Kabanata Anim

1119 Words
6 Nang siya'y malapit na ay natigilan siya nang may marinig na halakhak ng isang babae mula sa munting kubo nina Argus. Mabilis siyang nakapagtago nang makitang lumabas si Argus mula sa kubo ng mga ito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang kasunod na lumabas ay walang iba kundi si Sofia. " S- si Argus at si Sofia ay magkasama Sila dito??" Aniya sa sarili na biglang sumisikip ang kanyang dibdib sa nakikita. At mas Lalo pa siyang nasaktan nang makitang niyapos ni Sofia si Argus mula sa likod. Napatigil ito at binalingan si Sofia at mariing hinalikan sa labi. Nanginginig si Emang sa kinatataguan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Pilit siyang lumabas sa pinagtaguan at dumeretso na sa kanilang gulayan at namitas ng mga bunga ng Ampalaya habang di napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Pangit Kasi Ako.. kaya si Sofia talaga ang napansin ni Argus.." Umiiyak niyang sambit habang patuloy na namimitas ng gulay. Ang di niya alam ay nang makita siya nina Argus at Sofia ay nilapitan agad siya ng binata para tulongan sana siyang mamitas nito. Subalit nagtaka ito kung bakit siya umiiyak. " Emang?? bakit ka umiiyak?" Takang-tanong ni Argus. At si Sofia ay nakapamaywang lang ito sa unahan habang nainis sa pagtalikod rito ni Argus pagkatapos sa maalab nilang halikan. " Huwag mo akong lapitan Argus! pangit ako! kaya huwag kang lumapit sa akin!" Galit na sabi ni Emang rito. " Ha? bakit anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Argus na talagang nagtataka. " Nakita ko kayo ni Sofia! pinaasa mo lang ako sa mga kabutihang ginawa at ipinakita mo sa akin Argus! Akala ko ay mamahalin mo rin ako pero nagkamali pala ako! napakalayo ko kay Sofia kaya nag- iilusyon lang pala talaga ako!" Di na napigilan ang pag- iyak talaga ng tuloyan ni Emang sa harap ng binata. Hindi naman napigilan ni Argus ang mapatawa dahil sa sinabi ni Emang sa kanya. At hindi naman niya ito pinaasa. Naawa lang talaga siya rito kaya naging mabait siya rito. " Emang? bakit, anong ibig mong sabihin? Nagkagusto ka ba sa akin?" Nanlaki ang mga matang tanong ni Argus sa kanya. " Oo!! Mahal na mahal kita Argus! pero nakalimutan ko pala ang itsura ko na kahit kailan ay di mo pala talaga kayang mahalin.. Umaasa pa ako dahil sa kabaitan mo sa akin.. pero masasaktan lang pala ako ng ganito.. nakakahiya man pero hindi ko kayang itago ngayon ang naramdaman ko sa'yo!" Humagulhol na si Emang. Natatawa naman si Sofia na lumapit sa kanila dahil sa narinig mula kay Emang. " OMG!! ang lalà mo na Emang! yan kasi di ka nag- iisip ng tama!" Pairap na sabi ni Sofia. " Emang, bakit mo naman ako minahal? a-alam mo naman na walang katugon ang pagmamahal mong yan.. patawarin mo ako.. pero di ko alam na mamahalin mo ako. Oh my god Emang! Hindi kita kayang mahalin! nasisiraan ka na ba? S- sorry, pero nabigla lang ako." Sabi ni Argus. Kasabay ng malakas na tawa ni Sofia ay nagtatakbo naman si Emang palayo roon. Nauwing luhaan si Emang at di na nga niya namalayan na di pala niya nadala ang mga napitas niyang mga gulay dahil sa sakit na di niya maipaliwanag. At dahil maaga pa iyon at Wala pa ang kanyang nanay Lucia at ang kanyang bunsong kapatid na si Reyah at samantalang ang kanyang Tatay at Kuya Ben naman ay maagang nagpalaot Ang mga ito kaya mamayang hapon pa ang mga iyon uuwi. At dahil siya lang ang nag- iisa ay parang nakaisip ng masama si Emang. Nagtatakbo Siya sa may baybayin at doon sa tahimik na bahaging baybayin na may mga kakahuyan ay doon Siya lumusong sa tubig. Malaki pa naman qng dagat ng umagang iyon at insaktong Ang binabalak niyang magpakamatay sa dagat. Para sa kanya ay Hindi maman Siya importante sa mundong ito. Ano ba naman kasi ang kanyang papel upang patuloy na mabubuhay sa mundong ibabaw? Ang purposed lang ba niyang mabuhay ay ang aapihin at lalaitin dahil sa kanyang itsura? Kaya ayaw na niyang ganoon lagi ang mangyayari sa kanya. Wala ng saysay pa upang patuloy siyang mabubuhay dahil sa angkin niyang itsura. Lumusong na siya sa tubig habang patuloy na umiiyak. Saglit niyang nilingon ang paligid upang tingnan kung Wala nang tao. At nang makunpirma niyang Wala ngang tao roon maliban sa kanya ay nagmamadali siyang pumunta sa malalim na bahagi ng tubig- dagat upang tatapusin na niya Ang kanyang buhay. Wala na siyang mukhang maihaharap pa Kay Argus. Kasalanan Naman niya talaga kung bakit binigyan Niya Ng kahulogan Ang pagiging Mabait nito sa kanya at ni Hindi man lang Siya nag- iisip sa kanyang itsura kung Siya ba ay karapat- dapat sa tulad ni Argus. Nang Hanggang leeg na ang tubig ay balak na niyang isisid Ang kanyang sarili sa ilalim upang doon na magpakamatay. Subalit bigla siyang natigilan nang may narinig siyang sitsit na nagmumula sa kanyang likuran. Mabilis Naman niya itong nilingon at ganoon nalang ang labis niyang pagkagulat nang Makita ang isang Maganda at tila diwatang babaeng nakaupo sa ibabaw ng malaking bato ng dagat na iyon! " Ahhhhhh!!!" Sigaw niya sa takot. Kahit Napakaganda ng babaeng iyon ay di parin niya maiwasang matatakot rito dahil iyon Ang unang beses sa kanyang Buhay na nakakita ng ganoon. " Emang! umahon ka.. umahon ka.. pakinggan mo Ako.. Isa Akong kaibigan at Hindi kaaway.." Sabi Ng Isang babaeng nakaupo sa malaking bato na may anim na metros Ang layo nito sa kanya. Hindi Siya nakasagot dahil sa sinabi nito at parang nasarado ang bibig niya ng mga sandaling iyon. " Bilisan mo Emang.. Umahon ka.. kapag Hindi ay Ang iyong pamilya Ang aking paparusahan.. kung mahal mo Ang iyong kinilalang mga magulang ay umahon ka at huwag mong ituloy ang iyong binabalak. Ang katawan mo'y Isang lupa na pwedi talagang mamamatay. at kapag gagawin mo yan ay di kana makakabalik sa dating Ikaw.. " Sabi ng babae. Hindi Naman niya maintindihan kung Anong ibig nitong Sabihin at dahil ginamit nito ang kanyang mga magulang ay Natakot Naman Siya at umahon sa malaking tubig na nasa leeg na niya ang lalim niyon. Humihingal pa Siya nang dumating sa tabi ng baybayin at patuloy na umiiyak dahil sa poot ng kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maiiwasang tuloy-tuloy ang pag- agos ng kanyang mga luha. " Nasaan kana?? bakit!? sino ka!? bakit mo Ako kilala at bakit mo pinakialaman ang Buhay ko.?" Umiiyak na tanong ni Emang sa babae na Hindi na Niya nakita at Bigla nalang naglaho sa may malaking bato. Bigla niya tuloy naalala ang pagbato kina Edong tata at Sofia roon ng kung sino mang nilalang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD