4

3330 Words
Game Bumalik akong muli sa bahay dala dala na si Lucas. Pagkapasok namin doon ay umiiyak na si Mama habang pinapatahan siya ng tatlo. "Mahal na mahal ko parin siya..." narinig kong bulong niya habang hinahaplos nila ang kanyang likuran. "Hayaan mo, marami pang lalake riyan, Mercy! Marami pang pupulot sa alindog mo! H'wag na roon kay Berning!" ani Aling Lydia at tila umiikot narin ang paningin. "Oo nga, Mercy. Marami pang lalake. Di ka mauubusan!" si Aling Rosalie naman. Pinanhik ko si Lucas sa kuwarto at hindi alam ang mararamdaman sa dinadanas ni Mama. Siguro ay dala lamang iyon ng alak kaya siya nagkakaganoon. Hindi pa naman ako nalalasing at di ko pa nararanasang uminom kaya wala rin akong ediya. Basta ang alam ko, maraming umiinom lalo na pag nawawasak ang puso. Bakit ba mas pinipili ng mga tao ang magmahal kahit alam naman nilang masasaktan lamang sila? Para lamang silang naghanap ng sariling bato na ipupukpok sa kanilang mga ulo. Kung alam naman pala nilang masakit, ba't pa sila pumasok? Nakipaglaro ako kay Lucas sa kaniyang kuwarto. Gusto ko nalang itong pagurin para makatulog agad at hindi na ako mag-aalala sa pagpasok ko mamaya sa trabaho. Nakatulog rin naman si Mama dala ng kanyang kalasingan at Sylvertang puso. Iyong tatlo ay nagsiuwian narin at ako pa itong naglinis ng iniwan nilang kalat. Tinitigan ko ang maamong mukha ni Mama sa sofa. Naroon pa ang natuyong luha at ang buhok na dumikit sa kanyang pisngi. Naaawa ako para sa kanya pero hindi ko talaga mapunto kung bakit niya ipinaglalaban ang isang bagay na matagal na siyang talo. Bakit niya pinipilit ang isang bagay na halatang hindi naman talaga para sa kanya? Kinumutan ko na lamang siya roon saka ako nagbihis para makaalis narin. Paulit-ulit lamang ang ginagawa ko roon kaya paulit-ulit lang rin ang nararamdaman kong sakit sa katawan at pagod. Lalo na tuwing MWF ay halos puyat ako dahil hanggang 12 Midnight ang aking duty roon. "Oh, humahaba na naman iyang leeg mo," ani Angie at natawa sa aking pinaggagawa ng Biyernes na iyon habang nakatayo kaming dalawa sa may bandang pasilyo. "Di pala talaga lumalabas si Sir sa Office niya 'no?" sabi ko habang tinatanaw ang office niya rito sa aming kinatatayuan.  "Oo eh... May pagka tamad lumabas iyang si Sir. Ayaw masyado sa mga matao," sabi niya. Eh? Loner? Ayaw sa tao? "Bakit?" Binalingan ko siya. Nagkibit siya at tiningnan ang mga costumer na bagong pasok. "Good Evening, Ma'am," bati niya at nginitian sila kaya sumulyap narin ako at ngumiti. "Mana kasi sa ama. Sabi sa akin, grabe rin daw iyong ama niyan..." medyo pabulong niyang sabi. Tinitigan ko ito ng mataman. "Tamad?" Umiling ito. "Mahilig ring magmukmok at hindi masyadong lumalabas kasama iyong ina ni Sir na nagtrabaho rin dito noon." Nagulat ako roon. "Hindi mayaman ang napangasawa ng ama ni Sir?" Nagkibit ito. "Ang alam ko lang ay nagtrabaho rin dito bilang encoder ang ina ni Sir eh. Tapos ayun, nagkadevelopan ata ang dalawa lalo na't iyong ama rin ni Sir ang namamahala rito noon." Nagningning agad ang aking mga mata. Bigla akong nabigyan ng pag-asa na hindi lahat ng mayayaman ay namimili ng mayaman. Baka ay may tsansang ulitin naming dalawa ni Sir Waytt ang nangyari sa kanyang parents. Siguro matatanggap rin ako ng kanilang pamilya dahil sa ganito rin naman nanggaling ang