Chapter One
CHAPTER ONE
"Mama, kelan babalik si Uncle? Matatagalan nanaman po ba? Bakit lagi siyang nagmamadali? Ayaw nya ba tayong makasama?" Sunod-sunod na tanong ng kanyang anak. Nakatanaw sila sa papalayong yate na kinalululanan ng kanyang kapatid na si Thomas.
Hawak niya sa magkabilang kamay sina Hiraya at Halina. Ang kambal niyang anak na parehong babae. Si Hiraya ang masyadong matanong at si Halina naman ay observant.
"Kaalis lang ni Uncle, siguradong matatagalan ang balik niya!" Si Halina ang sumagot sa tanong ng kapatid nito."Diba sabi naman ni Uncle na busy siya sa mga negosyo? Tsaka iyakin si Tal gusto nya lagi nyang nakikita si Uncle!" Sabi pa ni Halina. Pero bumuntonghininga ang apat na taong gulang na bata.
"Tara na sa bahay? Diba gusto ninyong tikman yung niluluto ni Nana Lora na turon?"
"Tara na po, Tara na po! Bigla kasi akong nagutom!" Nakatawang sabi ni Hira na malawak ang ngiti.
"Naku Mama, lagi na lang gutom si Hira? Baka may monster talaga sa t'yan niya!" Sabi ni Hali na bahagyang tinawanan ang kapatid. Mas matanda si Hali ng ilang minuto dito ng ipanganak niya ang kambal.
"Mama, wala po!" Sindak na hiyaw ni Hira na hinimas pa ang tiyan."Monster agad Hali? Diba pwedeng gutom lang?" Nanunulis ang ngusong sabi nito sa kakambal.
"Kayo talagang dalawa, Tara na baka ubusin na ni ate Tala ang niluto ni Nana Lora!" Hawak niya ang mga ito ng humakbang na patungo sa bahay na bato. Sa buong isla ang kanilang tahanan ang pangalawa sa pinakamalaki. Mansion kasi ito ng magulang ni Lila na iniwan sa kanilang magkakapatid. Arguilla ang itinuturing na namumuno sa isla bukod sa pag-aari nila ang isla ang pamilya na kasi ang nagbigay ng maganda at maayos na buhay sa mga nakatira dito. Nagpatayo ang kapatid na si Thomas ng paaralan at nagmula pa sa maynila ang lahat ng guro na ang tinutuluyan ay ang mga cabin na ipinagawa ng kapatid sa kabilang bahagi ng isla. Dahil apat na taon na ang kambal inenroll na niya ang mga ito sa day care na ikinagalak ng dalawa dahil excited ng mag-aral. Parehong matalino at bibo ang dalawang bata at hindi hirap ang mga guro sa pagtuturo sa kanila. Mayroong hotel sa isla na ang lahat ng employee nila ay nakatira mismo sa isla. Trainings and seminars ang nagdevelop sa kakayahan ng mga ito kaya palaging bumabalik ang kanilang mga bisita.
May kuryente naman ang isla ngunit ilang kabahayan lamang ang mayroon at Isa ang mansion roon, hotel, cabin ng mga guro at doctor ng isla, paaralan, clinic at saka ang ilang may sapat na income na naninirahan doon. Plano ng kapatid na ituloy na ang pagpapakabit ng kuryente sa lahat ng bahay sa isla. Pero baka sa susunod na taon pa masimulan.
"Nana Lora! May turon pa po?" Masayang bungad ni Hira sa matanda na napakislot pa sa gulat.
"D'yos mio kang bata ka, muntik ng mahulog ang panty ng Nana sayo!" Natatawang sabi ni Tala na kumakain na ng turon.
"Ate Tala, nagpapanty ba si Nana?"
"Hoy Hali, ba't ganyan ang tanong mo? Syempre naman!" Natawa si Lila na naupo sa kahoy na upuan. Si Tala naman ay umalalay sa dalawa ng maupo ang mga ito sa pwesto nila.
