Nineteen
"Mga anak ko, 'wag n'yong iwan si Mommy! Please! Nalulungkot si Mommy rito. Gustong-gusto ko na kayong makasama..." hinabol ko ang mga ito. Basang-basa nang luha ang mukha. Kailan pa sila bumilis sa pagtakbo? Bakit tumatakbo sila palayo sa akin?
"Hiraya! Halina! 'Wag n'yo akong iwan...mga anak ko!" iyak lang ako nang iyak. Gustong-gusto kong putulin ang distansya upang makasama na ang mga ito. Pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing mas bibilisan ko ang pagtakbo ay mas lumalayo ang mga ito.
"Mga anak kooooo..."
Napabalikwas ako ng bangon. Napayakap sa mga tuhod ko at napahagulgol sa sobrang bigat ng pakiramdam. Panaginip lang iyon pero para nang pinipiga ang dibdib ko. Sinulyapan ko si France na mahimbing pa rin ang tulog. Pinahid ko ang luha ko at muling umayos ng higa. Miss na miss ko na ang kambal.
•••••••••••••
"Kinakabahan ako 'pag umuwi na sila Cara, what if, magalit s'ya sa akin, kasi tinulungan ko si France. Love na love ko si Cara." Yumakap si Paris sa akin at hinalikan ako sa leeg.
"Mauunawaan din n'ya ang ginawa n'yo. I am thankful na sumang-ayon ka."
"Pasalamat tayo kay Kuya Thomas, kasi kung s'ya ang hindi sumang-ayon sa idea ng kapatid mo, tiyak kong deadball na 'yon."
"Siguro naisip na rin ni Thomas Arguilla na ito na ang tamang oras para maging masaya ang kapatid n'ya, Belinda Ligaya."
"Pero kung magpakagago na naman 'yang kapatid mo, ililibing ko na s'ya ng buhay." Natawa ito sa sinabi ko mahigpit pang niyakap nito. Pero hindi ko rin napigil ang mapabuntong hininga.
Joke lang naman kasi 'yong sinabi kong dalhin n'ya sa isang lugar na hindi ito makalalayo. Malay ko bang tototohanin nga ni France, with the help of Kuya Thomas. May pa barilan effect pa. Tsk. Kabog na kabog.
••••••••
"I love you!" dinig kong sabi ni France. Nagpanggap lang akong tulog. Nakakapagod makipag-arguement dito. Hindi rin madaling sakyan ang mga trip nito. Pagkatapos nitong maglaba, nakatulog kaming magkayakap. Heto na naman ako, nasasanay sa oras at presensya nito. Kailangan mag-stick ako sa plano kong sakyan ang gusto nito, paniwalain na okay na kami para makabalik na kami sa siyudad. Sa bawat oras na lumilipas, mas lalo akong nananabik na makabalik at makasama na ang mga anak ko. Sila lang ang nasa utak ko ngayon at wala ng iba pa.
Alam ko namang susunod ang mga ito sa kapatid ko. Pero may kakulitan pa rin ang mga iyon, iiyak kapag hindi ako nakikita at may kaartihan. Well, manang-mana lang naman sa akin. Similya lang ni France ang iniambag n'ya sa mga ito. Wala ng iba pa.
Marahan nitong sinuklay gamit ng kanyang kamay ang buhok ko. Panay ang buntonghininga nito.
"Alam kong mahirap magtulog-tulugan, pero kung ito lang ang paraan para mayakap kita ng ganito ng hindi ka umiiwas, it's fine." Hindi ko napigil ang sarili kong dumilat at mabilis na lumayo rito. Malungkot ang naging ngiti nito. Girl, lungkot lang 'yan, kapag nakakita ng basang mani 'yan, tiyak kong liligaya 'yan.
"Nagugutom na ako." Dali-daling tumayo ako at iniwan ito sa silid. Habol ang hininga, mabilis ang tahip ng dibdib.
•••••••••
"Kumusta naman kayo?" excited na tanong ni Belle ng masagot nito ang tawag ko.
"Ayos naman..."
"Tsk, may pregnancy test kit d'yan sa cabinet sa cr ng kwarto, aba'y tiyakin mo kung swak na swak. Kasi sa observation ko sa kanya, iiwan ka pa rin n'yan kapag umuwi na kayo rito. Gago ka, 'wag kang tatanga-tanga. Tiyak kong iiyak ka na namam kapag nag-fly away na naman 'yang bestfriend ko. Tsk, dapat tinanong mo ang asawa ko sa mga strategy!"
"Strategy?"
"Oo! Kung paano maka-shoot agad-aga....." narinig ko ang tili ni Belle. Mukhang hinablot dito ang cellphone nito ng kapatid ko.
"Ano na naman 'yang pinagsasabi mo, Belinda Ligaya? Bibig mo!"
"Bakit ba? Ang damot mo naman pala, gusto ko lang matutunan ni France 'yong mga strategy na ginag..."
"Belinda Ligaya!" frustrated na bangit ni Paris sa pangalan ng kapatid.
"Naku! Arte-arte mo, basta France, bayo kong bayo. Dapat 150% lagi para shoot na shoot..." naputol na ang tawag, tiyak na ang kapatid ko na ang nag-end call. Napabuntonghininga ako at ibinalik sa taguan ang cellphone. Lumabas ako at hinanap si Cara, inabutan ko itong pasayaw-sayaw habang nagluluto ito. Ibinalunbon lang n'ya ang buhok at ang suot at gusot-gusot pa.
Akala ko noon, ang gusto ko 'yong mga babaeng palaging nakapustura. Palaging branded ang gamit at suot, may pinag-aralan at kayang dalhin ang sarili sa harap ng lahat. Pero nagkamali ako, mas gusto ko pala 'yong babaeng mahal ko, walang ibang rason.
"Malapit na ito, maglagay ka na ng plato." Sabi nito. Napangiti ako at agad na tumango. Alam ko namang napipilitan lang ito, pero opportunity na rin iyon upang magkaroon pa kami ng oras dito sa Isla. Kahit alam kong napipilitan lang itong ngitian ako, na makasama ako... Kahit gano'n lang muna. Gagawin ko ang lahat upang bumalik 'yong pagmamahal n'ya sa akin.
"Maliligo ako sa dagat, ikaw?" nakangiting tanong nito. Bumuntonghininga ako saka sumagot.
"Of course, baby!" sabi ko rito. Napangisi ito saka ibinalik ang tingin ginagawa.
"Luto naaaaa!" ngiting-ngiti na sabi nito at naghain na. Ang hirap basahin ng iniisip nito ngayon. Nagising ako kanina ng bumalikwas ito kanina, umiiyak ito. Alam ko kung bakit, miss na miss na n'ya ang kambal.
Durog na durog ang puso ko. Kinapa ko ang pregnancy test kit na kinuha ko sa banyo kanina.
"Gamitin mo ito, uuwi na tayo kapag nakita ko na ang result."
"Result? Anong result ang kailangan para makauwi na tayo?" tanong agad nito.
"Kailangan mag-positive 'yan, bago tayo makauwi." Nalukot ang kanina lang ay maaliwalas na expression nito. Hindi nito gusto ang sinabi ko, pero expected ko na iyon. Mas nasaktan lang ako ng bigla itong ngumiti at tumango.
"Sure!" para akong lalong sinampal, sinasakyan lang n'ya ang lahat ng sabihin ko. Pero hindi na rin ako nagtataka. Ako ang dahil kung bakit s'ya nagkaganito.
Pero syempre, kailangan makasiguro muna ako. Saka ko s'ya i-ta-tame ulit, magsisimula ulit kami. Hindi sa islang ito, kung 'di sa piling ng mga anak namin.