Eighteen

1026 Words
Eighteen Hindi madaling kalimutan ang nakaraan. Pakiramdam ko, kung tuluyan kong aminin dito ang totoo, guguho na naman ako. Masisira na naman. Madaling sabihin ng iba, patawarin mo na. Pero hindi kasi iyon gano'n kadali, kapag pinatawad ko s'ya, inamin ko sa kanya ang totoo, saan pa ako pupulutin, tiyak na hindi ko na naman mapipigil ang sarili kong mahalin ito. 'Yon kasi ang hirap sa akin, marupok ako. Sobra, lalo na pagdating sa lalaking ito. Kung hahayaan ko na isipin nito na okay na kami, tiyak na makakauwi kami sa siyudad. Makakasama ko ang mga anak ko, tiyak na tutulungan din ako ni Kuya Thomas na makalayo. Sinulyapan ko ang binatang naghihilik sa tabi ko. Hindi ko napigil ang napabuntonghininga. Hindi ko rin akalain na aabot sa ganito ang lahat. Marami na ang nagbago sa akin, kahit nga sa pananalita ay nalimitahan ko na. Siguro nasanay ako na kailangan maayos ang pagsasalita, dahil mabilis manggaya ang kambal kong anak. Bumangon ako at nagpasyang maghanda na ng almusal. Napangiwi pa ako nang humakbang dahil sa sakit na naramdaman sa p********e. Hindi tumigil ang lalaki, madaling-araw na kami huminto. Isa pa sa alalahanin ko, ang possibility na mabuntis ako. Naghanda ako ng almusal. Pakanta-kanta pa. Kung mas tatak sa binata at sa mga taong dahilan kung bakit kami narito na okay na ako, mas mapapabilis ang pagbalik namin. •••••••••• "Matagal pa po ba si Mama at si Papa? Miss ko na po si Mama!" sabi ni Hiraya. Niyakap nito ang stuffed toy nito. "Hira, dapat maging patient tayo. Saka uuwi si Mama kasama na ang Papa natin! It's worth to wait!" umupo ako sa tabi ng kambal. "Tama si Halina, worth it naman." "Ninang Belle, akala po talaga namin patay na ang Papa namin. Alam mo po, hindi lang namin sinasabi kay Mama pero alam namin na-mi-miss n'ya si Papa, kasi umiiyak po s'ya sa gabi kapag akala n'ya tulog na kami." Matataas na sabi ni Halina. "Pero Ninang, sasaya naman na po si Mama 'di ba? Pasasayahin na s'ya ulit ni Papa? Hindi na iiyak ang Mama namin?" "Oo naman, basta maging good girl lang kayo. Tulungan n'yo rin ang Mama n'yo na mag-heal sa pain na naramdaman n'ya noon." Sunod-sunod na tumango ang mga ito. Bata pa pero nakauunawa na sa mga sitwasyon. "Nakatutuwang napalaki kayo ng Mama n'yo na mabubuting bata." "Hindi pa po kami malaki, wala pa po kaming boobs!" sabi ni Hiraya na ikinatawa ko. "Magkakaroon din kayo n'yan, soon." ••••••••• "Kain na tayo." Nakangiting bungad ko sa binata. Napangiti naman ito at lumapit sa akin. Ikinulong ako sa mga bisig ko. Walang nagbubukas ng topic, kung ano ang nangyari kagabi. Parang panatag na panatag ito na okay na kami. "I love you!" sabi nito na sinapo ang pisngi ko at hinalikan ang noo. Ngumiti lang ako rito at hinila na ito patungo sa mesa. Anong ine-expect nito? Mag-I love you ako? Neknek n'ya, 'yong daks lang n'ya ang gusto ko sa kanya. Kung pwede nga lang putulin at gawin souvenir. "Kain na tayo." Nagkibitbalikat lang naman ito nang hindi makatanggap nang tugon sa akin. Panay ang ngiti ko rito, kaya mas naging magana ang kain nito. Nang magbukas ito ng topic tungkol sa mga anak ko, sinasagot ko naman ang mga ibinabatong tanong nito. "Kumusta naman sila? Nahirapan ka bang manganak noon?" "Kinaya ko naman, ayos lang sila. Napalaki ko nang maayos." "Wala bang nanligaw sa'yo noon?" "Marami, tuwang-tuwa nga ang mga anak ko noong ipakilala ko 'yong isa." "What? Anong pangalan?" salubong ang kilay na tanong nito. Mabilis tuloy akong napaisip kung kaninong pangalan ang dapat kong banggitin. "Korean 'yon, baka hindi mo rin kilala." Blanko na ang expression ng mukha nito. Tiyak na tulad din ito ng kapatid nito, walang pakialam pagdating sa mga tao sa larangang ng mundo ng television. "Still! Tell me!" "Ji Chang wook." Napabungisngis pa ako na waring kinikilig. Mas lalong nagsalubong ang kilay nito, napabagsak pa ng kutsara na waring nawalan ng gana. "Really? May business ba s'ya? Ipapasara ko." "Oa mo naman, hindi ka dapat nag-re-react ng ganyan, hindi tayo, remember? Never naging tayo." Ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis. "Carmela!" "Lila, call me Lila. Si Lila lang ang kayang humarap sa'yo ng ganito." Natameme ito, kaya muli ko s'yang nginitian. Ang hirap magpakabuti. Kahit gustuhin ko man, hindi ko mapigil na suplahin ito. Napabuntonghininga ito. "Gusto mo bang maglakad-lakad tayo sa dalampasigan?" tanong nito na mukhang gustong ibahin ang usapan. "Sure!" ang sakit na ng panga ko, kangingiti rito. Mukhang hindi man lang ito nakahahalata na pilit lang iyon. Mabulunan sana s'ya. Sabi ko, sunod-sunod naman itong inihit ng ubo. Pinanood ko lang ito, parang tuwang-tuwa pa nga. "T-ubig!" hirap na sabi nito. "Tubig? Hot or cold?" "C-old!" muling inihit ng ubo. "One cup or two cups?" "J-ust one." "Okay!" nakangising sabi ko saka tumayo at kumuha ng tubig. Mabilis nitong kinuha iyon at ininom. Muli n'yang iniabot. "Isa pa?" nakangising tanong ko rito. "Yeah!" "Isa lang?" "Yes!" "Are you sure?" "Please!" mariing sabi nito na ikinsbungisngis ko. Pagkaabot ko ay tinapik ko ang balikat n'ya. "Nawalan na ako ng gana kumain, ikaw na magligpit, hugasan mo na rin ha!" ngingiti-ngiti na sabi ko rito at dali-daling iniwan ito. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa cottage. Kahit man lang ilang minutong malayo rito. Kung magiging marupok ako ngayon, sayang naman 'yong ilang taong pagtangis ko. Bakit kaya naghahabol ito? Nasaan na ba 'yong fiancee nito na mahilig sa iba't ibang klase ng t*ti? Masyadong gahaman sa t*ti si Tanya, gusto sa kanya lahat. Tsk, gahaman ang Gaga. "Tapos na akong maghugas!" nagulat pa ako nang biglang tumabi ito. "Maglaba ka, ilang araw na tayo rito. Nangangamoy na siguro 'yong mga labahan." "H-indi ako marunong maglaba--" "Pwes, matuto ka na!" sabi ko at muling iniwas ang tingin dito. Napabuntonghininga ang binata at tumango-tango. "Okay, I'll wash your undies too, right?" natigilan ako at mabilis na napatayo. Ngunit mabilis na itong tumakbo patungo sa bahay. Gaga, bakit nga ba nakalimutan ko na labahan din 'yon mga 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD