MY grip tightened around the steering wheel of my car. Bahagya pang nanginginig ang mga kalamnan ko. Thankfully, mas maluwag na ang kalsada sa mga oras na 'yon dahil kung hindi ay malamang makaaksidente na kami sa maya't mayang pagpikit ko at pagbuga ng hangin, parte ng pagpapakalma ko sa sarili. "... Well, I never thought I'd doubt you... Am better off without you... More than you, more than you know.." I shook my head. Jessie is so loaded. Hindi siya 'yong tipong hindi na makagalaw sa kalasingan. It's actually the opposite. Ang likot-likot niya sa kinauupuan na hindi makalma at sa pananalita pa lang niya ay halatang wala siya sa sarili. Siguradong titigil lang ito kapag nahulasan o kaya ay kapag napagod at nakatulog. "...I'm slowly getting closure... I guess it's really over...I'm f