Chapter 15 A Child’s Curse “KAYA nga sinasabi ko sa ‘yo, pumunta ka kasi sa school ng anak mo. Palibahasa kasi wala siyang parent na nakiki-meeting sa kanya. At kalian ba niya gagamitin ang apelyido mo? Hindi ba’t tapos mo nang mailakad ‘yon?” Palipat-lipat na lamang si Wrath ng kanyang cellphone sa dalawa niyang tenga habang nagsesermon si Mara sa kanya. It’s early in the morning when she started calling Wrath and he was preparing to go to work. Nauna nang sinundo si Adara ng kanyang school bus kaya naman nagmamadali na rin siyang pumasok sa clinic. “Hindi ako puwede ngayong araw may trabaho nga ako. Hindi ba sabi niyo ikaw ang pupunta ngayon?” “May travel kami ni Gordon sa Cebu. Hindi ako puwede. Ah, basta ikaw n