Sixteen
"Sobrang sakit na ng heart ko, Belle! Hindi lang 'yung keps ko!" ibinagsak ni Belle ang kutsara at masamang tumingin sa akin.
"Bakit naman kasi 'yong ulupong pa na 'yon ang minahal mo! Girl, malaki lang 'yong t*t* no'n pero walang balls 'yon." Ilang araw na rin simula ng makauwi ako galing sa out of town trip namin ni France. Dumating ang girlfriend n'ya, and of course, pinili n'ya 'yong jowa n'yang mahilig sa ibang t*t* kesa sa akin na loyal sa daks n'ya.
"Mali ko rin talaga, hindi dapat ako nagmahal ng taong hindi pa naka-get over sa taong mahal na mahal n'ya. Malay ko ba kasing babalik pa 'yong malanding 'yon after magpakangkang sa iba, girl, winasak muna ni France ang bataan tapos parang nakalimutan n'ya agad 'yong ginawa n'ya. Sabi n'ya pa sa akin, thank you raw kasi ako ang dahilan kung bakit bumalik 'yong jowa n'ya, mas maganda pa ako ro'n! Tinodo ko na ang lahat, gumiling-giling pa ako!" natatawa na si Belle.
"Gaga, baka hindi sapat! Tsaka marami pang iba d'yan."
"Hindi ko alam, Belle!" sabi ko na suminga pa sa hawak kong tissue.
"Basta ako, nandito lang ako. 'Wag na 'wag kang magpapakamatay, kasi uod lang ang makikinabang sa ilalim ng lupa." Natawa na rin ako sa sinabi nito. Tama naman ito.
••••••••••
"Gabi na, pumasok na tayo sa loob!" sabi ni France. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Hindi man lang sinulyapan ang lalaki at nagmartsa na patungo sa bahay.
"I'm sorry for being insensitive!"
"Puro ka sorry, mababago ba 'yong sakit na nararamdaman ko ng puro sorry lang? Nakakapagod."
"Ca--Lila!" huminto ako at sinulyapan ito. Halatang frustrated na rin ito.
"Kung makabalik tayo sa siyudad, pwede bang ipa-DNA natin ang mga anak mo?" mas lalong nag-init ang ulo sa gagong ito. Humakbang ako pabalik at malakas itong sinapak.
"Idadamay mo pa ang mga anak ko sa kagaguhan mo, hindi pa ba enough na labis mong sinaktan si Carmela, ano? Idadamay mo pa ako? 'Yong mga anak ko?"
"Wala akong gano'n intention! Gusto ko lang makasiguro, dahil kahit paulit-ulit mong itangi na hindi ikaw si Carmela, 'yong puso ko hindi naniniwala. Tang'na!" umiiyak na rin ito."Malaki ang kasalanan ko kay Cara, nahuli lang ako ng kaunti---"
"'Yong kaunting 'yon ang dahilan kung bakit namatay si Carmela na malungkot, hindi kita sinisisi na namatay na s'ya. Pero sinisisi kita dahil namatay s'yang sobrang bigat ng kanyang dibdib sa sakit na idinikit mo sa kanya. Kailan ba matatapos ito? Paulit-ulit na lang ng pinatutunguhan. "
"I-kaw si C-armela!" umiiyak na nitong sabi.
"Sige, paano kung ako si Carmela, sa tingin mo ba tatanggapin pa kita? No, malabo, lalo naman bilang Lila, tanga si Carmela pagdating sa'yo, pero ibahin mo ako France. Sa sobrang dami kong pinagdaanan simula noong bata pa ako, 'yong puso ko, hindi na marunong magmahal." Sabi ko rito.
Tumalikod ako at humakbang na palayo. Pero napahinto ako ng humabol ito, lumuhod at mahigpit akong niyakap mula sa likuran.
"Alam ko na ikaw 'yan, bigyan mo lang ako ng kaunting chance. Kaunti lang, patutunayan ko sa'yo na nagbago na ako, na i-kaw na lang ang laman ng puso ko."
"B-itaw!" humihikbing sabi ko. Kinagad ko pa ang palad ko upang pigilin ang sariling mas lumakas ang pag-iyak.
"Chance lang, Carmela!" pagmamakaawa nito.
"Wala akong maibibigay sa'yo, patay na si Carmela!"
"No! She's not, kay Carmela ko lang naramdaman'yong comfor---"
"Kaya nga eh, ginawa mo s'yang comfort mo. Pero habang pinapanatag ka n'ya sa lahat ng worries mo, sinisira mo naman s'ya. Masaya ka nga, paano naman s'ya noong panahon na 'yon? Sabihin mo sa akin?"
"That's my biggest mistake, Cara!"
"Not just your biggest mistake, habang buhay mong ituturing na pagkakamali iyon. Dahil sinaktan mo ng labis 'yong taong nagmahal sa'yo. Kung makabalik man tayo, asahan mong hindi mo na ako makikita para hindi ka na mahirapan, tanggapin mo na, na wala na si Carmela. Matagal na s'yang wala." Iniwan ko na ito ng tuluyan ng matanggal ko ang nakapulupot nitong kamay sa bewang ko.
Lalayo ako, 'yong pinakamalayong pwesto sa binata.
••••••••
"Ngayon ka pa susuko? Binigyan ka na ng chance ng kuya n'ya." Nakasimangot na sabi ni Belle ng tawagan ko ito. Nanlulumo ako, pagod na pagod ang utak ko na mag-isip pa. Si Belle ang nag-suggest na gawin namin ito. Pero paano ko pa ipagpapatuloy. Kahit anong gawin ko, matigas na talaga ang loob ni Carmela.
Nang malaman ko na magkapatid si Cara at Thomas Arguilla, agad akong nagtungo sa lalaki. Nagmakaawa na payagan nitong sumubok akong muli na i-persue si Carmela. Oras na bumalik kami ng siyudad na hindi ko nababawi ang puso ni Carmela, papatayin ako ni Thomas. Nauunawaan ko naman ito, nauunawaan ko kung bakit lahat sila itinago na buhay pa si Carmela. Kahit pa lahat na ng hint ibinigay ko kay Carmela na alam ko na ang totoo, matigas pa rin nitong itinatanggi na s'ya si Cara.
"Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat na gawin ko, kapag umuwi kami d'yan na hindi kami okay, baka magtago na naman s'ya. Baka hindi ko na naman s'ya makita."
"Tsk, romansahin mo ng bongga, kulang lang si bayo----"
"Bibig mo, Belinda Ligaya!" dinig kong saway ni Paris sa asawa n'ya. Pero ano pa bang bago? Gano'n na talaga ang bibig nito. Sa totoo lang mas malala pa nga si Carmela. Pero base sa nakikita ko rito, malaki ang ipinagbago nito sa loob ng mga taong hindi kami nagkita. Nagpaalam na ako sa kanila, baka kasi mapansin ni Cara na may communication naman pala ako sa abductor namin.
Sinubukan ko s'yang hanapin sa paligid ng kabahayan pero wala s'ya roon. Wala rin sa loob ng bahay kaya sinubukan kong maglakad-lakad pa. Madilim na at tanging liwanag lang mula sa buwan ang nagsilbing tanglaw ko.
"Carmelaaaaaa!" malakas kong tawag dito."Cara!" todo hiyaw ko.
Natigilan ako ng makita ko ito na nakaupo sa paanan ng punong n'yog at nakasaldal sa katawan no'n.
"C-ara!"
"Bakit ka pa sumunod?"
"Umuwi na tayo!"
"Hindi d'yan ang bahay ko!"
"C-ara?"
"Ano pa bang inihahabol-habol mo d'yan? Katawan ko? Fine, gawin mo ang gusto mo hangang sa magsawa ka, tapos kung pwede tigilan mo na ako!" bigla itong tumayo at basta na lang naghubad sa harap ko. Natigilan ako. Hindi ito ang intention ko. Mahal ko s'ya.
"Ano pang hinihintay mo? Hindi ba ito ang kailangan mo?" humakbang ito palapit sa akin sabay sapo sa p*********i ko.
"C-ara!"
"Bakit? Ito naman ang gusto mo 'di ba? Kahit sobrang sakit na, wala ka pa ring pakialam!" sinapo ko ang pisngi nito at mabilis na kinuyumos ng halik. Mahal ko s'ya, mahal na mahal ko. Last chance, kailangan mabuntis s'ya. Para may pagkakataon pa ako na mapigilan s'ya kung sakaling lalayo man s'ya pagbalik namin ng siyudad. Desperado na kung desperado. Pero tang'na, mahal na mahal ko ang babaeng ito. Lahat gagawin ko, mabawi ko lang ito.