Chapter 16 Glimpse of Nightmare NAAMOY kaagad ni Wrath na mayroong nagluluto sa kanyang kusina kaya dumiretso siya roon at tama nga ang hinala niyang nandito si Mara. His mom has been visiting often a few weeks after Fiore’s downfall. Iniisip siguro nito na masyado niyang dinidibdib ang lahat ng mga nangyari dahil sa isang iglap ay nawala ang lahat ng mga bagay na naging dahilan upang tingalain sila ng maraming tao. “Akala ko ba may trip kayo ng boyfriend mo ngayon?” may halong pabiro naman ang tono ng boses ni Wrath nang umupo siya sa counter upang panoorin si Mara na nagluluto. “Oo kaya pinagluluto kita ng isang linggo mong pagkain dahil sure ako alak ang kakainin mo!” masungit na sabi naman ni Mara dahilan upang mapatawa si Wrath.