"Nana, anong suot mong panty? May bulaklak? Barbie? Monday, Tuesday?" Takang tanong ni Hira na kagat-kagat na ang turon."Yung panty na suot namin ni Hali, ano bang araw ngayon Mama?" Baling nito sa ina.
"Saturday anak!" Tugon niya.
"Saturday ang tatak Nana, ikaw po?" Tanong nito sa matanda na napailing na lang pero nakuha pa din namang sagutin ang tanong ng bata.
"Flower apo!"
"Oo Hira, hirap na nga magsuot ng panty ang Nana kaya nagpatulong sa akin kanina!" Tatawa-tawang sabi ni Tala sa dalawang bata na seryosong nakikinig kay Tala.
"Mama, kapag old ka na and di mo na mataas ang panty mo! Kami ni Hira ang magtataas--"
"Tama yun Mama, pero never lalabas ng bahay na walang panty Mama kasi baka mahanginan!" Inosenteng sabi ni Hali. Pinigil ni Lila ang malutong na matawa. Saka tumango-tango.
"Oo naman!" Aliw niyang sagot sa kanyang anak.
"Ayy ate Tala, pinapatanong ni kuya Pedro kung may boyfen ka na daw!" Bulol pang sabi nito na ikilaki ng mata ni Tala.
"Boyfen? Hali ano na ba yung sabi ni kuya Pedro?" Tanong ni Hira sa kapatid. Puno pa ang bibig ng turon.
"Hira, don't talk when your mouth is full!" Saway dito ni Hali saka bumaling ang tingin kay Tala.
"Boy---friend, yun pinapatanong nya ate!" Inosenteng sabi ni Hali na muling kumain ng turon.
"Mama, ano yung boyfriend?" Sabi ng Isa sa kambal. Na mabilis namang sinagot ni Tala.
"Boy---friend, lalaking kaibigan bebe!"
"Talaga? Gusto ko din yun!" Masayang sabi ni Hira."Gusto ko din ng boyfriend Mama!" Nanlaki ang mata ni Lila sa anak saka umikot ang tingin kay Tala na kakamot-kamot ng ulo sa gilid.
"Ikaw Mama? Si Ninong Berting, boyfriend mo yun Mama?" Si Hali naman na uminom pa ng tubig pagkatapos magtanong.
"Ay mga bebe, bad word pala yun! Wag nyo ng sasabihin ha!" Sabi ulit ni Tala na lumapit na sa mga ito.
"Ha? Bad word? Hay, ang bad naman ni kuya Pedro nagsasabi siya ng bad word! Hali, mag wash tayo ng mouth dirty na ang mouth natin kasi nagsabi tayo ng bad ate Tala mag wash ka din ng mouth mo para matanggal na yung bad word dyan!"
"Ahay, sige Halina at Hiraya! Dalian nyo---gusto ko pang mabuhay!" Hinila na nito ang dalawang bata palabas.
Iiling-iling namang pinanood nilang lumabas ang mga bata kasama si Tala.
"Pasaway talaga itong batang ito!" Sabi ni Nana Lora.
"Naku Nana, bantayan nating mabuti baka maging ligawin pa dito sa isla! Kailangan ko atang magbigay ng notice na bawal pang ligawan yang batang yan! Malilintikan tayo kay Kuya Thomas!"
"Kelan daw susunduin ni Thomas ang batang yan?"
"Ehh, dito daw tatapusin ang bakasyon---mukhang sakit talaga ng ulo sa maynila!" Sabi ni Lila. Nasabi na sa kanya ng kuya Thomas niya ang problema nito kay Tala. May katigasan ang ulo nito. Anak si Tala ng malayong kamag-anak nila. Akala nga nila sila na lang magkapatid ang natitira dahil wala naman silang nakilala noong nabubuhay pa ang mga magulang nila. Tala Arguilla is adopted daughter of Thomas Arguilla. Hindi kasi nila makukuha ang bata sa ampunan kaya inampon ito ng kanyang kapatid kasama ng asawa nitong si Marikit.