(LUCAS) "IT'S good to see you tonight, Hija. You look stunning! Wonderful! Kung ako ang tatanungin ay pinakamaswerte ngayong gabi ang ka-date mo," wika ni Dad at tumingin sa akin. Marahang natawa si Angelica. Halatang nasiyahan ito sa sinabi ni Daddy. Hindi naman ako nagkomento. "Thank you so much, Tito. You, too, look gorgeous. Parang nakakatandang kapatid ka lang nina Markus at Lucas." Si Daddy naman ang tumawa sa papuri ni Angelica. My brows raised in boredom. This is one of the things I hate most in a gathering like this. Kung sino ang magkakaharap ay sila-sila ang nagpupurihan. "By the way, Hija, how are your parents?" tanong ni Dad kay Angelica. "They are good, Tito. Mom is now back in California to be with Dad." "Of course. At tiwala naman sila na iwanan ka dahil nandito