Fifteen

994 Words
FIFTEEN "Naghanda ako ng pagkain!" malambing na sabi ng binata. Ano 'to? Piece offering? Sinusundan ko lang ng tingin ang kilos nito, humakbang ito patungo sa coffee table at doon inilapag ang tray. Tirik na tirik na ang sikat ng araw. Panibagong umaga na hindi ko nakikita ang mga anak ko. Sana ayos lang ang mga ito. Tiyak na hindi pababayaan ni Marikit at Kuya Thomas ang mga bata. Pero iba pa rin talaga kapag nasa tabi ko ang mga ito. "'Wag ka ng malungkot, alam kong iniisip mo ang mga anak mo, makakauwi rin tayo." Assurance nito, pero hindi enough iyon para mapanatag ang puso ko. Bumangon ako at lumapit sa pagkain. Hindi na ako nagreklamo kahit mapait-pait iyon. Sayang naman ang effort nito, pero itlog na nga lang hindi pa masarap. Buti pa 'yong itlog ng gago---masarap. Pucha, hindi talaga safe na nasa paligid ang lalaking ito. "You're blushing!" nangingiting sabi nito. Ramdam ko nga ang pag-iinit ng pisngi ko. "Tsk, mainit lang talaga!" inirapan ko ito. "Alam mo napaisip ako, kambal nga kayo ni Carmela, pareho kayo ng nunal sa vagin---" "Gago ka ba!" inis na sabi ko rito. Pati ba naman nunal sa mani ko? Ngunit parang wala lang dito ang nakikita nitong inis na expression ko. "Nagkataon lang ba talaga, o ikaw talaga si Carmela?" ngayon seryoso na ang expression ng mukha nito. "Paulit-ulit na lang tayo, hindi ako si Carmela! Patay na sabi si Carmela!" "Nagkataon lang din ba na pareho kayo ni Carmela ng tunog pag nasasarapan?" inis na sinapok ko ang binata. "Gago! Gago ka!" bahagya itong tumawa at sumenyas na ipagpatuloy ko na ang pagkain ko. "Ang kwento sa akin ni Cara, hindi raw bastos ang bunganga ng lalaking minahal n'ya. Mali s'ya." "Gusto mo bang patunayan kung gaano kabastos ang bibig ko?" nakangising sabi nito. Sumandal pa sa upuan. Ang gaga kong mga mata, tukso ring bumaba ang tingin patungo sa lower part ng katawan nito at ngayon, kahit tiyak kong tulog na tulog pa iyon ay parang may tent na. Tukso, ilayo mo ako sa ahas na alaga ng kupal na ito. "Napakabastos mo talaga!" inis na sabi ko, pero tutok na tutok pa rin ang tingin doon. Mukhang nagising na iyon dahil umangat na talaga ang suot na boxer short. Para akong nauhaw bigla. Manghang pinanood ni France ng damputin ko ang kape at 'di man lang nainitan. Inilapag ko iyon na wala ng laman. Natatawa na ito sa reaction ko. Pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha ko dahil doon. Nag-iwas ako ng tingin. "Carmela!" "Isa pang Carmela mo, pipisain ko 'yang itlog mo!" takot namang napaayos ito ng upo. "Cara!" inis nang tumayo ako. "Sinasagad mo ba ang pasensya ko?" "Nope, iba ang gusto kong isagad sa'yo!" pakiramdam ko lumolobo ang ulo ko sa mga sinasabi nito. Suko na ako, iniwan ko s'ya sa silid. Narinig ko pa ang malutong nitong tawa. Kung sino man ang nagdala sa amin dito, kukurutin ko talaga ang singit n'ya. Hindi ligtas ang puri kong nalipasan na ng panahon. Kailangan kong umiwas sa lalaking iyon. Baka pag-umalis kami sa lugar na ito ay buntis na ako, hindi uso condom sa lugar na ito, lalo pa sa lalaking iyon. "Carmela!" tuluyan na akong napapadyak sa inis. Sinulyapan ko ito, bago humakbang ng mabilis at malakas na sinapak ito. "Tuwang-tuwa ka ba? Nakakasakit ka na alam mo ba 'yon? Kahit patay na 'yong kapatid ko, pangalan pa rin n'ya ang naririnig ko. Pagod na akong mag-effort na irespeto ng mga tao ang existence ko, palagi na lang si Carmela! Palagi na lang s'ya!" "L-ila?" "Patay na si Carmela, pero lahat kayo s'ya pa rin ang hinahanap. 'Yong kuya ko, sa tuwing nakikita kong nakatitig sa akin, malungkot, hindi pa rin n'ya napipigil na tawagin akong Carmela, kahit ilang ulit pang sorry ang sabihin ng mga tao sa paligid ko kapag nagkakamali sila ng tawag, hindi pa rin no'n maiibsan 'yong katotohanan na mas hinahanap nila 'yong presensya ng kapatid ko." Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Kailangan ipaggiitan sa lalaking ito na hindi ako si Cara. Ang hirap na nga ng sitwasyon namin, mas lalo pa n'yang pinahihirap. "I-m s--orry!" humakbang ito palapit sa akin at mabilis akong kinabig payakap. Hindi ko na napigil ang iiyak na lang lahat ng sama ng loob ko. "Mag-isa ako sa Isla, walang kaibigan walang kapatid. Pero kinaya ko para sa mga anak ko, kasi sila na lang ang mayroon ako. Gustong-gusto kong magreklamo pero a-nong magagawa ko? Bago lang nila akong nakilala, ilang buwan pa lang, tapos lalong gumulo ang buhay nila, napahamak si Carmela, ilang ulit ding nalagay sa panganib ang kapatid ko." "W-ala kang kasalanan!" bulong nito sa akin na mas lalo pang humigpit ang yakap. "Napapagod din naman ako, F-rance. 'Yong taong akala ko na makakasama ko sa pagsalubong namin sa mga anak namin ay binawi rin naman sa akin." "I'm sorry, stop crying na." "K-ung ipipilit mo na mailapit ang loob mo sa akin, F-rance, please 'wag na. Masyadong vulnerable ang puso ko dahil sa mga pinagdaanan ko. Kita mo naman, mahina ako sa tukso. Kaya please, huwag mo ng ituloy 'yong ginagawa mo. Paano kung mahalin kita, paano naman ako? Tiyak na masasaktan lang ako kasi hindi naman ako ang nasa puso mo. Pasensya na, advance lang mag-isip. Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko, kasi sarili ko lang ang kaya kong maibigay sa mga anak ko. 'Yong bilang ina sa kanila ang kaya ko lang i-offer!" "I understand, I'm sorry!" inilapat nito ang labi sa aking noo. Man kumalma na ako sa pag-iyak, kumalas ako sa yakap nito at iniwan na ito. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi na ito sumunod. Kailangan ko rin naman kasi ng space. Kahit pa kaming dalawa lang sa Isla na ito, parang ang sikip pa rin para sa aming dalawa. Mas mabuti ng sinabi ko ang mga iyon. Iwas heartaches na rin. Graduate na kasi ako roon, matagal na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD