3

3241 Words
Kailan Nagkasalubong ng husto ang aking kilay sa kanyang sinabi. Ngumisi lamang siya lalo at kinagat pa ang pang-ibabang labi. "Ayaw mo ba? Ang hirap pa namang paamuhin ng boss mo..." Matapang ko siyang tiningnan. Humalukipkip ako sa kanyang harapan at taas noong tumayo roon. "Kaya ko siyang akitin. Ayokong magkautang na loob sa isang..." Humagod ang aking mga mata sa kanyang imahe. Those two open buttons... Those seductive smile at idagdag pa ang mapang-akit na mga mata. Bakit may ganyan siyang mga katangian eh di naman siya guwapo? Iyan ba ang ipinanggagamit niya para mambiktima ng babae? Humalakhak siya at sinuklay muli ang buhok. "Nakailang boyfriend kana ba?" Hinagod niya ako ng kanyang mga mata. "And you look like a virgin. Wala ka naman atang experience eh." Ay putragis ang lalakeng ito. Ang lala ng bibig niya! Di lang siya m******s sa mukha kundi m******s rin pati sa salita! Totoo naman iyon at dapat hindi ako mainsulto pero naiinis ako dahil kung sabihin niya iyon ay parang isa lamang iyong normal na bagay. Ganito ba talaga siya?  Humilig siya sa kanyang mga hita at ipinagsalikop ang mga kamay. Kahit medyo dim sa parteng ito dahil sa pabago bagong kulay ng ilaw ay malinaw ko paring nakikita ang malalim niyang paninitig sa akin. "May experience ako," matigas kong sabi, pilit inaako ang isang bagay na di ko pa naman naranasan. Bahagyang umawang ang kanyang bibig at tila nagulat pero kalaunan ay ngumisi na naman. "Kanino?" he asked, almost taunting me like I am just imagining things. "Pake mo?" Umirap ako. "14 pa lang ako noon... Kaya h'wag mo akong maliitin dahil baka mas expert pa ako kaysa sa'yo." Ngumuso siya, kalaunan ay di na nakayang humagalpak. Nagawa niya pang sapakin ang sarili niyang hita at halos gumulong na ata sa sofa kakatawa. Bumusangot ako at matalim itong tiningnan. Masyado ba akong napasabi ng white lies at di na kapani-paniwala? Fuckboy siguro talaga ito? Marami ata itong experience eh... Pag nagkataon ako lang rin ang namamahiya sa sarili ko dahil para akong nagmamalaki sa taong mas triple na ang experience kaysa sa akin na nagsisinungaling lamang. Teka, may fuckboy bang mahirap? Anong ipanggagastos niya kung ganoon? O mukha lang talagang siyang fuckboy at loko loko? Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mata dahil sa luha kakatawa. "Tapos kana? Aalis na ako," sabi ko at akmang tatalikod muli nang tinawag na naman ako. "Aioni..." Mariin akong pumikit at nagbilang ng tatlo. Bumuntong ako ng hininga at hinarap ang bastardong ngumingisi na naman ng pilyo. "Take my offer. Expert ako sa lahat ng bagay. Kahit nga ang dibdib mo kaya kong palakihin. Kaonting masahe lang naman iyan—" "Shut-up!" putol ko sa kanya at tumalikod na talaga. Tawang tawa siya roon at tuwang tuwa sa pinaggagawa. Akala niya madadaan ako sa paganyan-ganyan niya? Halatang type ako noon at gusto lang akong iclose para makatsansing! Akala niya di ko kabisado ang mga kagaya niya? Palaging may rason ang mga lalake kung ba't sila nagkakainteres sa isang babae, kung ba't bigla-bigla nalang nilang kinakausap. Kung akala niya ay mauuto niya ako pwes nagkakamali siya. Akala mo naman kagwapuhan jusko ang feeling! Wala akong mapapala sa gagong iyon. Pagkatapos ng aking shift ay nagbihis rin naman ako. Ramdam ko ang pagod sa buo kong katawan. Sumasakit rin ang aking paa kakalakad kanina. Bago tuluyang umuwi ay dumaan akong muli sa isang bakery para bumili ng cupcake. Alam ko namang tulog na iyon pero matutuwa siya kinabukasan na may pasalubong ulit ako sa kanya lalo na't matagal akong umuwi. Hindi ko nakitang lumabas sa harap si Sir kasama iyong kaibigan niya at mukhang sa likod ata dumaan, deritso sa parking lot. Yayamanin talaga. May sariling kotse at hindi na mamomroblema sa pagcocommute! Pag ako talaga nagka sariling kotse... Pagdating ko sa bahay, ang mga nakakalat agad na mga damit sa sahig ang bumungad sa akin. Sobra na namang kalat at may nakita pa akong bote ng sanmig. Napasimangot ako at ibinaba sa sofa ang aking mga dala saka ko iyon pinagpupulot. Siguro pag nakaluwag-luwag na ako ay maghahire na ako ng katulong. Magkano kaya ang sweldo sa mga ganoon? Eh iyong sweldo ko minimum raw eh, bale 350 araw araw tapos 15, 30 pa makukuha. Gusto ko sanang palipasin nalang ang isang buwan kaso wala ring magagamit dito sa bahay kaya kailangan ko agad iyong sweldo ko.  Nagtungo ako sa kusina at hindi na ako nagulat nang madatnan kong walang hugas ang mga plato roon at di pa naliligpit ang pinagkainan. Noong nandito pa si Papa ay sobrang sigla ni Mama. Madalas ko siyang nakikitang tumatawa at palaging malinis ang bahay lalo na't iyon ang kanyang pinagkakaabalahan habang hinihintay ang pag-uwi ni Papa. Masigla siya noon kumpara ngayon na masyado nang matamlay at halos wala nang ganang kumilos sa bahay. Alam ko namang nasasaktan siya pero sana naman hindi niya pabayaan ang sarili niya. Kahit ako nalang ang magtrabaho para sa aming tatlo... Tumulo ang luha sa aking mga mata habang naghuhugas ako. Ito ang ginawa sa kanya ni Papa. Kahit na nakalaya na ang aking ina sa pisikal na p*******t ay tila sinasaktan parin siya ng aking ama sa loob. Konti nalang ang aking tulog at kailangan ko pang gumising mamayang 5 AM lalo na't may pasok pa ako. Pag nagkataon magmumukha akong zombie. Pagkagising ko ay maaga akong naligo at nagluto ng magiging breakfast namin. Kahit si Lucas ay ginising ko narin at pinaliguan ng maaga bago ako pumasok. Ramdam ko ang simangot niya habang kinukusot ko ang kanyang buhok. Ni hindi siya makatingin sa aking mga mata at tila nagtatampo. "Galit ka ba kasi di ako umuwi ng maaga? Wala kang kalaro?" tanong ko sa maliit na boses na ikinatango niya naman. Tumawa ako at kinurot ang kanyang mga pisngi na agaran ring namula. "Pero may pasalubong akong cake! Tampo ka parin?" Umahon agad ang kanyang mga mata at lumiwanag na ang mukha. "Cake?" tanong niya sa nagpipigil na boses. Tumango ako at ikinalat ang bula sa kanyang parteng leeg. "Yehey..." Unti-unti siyang pumalakpak kaya natawa ako. Binilisan ko ang pagpapaligo sa kanya dahil baka malate na ako pag nawili ako sa pakikipaglaro. Binihisan ko ito at pinaupo na sa harap ng lamesa saka ko narin ginising si Mama para makakain narin. "Ang sakit ng ulo ko..." Reklamo niya habang naglalakad patungong kusina. "Nagluto ako ng mainit na sabaw, Mama. Uminom na naman kayo kagabi?" tanong ko sa kalmadong boses at inasikaso na si Lucas. Umupo siya sa bakanteng upuan at tinitigan ang plato. Naglagay ako ng sabaw at kanin sa plato ni Lucas. Hindi narin naman iyon gaanong mainit kaya hindi na siya mapapaso. Pagkatapos ko iyong gawin ay kumuha rin ako ng bowl at naglagay roon ng mainit na sabaw saka ko inilapag sa harapan ni Mama. "Sinong kasama mong uminom, Ma?" tanong ko. "Sila Lydia. Pinuntahan nila ako rito," sabi niya at dinampot ang kutsara. Naglagay narin ako ng pagkain sa aking plato. Si Lucas naman ay nagsisimula naring sumubo. May iilang kanin pang dumikit sa gilid ng kanyang pisngi na kinuha ko agad saka ko ibinalik ang aking mga mata kay Mama. "At si Lucas?" tanong ko. "Syempre pinatulog ko ng maaga," matamlay niyang sagot at nagsimula nang humigop ng sabaw. Natahimik narin ako at nagconcentrate nalang sa pagkain. Kalaunan ay napunta ang kanyang naninimbang na mga mata sa akin. "Anak... Magkano raw ang sweldo mo?" Ngumiti siya sa akin at tila may pinupunto na iyon. "Minimum pa ako Mama since kakasimula ko lang," sabi ko. "Oh talaga? Sa unang sweldo mo, pwede bang manghingi ako? Bibisitahin ko lang sana ang Papa mo. Dadalhan ko ng pagkain. Kawawa naman iyon doon... di nabibisita..." sabi niya sa kumikislap na mga mata. Gusto ko siyang pagalitan, gusto ko siyang pangaralan, pero ayoko namang sirain ang umaga niya at ang katiting na saya na nakikita ko. Paulit-ulit narin namin kasing pinagtatalunan ang bagay na ito at alam kong palagi lamang nauuwi sa pagtatalo. "H'wag mo nalang pong isama si Lucas," sabi ko. "Bakit? Baka namimiss niya rin si Lucas—" "H'wag na, Ma. Ipapasyal ko si Lucas sa unang sweldo ko. Bibilhan ko siya ng laruan," sagot ko at sumubo. Natikom ang kanyang bibig at sinulyapan si Lucas sa aking tabi saka niya rin naman ibinalik sa akin. "Oh sige... Kahit isang libo lang, anak..." Natigil ako sa pagsubo. "Ma? Hindi ba at masyado iyong malaki? Maggo-grocery pa ako. Magbabayad pa ng tubig at ilaw. At kailangan ko pang mag-ipon para sa utang natin." "Sige na Marione. Minsan lang naman ako susuyo sa'yo. Pagbigyan mo na ako." Inabot niya ang aking kamay at pinisil iyon. Bumuntong ako ng hininga at hindi na umimik. Hindi ko pa nga nakukuha ang sweldo ko ay pinagpaplanuhan agad ni Mama. Tumango nalang ako na ikinangiti niya. Ganado siyang humigop ng sabaw at mukhang binibilang na ata sa kanyang utak ang nalalapit na araw na iyon. "Alam mo, ang mama mo na ang pinaka martyr na kilala ko! Napaka masokista!" ani Eunecia nang mapagkwentuhan na namin iyon sa canteen. "Sinaktan na nga ng pisikal at emosyonal di parin nadadala! Noong nagpaulan ng karupukan sinalo ata lahat ng mama mo! Ang rupok rupok sa Papa mo!" Nailing si Eunecia habang tinuturo pa sa akin iyong hawak na fry. Kinuha ko iyon at isinubo. Humilig ako sa mesa at tinitigan nalang ang palabok ko habang nginunguya. Naiistress ako sa pinaggagawa ni Mama. "Biruin mo? Iyong Papa mo ang rason kaya baon na baon kayo sa utang pero dinaig pa ng bulag ang Mama mo at di man lang nakikita ang kawalanghiyaan ng Papa mo! Eh 'di ba at nahuli mo pa iyong nambababae? Tapos nambubugbog pa ng asawa! Tama lang talaga sa kanya na makulong eh! H'wag niyo na talaga iyong pyansahan!" gigil na gigil na sabi ni Eunecia at kulang nalang ay pumutok ang ugat sa leeg. Nahawakan ko ang bawat ulo ko. Kulang nalang ay sabunutan ko ang aking sarili sa dami raming inaalala. Naiisip ko palang ang pagkakasangla ng aming lupain, ang bahay naming nanganganib naring makuha sa amin dahil sa utang ni Papa ay sasabog na ata ang aking utak. Kung pwede lang talagang tumaya ako sa lotto araw-araw at magbabakasakaling swertehin ako ay papatulan ko na talaga. "Konti nalang mababaliw na talaga ako..." sambit ko at ramdam ang bigat sa aking balikat. "Alam mo may suggestion ako..." ani Eunecia sanhi para umahon ang aking mga mata at salubungin ang kanyang tingin. Ngumisi siya sa akin at kumuha ng panibagong fry. "Ba't di ka sumali roon sa patimpalak sa tv, iyong namimigay ng jacket. Iyak ka roon tas ikwento mo ang buhay mo. Malay mo 'di ba magviral ka tapos maraming maaaawa at dadagsa ang tulong sa'yo!" Tumawa siya ng malabruha at hinampas pa ang lamesa. Napairap agad ako. Sa mga ganoong game show ay 50/50 ang tsansa mong mapili bilang kalahok at manalo sa kanilang mga palaro. Sa dami raming taong namomroblema ngayon, sigurado akong may mas malala pang pinagdadaanan sa akin. At 'tsaka mukhang kaya ko pa namang solusyuan. "Pag no choice na ako ikaw nalang ang ibubugaw ko ha?" sabi ko sa kanya at nginitian ito ng pilit. Napabusangot naman agad siya at umirap. "H'wag mo nga akong isali! Kaya nga akitin mo na iyong boss mo para masolusyunan na iyang problema mo! Sabihin mo bago mo siya pakasalan ay kailangan niya munang tubusin ang lupa, bayaran ang utang at bigyan ka ng maginhawang buhay! Barya lang naman ang mga ganyan sa mga mayayaman. Di nila ikakahirap ang pagwawaldas ng kaonting pera." Mas lalo lamang akong nainggit sa pinagsasabi ni Eunecia. Ang sarap talaga pag buhay mayaman ka eh. Wala kang problema. Siguro ang tanging problema mo lamang ay kung paano uubusin ang pera mo na sobrang dami na. "Ang sungit eh... At parang may girlfriend ata... Ewan ko kung kaano ano niya iyong babae sa frame... At iyong Nana ata na nabanggit ng kaibigan niya." "Imposible rin naman kasing wala iyong girlfriend 'no! Baka may babae rin iyong kinababaliwan kaya di magawang maging mabait sa'yo. Doon ka nalang kasi sa kaibigan niya total mukhang mabait!"  Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Wala akong mapapala sa m******s na gagong iyon, Necia. At puro lang kamanyakan ang alam noon! Naiisip ko palang na makikipagclose ako sa kanya sobrang labag na sa loob ko." "Ano ka ba, Marione! Close siya noong boss mo kaya dapat kinoclose mo rin! Dapat kinukuha mo ang tiwala niya para mas malaman mo ang mga gusto noong boss mo! Di ka nag-iisip!" Umiling iling pa ito at sumubong muli ng fry. Umirap akong muli at iniangat ang aking pineapple juice saka ako uminom. Titig na titig naman si Eunecia sa akin habang ngumunguya. "Feeling ko type ka noong kaibigan ng boss mo kaya madali mo iyong magagamit. Eksperto ka naman sa ganyan kaya madali nalang iyan sa'yo," aniya. Inaamin ko manggagamit ako. Pero naninindig talaga ang balahibo ko sa lalakeng iyon. And he's very annoying! Nabubwesit ako sa pangisi ngisi niya! "Ayoko 'no. Kaya ko namang akitin iyong boss ko sadyang palagi lang talagang epal iyong kaibigan niya," sabi ko habang hinahalo akong palabok. "Bahala ka nga. Basta pag naging kayo ng boss mo irampa mo rito ha! Nang matigil narin iyang mga fans mo kakahabol sa'yo eh wala namang mga pag-asa lalo na iyong engkantong si Jeric!"  Humagalpak siya sa kanyang upuan na ikinatawa ko narin. Isa sa mga masyadong papansin sa akin si Jeric. Simula ata noong nakita ako noon ay hindi niya na ako tinantanan at palagi nalang nagpapapansin. "Ewan ko nga eh. Hindi rin nadidiscourage kahit anong pagsusuplada ko," sabi ko at sumubo. "Syempre maganda ka eh. Buti nalang talaga at biniyayaan ka ng hitsura 'no? Isipin mo, mahirap na nga kayo, baon na baon na sa utang at nanganganib nang mawalan ng tirahan tapos pangit ka pa. Hindi ba at ang saklap ng buhay?" Sumang-ayon naman ako. "Alam mo naman ang mundo ngayon, pag maganda ka ay papaboran ka agad. Maraming nagagawa ang kagandahan. Pwede mong makuha ang gusto mo dahil sa hitsura mo at pwede mong alipin ang mga taong nakapaligid sa'yo dahil baliw sila sa kagandahan mo." Ngumisi ako ng pilya at nahuli pa ang pagsulyap ng grupo ng mga lalake sa akin. Pumalakpak siya at nagawa pa akong bigyan ng fry. Tumawa kaming dalawa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Pagkatapos ng klase ay umuwi na muna ako total mamayang 7pm pa naman ang pasok ko sa trabaho. Nasa may gate palang ako ay narinig ko na agad ang tawanan sa loob ng aming bahay. Hindi nakasara ng maayos iyong gate kaya pumasok nalang ako. Maraming nagkalat na mga tsinelas sa may pinto at mas lalong umingay ang loob. Nandito na naman ata iyong mga kaibigang tsismosa ni Mama. "Mama..." tawag ko nang tuluyang makapasok at nadatnan sila sa sofa habang may mga chichirya naman sa sahig at bote ng inumin. "Oh heto na pala ang anak ko!" ani Mama at may hawak pang baso ng inumin. Nagsilingunan narin ang tatlo niya pang mga kaibigan, ang mga tsismosang mga tambay tambay lang rin sa kanto para kumalap ng balita na pwedeng ikalat. "Grabe... Ang ganda talaga nitong panganay mo, Mercy! Tipo pa naman ito ni Joros, iyong panganay ko!" ani Aling Lydia, isa sa mga batikang tsismosa sa aming Barangay. Ngumiti ako ng tipid sa kanya at hinubad ang aking sapatos. "Saan pa ba magmamana eh sa akin lang naman!" ani Mama, nagmamayabang. "Ako sa'yo ipagkasundo mo nalang sa isang Amerikano nang gumanda rin ang buhay niyo! Madaling magugustuhan iyang si Aioni kasi maganda, makinis, maputi, matangkad!" si Aling Delya na parang daga kung makaputak ang bibig.  "O kaya magmodel ka nalang kaya Aioni? Mas malaki ang sahod sa mga ganoon!" si Aling Rosalie naman. Umiling ako sa kanila at binalingan si Mama na kumukuha pa ng chichirya. "Ma, si Lucas?" tanong ko at iginala ang mga mata. "Ah teka..." Gumala rin ang kanyang mga mata. "Nandito lang iyon kanina... naglalaro. Baka lumabas." "Mama!" hiyaw ko na ikinakurap ng tatlo. "Haynako Aioni! Minsan lang nagsasaya ang Mama mo! Hayaan mo na 'tsaka naglalaro lang naman siguro ang kapatid mo sa labas," si Aling Delya. "Oo nga, Aioni! Depress itong Mama mo kaya nga dinadamayan namin. At mag t-three years old na iyong si Lucas. H'wag mo na masyadong binibaby," si Aling Rosalie. "Uminom ka pa, Mercy... Laklakin mo nang maghilom ang Sylvert sa puso mo," ani Aling Lydia naman na nilagyan pa ng alak ang baso ni Mama. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nagpasyang lumabas. Kinuyom ko ang aking mga kamay at pilit na ikinalma nalang ang aking sarili. Kaya rin ganoon si Mama dahil may mga konsintidor siyang mga kaibigan! Hinanap ko agad si Lucas sa paligid. May mga bata naman sa kalye pero wala siya roon. "Nakita niyo po ba si Lucas?" tanong ko roon sa babaeng nagtitinda ng kwek kwek. "Si Lucas? Iyong gwapo at masungit mong kapatid na lalake? Aba'y oo nakita ko kanina pero bigla nalang ring nawala!" "Po? Saan niyo huling nakita?" "Hmm..." Iginala niya ang mga mata. "Ewan ko nga eh. Nako... Uso pa naman iyong puting van at nangunguha ng mga bata! Baka kinuha na iyong kapatid mo!" aniya sa gulat na boses. "Hindi naman po siguro. Sige salamat..." Saka ako umalis sa kanyang harapan. Iba rin ang bunganga. Di na talaga ako bibili ng kwek kwek niya! Nagtungo ako roon sa gym at nagbabakasakaling napadpad doon si Lucas kaso bigo akong makita siya roon. Saan naman iyon pupunta? Eh wala nga iyong close na bata rito! "Lucas!" tawag ko at kabado na. Ilang minuto na ang lumilipas at kahit ano na ang pumapasok sa isip ko. Napadaan ako sa bahay nila Aling Guring kaya nagbakasakali narin ako roon. Kumatok ako. "Aling Guring! Nandiyan po ba si Lucas?" sigaw ko para marinig nito sa loob. Ilang sandali lamang ay bumukas nga ang pinto. "Oh! Aioni! Akala ko may trabaho ka!" aniya at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. "Oo nandito ang kapatid mo... Nagulat nga ako at pumunta rito! Nawiwili ata siya kakalaro kay Chico!" Tumawa si Aling Guring at sinulyapan si Lucas sa may carpet nila habang hinihila ang tenga noong aso nilang may breed. Tila nabunutan ako ng tinik at wala sa sariling nahipo ang aking dibdib. "Alalang alala ako... Akala ko nasaan na kasi wala sa bahay... 'Tsaka mamayang 7pm pa po eh kasi Wednesday ngayon. sabi ko at huminga ng malalim. Umiling si Aling Guring at dismayado na agad ang mukha. "Ganoon ba? Ang sabi kasi ng kapatid mo 'maingay' raw. Tinatakpan niya pa nga ang mga tenga niya kanina noong dumating iyan dito kaya nahulaan ko agad na baka dumayo na naman iyong mga kaibigan niyang bad influence." "Nandoon nga po..." Bumuntong ako ng hininga at hinaplos ang aking siko. "Ano ba iyang Mama mo napaka pabaya! Purket duguan ang puso ay isasantabi na ang pagiging ina! Kawawa si Lucas at lalong mas kawawa ka dahil ang bata bata mo pa pero ikaw na agad ang tumatayong magulang ng kapatid mo." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at sinulyapan si Lucas na ngumingiti habang nakikipaglaro kay Chico. Nilingon niya ako kaya ngumiti agad ako sa kanya at iwinagayway ang aking kamay. "Hayaan mo Aioni, pwede ko namang tingnan tingnan iyang si Lucas nang hindi ka mag-alala," sabi ni Aling Guring sanhi para maibalik ko sa kanya ang aking mga mata. "Salamat po talaga... Hayaan niyo po babawi rin ako pag nakaluwag-luwag na ako." "Ano ka ba! Wala iyon 'no!" Sumenyas senyas siya at ngumiti sa akin. Ngumiti narin ako at hindi nalang umimik. Kailan ba matatauhan si Mama? Kailan niya ba maiisip na mali na ang pinaggagawa niya? Kailan ba siya magpapaalipin diyan sa pagmamahal niya kay Papa? Kailan siya titigil?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD