NATAHIMIK si Ate Cora. Gabi at nasa kwarto ko kaming dalawa para mag-usap. Sinabi ko sa kaniya na alam na ni Lucas ang tungkol sa pagbubuntis ko, pero ang alam nito ay ipinalaglag ko ang bata. "Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit naniniwala siya na ipinalaglag ko ang bata," dagdag ko at tumingin kay Ate Cora. Nasa mukha pa niya ang gulat. Nahinuha kong may alam siya kung bakit ganoon ang impormasyong nakarating kay Lucas. "Ate, magtapat ka nga sa akin. May iba pa bang nakaalam na nagbuntis ako maliban sa ating dalawa?" Hindi siya agad nakasagot. Maya-maya pa ay tumango siya. "N-nabanggit ko iyan kay Pablo... noong kasalukuyang itinatago ka namin ni Ma'am Katarina," pag-amin ni Ate Cora. Malalim at marahan akong nagbuga ng hangin. Para bang may mabigat sa dibdib ko na kailangan kon