Chapter 6

1515 Words
SOBRANG bilis ng mga pangyayari. Tila isang kasapmata lang ang dumaan at nakita ko na ang sarili ko na nakahiga sa kama at nadadaganan ng mainit at hubad na katawan ni Lucas. Wala na rin akong suot maliban sa panty ko. Tuluyan nang nahubo ang maluwag kong palda habang ang kamiseta at bra ko naman ay hindi ko na gaanong maalala kung paanong nahubad sa aking katawan. Dahil bahagya akong nahimasmasan, tinangka kong takpan ang dalawang umbok ng dibdib ko sa hiyang naramdaman. Maagap naman si Lucas. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inipit sa aking ulunan. Bumaba ang ulo niya at isa-isang tinikman ang dalawa kong s*so. Isa-isa rin niyang isinubo at sinupsop ang mga tuktok niyaon dahilan para mangisay ako at mawala na naman sa aking sarili. Walang usapan na namagitan. Pinanood ko na lang si Lucas nang hugutin niya ang natitirang panloob ko at pagkatapos ay pinabuka ang aking mga hita. Maaaring dukha kami na naninirahan sa bundok, pero hindi ako mangmang na hindi alam kung anong nagaganap. Marami na rin akong nabasang kwentong romansa na may mga ganitong eksena kaya kahit wala akong karanasan ay alam ko kung anong gusto ni Lucas na mangyari sa aming dalawa. Na inaamin kong gusto rin ng puso at katawan ko na mangyari ngayon. "I know this will hurt you, but I need you to bear with me. Alright, baby?" Tumango na lamang ako. Subalit kahit anong salita pa o kahit paano ko ihanda ang sarili ko ay hindi talaga maiiwasan. Sa unang pagpasok pa nga lang ni Lucas ay rumehistro na sa isip ko ang sakit. At wari ko ay hinahati ang aking katawan nang ibaon na niya sa akin ang mahaba niyang pagkal*lake. "Sshhh... it's okay. You'll be fine..." Kahit anong lambing ng boses niya, at kahit sikapin kong ipakita na ayos lang ako ay hindi ko pa rin napigilan ang mapangiwi at mapabulalas ng daing dahil sa matinding hapdi. Sakit na tiniis ko nang husto at kalaunan ay nakasanayan ng aking katawan kaya naman sa mga sumunod na sandali ay buong laya at sigasig na lang na umiindayog sa ibabaw ko si Lucas kasabay ng mararahas niyang ungol habang sinasambit ang pangalan ko. Kabaligtaran sa aking mga nababasa, hindi ako nakatulog ni isang segundo pagkatapos ng p********k namin ni Lucas. Mulat na mulat ako habang nakatitig sa kisame at nakikinig ka tikatik ng ulan sa babasaging bintana ng kwartong iyon na siyang saksi sa pagkakaloob ko ng aking sarili sa lalakeng natutulog sa aking tabi. Gising na gising ako habang si Lucas naman ay tila mahimbing ang tulog. Payapa ang paghinga niya. At kahit sa pagtulog ay napakagwapo pa rin niya at hindi nakakasawang pagmasdan. Pinigilan ko ang sarili ko na hawakan siya sa mukha. Hati ang kalooban ko kung gigisingin ko ba siya o ano para mag-usap man lang kami. May mga agam-agam ako. Isa pa, aminin ko man o hindi ay naeengganyo pa akong balik-balikan sa isip ang mga nangyari sa amin. Hindi talaga ako makapaniwala. "Jessie." Nauntag ang pag-iisip ko. Nagising na pala si Lucas at nakangiti na ngayon habang nakatunghay sa akin. "Bakit hindi ka natutulog? Hindi pa kita iuuwi. Hintayin na nating humina ang ulan." "H-hindi kasi ako...makatulog." Umangat ang mga kilay niya. Napansin kong mas pumungay pa ang mga mata niya. Nakatulog siya, pero ilang minuto lang naman. Wari ko ay nagpahinga lang dahil siya itong masigasig kanina. Tumagilid ng higa si Lucas. Hinila niya ako at ikinulong sa katawan niya . Hinalikan niya ako sa pisngi. "I'm going to court you," aniya. "We will go out in public dating. Okay ba sa iyo?" Natahimik ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa tanong niya. Mas higit pa nga roon ang nangyari sa amin kaya bakit hindi ko gugustuhin na lumabas kami at mag-date? Pero sa totoo lang ay mas gusto kong malulula sa takbo ng mga pangyayari. Ang daming tanong sa isip ko. Totoo bang interesado sa akin si Lucas? At pagkatapos ng namagitan sa amin ay liligawan niya pa ako? "Lucas..." "What, Jessie? You want to say something?" Lumunok muna ako dahil sa biglang pag-ahon ng kaba. "M-mahal kita..." Ngumiti si Lucas. Hinagod niya ng tingin ang buo kong mukha at saka ako tinaniman ng madiin na halik sa mga labi. "Sure you do." ---------------------------------------------------------------------------- "SAAN ka galing?" Halos mabitiwan ko ang mga dala ko dahil sa gulat. Ilang hakbang na lang ako sa pinto ng aming kubo. Nalingunan ko si Ate Cora na magkakrus ang mga braso sa harapan at may pagdududa ang tingin habang lumalakad palapit sa akin. Halatang inabangan niya ako. "Parang nakakita ka ng multo. Saan ka nga galing? Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Bahagya akong sumimangot. "Saan pa ba ako galing kundi sa pagtitinda? Nakita mo naman siguro itong mga dala ko." "H'wag ka ngang pilosopo, Jessie. Alam kong nagtinda ka, pero hindi ka naman inaabot ng gabi diyan. So bakit ngayon ginabi ka?" "Inabutan ako ng ulan sa daan," katwiran ko na may katotohanan naman. "Kaya... 'yon na nga. Nagpatila muna ako bago umuwi." "Kanina pa naghihintay sa'yo si Mamang. Tanong nang tanong sa akin kung may iba ka pang pinuntahan. Ang sabi pa nga, hanapin daw kita. Sundan daw kita." "Hinanap mo'ko?" "Siyempre, hindi! Bakit ko naman papagurin ang sarili ko? Si Mamang lang itong praning. Iniisip yata na nakipagtanan ka na." Kinabahan ako sa sinabi ni Ate Cora. "B-bakit naman 'yon iisipin ni Mamang? Alam niyang... w-wala pa akong nobyo." Magkakaroon pa lang. At kung hihingin ng pagkakataon, handa naman akong ipaglaban ang relasyon namin ni Lucas kay Mamang. "Malay ko ba! Puntahan mo na nga lang si Mamang para makita ka na." Inabutan ko sa kusina si Mamang at naghahanda ng hapunan. Agad siyang lumingon nang maramdaman ang pagpasok ko. "Hay, salamat naman at nakauwi ka na! Bakit ba ginabi ka nang bata ka?" Sinabi ko ang kaparehong dahilan na sinabi ko kay Ate Cora. "Pasensiya na ho. Naabutan kasi ako ng ulan sa daan. Kinailangan kong magpatila muna bago umuwi." "Kung saan ka na inabot ng tanghalian. Kumain ka man lang sana. Sinabi ko naman sa'yo na pwede mong bawasan ang pinagbentahan mo ng kakanin para makakain." "Oho, Mamang, kumain ako kanina. Hindi ako nagpalipas ng gutom." Hindi nga dahil kumain ulit kami ni Lucas bago umalis ng farmhouse. "Mabuti naman. Sige, magpalit ka na ng damit at maghahapunan na tayo." "Busog pa ho ako, 'Mang," sabi ko at inabot kay Mamang ang buong halaga ng pinagbentahan ko ng kakanin. Tinanggap niya iyon kasabay ng nagdududang tingin sa akin. "Ah, may nanlibre ho ng meryenda sa akin kanina. Saka.. mabigat ho sa tiyan... 'yong kinain ko," pagdadahilan ko. "Magpapahinga na ho ako, 'Mang." Maaga akong nahiga nang gabing iyon hindi para matulog kaagad kundi para balikan sa alaala ko ang mga nangyari sa amin ni Lucas. Kanina pa nga siya pumapasok sa isip ko. At kung hindi ko lang kaharap si Mamang ay malamang na para akong timang na napapangiti nang walang dahilan. Katulad na lang sa sandaling iyon. Nakangiti ako habang nakatingin sa lumang plywood na siyang pinakabubong ng kwarto naming tatlo. Hanggang sa mga oras na iyon kasi ay hindi ako makapaniwala. Hindi na simpleng pagkikita at usap lang ang namagitan sa amin ni Lucas. Hindi ko lang siya basta nakasama. Ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi lang isang beses kaming nagtalik kundi tatlo. Sa katunayan ay ramdam pa ng ilang parte ng katawan ko ang pag-iisa namin. May nangyari na sa amin ni Lucas. Kailan lang kami nagkakilala, pero heto na agad. Kinalimutan ko kung sino ako at kung sino siya. Isinantabi ko ang bilin ni Mamang na h'wag akong makikihalubilo sa mga kauri niya. Sinira ko ang pangako ko sa sarili kong pag-aaral lang muna ang aatupagin at saka na ang pag-ibig. Parang naging ibang tao ako bigla na nalimutang gamitin ang utak. Totoo nga pala. Nakakapagpawala ng katinuan ang pag-ibig. Gayunman, hindi ako nagsisisi ni katiting. Nagi-guilty lang ako dahil may itinatago ako kay Mamang, pero wala ako ni kaunting panghihinayang. Masaya pa nga ako. Na sa sobrang saya ay hindi ko na gustong isipin ang mga magiging problema kung sakaling malaman ni Mamang ang tungkol kay Lucas. Mahal ko na kasi talaga siya. ...I'll see you on Monday, Jessie. Bawal kang umabsent dahil hahanapin kita... Parang panaginip, pero malinaw na sinabi iyon ni Lucas kanina bago niya ako hinayaang isuot muli ang mga damit ko. Inihatid niya ako pauwi. Nagpababa nga lang ako roon sa daan kung saan niya ako dati nang ibinaba noong unang beses na akong inihatid. Hinalikan pa niya ako nang ilang ulit bago ako tuluyang pinababa ng kotse. At tila may pakpak ang mga paa ko habang paakyat ng bundok para umuwi. Araw ng Linggo. Halos hilahin ko ang mga oras. Excited ako sa kinabukasan dahil nangako ako kay Lucas na magkikita ulit kami. Iyon ang inaasahan ko. Sa isip ko, hahanapin agad ako ni Lucas kaya para maging mas madali sa aming dalawa ay hindi na ako nagdalawang-isip na sadyain na siya sa building nila pagpasok ko sa universidad kina-Lunesan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD