You Need Me
Pagkatapos ng klase ay dumeritso na ako roon sa Restaurant na pagtatrabahuan ko. Nagdala nalang ako ng extra at naisipang doon magpalit. Total Martes kaya 4pm ang in ko ngayon. Sayang naman at gagabihin ako ng uwi... Kumusta kaya si Lucas?
Nasa entrance palang ako ay nakasalubong ko agad iyong kaibigan ng boss ko. Nagtama ang aming mga mata. Tumigil siya at sinulyapan ako ng mataman, ang mga mata ay nalaglag pa sa aking dibdib.
"Anong grade ka? Grade 6?" he chuckled wearing his arrogant smirk, a clean and well ironed uniform.
Umangat ang aking kilay. Pinasadahan niya naman ng haplos ang kanyang buhok at tiningnan ang aking uniporme at bumalik muli sa aking dibdib.
"Sa tangkad kong ito? Grade 6?" Mapang-uyam kong tanong.
Tumawa siya at umiling, ang mga mata ay nanginislap na.
"Base on the size of your boob... I think you're a Grade 6 student."
Nalaglag ang aking panga at nanlaki agad ang aking mga mata. W-What? Binase niya sa size ng boobs ko?! m******s talaga!
Gusto ko biglang pumulot ng bato at batuhin ito kaso ipinatili ko nalang kalmado ang aking sarili. Malalagasan lang ako ng buhok pag nagpastress ako sa kanya.
"Saang school 'yan? Public?" tanong niyang muli, tila nakalimutan ang sinabi niya kanina.
Umirap ako at di ito sinagot. Narinig ko naman ang kanyang halakhak sa aking likuran. Nabubwesit na agad ako. At Mukha bang pang Grade 6 ang boobs ko?! Anong iniexpect niya sa isang 16? At isa pa, matangkad naman ako ah? 5'4 kaya ang height ko!
Uminit agad ang aking ulo. Hindi na nga gwapo, m******s at bastos pa!
Binati ko kaagad iyong mga magiging katrabaho ko.
"Magandang tanghali..." Ngumiti ako ng matamis sanhi para magsilingunan ang mga iyon.
"Oh... Ikaw iyong bagong hired ni Sir?" tanong noong babaeng nasa 20's na ata.
Tumango ako. "Yep..."
"Halika. Ipapakita ko sa'yo ang magiging locker at mga damit mo," sabi noong babaeng may suot na name plate na Demi.
Nagtungo kami sa kwarto na tanging employees lamang ang pwedeng pumasok. Hinubad ko ang aking bag at inilagay iyon sa bakanteng upuan.
"Total mukhang kasya naman ito sa'yo, ito nalang. Ang sabi ni Sir kahit saan ka nalang daw ilagay kaya pwede kang tagalinis ng mesa pagkatapos kumain ng mga costumer."
Tumango tango ako habang pinapanood siyang buksan iyong isang locker at may kunin doon.
"Kung masyadong maluwang sa'yo pwede mo namang ipa adjust."
Ibinigay niya sa akin ang isang malinis na uniporme.
"Ah... Mukhang hindi naman ito maluwang," sabi ko na ikinatawa niya ng marahan.
"Sa may parteng dibdib." Itinuro niya ang aking dibdib sanhi para mapatingin ako roon.
Okay... Kaliitan ba talaga? Para kasi sa akin malaki eh. Sakop naman siya ng isang kamay ko ah? Di kasi ako nakapagfoam... Sana pala nagdala nalang ako ng extra kung dibdib ko lang pala ang pupunahin ngayong araw.
Nagbihis rin naman ako. Fit dress ito na above the knee length at may collar ang neckline. May tatlong botones sa parteng dibdib at maganda ang kulay na skyblue. Itinali ko ang aking buhok saka isinuot iyong puting apron sa may bandang beywang lamang. Five star eh kaya expected talaga na maganda rin ang kanilang mga uniporme. Bagay sa akin.