kanyang ina. "Ang ganda noon ni Ma'am Snow. Pag nakita mo iyon sa personal mapapanganga ka talaga. Ang puti-puti, matangkad, basta ang ganda..." Tumingala si Angie at tila nadadala na sa kanyang sinasabi. Hindi ko na iyon masyadong inisip pa at mas ginanahan lamang sa aking plano na akitin si Sir. Kung nagmana man siya sa kanyang ama, sigurado akong may tsansa ring magkagusto siya sa mga katulad kong empleyado lamang. May ganda rin naman ako at kaaya aya naman akong tingnan. Hindi naman ako pang-ordinaryong ganda lang ah? May lumabas sa Office na mabilis kong ikinalingon doon. Bago pa man umakyat ang excitement ko ay mabilis narin iyong nahulog sa lupa nang makita ko ang epal na nakangising si Ken habang may katawagan sa cellphone at ang isang kamay ay nakabulsa sa suot na khaki short. Napairap agad ako nang makasalubong niya ang aking mga mata. Tumayo ako roon ng tuwid at gusto nalang magtungo sa ibang mga table para maglinis na roon kahit di pa tapos ang iba. "Lumabas si Sir Ken," bulong sa akin ni Angie na hindi ko pinansin. Di ko iyan type 'no. Ilang sandali lamang ay nakarating na nga ito sa aming gawi. Isinabit agad ni Angie ang takas sa gilid ng hibla ng kanyang buhok. "Hi Sir Ken," bati niya sanhi para lumingon ito sa kanya. Kinindatan niya ito at nginisihan. Kulang nalang ay mangisay si Angie sa aking tabi habang si Ken naman ay pasimple pa akong sinulyapan. "Sige... Mamaya..." he chuckled at saka rin naman nagtungo palabas dahil sa kausap. Mabenta pala talaga ito sa babae 'no? Simula noong araw na nagtrabaho ako rito ay siya palagi ang bukambibig ng mga empleyado. Minsan rin ay nakakaagaw siya ng pansin ng mga costumer. Friendly ito sa lahat ng babae hindi kagaya kay Sir Waytt na hindi pa halos lumabas. Siya rin ang halos pinag-uusapan nila Angie. Hindi na ako nakikisali lalo na't hindi rin naman talaga ako interesado diyan kay Ken. Di ko nga lubos maisip kung bakit halos lahat ata ng kababaihan ay patay na patay agad sa kanya. Di ko talaga makita iyong sinasabi nilang nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang babae. Edi hindi ako babae? Kaya noong mabigyan ulit ako ng break ay kinuha ko agad ang tsansang iyon na maghatid ng kape sa Office ni Sir Waytt lalo na't lumabas rin iyong epal niyang kaibigan. Bago pumasok ay kumatok muna ako. Ilang sandali lamang ay narinig ko rin ang boses nito galing sa loob.  "Come in." Napangiti ako at maingat na pinihit ang doorknob para hindi rin mahulog ang tasa na nasa hawak kong tray. Tuluyan akong pumasok. Nang makita niya ang aking imahe ay umangat agad ang kanyang kilay at nalaglag ang tingin sa hawak kong tray. Humilig siya sa kanyang mesa at mataman akong tiningnan habang naglalakad ako. Kinagat ko ang aking labi at sinikap na ngumiti habang maingat na naglalakad. "Dinalhan ko po kayo ng kape, Sir..." sabi ko at inilapag iyon sa kanyang harap. Napadpad pa ang aking mga mata sa kanyang suot na simpleng itim na Tshirt habang amoy na amoy ko ang mamahaling pabango. Mas lalong lumilitaw sa kanyang mukha ang kasupladuhan lalo na't ang ayos rin ng kanyang buhok ay mala badboy rin. "You made this?" tanong niya at kinuha iyong kutsarita. Umiling ako habang hawak hawak ko ang aking pulso at nakatayo ng tuwid sa kanyang harapan. "Hindi po... Iyong chef po ang may gawa niyan," sabi ko. Tumango siya at nasa kape na ang tingin. Hinalo niya iyon ng maigi gamit ang kutsarita. Napatingin ako saglit sa frame na may katabi ring isa pang frame. May babae na naman siyang kasama roon.  Nawawala iyong mga mata ng babae dahil sa malaking ngisi habang hawak nito ang mga pisngi ni Sir Waytt at pilit niyang pinapangiti na nakatingin parin sa kanya. "Ang ganda naman po ng girlfriend niyo, Sir," sabi ko, pilit nagbubukas ng topic. Tiningnan niya saglit ang frame na tinitingnan ko saka niya ibinalik sa akin ang walang kabuhay-buhay na tingin. "She's not," tangi niyang sagot at iniangat ang tasa para sumimsim.  Oh... Hindi girlfriend. Edi pwedeng kapatid? Edi malaki ang tsansa na wala itong girlfriend! Baka naman ay hindi siya kagaya noong kaibigan niyang haliparot sa mga babae. At isa pa, ayaw niya sa mga matao kaya baka ay ayaw niya ring lumandi. Siguro ay pihikan ito sa babae? Ang seryoso niya rin naman kasing tao kaya seryoso rin itong magmahal at ayaw maglaro. "Edi single po kayo?" tanong ko sa malambing na boses. Nag-angat siyang muli ng tingin at inilapag ang tasa. "Mukha ba akong double?" tanong niya sa baritonong boses na ikinanguso ko. Ang suplado ah! Halatang ayaw pahabain ang topic... "Hindi naman po..." Bumungisngis ako. Umangat ang kanyang kilay at tila nabobored na, base narin sa kanyang paninitig. "You can leave now. May trabaho ka pa," sabi niya at sinenyasan akong lumabas na. "Uh, break time ko naman po kaya okay lang..." sabi ko at walang balak lumabas. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay umangat na naman ang kanyang kilay. "Then have a break outside." Lumunok ako at tumango. "Sige po... Enjoy your coffee, Sir..." Ngumiti ako sa kanya kaso nagbaba na ito ng tingin sa folder na nasa kanyang desk. Napabuntong ako ng hininga at nagpasyang lumabas na lamang. Ang hirap pala talagang mang-akit lalo na kung iyong lalake ay singlamig rin ng yelo at sobrang sungit pa. Kung di lang talaga siya mayaman ay hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras 'no. Kung wala lang talaga akong mapapala sa kanya ay di ko rin siya papansinin kaso nangangailangan ako... Nagtungo ako sa cr para ayusin ang aking sarili lalo na't feeling ko ay nalagas ang mga buhok ko sa sobrang pagkastress kanina sa kanyang harapan. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkamangha sa akin. Ano ba kasing tipo noon sa mga babae? Nasa may pinto palang ako nang may marinig akong kakaibang ingay na nanggagaling sa isang cubicle. Para iyong ungol na hindi ko masyadong marinig. Kinabahan agad ako. Imposible namang may multo rito 'di ba? Teka... Napabindisyunan ba ang Restaurant na ito? Kinuha ko iyong map na nasa gilid lamang at dahan dahang nilapitan iyong cubicle. Kinagat ko ang aking labi at ramdam ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Kung ano man ang masasaksihan ko ngayon, bahala na ang Panginoon sa akin! Mabilis ko iyong itinulak at iniangat ang map bilang panangga na baka ay atakihin agad ako kaso iba ang bumungad sa akin. Nalaglag agad ang aking panga sa nasaksihan. Nakaangat ang skirt ng babae at halos kitang kita ko na ang kanyang hita habang hawak iyon ng lalake na nakapulupot sa kanyang isang binti. Mapusok silang naghahalikan at gumagala pa ang kamay ng lalake sa katawan niya. Kitang kita ko ang dila ng lalake at kung paano niya kagatin ang pang-ibabang labi nito saka niya panggigigilan ang dibdib. At hindi lamang iyon kung sino, si Ken iyon! Dumilat ang babae at nakita ako. Nahimasmasan ang kanyang mukha at mabilis na itinulak si Ken palayo sa kanya. Nakahalf open pa ang namumulang labi ni Ken nang tiningnan niya ako gamit ang mga matang tila lasing na lasing sa isang bagay, ang buhok ay buhaghag at nakabukas na ang dalawang botones ng kanyang suot na puting shirt. "S-Sorry!" Natataranta kong isinara ang pinto at mabilis na inihagis ang map pabalik sa pinagkuhanan ko saka ako kumaripas ng takbo palabas. Pulang pula ang aking pisngi at para akong sasabog sa sobrang init noon. N-Nakita ko ba talaga iyon?! Ang epal na haliparot na Ken na iyon, may kalaplapan sa loob ng cubicle! Mas lalo akong nataranta at mabilis na tumakbo paalis, natatakot na baka ay maabutan ako. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nakita ko, ang nadatnan, ang dila ni Ken, ang paggala ng kanyang mga kamay, ang kabuuan niyang imahe, ang nakaawang niyang pulang labi, lahat lahat! Para akong mababaliw at kahit ang aking katinuan ay nauna nang kumaripas ng takbo. Shit! Parang gusto kong hugasan ang aking mga mata! Hindi lamang siya pataygutom sa pagkain kundi pati narin sa babae! Pataygutom siya sa lahat ng bagay! "Napano ka, Aioni? At ba't hinihingal ka ata?" tanong ni Angie nang tumigil ako sa kanyang harapan at yumuko ng bahagya habang nakatukod sa aking mga hita. "S-Si Ken..." Halos habulin ko ang aking hininga. "Huh? Si Sir Ken?" tanong niya. Tumayo ako ng tuwid. Itinuro ko ang cr habang hipo hipo na ang aking dibdib. "May kasamang babae..." dagdag ko pa. Tumawa si Angie. "Ay nako! Di na iyan bago rito, Aioni! Si Sir Ken pa!" Nalaglag ang aking panga at hindi makapaniwalang sanay na sila sa kababuyan ng lalakeng iyon! Hindi ba iyan bawal dito? Pag isinumbong ko naman kay Sir Waytt baka magmukha lang rin akong katawa-tawa dahil normal na pala! "Bata ka pa kasi Aioni," si Ate Demi naman nang mabanggit ko rin sa kanya. Parang ako lamang ang nagbibigdeal. Pinagpawisan pa ako ng husto. Jusko! Di naman purket ako ang pinakabata rito ay ignorante na ako sa ganoong bagay. Openminded naman ako at mali talaga iyon! 'Tsaka may mga ganoon pala talagang babae 'no! Papayag lang na kahit sa Cr ay pwede na nilang gawin! Hindi na talaga nirespeto ang sarili! At ano ba talagang meron diyan kay Ken at halos sambahin na siya ng mga kababaihan! Kung ako ang ginanon niya susuntukin ko talaga siya! Lumabas rin naman ang dalawa. Nauna iyong babae at normal lamang na bumalik roon sa table kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. Maayos na ulit itong tingnan at masyado pang elegante.  Duh... Nakita kong nagpakababa siya! Ang amo pa naman sana ng mukha pero may pagka marumi pala. Sumunod naman doon ang haliparot na si Ken, nakabulsa ang isang kamay habang ang isa ay hinahawakan ang kanyang buhok at inaayos. Napairap agad ako lalo na't nasa utak ko parin kung paano iyan nagulo kanina. Saksakan ng kalandian! "Aioni sa table 10," sabi ni George sa akin kaya tumango agad ako at nagtungo muna sa kitchen para kunin iyong cart. Nagtungo rin ako roon dala dala iyong pamunas at tulak tulak na ang cart. Nang makarating ako roon ay sinimulan ko agad iyong linisin. Ang katabi naman noon ay ang lamesa noong grupo ng mga babae kung nasaan iyong nakalaplapan ni Ken. "Ang hot noong nasa counter oh... Nakuha mo ba ang number, Joy?" tanong noong may maiksing buhok sa babaeng nakalaplapan ni Ken. "Oo... We'll going to see each other later," sabi niya at matagumpay pang ngumisi. Ganon kabilis niyang nasungkit ang babaeng iyon?! Tiningnan ko ng maigi ang babae. Mula sa suot na alahas sa pulso, bag na nasa kandungan, kutis, ang kabuuan, halatang mayaman siya ah?  