban ang leeg nito. Laking pasasalamat ng tatay Andoy nina Emang at Kuya Ben na walang napahamak sa kanila sa biglang pag- atake ng mga aswang sa kabilogan ng buwang iyon. Ngunit sina Argus ay nalulungkot dahil meron silang hindi natutulongan ng gabing iyon kaya namatay ang isa sa mga ama ng pamilyang iyon. Samantala... Nagluto naman ng Special na pancit at biko Kinabukasan ang nanay Lucia nina Emang kaya bilang pasasalamat nila sa pamilya ni Argus ay hinatiran ni Emang ang mga ito ng kanilang niluto. " Oh, Emang.. ano yan?" Tanong naman ni Argus. Nasa labas ng bahay ng mga ito ang binata nang ito'y maabutan niya. " Ahhmm.. ipinabigay ni Nanay Lucia Argus sana magustuhan niyo." Sabi naman ni Emang. " Wow salamat Emang ha." Nakangiting wika nito na nakatingin sa kanya at sabay tanggap sa kanyang inabot rito. Ang totoo'y tuloyang nahulog na talaga ang loob ni Emang sa binata lalo pa at naging hero pa nila ito kagabi. " Siya nga pala Argus, kawawa naman at may nabiktima pala talaga kagabi sa mga masasamang umatake.." Sabi ni Emang rito. Bigla namang lumungkot ang mukha ng binata sa kanyang sinabi. " Oo nga Emang. " " Pero salamat talaga Argus ha. Hindi mo kami pinabayaan kagabi." Sabi ni Emang sa binata. " Pangako Emang, hindi ko kayo pababayaan." Sabi naman ng binata. Sobrang kinilig si Emang sa sinabing iyon ni Argus. Kaya mula noon ay Lubos na niyang minahal ang binata. Lalo na at sobrang bait ni Argus sa kanya. Biyernes ng Umaga ay maagang pumanaog si Emang at nagpunta sa Munting tinaniman nila ng gulay sa bundok. Siya lang mag-isa dahil maaga pang sumama ang bunsong kapatid sa kanyang ina sa lungsod upang bumili ng Harina at mga engredients sa pagluluto ng tinapay. Mahilig Kasi ang nanay Lucia nilang magluto para sa meryenda nila pagsapit ng hapon. Ang kanilang munting taniman ng gulay ay malapit lang din sa munting kubo nina Argus kung saan ang malawak na palayan ng mga ito. Mga dalawang kilometro din ang lalakbayin bago makarating sa kanilang gulayan at palayan nina Argus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD