WULFRIC
Pakasalan?? Panagutan oo --- sa sustento, kung akin talaga ang batang dinadala n'ya pero kahit anong bilang ko ay walang tumama. Kung maghihintay naman akong ipa-DNA ang bata pagkaanak ay wala pa rin akong perang pambayad. Magkano ba ang DNA test ngayon? Kinse mil? Baka nga higit pa. Pero ang pakasalan s'ya ay parang mali. Unang una, wala naman kaming steady na relasyon. Purong libog lang ang namagitan sa aming dalawa. Ang pagkakamali ko ay nagtiwala ako sa kanyang naka-pills s'ya.
"Kakausapin ko ang mga magulang ko. Kailangan mo rin ng consent ng mother mo kung sakaling magpakasal tayo."
"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ako pakakasalan?" kunot noong tanong n'ya at may bahid ng inis ang tono ng boses.
Bumuntong hininga ako at napahilot sa aking batok. "Roselle, hindi madali ang pag-aasawa. At isa pa, moderno na ang panahon ngayon. Hindi natin kailangang magpakasal para sa bata. Pwedeng bigyan kita ng sustento at ---"
"Ano? Wulf! Yayariin mo ako tapos hindi mo ako pakakasalan ngayong nabuntis mo ako?" galit n'yang wika sa akin.
Hindi ako umimik at hinayaan s'ya sa mga gusto n'yang sabihin. Kailangan n'yang mailabas ang galit n'ya.
"Nag-enjoy ka naman ah!"
"Roselle, kalmahin mo ang sarili mo. Oo, nag-enjoy ako. Ikaw din naman, hindi ba? Ang sinasabi ko lang, huwag tayong magpadalos-dalos sa pagpapakasal. Hindi solusyon ang pagpapakasal sa pagbubuntis. Isa pa ay pwede namang dalhin ng bata ang apelyido ko kahit hindi tayo kasal."
"Puro ka na lang 'yong bata! Paano naman ako?! Hindi ka ba nag-aalala sa akin?"
"Alam mo sa simula pa lang na wala tayong relasyon. Ikaw ang palaging lumalapit sa akin. Ikaw palagi ang nag-aaya na matulog ako sa inyo. Ikaw ang nagsabi sa akin na naka-pills ka at ayaw mong gumamit ako ng condom. Hindi iisang beses akong nagtangkang gumamit pero palagi mong tinatabig. Ang gusto mo, hubad. Ngayong nabuntis ka, paano mo ipaliliwanag sa akin kung ang sabi mo ay naka-pills ka?" Naiinis na rin ako sa kanya at kung makapagdemand ay akala mo kung sino. Hindi ko naman tatakbuhan ang responsibilidad ko sa bata. Pero napakahirap magpakasal sa isang taong wala kang damdamin at purong s****l lang. Call me an asshole all you want, but it is true. Mas mahal ang annulment kaysa kasal. At hindi pa kasali doon ang bawat oras at araw na miserable sa piling ng isa't isa.
"Naka-pills nga ako. Pero hindi naman one hundred percent ang fine print sa box!"
Napahilamos ako sa aking mukha. "Walang mangyayari kung magbabangayan tayong dalawa ngayon. Kailangan nating pag-isipan ito. Alam mo naman na mahirap lang kami at kung ineexpect mo na mabibigyan kita ng magarbong kasal ay nagkakamali ka."
"At sa tingin mo ay hindi ko alam 'yon? Nakita ko nga ang tinitirhan n'yo. Kapag nakasal tayo ay hindi ako titira doon. It's so yucky!"
Napatawa ako at napailing sa kanya. "Iyan ang sinasabi ko sa iyo. Mag-yucky ka man ng ilang beses, hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral at bukod sa pagtugtog ay wala akong ibang trabaho. Hindi ko kayang umupa ng apartment para sa atin kung iyon ang ipinupunto mo," inis kong sabi sa kanya.
Umismid si Roselle. "May sinabi ba ako na ganoon? Sa amin tayo titira. Malaki naman ang kwarto ko at kasya tayo doon."
"Ineexpect mo na titira ako sa bahay n'yo?? Wow."
Walang mangyayari sa usapan namin kung ganito ng ganito. Hindi ako titira doon kung iyon ang gusto n'yang mangyari.
"Wala naman tayong choice! Hindi ako titira sa barong-barong na tirahan n'yo lalo na sa lugar na ito na ubod ng sangsang!"
Ang mga panglalait n'ya ay tagos hanggang buto at hindi ko alam kung anong uri ng kamalasan mayroon ako para matagpuan ang isang katulad n'ya sa buhay kong ito.
"Kung sakali nga at magpakasal tayo --- KUNG, ibig sabihin ay hindi sigurado at mabuti na ang malinaw, hindi ako titira sa bahay n'yo at hindi ka titira sa amin. Ano pang saysay? Apelyido ko lang ang habol mo?"
"Hindi! Sa amin tayo titira!"
Bumaba ako ng sasakyan n'ya at bago ko isara ang pinto ay kinausap s'ya. "Hindi mo ako mapipilit sa ayaw ko."
"Kahit para sa anak natin?"
"Ginagamit mo ang bata para makuha ang gusto mo. Anong klase kang ina?" Bigla s'yang natahimik. "Umuwi ka na, Roselle. Sabihin mo sa iyong ina ang sitwasyon mo at kapag nakausap ko ang mga magulang ko ay sasabihan kita para makapagharap-harap tayo. Pupunta kami sa inyo para mapag-usapan ang tungkol sa bata. Hindi ko maipapapangako sa iyo na magpapakasal tayo dahil kahit saang anggulo tingnan ay maling magpakasal dahil lang buntis ka. Mag-ingat ka sa pagmamaneho."
Naglakad ako pabalik sa bahay namin at litong lito ang isip ko. Isang aral ito sa akin at hindi ko alam kung paano ko tutuparin lahat ng pangako ko kina Nanay ng hindi pinapabayaan ang pag-aaral at ang bata sa sinapupunan ni Roselle. Kulang ang twenty four hours sa isang araw para gawin ko ang lahat ng kailangan kong gawin. Nang marating ko ang bukana ng papasok sa kalye namin ay puro murahan ng mag-asawa ang narinig ko at sala sa pera ang pinag-aawayan ay pambababae. May mga batang iyak ng iyak habang ang ibang mga paslit ay tumatakbo ng walang sinelas at nagkayat na ang sipon at luha. Amusin at naglaro sa buhanginan. Iyong isa nga ay sinaway ko at kinakain na ang lupa.
Hindi ito ang lugar para magpalaki ng bata. Kaya nga gusto kong ialis dito ang pamilya ko. Nang makarating ako sa bahay ay naroon na si Tatay ay nag-uusap sila ng aking ina.
"Mabuti at nandito ka na," sabi ng aking ama. "Umupo ka d'yan at sabihin mo sa akin ang nangyari. Sa iyo ba ang dinadala ng babaeng 'yon?"
"Ang totoo Tay ay hindi ko alam."
Natahimik si Tatay. "Wulf, matanda ka na. Alam kong hindi mo tatakbuhan ang responsibilidad mo, pero kung hindi sa iyo ang bata ay huwag mong akuin. Mahal mo ba ang babaeng 'yon? Ano bang pangalan n'ya? Pambihira. Ni hindi mo pa s'ya naiipakilala sa amin." Nakita ko si Tatay na pilit kinakalma ang sarili pero ang aking ina ay nanatiling walang imik,
"Roselle po ang pangalan n'ya. Wala kaming relasyon."
"Sinabi ko na sa iyong mag-ingat ka. Iba na ang mga babae ngayon pero hindi ka nakinig. Anong gusto ng babaeng 'yon ngayon?" galit na wika ni Nanay sa akin.
"Pasens'ya na, Nay. Nagtiwala ako sa kanya na naka-pills s'ya. Hindi ko alam kung paanong nabuntis s'ya dahil ilang linggo din s'yang hindi nagpakita sa akin at kahit anong bilang ko ay walang tumama kaya hindi ko alam kung sa akin ang batang dinadala n'ya."
"Ano daw ang gusto n'yang mangyari?"
"Gusto n'yang pakasalan ko s'ya."
"Diyos na mahabagin. Hindi ako makakapayag na magpakasal ka sa kanya lalo na kung wala kayong relasyon, wala kang pag-ibig sa kanya at higit sa lahat --- hindi ka sigurado kung sa iyo ang batang dinadala n'ya. Isang malaking kalokohan 'yan!"