Papatulan niya si Ken na simpleng pataygutom at maharot?! Grabe ang pangit ng taste niya sa lalake! Nainis ako sa bagay na iyon. Ang rami talagang nagpapaalipin dahil lamang sa ilusyon ng pag-ibig. Iniisip siguro nila na masarap ang kanilang napasukan pero sa huli lalabas rin palang luhaan at nasasaktan. Itinulak ko na ulit ang cart pagkatapos kong linisin iyong lamesa. Sa counter, nakita ko nga roon si Ken, nakaupo at nakahilig lamang sa likod noon habang kagat kagat ang pang-ibabang labi at nakangisi na naman. Tuwang tuwa siya sa kababuyan niya at di man lang naguilty? Umirap ako lalo na't nandidiri ako sa titig niya sa akin. Ano iyan, pagkatapos niya roon sa isang babae ay ako naman ang pagkakainteresan niya? Akala niya naman tatalab sa akin iyang mga panlalandi niya. Hah! Hindi ako uto-uto! Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo at gusto nang humikab dahil sa antok. Pinilig ko ang aking ulo at pilit nilabanan ang antok. Dapat pala nagkape ako kanina... May isang oras pa ako pero parang hinihila na ako pahiga. "Aioni, kailangan ka sa VIP," sabi ni Ate Demi nang makita akong naghihikab at hinahaplos ang aking batok. Tumango ako sa kanya at umakyat din doon. Iyong huli kong akyat dito ay nakausap ko ang haliparot na si Ken, at ngayon na aakyat ulit ako rito ay parang gusto ko nalang umatras. Paano kung nandiyan na naman siya? Paano kung komprontahin niya ako sa nakita ko kanina? Paano kung ka secret affair niya pala iyong babae at gusto akong warningan na itikom ko nalang ang aking bibig. Pag nagkataon, may alas na ako sa kanya! Gagamitin ko agad iyon para isiwalat niya ang mga nalalaman niya kay Sir Waytt! O baka nga wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Halata namang bulgar ang pagiging haliparot niya eh. And he looks proud! Pagpasok ko roon, naaninag ko kaagad ang nakaupo sa isang couch. Naroon na naman ang akala mo ay boss dito kung makaupo lalo na't nakabukaka at nakahilig na naman sa likod ng headrest ng sofa. Kahit medyo dim doon ay ramdam ko ang kanyang paninitig at ang pilyo niyang ngisi. Naglakad ako roon habang panay ang irap. Wala akong nakikitang table rito na may kalat kundi bukod sa table niya. Hindi na ako umimik at yumuko na roon para ligpitin ang mga kalat. Napansin ko kaagad ang pagkalaglag ng kanyang mga mata sa aking dibdib. Nainis agad ako at pasimple iyong tinakpan gamit ang isa kong kamay. Humalakhak siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Naaalala ko na naman iyong nakita ko kanina sa CR at pinapamulahan lamang ako ng mukha. Ako pa ata itong nahihiya sa kababuyang ginawa niya! Tapos siya itong parang walang ginagawa! Nagpapakaanghel! Hindi dapat ako mahiya dahil siya naman ang marumi rito! "Oh... Ba't galit kana naman ata sa akin? Anong nagawa ko?" tanong niya sa inosenteng boses. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kailangan ba talagang gawin mo ang ganoong kahalayan dito? Ba't hindi mo inuwi? Hindi mo ba alam na may mga taong sensitive at ayaw sa mga ganoong bagay?" matigas kong sabi. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Hindi ko naman alam na makikita mo pala... Aioni..." sambit niya sa pangalan ko at mas nilandian pa ng kaonti. "Hindi tayo close. H'wag mo akong matawag tawag sa pangalan ko," inis kong sabi. Umirap ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Umabante siya at humilig sa kanyang mga hita, mataman akong tiningnan sa dim na ilaw.  "Oh baka naman mainit lang ang ulo mo dahil hindi ka napansin ng crush mong boss mo?" sabi niya sa nanunuyang boses. "Hulaan ko? Pinalabas ka agad 'no?" Tumakas ang mapang-uyam na ngisi sa kanyang labi. Sinamaan ko siya ng tingin. "So what? May bukas pa." Humalakhak siya. "At mauulit na naman bukas. Just take my offer. Baka wala pang isang buwan ay nakuha mo na ang loob noon... Believe me..." Umangat angat ang kanyang mga kilay sa akin. Tumigil ako sa paglilinis at mataman siyang tiningnan. Kinindatan naman ako ng loko-loko. "May gusto ka ba sa'kin?" deritsahan kong tanong na ikinagulat niya. Ilang sandali lamang ay humagalpak siya. Humilig siya sa kanyang baba at kinagat muli ang pang-ibabang labi. "Malay mo..." Umirap ako. Napaka loko-loko talaga ng haliparot na ito! "Sorry pero di ako easy to get katulad ng mga babaeng nauuto mo sa'yo. Di kita type. Wala kang epekto sa akin. Siguro kung ikaw nalang ang natitirang lalake sa mundo ay hindi na ako mag-eexist. Ni isang katangian na hinahanap ko sa lalake ay wala sa'yo." Humalakhak siya. "Then you got a bad taste on boys if it wasn't me..." and he licked his lower lip. Nalaglag ang aking panga roon. Too much guts! Masyadong gwapong gwapo sa sarili na akala mo ay gwapo! Napaka feeling! "I got a good taste on boys because it wasn't you," palaban ko namang sabi. Tumitig siya sa akin, mas lalo lamang lumaki ang pilyong ngisi. "Napakapalaban mo pero ayaw mo namang tumanggap ng tulong sa akin. Are you afraid you might fall inlove with me? Marupok ka ba sa mga... kagaya kong mapaglaro sa apoy?" tanong niya sa nanghahamon na boses. His offer is quite tempting. Ang di ko maisip ng husto ay kung bakit gusto niya akong tulungan. Di naman kami close ah! At ano namang mapapala niya?! "Bakit gusto mo akong tulungan? Siguro may masama kang balak sa akin 'no!" Tinuro ko siya. Hinawakan niya ang aking hintuturo at binaba iyon. Kinuha ko iyon pabalik. "Mabait kasi ako. At pinagpapala ang mga mababait, may mga reward silang natatanggap. Gusto ko lang tumulong sa kapwa ko. Don't be so judgemental." Napatagal ang pagkakatitig ko sa kanya. Oo nga naman... kahit mukha siyang fuckboy sa paningin ko dahil alam kong fuckboy naman talaga ito, kalat rin naman dito na mabait siya, palangiti at friendly. Wala nga naman siyang mapapala sa akin. At may advantage pa ako rito. Walang mawawala sa akin. "Ano, game?" tanong niya. Pinisil niya ang pang-ibaba niyang labi at naninimbang na sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko. Huminga ako ng malalim at tumango. Wala nang atrasan 'to. Para sa ikakaliwanag ng kinabukasan ko! Para sa mala Meralco na maliwanag ang buhay! "Game!" At ang araw na iyon, nakipagkasundo ako sa apo ni Satanas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD