bc

The Billionaire's Seduction

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
mafia
drama
surrender
like
intro-logo
Blurb

No one ever had it easy growing up in the slums surrounding the port of Batangas City.

Pero hindi ‘yon naging hadlang para magsumikap si Wulfric Castiel para bigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga magulang at kapatid. Papasok sa eskwela sa umaga, at tutugtog sa gabi kasama ang banda.

Sino ang mag-aakala na ang isang gabi sa piling ni Roselle ay katumbas ng pagtira sa imp’yerno?

Nang mabuntis niya ito ay napilitan s’yang magpakasal para panagutan ang bata.

His already difficult life became unbearable. Tumigil s’ya sa pag-aaral para kumayod ng triple, pero sa huli ay nagawa pa s’yang lokohin ni Roselle.

Sa paglayo niya ay nakilala niya si London. Kaya pa ba niyang magmahal at magtiwala kung may posibilidad na masaktan s’yang muli?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WULFRIC "Punyeta ka! Lumayas ka sa pamamahay ko! Walanghiya ka!" sigaw ng babae. Kasunod ng tinig n'ya ay pagkabasag ng mga bagay. Maalin sa baso o plato, basta babasagin. "Aray ko!" Mukhang tinamaan ang lalaki ng kung anong ibinato ng babae. Hindi ko nakikita ang pangyayari dahil nadaanan ko lang 'yon dito sa Aplaya. "Natukso lang ako mahal. Palagi mo na kasi akong tinatanggihan. Sorry na." Mayamaya lang ang naririnig kong bangayan ay napalitan na ng mga ungol. Normal na ang mga ganitong eksena at hindi na nakagugulat. Mag-aaway. Magbabati. Magpapakasal. Maghihiwalay. Mangangako ng habambuhay at sa dulo ay maglolokohan. Parang isang pelikula ang mga buhay ng mga tao rito sa amin. Hindi mo na kailangan ng TV dahil doon pa lang sa tsismis at mga ganitong ganap ay quota ka na. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad pauwi sa bahay namin. Alas kwatro na ng umaga at ang mga kasalubong ko ay papasok na sa trabaho. Samantalang ako ay pauwi pa lang galing sa tugtugan at saglit na tutulog para may lakas sa klase ko ng alas otso. Nang makarating ako sa bahay ay tulugan pa silang lahat. Buhay pa ang aking ama at ina, at may isa akong dalagitang kapatid. Katorse lang si Yasmin at ako naman ay twenty-one. Ang akala raw ni Nanay ay hindi na s'ya mabubuntis pa dahil pitong taong gulang na ako noon pero heto nga at nabunsuhan pa ako. Si Tatay ay isang kargador sa pier at si Nanay ay mananahi sa bayan. High school naman ang kapatid ko sa isang public school malapit dito sa amin. Graduating na ako this year ng kursong Business Management at pangarap kong maiahon sa buhay ang aking pamilya. Wala pang singkwenta anyos na ang mga magulang ko pero kapag tinitingnan ko ay para bang sampung taon pa ang itinanda dahil sa pagod sa trabaho araw-araw. Salat man kami sa pera ay masasabi kong lumaki ako sa isang tahanan na puno ng pagmamahal. Lawanit lang ang bahay namin at yero ang bubong. Maliit lang ito at nilagyan lang ng division para may privacy. Ang banyo namin ay nasa labas ng bahay. Sana balang araw ay makaalis kami sa lugar na ito. Pangarap kong mangibang bansa para makaipon kaagad ng pera. Hindi ko na papapasukin sa trabaho ang mga magulang ko at hindi na rin sila mamomroblema sa matrikula ni Yasmin kapag nagkolehiyo ito. Pagkainom ko ng tubig ay nahiga na ako sa sofa namin na yari sa kawayan dito sa salas. May kauting oras pa para makatulog bago magsimula ang klase