Laking pagtataka ni Argus kung bakit parang tao Ang mga inasta ni Shahara. Diba Isa itong Diwata o Engkanto? bakit ba parang Isang Normal na tao ito kung makahingi ng tulong?? Iyon Ang naisip ni Argus habang naghihirap na pakikipaglaban sa tatlong aswang.
Hangga't sa pagod na pagod na Ang binata. Ramdam niya Ang malalakas na mga anting anting ng kanyang mga kalabang aswang at natatalo Ang kanyang nalalamang oracion para sa mga ito. Naagaw ang sandata ng Binata sa mga kalaban ngunit bago Naman nila naagaw iyon ay may mga sugat na rin Ang tatlong aswang dulot sa kanyang pagtaga rin Ng sunod- sunod sa mga ito.
Nang maagaw Ang sandata ng binata ay sabay ding umangat at lumutang sa hangin sina Shahara at ang dalawang aswang na nagtutulongan upang madala ang dalaga.
Nalugmok si Argus nang ito'y muling pinagtutulongan ng tatlong aswang na sugatan at sabay na sinasakal sa leeg ang binata. Bumaon Naman Ang mga kuko ng mga ito sa leeg ni Argus! Nanlaki Ang mga mata ni Shahara sa nakita!
" Argus!!" Sigaw pa ni Shahara o Emang habang hawak- hawak na ito sa dalawang aswang.
Isang matinding orasyon Ang gamit Ng mga aswang na ito para Kay Shahara dahil hindi nila madadala Ang dalagang Diwata kung di Ng mga ito gamitan Ng anting-anting, sapagkat ito'y isang immortal at hindi tulad nila, na mga Aswang at ANTINGERO ngang tatawagin pero isang tao Naman parin Naman.
" Mga hayop kayo!! Anong ginawa niyo kay Argus!!" Sigaw sa galit ni Shahara.
At biglang bumalasik ang diyosa at maamong mukha ni Shahara.
At nagulat Ang dalawang aswang nang may makakapal na alitaptap Ang biglang lumitaw at nilantakan Ng mga alitaptap ang mga mapupulang mata Ng mga aswang!
" Aaarrrhhhhhh!!!!" Sigaw ng dalawang aswang.
At Hindi lang ang dalawa ang inatake ng mga makakapal na alitaptap, kundi pati na ang tatlong aswang na tumalo kay Argus! Napuno Ang mga mata Ng mga ito sa makakapal na alitaptap na bigla nalang lumitaw nang Magalit si shahara.
Nabitawan ng dalawang aswang ang magandang dalaga na wala nang ibang magawa kundi Ang mapahiyaw nalang sa sakit dahil parang kinain ng mga alitaptap ang mga mata ng mga ito pati na Ang tatlong aswang na nag- aanyong asong itim parin.
" Argus!!" Mabilis namang nilapitan ni Shahara Ang binata nang siya'y makatayo agad nang siya'y nabitawan at nahulog mula sa dalawang kalaban. Dahil Hindi na talaga makakita ang mga aswang na umatake sa kanila.
" S- Shahara.." Sambit pa ni Argus. habang napaingit sa sobrang sakit ng mga sugat nito.
Mabilis na hinaplos ni Shahara Ang mga sugat Ng binata upang gumaling iyon agad at sila'y makaalis na roon.
"Huwag ka munang kumilos!" Sabi niya rito.
Naramdaman Naman agad ng binata ang malamig na mga kamay ni Shahara na humaplos sa kanyang bawat sugat sa katawan. At parang sa Isang iglap lang ay naglaho agad ang lahat na sakit sa kanyang katawan at agarang nawala Ang sugat roon. At nang kanyang kinapa Ang mga iyon ay Wala na ang mga sugat sa katawan!
Muling nagbalik Ang buong lakas ni Argus at mabilis siyang bumangon Mula sa buhanginan.
" Salamat Magandang binibini!! " Malakas na pasasalamat ng binata.
Habang Ang limang aswang Naman ay patuloy na umuungol sa sakit dahil sa walang tigil na pag- atake ng mga kaibigang alitaptap ni Shahara. Isa iyon sa mga senyales na siya'y isang may mataas na posisyon sa kaharian ng mga Engkanto dahil sa pagkampi sa kanya Ng makakapal na mga alitaptap na di Naman nila alam kung saan nanggaling ang mga ito! dahil ito'y Hindi mga ordinaryong alitaptap.
Namangha nalang Ang binata sa mga nasaksihang iyon. Subalit biglang may kung anong senyales din na naramdaman si Argus na may paparating na naman nabmga kalaban at iyon ay ang mga kasamahan ng limang aswang na kanilang nakakalaban ngayon!
" Shahara! Aalis na tayo dito! may paparating na Naman , mukhang malayo pa Sila kaya bilisan na natin!" Sabi ng binata.
Kinabahan namang muli si Shahara sa sinabi ng binatang Antingero.
" Umuwi ka na Argus! kaya ko lang Ang sarili ko! Aalis na rin Ako at Hindi ka dapat susunod sa akin! Sige Paalam!" Sabi ni Shahara at nagmamadaling tumakbo palayo sa baybaying iyon.
Ngunit Hindi makakapayag si Argus na di niya Muna makakausap Ng maayos Ang magandang dalaga kaya minabuti niyang sundan parin ito. Sumuot ito sa mga Punong kahoy sa tabi ng baybayin kaya sumuot din Siya roon. Medyo madilim na Ang areang iyon dahil Wala ng liwanag Ng buwan roon ngunit di naman talaga gaanong madilim at nakikita niya parin Ang buong paligid.
Nakita rin niyang nasa likod Ng malaking kahoy Ang magandang dalaga kaya agad niya itong nilapitan . Gulat na naman si Shahara nang makitang muli si Argus doon sa kanyang sinusuotan, Ang buong Akala niya ay nagtagumpay siyang makalayo rito. Yun Pala ay Hindi.
" Argus?? Gusto kaba talagang mapapahamak? Sabi ko huwag kanang sumunod sa akin! layuan mo Ako!" Galit na wika ni Shahara o Emang rito.
" Hindi pwedi. Gusto kitang makilala Ng lubusan, gusto kitang maging kaibigan Shahara, at sana huwag mong ipagkait iyon sa akin." Sabi ni Argus.
Nagtama naman Ang kanilang mga mata ng gabing iyon at gustong - gusto naman ni Shahara Ang paraan ng mga titig sa kanya ng binatang Antingero. Subalit Bigla siyang nainis nang maalala na kinawawa Siya nito bilang si Emang.
" Hindi pwedi." Sagot ni Shahara.
" Pero bakit hindi? Anong dahilan?" Tanong ng binata.
" Dahil magkaiba tayo. At isa pa, pare- pareho lamang kayong mga tao. Bakit kaba makikipagkaibigan sa akin? Hindi mo Ako katulad, Isa akong immortal. Hindi mo nga kayang makikipagkaibigan sa tulad mong tao, ako pa ba ang iyong kakaibiganin?" Sabi niya rito.
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Argus.
Ngunit kapwa sila natigil sa pag- uusap nang biglang lumitaw Ang magandang Lugar sa kanilang harapan! namangha si Shahara nang Makita ang napakaramimg bulaklak. Tumalikod Siya Kay Argus at humarap sa napakagandang Lugar na iyon.
" Samahan kita sa iyong mundo Shahara.. Kaya Kong talikuran ang aking mundo para lang lagi kitang makakasama.." Sabi ng binata at bigla Siyang niyakap ni Argus buhat sa kanyang likuran.
Nabigla Naman si Shahara sa ginawa ng binata..