Gustong gusto Sabado. Hanggang 12 Midnight ako ngayon lalo na't marami ring costumer dahil nga may live acoustic bands. Mga bandang 8pm ay medyo nagkakagulo sina Ate Demi dahil hindi pa raw dumadating iyong banda na kakanta sa araw na ito. "Sabihin na kaya natin kay Sir Waytt?" si Angie. "Sige, sasabihin ko pero hintayin nalang muna natin baka mamayang 8:30 ay nandito na sila," si Ate Demi. Sa likod gaganapin iyong acoustic band. May mga lamesa rin kasi roon at parang mini Resto rin, iyon nga lang ay may fountain at ginawang mini stage iyong parang bridge ng pond. Sa ilalim noon ay parang maliit na pool at napapaligiran naman ng mga halaman ang bawat gilid. Maganda ang labas at masarap tambayan lalo na't presko ang hangin. Iyon nga lang, ang mga kumakain roon ay madalas ring mga coup