Naglagay ako ng light make-up sa aking mukha. Tiningnan ko ang dibdib ko sa salamin at nadismaya dahil medyo kaliitan nga. Magdadala nalang ako bukas ng foam para medyo magkalaman. Medyo maluwang kasi talaga ang bandang dibdib area, medyo mahangin kasi wala gaanong laman.
Lumabas din naman ako. Kitang kita ko ang malagkit na tingin noong isa sa mga empleyado. Ngumiti ako at nagtungo sa counter.
"Okay lang?" tanong ko habang inaayos ang aking collar.
Tumango iyong Demi ganoon rin ang babaeng nagngangalang Angie.
"Oo okay lang. Ang ganda mo, girl!" komento noong Angie.
Ngumiti ako ng matamis at sinulyapan iyong lalake na tumatango lang rin. So sila ang makakahalubilo ko habang nagtatrabaho ako rito? Edi dapat maging friendly ako...
May ikawalang palapag ang Restaurant at VIP daw iyon. Iyong masyadong rich kid ay doon na ata kumakain. So ang mga rich kid lang, di masyadong maaarte ay dito naman sa ibaba. Mga pa importante naman iyong sa itaas.
"Table 5, Aioni," sabi noong waiter sa akin pagkabalik niya sa counter.
Tiningnan niya ang aking name plate kung nasaan nakalagay iyong Aioni kaya inayos ko pa iyon at tinanguan siya. Kinuha ko ang pamunas at iyong cart nila kung saan ilalagay ang mga plato saka ako nagtungo roon sa sinasabi niyang mesa.
Nagsimula akong magligpit. Maingat ko iyong ginawa para narin hindi mapagalitan sa unang araw ko. Sa kabilang table ay may naghahagikhikan pa ng mga grupo ng mga sosyalista. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang ipinupukol na tingin nila sa akin.
"Sayang at may face sana kaso waitress pala," sabi ng kung sino at humagikhik.
"May mga babae talaga na magaganda but sad to say di biniyayaan ng magandang estado. Poor girl..." At tumawa na ulit.
Sabuyan ko kaya kayo ng tira-tirang pagkain?
Ipinasok ko iyon sa kabilang tenga at sinipa rin palabas. Nahihiya ako ng kaonti pero sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Lucas sa aking isipan ay nabubura nalang ang aking alalahanin.
Hindi naman ako panghabang buhay na ganito. Darating rin ang araw na hindi na ang mesa ang pupunasan ko kundi ang bintana na ng mamahalin kong kotse. Dadating ang araw na hindi na ako pagtatawanan kundi titingalain na. Dadating ang araw na hindi na ako ang tatanggap ng sweldo kundi ako na ang magpapasweldo. At hindi ko na kailangang silbihan pa ng iba dahil sa susunod, ako naman ang sisilbihan ng lahat.
Napangiti ako roon at mas naengganyo sa paglilinis ng mesa. May pumalit rin naman sa akin doon na isa pang empleyado para ayusin ang table settings lalo na't medyo nadisarrange ko pa iyong bulaklak sa gitna.
"Kaya pa?" tanong ng babae sa akin nang ipasok ko ang cart sa malaki nilang kusina.
Tumango ako at nagthumbs-up.
"Ang dali lang naman eh! Di nga ako pinagpawisan!" Tumawa ako.
"Eh isang table pa lang kasi. Maya maya pagtungtong ng alas otso mas dadami ang costumer dito," sabi niya habang mabilis na pinaghuhugasan iyong mga plato.
"Okay lang. Piece of cake," mayabang kong sagot.
"Ang confident ah!"
Ngumiti nalang ako at lumabas muli lalo na't tinatawag na naman ako. Grabe... Ganito kabusy rito!
Paano ako kukuha ng tyempo para landiin iyong boss ko? At teka nga... Nandito ba iyon? Mukhang nasa office niya lang ata lalo na't nandito rin iyong kaibigan niya.
Nakalimang table ata ako sa loob ng 30 minutes. Salitan naman lalo na't marami ring empleyado pero pinagpawisan na agad ako. 6 hours akong ganito lang palagi at wala pang isang oras ay nangangalay na agad ang mga paa ko kakalakad at ang kamay ko kakapunas.
"Lalo na pag weekends, mas maraming tao idagdag pa pag tuwing Sabado!" ani Angie nang mapansin akong nakasandal na sa pader at ramdam na ang pagod.
"Bakit? Anong meron sa Sabado?" tanong ko.
"May mga banda kasi rito. May kumakanta ng acoustic tuwing gabi... Mga gwapo!" hirit niya at kinilig pa.
Ngumiti ako pero di na umabot ang saya sa aking mukha. Di talaga ako magugwapuhan sa isang lalake kung wala akong mapapala. Gusto ko iyong full package eh. Iyong alam ko na may silbi hindi iyong puro mukha lang. Kadalasan kasi sa mga 'gwapo' KUNO nila ngayon ay iyong puro lang tindig pero wala namang kwenta. Basura lang sa lipunan at walang alam kundi mang-akit lamang ng mga babae.
Sinulyapan ko ang pasilyo kung nasaan ang office ni Sir Waytt.
"Uy, may gusto ka kay Sir 'no?" Sinundot niya ang aking tagiliran sanhi para maibalik ko ang aking mga mata sa kanya.
"Masyado bang halata?" Tumawa ako at isinabit ang nalaglag na hibla ng buhok na nakatali sa gilid ng aking tenga.
"Grabe di mo man lang tinanggi! Oo girl halatang halata! Walang babaeng hindi magkakagusto roon! Mapa bata o matanda mahuhulog talaga kay Sir! Lalo na sa ama noon! Hottie!" Nangisay siya sa kanyang kinatatayuan.
Nag-imagine agad ako ng mas manly version ni Sir. Laglag panga na nga ako sa anak ano nalang kaya sa pinagmulan 'di ba?
"Wala bang girlfriend si Sir?" tanong ko nang mahimasmasan.
Umiling siya. "Ewan ko kung meron ba o wala pero babaero rin kasi iyang si Sir kahit nuknukan ng kasupladuhan," halos pabulong niyang sabi at sinulyapan pa ang office ni Sir. Ah... So road to fuckboy rin pala?
"Eh iyong mga pinsa—" Naputol sa kakasalita si Angie nang sumingit ang boses ni George, isa sa mga waiter ng Restaurant.
"Angie, table 10," ani George dala dala ang isang menu.
Nagpaalam rin naman si Angie sa akin para magligpit na. Sinulyapan ako ni Greg habang namumula ang kanyang pisngi kaya pasimple ko nalang iniwas ang aking mga mata sa kanya. Di kita type ah.
Sa tuwing napapadaan ako sa pasilyo kung saan matatanaw ang office ni Sir ay hindi ko maiwasang maisip kung naroon ba siya. Di ba iyon lalabas? Di niya ba kakausapin ang mga empleyado niya? O kaya ay kukumustahin man lang? Doon lang ba siya hanggang sa magsara na ang Restaurant?!
Noong nabigyan ako ng 30 minutes break para kumain ay humirit agad ako sa counter kung ano ang pwede kong magawa makapunta lang doon sa office ni Sir o makita man lang ito.
"Hindi ba lalabas si Sir para kumain?" tanong ko kay Demi na busy sa mga wines sa counter.
"Mamaya siguro. Eh tatawag naman iyon at magpapadeliver ng pagkain sa office niya," sabi niya at ibinalik iyong wine glass sa lalagyan pagkatapos punasan.
Ay.
"Eh paano kung gutom na pala at nakalimutan nang magtawag kasi busy rin siya roon?" tanong ko at sinundan ang mga mata niyang busy sa mga baso.
Sandali siyang natigilan at sinulyapan ako.
"Dalhan ko nalang kaya ng kape?" suhestyon ko.
"Sige... Baka nga gusto ng kape ni Sir," sabi niya at ibinalik ulit sa mga baso ang mga mata.
Naging malapad agad ang aking ngiti at mabilis nang pumasok sa kitchen. Busy ang cook at may iilan ring empleyado na labas masok kakakuha ng mga orders. Lumapit naman ako roon sa isang chef.
"Uh, coffee raw po para kay Sir," sabi ko na ikinasulyap nito sa akin.
"Oh... Ikaw iyong bago?" tanong niya suot ang napakalinis na puting unipormi.
Tiningala ko ang kanyang chef hat saka ako tumango.
"Opo..."
Ngumiti siya sa akin at nagtungo roon sa coffee maker. May kinuha siyang tasa saka creamer at mukhang kabisado na ang kape na ihahanda para kay Sir Waytt.
Ang ipinagtataka ko lang ay dalawa ang inihanda niya.
"Para kanino po iyong isa?" tanong ko.
"Para kay Sir Ken..." tangi niyang sagot habang nasa ginagawa ang buong atensyon.
Sir Ken? Ken? Teka... Sino iyon?
"Sir Ken?"
Tumango siya at inilagay na ang dalawang tasa ng kape sa isang tray.
"Oo si Sir Ken. Iyong madalas kasama ni Sir Waytt," sabi niya at maingat na ibinigay sa akin ang tray.
Ah... Iyong pataygutom na kaibigan ni Sir Waytt. Pinapaboran rin pala iyon dito? Grabe naman pala pag naging kaibigan mo ang isang anak ng Restaurant. Pinapaboran kana rin at pinagsisilbihan... Paano nalang kaya kung naging asawa 'di ba? Baka luhuran na.
"Salamat po." Nginitian ko iyong chef na tumango sa akin saka ako naglakad palabas.
Dapat araw-arawin ko ang pagdadala ng kape kay Sir para naman araw-araw ko rin siyang makita hindi iyong hihintayin ko pa ito bago lumabas.
Nagtungo rin ako sa kanyang office. Pinihit ko nalang ang doorknob at narinig ang usapan ng nasa loob.
"Tingin mo kumusta si Nana roon?" tanong noong kaibigan ni Sir.
Hindi iyon sumagot kaya tuluyan na akong pumasok. Nadatnan ko si Sir Waytt sa kanyang swivel chair na may hawak na frame at tinititigan iyon habang iyong kaibigan niyang nagngangalang Ken naman ay nakaupo at nakahilig ang isang kamay sa mesa. He's just wearing a white polo at medyo magulo ang buhok na akala mo ay sinabunutan ng kung sino na bumagay parin sa kanya.
"Magandang tanghali po, Sir..." sabi ko sa malambing na boses at tinamisan agad ang aking ngiti.
Nag-angat ng mga mata si Sir Waytt sa akin. Nakita ko rin kung paano lumingon iyong kaibigan niya at mabilis akong pinasadahan ng tingin habang nakangisi.
"You didn't knock," ani Sir sa baritonong boses at blangko ang ekspresyon.
Ngumiti ako. "Uh, dinalhan ko pala kayo ng coffee, Sir. Kanina ko pa po kasi napapansin na hindi kayo lumalabas..." sabi ko.
"Oh thanks," sagot noong kaibigan niya at sinenyasan akong ilapag iyon sa mesa.
Hindi ko siya pinansin at ipinatili ang aking tingin kay Sir. Epal.
"I didn't ask for a coffee. Sinabihan kita?" Umangat ang kanyang kilay at tiningnan ang dala kong tray.
Shit grabe... Nakakatiklop naman ang kasupladuhan nito! Kung di lang talaga siya boss ko at di siya mayaman di ko siya pagtitiisan eh!
Ngumiti ako ng pilit.
"Baka kasi busy po kayo at nakalimutan niyo lang kaya po dinalhan ko na kayo," malambing kong sabi.
His friend chuckled. Ang m******s ay nagawa pang suklayin paatras ang buhok at nangingislap na naman ang mga mata.
"H'wag mo iyang pansinin, Miss." Tumayo siya at pinuntahan ako. Kitang kita ko kung paano lumebel ang kanyang mga mata sa aking dibdib nang tumigil siya sa aking harapan.
"Akin na. Ako na ang maglalapag," aniya at hinawakan ang aking mga kamay sa tray.
Mas lalong naging malaki ang kanyang ngisi at hinaharangan na ang kabuuang imahe ni Sir sa harap.
Nagpeke nalang ako ng ngisi at binawi agad ang aking mga kamay roon. Kung susupladahan ko siya sa harap ni Sir ay baka maturn-off lamang sa akin at isiping mataray ako.
Kinindatan niya ako bago tuluyang tumalikod at inilapag na iyon sa harap ng mesa kung nasaan si Sir. Nanatili naman akong nakatayo at sinusundan siya ng tingin.
"H'wag mo nang tanggihan. Nag-effort siyang dalhin ang mga kapeng ito kaya dapat tanggapin natin ng maayos. We should respect her effort, man..." he said huskily.
Oh... Ba't parang may accent ata ang english niya? Hanep ah?
Nakita ko kung paano sulyapan ni Sir iyong kaibigan niyang iniaangat na ang tasa at sumisimsim doon. Umangat pa ang kanyang kilay habang iyong kaibigan niya ay tila makahulugan na ang tinging binibigay.
Umahon si Sir sa pagkakasandal sa swivel chair at ibinalik ang frame sa gilid. Nakita ko agad ang babae roon kasama ang isang batang lalake. Nakangiti ng matamis iyong babae habang ang katabing lalake ay masyadong suplado at nasa babae ang tingin.
Sino iyan? So, may kapatid siyang babae? O baka...
"Pwede mo kaming dalhan ng kape rito araw-araw..." Hinagilap ni Ken, iyong epal na kaibigan ni Sir, ang aking name plate at tiningnan iyon. "Aioni? Tama ba?"
Tumango ako sa kanya at tipid na ngiti ang naibigay.
"
Ah... Baka po ayaw na ni Sir? Pwede po ba?" Tiningnan ko si Sir na nasa cellphone na ang tingin.
"Oo pwede," sagot ng kaibigan niya sanhi para lingunin ko itong muli. Kumindat siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Ang epal ng bwesit na 'to!
"Baka di pumayag si Sir, eh," sabi ko at pekeng natawa.
Tiningnan niya si Sir. "Man, tell her you agreed!"
Tumango lamang si Sir habang wala sa sarili kaya ngumisi muli sa akin ang kanyang kaibigan.
"See?" saka niya binasa ang pulang pang-ibabang labi na nangingislap na kagaya ng kanyang mga mata ganoon rin ang dalawang earring sa kabilang tenga.
"Sige po... Lalabas na ako." Marahan akong yumuko at nagpaalam na.
Pigil hininga kong nilunok ang inis hanggang sa makalabas at tuluyan iyong ibinuga. Bakit ba umiepal siya? Paano ako makakadiskarte ng maayos kung para siyang tuko na palaging dumidikit kay Sir?
Ano bang gagawin ko sa lalakeng iyon nang matigil sa pagiging epal? At napipikon na ako sa ngisi niya! Akala niya ba ang gwapo niya sa paningin ko? Dapat si Sir mismo ang gustong maghatid ako ng kape araw araw sa office niya hindi iyong nakikisawsaw pa ang kanyang kaibigan.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at naglakad na paalis doon. 30 minutes na nga lang ang break ay di ko pa masosolo si Sir dahil mukhang tambay rin ang gagong iyon dito.
But don't lose hope, Marione! Isang araw pa lang naman! Baka bukas ay wala iyang kaibigan niyang epal. Bukas ka nalang ulit dumiskarte.
Bumalik ulit ako sa trabaho. Isang oras nalang ang natitira at out ko na kaya mas tinodo ko pa ang lakas ko para naman sa first day ko ay maiwanan ko sila ng magandang impression sa akin.
"Aioni kailangan ka sa VIP. Akyat ka roon," sabi ni George sa akin nang masulyapan akong nagtutulak ng cart patungo sa kitchen.
Nagtungo siya sa akin at bahagyang inagaw ang cart kung nasaan iyong mga niligpit kong mga plato.
"Ako na riyan. Kailangan ka roon sa VIP," sabi niya at di pa makatingin sa aking mga mata.
Tumango ako at wala nang sinabi. Pinunasan ko ng konti ang aking noo na medyo pawisan na at inakyat ang ikalawang palapag.
Ano kayang hitsura roon? Sa sobrang curious ko ay mas binilisan ko na ang paglalakad ko makarating lamang agad doon.
Pagdating ko sa itaas ay pinagbuksan agad ako ng guard. Nginitian ko siya saglit saka ako tuluyang pumasok.
Lumaki agad ang aking mga mata sa exterior design ng loob. Puro mga couches ang naririto at tanaw na tanaw pa sa transparent nilang pader ang labas kung saan kumikinang ang mga ilaw at citylights sa malayo. Meron pang liblib na hindi transparent ang pader at may mga landscape na mga abstract paintings.
"Aioni!" May kung sino ang tumawag sa akin.
Natigil ako sa kakamasid at hinanap ang boses ng kung sinong pamilyar lalo na't kumukulo na agad ang aking dugo.
Natagpuan agad siya ng aking mga mata. Ang kapal naman ng mukha nitong tawagin ako na akala niya ay close kami at siya ang nagpapasweldo sa akin!
Nagkasalubong ang aking kilay habang tinitingnan siya roon sa couch na inuupuan niya. Nakahilig sa likod ang kabyang mga braso habang nakapatong ang isang hita sa isa na akala mo ay isa siyang hari at tinatawag ang kanyang alipin.
Ngumisi siya at hinaplos ang kanyang pang-ibabang labi. Kunot-noo naman akong naglakad sa kanyang kinaroroonan.
"Bakit?" matigas kong tanong na ikinahalakhak niya.
"Ang lambing mo kanina ah? Where's your soft voice? Naiwan mo narin kasama noong foam mo?" he chuckled at sinuklay paatras ang buhok.
Nanliit agad ang aking mga mata. "Anong foam?"
Nalaglag ang kanyang tingin sa aking dibdib saka niya binasa ang pang-ibaba niyang labi.
"Malaki iyan noong araw ah? Ba't lumiit? Gumagamit ka ata ng foam sa bra mo," sabi niya sa baritonong boses at akala mo ay isang normal na damit lamang ang sinasabi.
"Ang bastos mo! Akala mo ba type kitang fuckboy ka?" deritsahan kong sabi na ikinalaki agad ng kanyang ngisi.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Alam kong hindi. Iyong boss mo ang type mo 'di ba? Iyon ang mas fuckboy."
Nanatiling nakaawang ang aking bibig habang pinagmamasdan siyang hindi nabubura ang nakakalokong ngisi. At sinisiraan niya ba sa akin si Sir?! Akala niya naman madidiscourage agad ako!
"Type mo ang masungit mong boss," aniya at humagalpak.
"So what?" inis kong hinanap ang mga mata niyang nangingislap kakatawa.
"Ba't mo iyon type? Ayaw mo ba iyong kagaya ko? Iyong type ka?" tanong niya sa nakakaakit na boses at tila nanghihipnotismo na ang mga matang mapang-akit at malalim ang tingin.
"Hindi kita type," diretsahan kong sabi at akmang tatalikod nang magsalita siya.
"Wait. We're not yet done talking."
Humarap akong muli at bumuntong ng hininga,halos pigilan ang sariling manggigil sa kanya.
"Close kami ng boss mo. Kung di mo ako pakikitunguhan ng maayos ay hindi mo siya makukuha. Alam mo ba kung anong paborito niya?" Umangat ang kanyang kilay at nanghahamon na ang boses.
Umawang ang aking bibig para sana sagutin ang kanyang tanong kaso napagtanto kong wala rin naman pala akong alam sa kanya, sa boss ko.
Humagalpak agad siya nang hindi ako makasagot at nagawa pang itapon ang ulo sa likod, noong umahon ay sinuklay agad ang buhok.
Ngumisi siya sa akin lalo.
"You need me, Aioni. Di mo makukuha ang gusto mo kung wala ako sa tabi mo," seryoso niyang sabi ngunit lumalabas ang pilyo at nakakaakit niyang ngisi.