Chapter 17 Lost Flower “TEKA lang!” hinihingal man pero desido si Kara na habulin ang batang nakita niyang tumakas sa kanyang silid matapos niyang lumabas. Nakita pa niya ang pag-alis nito ng kanyang dextrose sabay takbo kaagad. Pabagal nang pabagal ang takbo niyang hanggang sa naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sabay ang pagiksi ng kanyang hiningi. Nang pababag siya sa hagdan ay parang naging Malabo ang mga baiting at nang iapak niya ang kanyang paa ay parang wala itong dadapuhan dahilan upang mawalan siya nang balanse at mapapadausdos na sana kaya siya napakapit sa rails nang biglang may isang matigas na katawan na humarang sa kanya sabay yumapos ang isang malapad na kamay sa kanyang baywang. “A patient sho