Pilit namang kumawala si Shahara Mula sa pagkakayakap ni Argus sa kanya.
" Huwag kang magpakita Ng pagkagusto sa akin Argus dahil hindi mo pa Ako Kilala ng lubos. Dapat ka ngang lumayo sa akin dahil Hindi mo Ako kauri at higit sa lahat may mga kalaban na laging nakasunod sa akin!" Sabi niya sa binata.
" Kahit sino kapa ay tanggap kita, alam Kong immortal ka at Hindi taga lupa.. Pero sana hayaan mo Akong Malaman kung saan ka uuwi at saan Ang uuwian mo Shahara.. please.." Sabi pa ni Argus na nagmamakaawa.
"Huwag kanang Magsayang Ng panahon sa akin.. alam na alam Kong Hindi mo Ako magugustuhan kung sakaling Malaman mo Ang lahat tungkol sa akin." Sabi ni Shahara rito.
"Shahara .. " Biglang sambit Ng Isang malamig na boses. Nagulat man Siya ay Hindi niya iyon ipinahalata sa binata.
" Shahara.. pwede mo siyang saglit na papatulogin .. gamit Ang mahika Ng singsing ng mga Diwata.. pwde mong tahipan ang iyong singsing sentro sa kanya, upang matamaan siya sa lamig Ng hangin mula sa mahika Ng singsing at pagkatapos ay kusa siyang makakatulog ng di niya mamamalayan.." Ang wika ng Isang tinig na nagmumula sa malaking punong kahoy.
Subalit siya lang ang nakakarinig sa boses na iyon at Si Argus ay di nito naririnig Ang Isang tinig Ng babae.
"Shahara?? "Naisambit pa ni Argus nang mapansin na natahimik Ang magandang dalaga at nakatingin pa sa kanya.
Ngunit walang pag-alinlangan na sinubukang tahipan ni Shahara Ang kanyang singsing papunta sa Mukha Ng binata. Lumabas nga Ang lamig at kunting hangin mula roon sa nasabing singsing. Nagtaka nalang si Argus sa ginawa ni Shahara at di niya mapipigilan na ipikit ang kanyang nga mata at Napaupo at napasandal sa Puno Ng kahoy.
Kahit Anong pigil ni Argus upang di tuloyang ipikit ang mga mata ay naipikit niya talaga Iyon at tuloyang nakatulog.
Gusto sana ni Shahara na manatili sa magandang Lugar na iyon subalit ayaw na niyang hintayin pang muling magmulat si Argus upang di ito susunod sa kanya. Nagmamadali na niyang nilisan Ang kakahuyang iyon. Kailangang maghanap siya Ng ibang matataguan habang Hindi pa nagbalik Ang kanyang mukha bilang si Emang. Hindi rin Kasi pweding uuwi na siya sa kanila na ganoon Ang kanyang hitsura dahil alam niyang Mahihirapan siyang ipaliwanag sa kanyang kinilalang pamilya na Siya si Emang.
Si Argus Naman ay ilang minuto lang Ang pagkaidlip nito sa ilalim Ng punong kahoy. Mabilis siyang napatayo nang malamang Wala na si Shahara. Ginamitan Siya nito Ng kakayahan upang siya'y saglit na makatulog!
" Shahara !! Shahara !! Nasaan ka!? " Sigaw at tawag ni Argus at nag- echo iyon sa buong kakahuyan.
Kinaumagahan .
Muling nagpulong Ang tribung aswang dahil sa nangyari kagabi.
" Malakas Ang kutob ko na ang babaeng maganda ay nagtatago lamang sa Lugar na ito Kasama sa mga normal na tao At Hindi natin alam kung Ano Ang klaseng paraan Ng kanyang pagtatago! At Ang ipinagtaka ko lang kung bakit ngayon lang Siya nagpakita sa ilang taong paghahanap natin sa anak Ng ating kalaban??" Ang mahabang wika Ng pinuno.
" Ang ANTINGERONG binata Ang siyang Kasama Ng babaeng hinahanap natin pinuno!" Sabi Ng Isang aswang.
" Isa pa iyan sa problema natin , Ang pamilya Ng mga ANTINGERONG iyan! ang gagawin natin ay magmamanman din Tayo sa Araw upang malaman natin kung nasaan ngayon nagtatago Ang anak ng ating kalaban!" Sabi ni Pinunong ABwak.
"Ganito nalang pinuno, mukhang magkalapit Ang Antingero at Ang magandang babaeng immortal.. Dapat ay Isa sa mga malalapit sa binatang Antingero Ang ating dudukutin upang mapilitan Ang binata na gumawa ng paraan kung paano palalabasin Ang magandang babaeng iyon! At siya MISMO ang kusang magturo sa atin kung Saan ito nagtatago!"
" Oh Sige, Sige. gagawin agad natin Ang ating mga Plano!" Sagot ng pinuno.
Sa Bahay Nina Emang Naman ay nakipag- usap ng maayos Kay Emang aNg kanyang mga kinilalang magulang.
" Saan kaba galing Kagabi Emang? Hindi ko nagustohan Ang ginawa mo na umalis kang walang paalam at Hindi namin alam kung saan ka nagpunta.? halos mabaliw kami sa paghahanap Sayo kagabi. Kung saan ka nagsusuot?" Galit na wika Ng kanyang tatay Andoy.
" Ang ipinagtataka lang namin ay kung bakit pati si Argus ay nawala? kaya Sabihin mo sa amin Emang? Nagsasama ba kayo ni Argus kagabi?" Tanong Naman ng kanyang Nanay Lucia.
Nagulat Naman si Emang sa mga itinanong Ng kanyang Ina.
" Naku, Hindi po nay!" Sabi Naman niya rito.
At timing din na nakita nila si Argus na dumaan at parang matamlay Ang buong mukha nito.
" Argus! halika Muna!" Tawag ni Mang Andoy sa binata.
Kinabahan Naman si Emang sa ginawang pagtawag Ng kanyang Tatay Andoy sa binata. Kunot- noo Naman itong lumapit.
" Magandang Umaga po Mang Andoy at aling Lucia . bakit po?" Tanong Ng binata at saglit itong napatingin Kay Emang na nagtataka Ang itsura.
" May nakapagsabi sa amin kagabi sa lamay na pagkatapos binully Ang anak namin ay umalis si Emang at umiiyak at pagkatapos Naman ay sinisita mo daw si Edong! at matapos mo siyang sinita ay sumunod ka daw Kay Emang! " Nagdududang tanong ni Mang Andoy Kay Argus at Saka lumipat rin Ang tingin nito Kay Emang.
" Totoo po Yan Mang Andoy, pero Hindi ko na po nakita si Emang. " Sagot Ng binata .
" Pero Wala ka rin kagabi at Wala din si Emang! kaya malaking posibilidad na magkasama kayo Argus. Kung Hindi mo man lang kayang mahalin at panagutan si Emang ay huwag mo na siyang lapitan at huwag mo siyang paasahin Argus! Alam Kong magkasama kayo kagabi dahil dalawa kayong nawawala!" Galit na na Sabi Ng Tatay Andoy ni Emang.
" Tay Hindi po, maniwala po kayo, Hindi kami magkasama kagabi ni Argus.." Umiiyak na sabi ni Emang.
" Mang Andoy, huwag niyo Namang ipagpilitang Kasama ko si Emang kagabi. Ano bang purpose na magsama kami kagabi? At malayo lang Ang iniisip niyong may namagitan sa amin ni Emang at magkasama kami kagabi! may minahal na Ako, At kahit kailan ay di mangyayari Ang iniisip niyong makikipagsama Ako sa anak niyo. At higit sa lahat, Hindi ko Siya pinaasa at Hindi ako sumubok na magpanggap na nagkagusto sa kanya." Galit na tugon ni Argus at tinapunan Ng matalim na tingin si Emang.
Parang sinaksak Ng kotselyo Ang puso ni Emang sa mga sinasabi Ng binatang Antingero. At luhaan ang kanyang mga matang napatingin Kay Argus. Hindi Naman maintindihan ni Argus Ang sarili nang makitang tuloyang umiyak si Emang na nakatingin sa kanya. Ngunit kahit nahahabag na Siya rito ay nakuha parin niyang muling magsalita.
" Ikaw Emang, Sabihin mo sa kanila na Hindi Tayo magkasama kagabi. At para sa kaalaman niyo Mang Andoy, nawala nga Ako kagabi dahil Kasama ko Ang babaeng biglang nagpapatibok Ng puso ko.. At Siya ay walang iba kundi si Shahara." Walang prenong wika pa ni Argus.
Natigilan Naman si Emang sa narinig Mula sa binata ngunit Wala siyang maisagot rito kundi Ang umiyak nalang Ng umiyak.
Tumuloy na Ang binata at Hindi Sila nakaimik na tinalikuran nito.
" Ngayon Emang, saan kaba kagabi?" Tanong ulit Ng tatay ni Emang.
" Tay, nay, pwedi po bang mag relax Muna Ako? At mag- iisip Ng mabuti? magulo Kasi Ang isipan ko eh, sasabihin ko na sainyo Ang lahat. Naiisip Kong dapat din Kasi ninyong malalaman Ang tungkol sa mga natuklasan ko sa sarili ko, Ang gusto ko o ay magpahinga Muna.. maaari po ba tay, nay??" Nagmamakaawang Sabi ni Emang sa mga ito.
Nagkatingin ang mag- Asawang Andoy at Lucia.
" Sige anak.." Parang kumalma ang galit na sagot Ng kanyang tatay Andoy.
Samantalang Ang binatang si Argus ay papuntang kakahuyan malapit sa baybayin kung saan niya kagabi nakakasama si Shahara. Tandang- tanda niya Ang malaking punong kinalalagyan nila kagabi Ng Magandang Diwatang si Shahara.
Malungkot na naupo Ang binata roon. Hindi niya maiintintdihan Ang kanyang sarili. Biglang napamahal sa kanya si Shahara at gusto niya itong makikita lagi. Damang-dama pa niya kagabi Ang malambot , mabango at malamig na katawan ni Shahara na kanyang nayakap sandali. Hindi Naman niya sinasadya na mahalin agad ang dalaga sa loob ng dalawang gabing nakilala niya ito. Saan ba kaya niya ito makikitang muli? magpapakita pa kaya itong muli sa kanya?
Sa Mundo Naman Ng mga Engkanto.
Isang Dama Ng Rayna Ang kausap nito habang palakad- lakad Sila sa magandang PARAISO NG kanilang Mundo na puro bulaklak Ang nasa paligid.
" Kinabahan Ako Dama Ellara sa posibleng mangyari sa aKing anak. Ngayong Isa na siyang ganap na dalaga ay Kaya nang talunin Ng mahika Ng singsing Ng mga diwata ang kalahating mahikang nagpipigil upang itago Siya sa kanyang pagkatao. Dahilan ngayon na kusa na siyang bumabalik sa tunay niyang anyo kapag bilog Ang buwan. Ibig Sabihin ay tinalo na Ang kalahating mahikang ibinuhos ko dati sa kanyang katawan upang itago Siya at di makilala Ng mga kalaban." Sabi Ng Rayna Ng mga Engkanto na si Rayna Dianna.
" Pero Mahal na Rayna, nagtitiis Ang anak mo sa kanyang pagkatao ngayon. Kaya dapat kunin mo nalang Ang mahikang ibinuhos mo sa kanya dati." Sabi ni Dama Ellara.
" Mamamatay si Princesa Shahara, kung ipapangibabaw namin Ng mahal na Hari Ang kanyang kagandahan ay tiyak na tatalunin Siya Ng pinuno Ng mga mortal na kalaban dahil sa lakas Ng kapangyarihan nitong orasyon! At iyon Ang Hindi namin matatanggap na mawala Ang Aming anak. Kahit pagsamahin pa namin Ang Aming mga mahika ay walang kasiguraduhan Ang kaligtasan Ng aKing anak." Umiiyak na wika Ng Rayna.