Chapter 18 Locked Together NAGULAT si Wrath nang mapatingin siya sa kanyang relo dahil hindi na niya namalayan ang oras dahil sa pagbabasa ng notes sa conference ng kanyang na-miss kanina dahil marami ulit siyang pasyente ngayong araw. He bet that he’s the only one left here. Nagpatay naman ng ilaw na si Wrath sabay kuha ng kanyang coat. Paglabas niya’y patay na nga ang ilaw. Ano’ng oras na rin kasi, malapit nang mag-11 pero sinabi ni Greed sa kanya kanina na sasabay siya sa kanya dahil nasa kanya ang susi. Dumiretso si Wrath sa clinic ni Greed ngunit sarado na ito kaya naman napailing na lamang siya. When he went and tried to open the entrance doors, they are already locked. “Ugh, Greed!” inis na sabi ni Wrath sabay kuha ng kanyang cellphone. Hindi naman ito