ko mamaya. *** B'yernes ng gabi at katatapos lang ng set namin nang lumapit si Ryan sa akin. S'ya ang drummer namin at ako naman ay gitarista. Kumakanta rin ako. Kapag naiisip ko, binabalanse siguro ng Diyos ang mga bagay na wala sa atin. Scholar ako sa school pero kailangan ko pa rin kumita ng pera dahil matrikula lang ang nacocover ng scholarship ko. May mga project pa at ibang gastusin katulad ng pamasahe sa jeep at pagkain. Minsan nga ay tubig na lang at chichirya ang kinakain ko. Lamang t'yan din. Mabuti na lang at biniyayaan ako ng boses. At kung sa pagtugtog naman ng gitara, may lumang gitara si Tatay na napulot sa pier. Nakalimutan ng may-ari at hindi na binalikan pa. Ika nga, finders keepers. Ibebenta na sana 'yon ni Tatay pero nakita n'ya akong ginagamit kaya hindi na n'ya itinuloy. Sampung taong gulang lang ako noon at nagrerenta pa ako ng songhits sa tindahan ni Ka Misis. Self-taught sa chord chart at palibhasa mahilig akong kumanta kahit mali-mali ang lyrics ay mabilis akong natuto. "Pare, may naghahanap sa 'yo.” Umiinom ako ng tubig at kunot noo ko s'yang tiningnan. "Sino? Nabayaran ko na 'yong hiniram ko kay Toots ah." Nangutang kasi ako ng isang daang piso last week. Kaibigan din namin s'ya. "Tanga! Hindi si Toots. Babae ang naghahanap sa 'yo. Sexy. Medyo hindi lang kagandahan pero okay lang. Mas maganda ka pa." Bumunghalit si Ryan ng tawa. "Tarantado ka. Sabihin mo wala ako." Hindi ako interesado. Nagkaroon din naman ako ng mga flings. At kung s*x din lang ay hindi ang babaeng ito ang una. Napatampal sa noo si Ryan at hindi ko alam kung bakit. "Ano ba ang—" "Wala ka? So bale aparisyon ka ngayon?" tanong ng isang babae. Kaagad akong napalingon at tumambad sa akin ang isang babaeng hindi nalalayo sa edad ko. Maiksi ang buhok at maganda ang bihis. Kahit hindi kita ang cleavage ay masasabing malaki ang hinaharap, maliit ang baywang at tama lang ang hips. Sexy nga s'ya at lalaki lang ako para maakit sa kanya. "Pasens'ya na. Pagod kasi ako at—" "Aayain lang sana kitang magkape bago ako umuwi.” Hihingi sana ako ng dispensa sa ginawi ko kanina pero pinutol na n'ya ang sasabihin ko. "I have a car with me. Ihahatid na rin kita sa inyo pagkatapos." Wow. Mukhang may kaya ang isang ito at sigurado akong hindi s'ya taga-Aplaya dahil hindi ko s'ya namumukhaan. "Sige. Magpapaalam lang ako sa mga kasama ko." *** "Ahh!" ungol n'ya nang isubo ko ang n****e niya. Daig ko pa ang may bolang kristal dahil nahulaan ko na may mangyayari sa amin. Bumili s'ya ng kape namin kanina pero nanatili kami sa kotse n'ya. Noong una ay nagkukwentuhan lang kami hanggang sa hinalikan n'ya ako at ngayon ay nakaupo na s'ya sa kandungan ko. Nandito kami sa lookout at dahil madaling araw na ay wala ng tao sa paligid. Tanging city lights lang ang tanglaw at ilang malalayong poste. Sarado ang bintana ng kotse at mabuti na rin 'yon dahil maingay s'ya. "Wulf!" Halos ipagduldulan n'ya ang mukha ko sa dibdib niya. Nagsimula s'yang gumalaw at ikiniskis ang sarili n'ya sa akin. Ramdam ko ang pagkabuhay ng aking p*********i lalo na at agresibo s'ya. Tuluyang tinanggal ni Roselle ang kanya bra kasunod ng kanyang pantalon hanggang sa matira na lang ay panty— kung matatawag nga na panty ang g-string. Unang lapat pa lang ng daliri ko sa ibabaw ng maliit na saplot ay basa na s'ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook